Bharbie's point of view. Natapos na akong maligo kaya naisipan kong tumambay muna sa gilid ng pool. Tinignan ko si Vince na papalapit saakin ngayon. Nginitian niya ako na parang may kakaibang binabalak. "Napakagaling naman palang lumangoy." "Ano nanaman bang ginagawa mo rito?" "Masama bang puntahan ka, Young lady?" sabi niya bago tumabi sa akin. "Stop calling me Young lady. Gusto mo bang ibunyag ako?!" inis kong sabi. "Of course not. Bakit 'di ka sumasali sa olympics?" "Ayoko," "Gusto mo isali kita?" "No way!" "Yes way." "Ayoko nga. Ano ba kasing ginagawa mo rito?" "Magsisigarilyo sana ako kaso habang naglalakad nakita kitang lumalangoy kaya naisip kong panoorin ka muna," "Nakakatuwa naman na nakuha ko ang atensyon mo," Umahon na ako kaagad sa pool at titig na titig siya sa ka

