3

2007 Words
Naalimpungatan ako dahil sa pakiramdam na parang nilipad ng hangin ang kamalayan ko, na para sana sa paligid ko. Ang gaan ng noo ko, na parang siya ang naghatid ng sakit sa ilong ko. Yong pakiramdam na parang dinugo, o nosebleed. Sa madaling sabi... Nagka-hang over yata ako. Minulat ko ang mga mata, nagngilay-ngilay pa ng ilang minuto sa paligid hanggang sa ginapangan ako ng takot at napaupo kaagad bago sumiksik sa pinakadulo. Tiniklop ko ang mga tuhod ko at nagtago roon. Maaaring nandiyan lang siya... Maaaring dinala niya ako sa lungga niya. Hindi ako pamilyar sa mga muwebles na nandito, gayon din sa mga palamuti na hindi naman ako gaanong pamilyar. Natakot na akong kumilos, kasi pakiramdam ko kapag ginawa ko yon may gagawin na naman siyang kamanyakan. Napaiyak ako. Napapahikbi. At mas lalo pang niyakap ang mga tuhod. Mama... Saktong bumukas ang pintuan. Nataranta ako at kahit na diin na diin na ako sa pinakapader ng silid na 'to, mas lalo pa rin akong nagsusumiksik. Natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring magiging kahahantungan nito! Sinusubukan ko namang maging mabait pero bakit ako ang kinakarma? Wala naman akong ginawang grabing kasalanan noon, a? Kaya bakit? "Amy..." Nahindik ako sa pagkakarinig pa lang ng boses niya. Siguro lamog na lamog na ang binti ko sa sobrang higpit ng yakap ko. Natatakot ako, Mama... "Sorry..." Aniya. Lumubog ang kabilang bahagi ng kama. Nag-atubili akong mag-angat ng mukha. Mas gusto ko rito. Mas gusto ko ang pakiramdam na nagtatago kesa makaharap ang lalaking 'to... Mas lalong nagsilabasan ang mga luha ko sa mga mata. Walang humpay na iyon. Siguro alam nilang kapag hindi sila nagparaya, ako ang masasaktan. Ang sakit-sakit na kasi ng t***k ng puso ko... Parang gusto akong patayin. "Libog na libog lang talaga ako sa'yo... Napakainosente mo, kaya tinamaan ako. Hindi naman kita pababayaan... Papag-aralin pa kita. Bibigyan ng magandang buhay." Napasigaw ako nang maramdamang gumalaw siya at parang gumapang sa ibabaw ng kama ko. Napaliko ang mga tuhod ko sa kabila dahil sa takot at pagkakataranta. "Amy... Amy..." Malakas na ang tunog ng pag-iyak ko. Nagkahalo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Takot. Kaba. Pagkabahala. At abot-abot na paghingal. Mama... Mama... Mama... "Amy..." Aniya at hinawakan ako sa tuhod. Napapiksi ako at napadapa sa kaliwa. Inabot ko naman ang kobre kama at pilit na gumapang kahit sobrang hinang-hina ang pakiramdam ko ngayon. "T-t-tama na po... Mama!" Iyak ko. At kahit hirap, pinilit kong buhatin ang sarili. Kaya lang... Hinawakan niya ako sa bewang. Basang-basa na ng luha ang mukha ko. Nagpabaling-baling ako baka sakaling yong pagkakahawak niya, maalis doon. "T-tama na po... Tama na po!" Mas lalong lumakas ang iyak ko. Ang sakit-sakit na ng dibdib ko, sobrang sakit! Na parang yon pa ang magiging dahilan ng katapusan ko. "Sorry..." Wika niya at binuhat ako sa bewang. Nagpapasag naman ako habang humahagulgol. Kaso ano bang laban ko sa taong doble ang laki ng katawan kesa sa akin? Triple ang lakas kesa sa akin? Nabuhat niya ako ng walang kahirap-hirap. Kahit nagpapasag man ako, naayos niya ang pwesto ko sa tapat niya. Hindi ako makatingin. Natatakot ako. Nandidiri. At yang mukhang yan... Ang pangmamanyak lang ang maaalala ko. "Hindi naman kita pipilitin. Hihintayin ko hanggang sa maging handa ka. Pero hindi ibig sabihin nito hahayaan na lang kitang mawala sa puder ko. Akin ka na... Akin ka pa hanggang sa makuha kita." Aniya sa matigas na boses. Humagulgol na lang ako dahil talagang nawalan na ako ng lakas. Putanginang lalaki 'to! Puro kamunduhan ang inuuna! Wala ba siyang konsensya? Wala ba siyang kapatid na babae? O kaya'y kamag-anak na babae? Kung tratuhin niya ako, parang isang bagay lang na pwede niyang kontrolin. Tao ako, babae at ang puri ko, iniingatan ko 'to. Pagkatapos gusto niyang kunin na parang bagay lang? Bakit kaya napakadaya naman? "Kumain ka. Pinaghanda kita ng pagkain... Bumaba ka na at para makakain ka na ng panghapunan mo." Aniya at binitawan na ako. Doon lang ako nagkalakas loob na mag-angat ng tingin. Likod niya na lang ang naabutan ko... Napailing ako... Gago ba siya? Gago nga! Wala sa sistema ko ang sundin kung anumang iniutos niya. Mamatay na ako sa gutom, at hinding-hindi ako papanaog. Napalingon-lingon ako sa paligid. Hinawakan ko naman ang kwentas ni Mama. Alam kong kakayanin ko, kahit anong paraan pa 'to kakayanin ko. Maaaring nadadala ako sa emosyon ko, pero alam ko naman kung kailan dapat pinapagana ang utak... Napaiyak na lang ako nang nalaman kong walang paraan para makatakas. Walang bintana. At ang tanging paraan lang ay yong pintuang pinaglabasan niya. Pakiramdam ko nakulong ako sa isang boteng may iisang daanan lang. Ngunit sa dulo no'n siguradong nandoon ang talagang problema. Bakit sa isang iglap naging ganito ang kapalaran ko? Natulala ako sa kalendaryong nasa paanan ng kama. Nagsituluan na naman ang mga luha ko. Napahikbi rin ako ng isang beses at napapikit. Happy Birthday, Amy... Ito na ba ang regalong matatanggap ko ngayon? Ang malas ko naman. Salong-salo ko lahat. Hindi pa nag-iisang oras nang bumukas muli ang pintuan. Naging maliksi ang katawan ko at napasiksik na naman sa pinakadulo. Hindi ko mawari, at talagang ngayon pa ako nagkalakas ng loob. Ngayon na kahit sabihin kong baka namamalikmata lang ako... Ngayon pa halatang naaawa siya... Naglaglagan ang mga luha ko sa mga mata ko. Kung naaawa siya, bakit gustong-gusto niyang kunin ang dangal ko? Ganoon na ba kahalaga sa kanya yon? O trip lang? Gwapo naman siya e... Bakit di na lang siya maghanap ng iba? Yong siguradong mapapa-oo niya. "Kumain ka na Amy." Aniya at naupo sa kabilang dulo ng kama. Napahikbi ako at umiling. Tumingala na lang ako at binaliwala siya. "Amy, kumain ka na... Kundi... Baka... Ayawan mo pa ako lalo sa gagawin ko." Mabigat na wika niya. Hindi ako nagpatinag. Ako pa ba talaga? Nawalan na ako ng paki... Sa lahat. Sa kung anong sinasabi niya. Narinig ko na lang na parang may nagkaumpugang gamit. Hindi ako sigurado pero mukhang may nilapag siya. "Amy... I've warned you." Aniya. Hindi pa rin ako nagpatinag, hindi man lang ako sumulyap. Naramdaman ko na parang may lumubog na naman. Siya yon, wala namang iba di'ba? Kaya siguradong siya nga yon. Gumagapang na siya. Hindi ko na binalak na sumiksik pa. Hindi ako gumalaw, wala akong kareak-reaksyon. Napagod na ako. "Amy..." Aniya at hinawakan ako sa braso. Kumislot ako dahil doon. Pero hindi ako nagbago ng posisyon at reaksyon. Nakatingin lang ako sa kisame. "Amy." Ulit niya. Mas lalong mahina. At halos pabulong na. Ibinaba ko ang mga titig ko at tinitigan lang siya. Nakatingin din siya ng mariin sa akin. "Amy. Amy..." Mapang-uyam niyang paulit-ulit sa pangalan ko. Dumaosdos ang kamay niya mula sa braso ko patungong kamay. Nanlaki ang mga mata ko. A-anong... Anong binabalak niya? Ngumisi siya, "Kumain ka na..." Aniya, na lalo pang pinapadaosdos ang kamay patungong puno ng tuhod ko. Nangasim ako't parang kinuryente ang ilong ko sa bumuhos na dinaramdam. Tinampal ko ang kamay niya, ngunit ikinatuwa pa niya yata iyon. Inasar pa ako lalo, idinampi niya ulit sa itaas ng hita ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Dahilan kung bakit mas lumapad ang ngisi niya. Napaangat ang paa ko nang dumaosdos ang kamay niya mula sa itaas patungong ilalim. Nanghina ako, napaatras gayong wala na namang aatrasan doon. Hinuhuli ko ang kamay niya, ngunit may lahi yatang hito yon dahil sa tuwing naaabot ko na ay biglang nadudulas at mas lumalalim ang naaabot noon. "K-kuya..." "Kakain ka na?" Aniya, bahagyang nakaangat ang isang kilay. Umiling ako... At nanlaki na lang ang mga mata ko nang siningit niya ang kamay niya sa siwang ng sout kong shorts. Napaatras ako dala nang kabiglaan. Kaya nauntog ako. "A-ar----" "Kumain ka na..." Hindi niya inaalis ang kamay niyang nasa singit ng shorts ko. Ramdam ko ang dulo ng mga daliri niyang dumadampi sa ilalim ng pang-upo ko. Hindi ko alam kung paanong aalisin yon doon. Nanghahapdi na naman kasi ang mga mata ko sa sobrang pagpipigil na wag umiyak. "K-kakain na po." Nalaglag na naman ang butil ng mga luha ko. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na akong umiyak ngayong gabi... Kasalanan niya naman! Binawi niya ang kamay niya at dahan-dahang umalis sa kama. Itinuro niya ang tray na nasa itaas ng mesa. Hindi ako kumilos kaso may sinenyas siya sa kamay niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napagapang nang wala sa oras. Narinig ko ang hagalpak ng tawa niya. "Alam mo yon?" Tanong niya nang inabot ko ang tray. Nasa tabi ko lang siya at hindi ko na sinagot. "Sex..." Nabitawan ko ang tray. Putangina! Bakit ba ang bastos-bastos ng bibig niya? Hindi pa ba sapat yong panghihipo niya kanina? Yong sinenyas niya kanina? Pati ba naman bibig? Humagalpak naman siya ng tawa at umiiling-iling. Lumapit siya sa kama kaya napaatras ako. Mas lalo pa siyang lumapit kaya todo atras naman ako. "Amythyst... Sinabi mong kakain ka na." Ngisi niya. "Ka-kakain lang po ako... K-kung aalis po kayo diyan." Ngumisi siyang lalo at tumayo. "Sige. I'll let you... Takot na takot? Hindi naman kita kinukulong... You're still free. Pwede kang mag-ikot-ikot. This is my place and I'm giving you your per rights to any belongings I have here. Isa lang naman----" "N-naiintindihan ko po." Putol ko na. Tumango siya at tumalikod. Nalukot na naman ang mukha ko at napaiyak sa mga palad ko, nang mawala siya nang tuluyan. Ano bang nangyayari? Wala sa hinagap ko na magiging ganito ang kapalaran ko sa Maynila. Gusto ko lang namang umalis sa puder ng pang-aalipusta ni Tiya... Pero bakit nangyari 'to? Hindi ko maintindihan. Hindi ko makuha ang dahilan. Pagkatapos kong umiyak nang tahimik, natulala na ako sa mga pagkaing nasa tray. Noon ko naman naramdaman ang pagkalam ng tiyan ko. Mag-iisang araw na nga pala simula no'ng huling kain ko. Kahit nasusuka, kahit nandidiri ay tiniis ko yon mapunan lang ang nararamdaman kong gutom. Habang umiinom ng tubig pagkatapos ubusin ang mga pagkaing nandoon, sinulyapan ko ang pintuan. Sabi niya pwede akong mag-ikot-ikot. Ibig lang sabihin, maaaring bukas ang mga pintuang nandito... Inayos ko ang pagkaka-zipper nang sout kong jacket. Tumayo ako. Dahan-dahan kong nilapag ang baso ng tubig sa takot na baka naririnig niya iyon sa labas. Ginawa kong panatag ang paglalakad ko patungo sa pintuan. Nang pinihit ko ang seradura ay napahinga ako nang malalim. Bukas! Malaki rin ang posibilidad na bukas din ang ibang mga pintuan. Kailangan ko lang ng lakas ng loob para magawa ko ang plano. Binuksan ko na ito, dahan-dahan, at siniguradong walang ingay na magmumula roon. Pasimple kong sinilip ang labasan, walang tao. Mga muwebles lang ang nandoon. May tatlong pintuan pa akong nakita sa bawat pader na nasa labas. Mahihinang hakbang ang ginawa ko bago tuluyang nakalabas. Hinanap ko ang mga posibilidad na pintuang magtuturo sa akin palabas sa bahay na 'to. Inayos ko ang sarili at dahan-dahang naglakad sa kaliwa. May nakita akong kaduda-dudang itim na daanan, siguro patungo yon sa hagdan, o isang pasilyo na naman na patungo sa pinakalabasan. Sinunod ko ang iniutos nang isipan ko sa akin. "Aaah!" Napasigaw ako sa bigla. May biglang humila sa akin mula sa likod gamit ang bewang ko. At pagkatapos inilapat niya ang katawan ko sa pader na nasa harapan ko lang. Napaiyak na naman ako sa takot. Nagkaroon na yata ako ng nerbyos. "Nagpaplano kang tumakas, Amy?" Napahagulgol na ako sa takot. Lalo na at parang gusto niya akong pisatin sa pader. Diin na diin ako roon, habang dinidiin niya rin ang sarili sa likod ko. "H-h-hin----"nangangatal na sabi ko. "Obviously, iba ang sinasabi mo sa nakita kong mga kilos mo mula sa CCTV. Why am I asking, anyway?" Napaiyak na naman ako ng malakas. Tinutulak ko ang pader para sana hindi niya ako madiin doon. Kaso mas lalo niya naman akong dinidiin. Naiipit lang ang mga kamay ko sa pagitan ng pader at ng katawan ko. Ngayon ko napagtanto na mukhang iba ang trip niya. Mukhang sanay siyang nanghuhuli ng mga prospects niya... At isa ako roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD