Chapter 3: Library

1731 Words
Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa mga nangyari kahapon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang iyon, ang pag-abot ni Sir Christopher ng sobre na puno ng pera. Sa tuwing ipipikit ko ang mata ko, ‘yon agad ang nakikita ko. Ang malamig niyang tingin. Ang seryoso niyang mukha. At ang paraan ng pagsasalita niya na para bang normal lang ang magbigay ng ganoon kalaking halaga. Seryoso siya at hindi ‘yon joke. Magdamag akong pabalik-balik sa higaan. Kahit anong pilit kong isipin ang ibang bagay, bumabalik pa rin ako sa alaala ng nakaraang gabi. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mabahala. Malaking tulong ang perang iyon para kay Jeremy. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang susunod na mga gastusin niya sa ospital kung hindi dahil sa perang ibinigay ni Christopher. Pero kasabay ng pasasalamat ay ang matinding kaba ang nararamdaman ko. Dahil alam kong walang bagay na libre sa mundong ito. Lalo na kapag galing sa isang lalaking katulad niya. Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa kusina ng mansyon. Maaga pa lamang pero abala na ang lahat sa paghahanda ng almusal. Nandoon si Manang Nancy na naghihiwa ng mga gulay. Si Mang Nestor naman ay inaayos ang mga gagamitin na sangkap para sa lulutuin. Si Manang Cecil ay maingat na naglalagay ng mga plato sa lamesa. At kasama rin namin ang apo niyang si Aira. Labinlimang taong gulang pa lamang si Aira ngunit napakasipag na nitong tumulong sa kanyang lola. Madalas siyang sumama dito kapag walang pasok dahil ayaw niyang maiwan mag-isa ang matanda. Masayahin si Aira Palagi siyang nakangiti at mahilig magkuwento tungkol sa pag-aaral niya. Sa loob lamang ng ilang araw ay naging komportable agad ako sa kanila. Sa totoo lang, pakiramdam ko ang tagal ko na silang kilala. Para silang pamilya. Isang bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman. “Iha, pagkatapos mo rito, pumunta ka sa library,” sabi ni Manang Cecil habang inaayos ang mga plato. Napatingin ako sa kanya. “Bakit po?” tanong ko. “May mga libro raw na naiwan na nakakalat kahapon.” Ano ba ‘yan, hindi man lang inayos? “Sige po.” Tahimik akong tumango. Ngunit hindi ko maiwasang mapaisip. Ano kaya ang ginagawa ni Christopher sa library para magkalat nang ganoon karaming libro? Hindi ko naman siya nakikitang mahilig magbasa. Mas mukha pa nga siyang taong walang pakialam sa mga ganoong bagay. Napailing ako. Spoiled siguro talaga siya. Madalas ko siyang makitang masungit at parang walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang palaging galit ang ekspresyon ng mukha niya. Parang may pasan siyang mabigat na problema na hindi niya maibahagi kahit kanino. Pero hindi ko dapat iniisip iyon. Hindi ko trabaho ang alamin ang buhay niya. Isa lamang akong kasambahay rito. At siya ang anak ng may-ari ng mansyon. Magkaibang-magkaiba ang mundo namin. Pagkatapos naming ihanda ang pagkain ay agad akong nagtungo sa library. Tahimik ang buong silid. Tanging mahinang ugong lamang ng air conditioner ang naririnig ko. Malawak ang library. Napapalibutan ng matataas na bookshelf ang buong silid. Punong-puno iyon ng iba’t ibang uri ng libro. May mga novel books, libre tungkol sa negosyo, at mga encyclopedia. At mayroon ding mga librong hindi ko pa naririnig kailanman. Bahagyang madilim sa loob kaya hinanap ko muna ang switch ng ilaw. Pero bago ko pa iyon mahanap ay may humawak sa aking braso. Napasinghap ako sa gulat. Mabilis akong napalingon. Agad kong nakilala kung sino iyon. Si Christopher. Nanlaki ang mga mata ko! Mabilis na bumilis ang t***k ng puso ko. “Ano’ng ginagawa mo dito?” mahina kong tanong. Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Sa unang pagkakataon, parang hindi siya mukhang galit. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pinipili niyang itago. Parang may kung anong kakaiba sa kanya. “Pinapunta ka nila dito?” tanong niya. Tumango ako. “May aayusin daw akong mga libro.” Bahagya siyang ngumiti. Napahinto ako. Bihira ko siyang makitang ngumiti. Pero nang makita ko iyon, parang nagbago ang kabuuan ng kanyang mukha. Mas gwapo siya kapag hindi nakasimangot. Agad kong sinaway ang sarili ko. Ano ba ang iniisip ko? Bigla siyang lumapit. Napaatras ako nang unti. Ngunit hindi na ako nakalayo dahil masyado na siyang malapit. Nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan. Naririnig ko ang bahagyang paghinga niya. At bago pa ako makapag-isip ay hinawakan niya ang aking pisngi. Nanigas ako. Nagulat ako nang yumuko siya at dahan-dahang idikit ang kanyang labi sa akin. Napapikit ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung dapat ba akong umiwas. Pero hindi rin ako nakagalaw. Parang nawala ang lakas ng katawan ko. Mabilis na tumibok ang puso ko. Sunod-sunod ang paghinga ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid. Hindi ako marunong humalik. Wala akong karanasan sa mga ganitong bagay. Kaya hinayaan ko lamang siya. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang labi ko. Dahan-dahan at maingat. Para bang natatakot siyang masaktan ako. Mula roon ay bumaba ang kanyang mga halik sa aking leeg. Napakapit ako sa damit ko! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Takot at kaba, iyon ay nagsasama-sama sa loob ko. Pero bigla rin siyang huminto. Para bang may naalala siya. O baka naman ay pinipigilan niya ang sarili niya. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Hanggang sa ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit. Pero kinakabahan ako kapag malapit siya. At mas kinakabahan ako kapag hindi siya nagsasalita. “May trabaho pa ako, Sir,” mahina kong sabi. Tumango siya pero hindi pa rin siya umaalis. Para bang may gusto siyang sabihin. May gusto siyang itanong. O baka may gusto siyang aminin. Pero sa huli ay wala rin siyang sinabi. Bumuntong-hininga lamang siya bago tumalikod. Akala ko ay aalis na siya. Pero bago siya tuluyang makalabas ay may inilabas siyang isang makapal na sobre. Iniabot niya iyon sa akin. Nagulat ako. “Ano po ito?” tanong ko. “Para sa’yo.” Napakunot ang noo ko. Hindi ko agad iyon tinanggap. “Bakit po?” nalilito kong tanong. “May kailangan ka, hindi ba?” Napatigil ako. Pumasok agad sa isip ko si Jeremy. Ang mga gamot niya. Ang mga laboratory test. Ang mga gastusin sa ospital. Ang mga bayarin na hindi ko alam kung paano ko mababayaran. “Every time na may gagawin ako sa’yo, lagi kang makakatanggap ng ganyan.” Napalunok ako. “But promise me.” Tumingin siya diretso sa aking mga mata. “Wala dapat makaalam.” Pakiramdam ko ay lalong bumigat ang hawak ko sa sobre. Nang silipin ko ang laman nito ay halos mabitiwan ko iyon sa sobrang gulat. Napakaraming pera. Sobrang laking halaga para sa isang tulad ko. Hindi ko iyon kayang kitain sa loob lamang ng ilang buwan. “Sir…” Hindi ko alam ang sasabihin. “Sabihin mo na lang na advance.” Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o matakot. Pero sa huli ay tinanggap ko pa rin iyon. Para kay Jeremy. Lahat ng ito ay para kay Jeremy. Pagkaalis ni Christopher ay agad kong inayos ang mga librong nakakalat sa sahig. Isa-isa ko iyong ibinalik sa tamang estante. Pero kahit anong pilit kong mag fucos ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Sino ba talaga si Christopher Imperial? Isang spoiled at mayabang na anak-mayaman? O isang lalaking may tinatagong dahilan sa likod ng malamig niyang ugali? Hindi ko alam. At sa totoo lang, ayaw ko nang alamin. Dahil habang mas nakikilala ko siya, mas lalo akong nahihirapang lumayo. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto. Pumasok si Aira. “Ate Sandra, kakain na po tayo.” Napangiti ako. “Sige. Salamat.” Magkasabay kaming lumabas ng library. Pagdating namin sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Agad nila akong pinaupo sa tabi nila. “Sobrang init ba roon, Ineng?” natatawang tanong ni Manang Nancy. “Parang pawis na pawis ka.” Napahawak ako sa noo ko. “Medyo po.” Ngumiti sila. Hindi nila alam ang totoong dahilan. “Halika na at kumain.” Umupo ako sa tabi nila. Habang pinagmamasdan ko silang lahat ay hindi ko maiwasang mapangiti. Pakiramdam ko ay may pamilya akong kasama. Isang bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman. “Iha,” tawag ni Manang Cecil. “Kamusta naman ang trabaho mo rito?” “Okay naman po.” Sagot ko habang sumasandok ng kanin. “Nahihirapan ka ba?” umiling ako. “Hindi po.” Nakangiti kong sagot. “Sabihin mo lang sa amin kapag may problema ka.” Napangiti ako. Napakabait nila. At sa loob lamang ng ilang araw ay pakiramdam ko ay tinanggap na nila ako bilang isa sa kanila. Biglang nagsalita si Mang Nestor. “Alam mo, sana nagkaroon kami ng anak na kagaya mo.” Natawa silang lahat. Ngunit napansin kong seryoso siya. Napayuko ako. “Maswerte po siguro ang magiging anak ninyo.” Napangiti siya sa sinabi ko. “Ikaw na lang kaya?” lalong lumakas ang tawanan sa mesa. Ngunit sa hindi ko inaasahan ay biglang napaluha si Manang Nancy. “Nay?” gulat na tawag ni Aira. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya. “Bakit po?” ngumiti siya habang pinupunasan ang kanyang mga luha. “Masaya lang ako.” At pagkatapos noon ay niyakap niya ako nang mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako agad nakagalaw. Pero maya-maya ay gumanti rin ako ng yakap. Sa sandaling iyon ay may kung anong init na bumalot sa puso ko. Matagal na panahon na rin mula nang may yumakap sa akin nang ganoon. Parang isang tunay na ina. Parang may nagsasabing hindi ko kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. Napapikit ako. Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, naramdaman kong hindi pala ako nag-iisa. May mga taong handang tumanggap sa akin. May mga taong handang magmalasakit.May mga taong handang maging pamilya kahit hindi kami magkadugo. At kahit puno pa rin ng problema ang buhay ko. Kahit hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa mga susunod na araw. Kahit magulo pa rin ang lahat dahil kay Christopher… Alam kong may dahilan pa rin para magpatuloy. Dahil sa gitna ng lahat ng sakit at pagsubok, mayroon pa ring mga taong nagbibigay ng pag-asa. At sa pagkakataong ‘yon, sapat na iyon para bigyan ako ng lakas na harapin ang panibagong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD