Chapter 3

3102 Words
BUSOG pa si Bainisah kaya habang nagsisikain ang mga crew niya ng pizza ay nagpaalam siya sa mga ito na maglalakad-lakad saglit. Ang alam kasi niya ay may magandang park na malapit doon. May security personnel na ibinigay si Mayor Sombrano habang nasa Naujan sila pero sinabihan niya ang mga ito na magpaiwan na dahil kaya na niya ang sarili niya.                  Naaliw siya sa pamamasyal sa park. Naujan Park was well- preserved. Preskong-presko ang hangin, matatayog ang mga puno, at namumukadkad ang mga bulaklak—kagandahang hindi makikita sa Kamaynilaan. Malawak ang park kaya umikot pa siya para makita ang kabuuan niyon. Nagbabalak siya ng isang programa na may temang local travel. Kapag natuloy ang proposal niya ay isa ang Naujan sa ipi-feature niya. Abala siya sa pagmamasid sa park nang bigla siyang sabayan ng isang lalaki. He appeared out of nowhere. Halos manigas ang buong katawan niya nang maramdaman niya sa tagiliran niya ang isang matigas at malamig na bagay. Alam na niya kung ano ang ibig sabihin niyon. Nasa panganib siya. “Huwag kang magkakamaling sumigaw o kumilos nang hindi ko magugustuhan, Gandamato. Hindi ako magdadalawang-isip na itumba ka rito ora mismo,” wika ng lalaki sa kanya nang lingunin niya ito. Nanlamig siya nang makilala niya ang jacket na suot nito. Ito ang lalaking tumawag ng atensiyon niya bago ang interview. Base sa hitsura nito ay ito ang klase ng taong hindi gagawa ng mabuti sa kapwa. Malamig kasi kung tumingin ang mga mata nito. Kinakabahan man ay pinanatili pa rin niyang kalmado ang sarili. Kailangan niya iyon para maka-isip siya ng paraan kung paano matatakasan ito. She subtly scanned the area, looking for the possible people who could help her. Pero wala siyang makita na sa tingin niya ay may kakayahang makatulong sa kanya dahil halos mga babae ang mga iyon at karamihan pa ay may mga batang akay. Ni wala rin siyang makita ni anino ng kahit isang pulis. Masyadong delikado kung gagawa siya ng isang maling hakbang dahil sigurado siyang puwedeng malagay sa panganib hindi lang ang buhay niya maging ng ibang mga tao sa paligid niya. “Ano’ng kailangan mo sa akin?” tanong niya rito. She was biding time para makaisip ng paraan kung paano lalansihin ito. “Maglakad ka lang,” utos nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Sa kabila ng nerbiyos na pilit itinatago ni Bainisah ay nagsimula na rin siyang lumakad kasabay nito. Sana ay makahanap siya ng pagkakataon para matakasan ito. Nasisiguro niyang kapag hindi siya nakatakas ay paglalamayan siya bukas. Oh, God, please help me… dasal niya. Wala pa rin siyang makitang pagkakataon para tumakas. Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng oras. Hanggang sa makakita siya ng motorsiklo na pumarada malapit sa sasakyang tinutumbok nila. Ewan niya pero sa tingin niya ay iyon na ang hinihintay niyang tagapagligtas. Ang problema, paano niya maipaparating dito na nasa panganib siya gayong normal ang kilos ng lalaking katabi niya? Isang maling kilos niya ay siguradong puputok ang baril na nasa tagiliran niya. Naisip niyang senyasan ang nasa motorsiklo pero nakatalikod ito sa kanya. Nawawalan na siya ng pag-asa lalo na at pinaandar na uli ng lalaki ang motorsiklo nito. Pero ganoon na lang ang pagkasorpresa niya dahil pagharap ng lalaking nakamotorsiklo ay umalingawngaw ang isang putok ng baril. She froze. Hinintay niyang maramdaman ang sakit na dulot ng balang bumaon sa kanyang katawan. Subalit sa pagkamangha niya, ang lalaking nagtatangka ng masama sa kanya ang bumulagta sa lupa. Natutop niya ang bibig niya nang makitang sa pagitan ng mga mata ang tama ng lalaki. It was a fatal shot. Bago pa siya makakilos ay nasa tabi na niya ang nakamotorsiklong lalaki. “Tititigan mo pa ba siya o sasakay ka na sa motor ko?” bakas ang iritasyon sa tinig na sabi nito. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa suot na helmet. Hindi rin ito tumitingin sa kanya. Nasa tapat na niya ang bakanteng upuan sa likuran nito. Noon niya napansin na nagsipulasan na paalis ang iba pang namamasyal sa park dahil sa putok ng baril. Bagaman natitilihan pa rin ay sumakay na siya sa motorsiklo nito. Muntik na siyang malaglag nang paandarin agad nito ang motorsiklo. Napayakap tuloy siya rito na wala sa oras. Sa kabila ng malakas na dapyo ng hangin sa kanya ay nanunuot sa ilong niya ang lalaking-lalaking amoy nito. Halatang mamahaling pabango ang gamit nito. Hindi niya alam kung dala lang ng malamig na hangin ang paninindig ng mga balahibo niya o iba ang epekto sa kanya ng amoy nito. Who was this man? Kung sinuman ito ay nakasisiguro siya na bihasa ang lalaki sa paggamit ng baril. Asintado ito. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang tumigil ang motorsiklo. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya natanggal agad niya ang mga braso niyang nakapulupot sa baywang nito. Naglabas ito ng cell phone at nakipag-usap sa tinawag nitong tinyente. Mukhang inilayo muna siya nito sa lugar bago nito ipinagbigay-alam ang nangyari sa park. He spoke with so much authority. Buong-buo ang boses nito na kababakasan ng katatagan at katapangan. Kapagkuwan ay tinapos na nito ang pakikipag-usap sa cell phone pagkatapos ay bumaba ito ng motorsiklo at humarap sa kanya. Hindi niya alam kung bakit tila pumitlag ang puso niya nang tuluyang matunghayan ang mukha ng kanyang tagapagligtas. He was very handsome! Para itong isang action hero. Matangos ang ilong nito. His lips were firm and his jaws were prominent. His eyes were looking fierce and there was something mysterious about how he looked. Medyo kulot ang buhok nito na lalong nakadagdag sa kakaibang appeal na mayroon ito. May katangkaran din ito at nakaka-intimidate ang presensiya nito. He was every inch a man! Higit sa lahat, mas guwapo pala ito sa malapitan! “Captain Vladimir Mondragon!” bulalas niya. Sino ang hindi nakakakilala sa ubod ng guwapong sundalo na nakikipagpaligsahan sa kasikatan sa kapatid nito na si Alexander Mondragon na isa sa highest-paid model sa bansa? Palaging nadidikit ang pangalan nito sa kapatid. Sikat din ito at hindi pahuhuli sa kapatid pagdating sa pisikal na hitsura. Parehong nag-uumapaw sa kaguwapuhan ang dalawa. Gayunman, may-pagkasuplado ito at ilag sa press. “Ibabalik ba kita sa mga kasamahan mo? Pero kapag nagkataon ay hindi ko matitiyak ang kaligtasan mo, Miss Gandamato. Maaaring hindi nag-iisa ang nagtatangka sa iyo,” wika nitong ni hindi ngumingiti. “W-what do you suggest?” Bumuntong-hininga ito. “I suggest, paunahin mo na paluwas ng Maynila ang crew mo. Delikado kung sasabay ka sa kanila.” Iniabot nito sa kanya ang cell phone nito. “Call your home network. Magpadala ka ng chopper para madala ka na agad sa Maynila. Habang hinihintay mo ang chopper, puwede kang sumama muna sa akin sa Catalina. Ilang kilometro lang ang layo n’on dito. Safe ka roon.” “Ganoon na nga lang siguro,” pagsang-ayon niya bago tinanggap ang cell phone nito. Una niyang tinawagan ang numero ni Yu ngunit out of coverage area ang number nito. So she dialed Zeke’s private number. Nakikipag-usap na siya kay Zeke nang mapansin niya ang disgustong nakabadha sa mukha ni Vladimir Mondragon. Why? Because she was calling up Zeke? Nakakasorpresa kung alam pala nito ang intriga tungkol sa kanya at sa kanyang pinsan. Pakiramdam niya ay nabawasan ang paghanga at atraksiyong nararamdaman niya para dito dahil nagpapaniwala ito sa tsismis. “I’m with Captain Mondragon, Zeke. Don’t worry I’m fine,” wika niya sa pinsan nang usisain siya nito kung ano ang nangyari. Zeke sighed in relief. Pagkatapos ay sinabi nito na magpapadala agad ng chopper para sa kanya. Sinabi rin niya na ito na ang bahalang mag-imporma sa mga crew niya. Pati na ang nangyaring insidente ay ito na rin daw ang bahalang mag-report. “Thank you,” aniya sa binata nang ibalik na niya rito ang cell phone. “Sa number na tinawagan mo, doon ko ba ite-text ang coordinates ng bahay ko?” “Coordinates?” wala sa sariling tanong niya. Damn! Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng coordinates. Kung bakit naman kasi tila nalulula siya sa presensiya nito. “Coordinates.  Longitude at latitude, iyon ang ginagamit ng mga sasakyang panghimpapawid para malaman ang eksaktong lokasyon ng isang lugar. Katumbas ng address iyon,” kaswal na paliwanag nito.  “S-sige, doon na lang,” Tumango lang ito pagkatapos ay muling sumampa na sa motor. Iniyakap uli niya ang mga braso sa katawan nito nang mabilis na namang tumakbo ang motorsiklo. Damn! He really smelled good!   Namalayan na lang niyang napapangiti na siya. Napakabilis ng mga pangyayari at noon din lang niya napagtanto na napakabilis niyang nagtiwala sa isang estranghero. Matatawag pa ring estranghero si Vladimir Mondragon dahil hindi niya ito lubusang kilala. Sa nasaksihan niyang talento nito sa paghawak ng baril, dapat lang na mangilag siya rito pero tila kabaligtaran niyon ang kanyang nararamdaman. Ni wala siyang nadaramang takot para sa binata. Isa pa pala iyon sa ipinagtataka niya. Bakit magaan ang loob niya rito? Parang may kung anong estrangherong pakiramdam na lumulukob sa kanya tuwing titingin siya sa mga mata nito. Na parang natagpuan na niya ang matagal na niyang hinahanap at wala itong gagawing ikapapahamak niya kahit tila napakaramot nito sa ngiti. Weird. Dati-rati naman ay mahirap para sa kanya ang magtiwala sa iba. Hindi nga ba at madalas sabihin sa kanya ni Zeke na allergic siya sa mga lalaki? Hindi rin siya gaanong sociable. Ilang sandali pa ay pumasok na ang motor sa isang daan na nalililiman ng mga punong-acacia. Welcome to Catalina. Iyon ang nabasa niya sa arko. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa binata nang bumagal na ang takbo ng motor. Nagkaroon siya ng pagkakataong pagmasdan ang kanilang nadaraanan. It was all greenery. Preskong-presko ang hanging nasasamyo niya. Abala pa rin siya sa kaliwa’t kanang mga tanawin kaya nagulat na lang siya nang pumasok na pala ang motor sa isang napakalawak na bakuran na sa pinakagitna ay maringal na nakatayo ang isang malaking bahay na yari sa marmol. Bumaba siya ng motor, ganoon din si Vladimir. “Kuya Vlad!” anang tinig ng matangkad na lalaking lumabas ng bahay. Nahigit niya ang kanyang hininga nang makilala niya ito. He was no other than the famous Alexander Mondragon, the supermodel! He was topless; he only wears his shorts. Kaya naman kitang-kita ang ganda ng katawan nito. Kung ganoon, hindi pala retokado o produkto ng photoshop ang billboards nito!  Why, Alexander Mondragon was really a hunk from head to toe! “Oops! Sorry, may bisita pala.” Mabilis na pumasok ito sa bahay at paglabas ay may suot nang pang-itaas. Lihim siyang napangiti. Ipinapakita lang niyon na may manners ito. “Bainisah Gandamato?” wika ni Alexander nang marahil ay makilala siya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Vladimir pagkatapos ay ngumisi ito habang nakatingin sa kapatid. Nilapitan ito ni Vladimir bago inakbayan. Hindi siya sigurado sa nakita niya pero tila bahagyang ginulo ni Vladimir ang buhok ng modelo. Isang act of fondness ng isang nakatatandang kapatid para sa nakababatang kapatid nito. Sa tingin niya, magkasundong-magkasundo ang magkapatid kahit ang napabalita ay may alitan sa pagitan ng dalawa dahil sa pera. “Alexander, ikaw na muna ang bahala sa kanya. I’m dead tired. Darating mayamaya ang sundo niyang chopper,” wika ni Vladimir sa kapatid pagkatapos ay bahagyang lumingon sa kanya at tumango. Kapagkuwan ay pumasok na ito sa bahay. “Hi,” bati niya. “Pasensiya na at makikigulo ako rito sa inyo.” “No problem. Pasensiya ka na kay Kuya, pagod lang `yon. Teka, bakit ba dito tayo nag-uusap sa labas ng bahay. Come on in, Bainisah,” anyaya ni Alexander. Pumasok sila sa bahay. Modern minimalist ang tema ng interior. Maayos siyang inestima ni Alexander na halos ikalula niya ang presensiya. Dinulutan siya nito ng merienda at pagkatapos ay naupo ito sa sala sa harap niya. Mataman siya nitong tinitigan. Parang nahuhulaan na niya ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. He was thinking if Vladimir and her have something going on. Bahagya siyang ngumiti. “Sorry, Mr. Model, mali ang iniisip mo. Narito ako dahil iniligtas ako ni Vladimir mula sa kapahamakan.” Parang gusto niyang matawa nang bumakas ang disappointment sa mukha nito. Pero agad din iyong napalitan ng pag-aalala. “Iniligtas ka ni Kuya? Bakit, ano’ng nangyari?” Ikinuwento niya rito ang nangyari sa park. “Mabuti na lang at naroon din siya nang mga oras na iyon. Napakagaling niya para ma-sense niya na nasa panganib ako gayong kung titingnan kami sa malayo ng lalaking nagtangka sa akin ay para kaming magkakilala talaga.” “Trained si Kuya sa mga ganoong circumstances. Saka sinisiguro talaga ni Kuya Vlad na dumaan sa park bago siya umuwi rito,” sagot ni Alexander. Nababanaag niya ang kalungkutan sa tinig nito sa pagbanggit sa park. “B-bakit siya dumadaan sa park?” hindi niya napigilang itanong. Itinuro ni Alexander ang malaking portrait na nakasabit sa sala. It was composed of five people—dalawang may-edad na, dalawang binatilyo na nahihinuha niyang sina Alexander at Vladimir, at isang batang babae. “She was Geraldine, kapatid namin. We fondly call her ‘Hera.’ Wala na siya ngayon, kasama na siya nina Inay at Itay sa Itaas. Si Vladimir ang nag-aalaga kay Hera kapag nasa bukid sina Inay noon. Ako kasi, mas gusto ko na sumama sa bukid o kaya ay maglakwatsa kaysa mag-alaga kay Hera—the only thing that I regret the most.  Madalas sa park niya dinadala si Hera kaya maraming alaala roon sina Kuya at Hera.” “I’m sorry. Hindi ko gustong sariwain ang malulungkot na alaala.” Isa lang ang naisip niya sa rebelasyong iyon ng modelo—na ang tigasing sundalo na si Vladimir Mondragon ay puno ng pagmamahal ang puso. “Wala iyon. Matagal naman nang nangyari. They died in a jeepney accident. Iyon lang ang hindi namin matanggap ni Kuya Vlad. Hera was so young at the time at hindi man lang natikman nina Inay at Itay ang ginhawang dulot ng pagmomodelo ko.” Ngumiti ito na tila nahihiya. “Anyway, pasensiya ka na, Bainisah.” “Naku, ako nga dapat ang humingi ng pasensiya sa inyo, ako ang nakikigulo rito.” “Wala iyon, it is a pleasure to be of help,” nakangiting sabi nito.   VLADIMIR was dead tired. Mula nang makausap niya si Ezekiel noong isang araw, tinutukan na niya ang lihim na pagbabantay kay Bainisah. Kung saan man ito naroroon ay naroroon din siya at palihim na binabantayan ito.            Kahit gabi ay nasa malapit lang din siya nito at halos hindi na siya natutulog kaya ngayon ay nakakaramdam siya ng pagod at antok. Tumunog ang telepono niya. Nakita niya na si Zeke ang tumatawag. “Thank you,” bungad nito nang tanggapin ang tawag niya. Bumuntong-hininga siya. “Wala iyon. I’ll make a thorough investigation. May mga kakilala akong undercover agents at mga tao na maaaring magturo kung kanino nagtatrabaho ang lalaking iyon. Baka isa sa mga nasagasaan ng mga komentaryo ni Bainisah ang mastermind sa pagtatangka sa buhay niya. Anyway, ako na ang bahala tungkol diyan. I-che-check ko na rin kung may records ba ito.” “Okay, I trust you. Thank you, buddy.” “Wait, may meeting ako with General Ramos sa isang araw. Naka-leave ako pero gusto ni General Ramos na ituloy na rin ang meeting dahil sa follow-up operation namin. That means hindi ko mababantayan si Bainisah sa araw na iyon.” “Walang problema. Ako na ang bahalang magtalaga ng security niya sa isang araw. O, paano, thank you again.” “Okay.” Iyon lang at naputol na ang koneksiyon. He sighed. Kailangang matapos na niya ang trabaho niya bago bumalik sa Europa si Alexander para sa modeling commitments nito. Kapag nakaalis ito, baka isang taon na naman bago sila muling magkita kaya kailangang makapag-bonding man lang silang magkapatid. Tubong Catalina, Naujan sila, mahirap lang at parehong magsasaka ang mga magulang. Hanggang sa bawian ng buhay ang mga ito kasama ang bunso nilang kapatid sa isang jeepney accident. Nakapag-aral sila ni Alexander sa tulong ng Valencia Foundation—isang nongovernment organization na tumutulong sa pagpapaaral sa mga tulad nilang mahihirap. Bukod doon, halos kapamilya na kung ituring sila ng mga Valencia dahil kaibigan nila ni Alexander ang mga binatang Valencia. Ilang kilometro lang ang layo ng Hacienda Catalina na pag-aari ng mga Valencia mula sa bahay nila. Welcome sila roon anumang oras lalo na kapag naroroon ang mga kababata nila. At magpahanggang ngayon ay hindi sila nawawalan ng komunikasyon. Ang mga ito rin ang dahilan kung bakit sanay sila ni Alexander sa pagsasalita ng English. Sa kasalukuyan ay marami na rin silang napag-aral at pinag-aaral sa ilalim ng foundation. Kumuha siya ng kursong Business Manangement sa UP pero pagkalipas ng isang taon ay lumipat siya ng military school dahil napagtanto niya na nais niyang magsundalo. Si Alexander naman ay nakatapos ng kursong Architecture pero na-realize daw nito na mas gusto nitong pasukin ang modeling business. And it turn out that his brother did the right decision. He made it big in the modeling world here and abroad. Natigil ang pagbabalik-tanaw niya nang maulinigan niya ang tunog ng chopper na tila palapag. Noon lang uli niya naalala na naroon nga pala sa kanila si Bainisah. Lumapit siya sa bintana at marahang hinawi ang makapal na kurtina, sapat para makita niya ang pangyayari sa ibaba. Nakalapag na ang chopper. Lumapit doon sina Bainisah at Alexander. Tila saglit na nagpaalaman muna ang mga ito bago tuluyang lumulan doon ang dalaga. Nakita rin niya nang tumingala sa direksiyon ng kuwarto niya ang dalaga na parang alam nito na naroroon siya at pinanonood ito. He sighed. Umalis na siya sa likuran ng makapal na kurtina bago pa man umangat sa lupa ang chopper. Hinubad niya ang lahat ng damit bago humakbang patungo sa shower at naligo. Kahit malakas ang lagaslas ng tubig, naulinigan pa rin niya ang tuluyang pag-alis ng helicopter. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Bainisah. “Damn!” bulalas niya nang hindi niya maiwaksi-waksi sa isip ang dalaga lalo na ang pagyakap nito sa katawan niya kanina habang lulan sila ng motorsiklo. Her softness was a contradiction of his hard body. Tila kasinlambot ng bulak ang katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa pang-amoy niya ang mabining amoy ng gamit nitong pabango. “Urgh!” napaungol siya. Nilamigan niya ang timpla ng tubig na ibinubuga ng shower para patayin ang nag-iinit niyang pakiramdam.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD