Episode 10 Natagpuan na si Cassy

545 Words
" Nadine, ano pa ang ikinatatakot mo? Lumantad ka na. " wika sa kanya ng inang si Amanda habang palakad lakad sa harapan niya. " Sapat na ang na research ko para magampanan mo ang papel ng isang Cassandra Gonzales. Wala kang dapat na ikatakot. " " Natatakot pa rin akong magkamali. " mariing wika niya. " I want this to be perfect, Ma. Matagal kong inaasam asam ang pagkakataong ito. Hindi tayo pwedeng mabulilyaso. " " Mabulilyaso tayo kapag hindi ka pa kumilos, Nadine. " ang mariin nitong wika. Nag isip siya. Magiisang buwan na rin niyang pinag aaralan ang mga impormasyong nakalap nilang mag ina. Sapat na nga siguro iyon para lumantad na siya sa mga Gonzales. May posibilidad na mabigo siya. Pero ganoon naman talaga sa mundo. Walang katiyakan. May risk ang lahat ng bagay. She has to take all the risk by this time. " Okay, Ma sisimulan ko na ang laro. " matatag na wika niya. Malapad ang ngiting sumungaw sa mga labi ng mama niya. " Good hija. Pagbutihan mo. Ito na ang simula ng katuparan ng mga pangarap natin. " excited nitong dugtong. Tumango siya. Simpleng sekretarya lamang siya. Sawang sawa na siya sa pang momolestiya ng kanyang boss, sa pananantsing nito. Gusto niyang yumaman at ang pinakamadaling paraan na alam niya ay ang magpanggap na si Cassandra Gonzales. Humarap siya sa salamin. Kamukhang kamukha niya ang nawawalang babae. Para siyang replica nito. Dinampot niya ang mga magazines at newspaper na inipon nilang mag ina. Naroon ang mga larawan ni Cassandra Gonzales. Nang una niyang makita ang picture nito sa newspaper ay labis ang kanyang pagkagulat. Para niyang tinitingnan ang sariling larawan. Naging interesado siya sa pagkawala ni Cassandra Gonzales at ganoon din ang kanyang mama. Hanggang maisip nilang malaki ang maitulong niyon sa kanila. Mama niya ang unang nakaisip na magpanggap siyang si Cassandra Gonzales. Noong una ay hesitant siya. Pero nang makita niya ang mga larawan ni Kendrick Mendoza sa mga pahayagan at magazines ay lumakas ang loob niya. Attracted siya rito. Nadagdagan pa ang attraction na iyon nang makita niya ito sa TV. Na triple naman iyon nang makita niya ito ng personal. Kendrick Mendoza is the man of her dreams. Tuwing tinititigan niya ang larawan nito ay nagiging kamukha ito ng paborito niyang foreign actor na si Leonardo de Carpio. " NAGBALIK na si Cassy, Kendrick. " balita ni Dennis sa kanya nang lapitan siya nitong nasa terrace. Nakatanaw siya sa malayo habang nakatukod ang magkabilang palad niya sa porch. Pabigla niya itong nilingon. " Totoo? " tanong niyang bumaha ang katuwaan sa dibdib. " How is she? " munti mang galit sa dibdib ay hindi na niya makapa roon. Ganoon pala niya kamahal si Cassandra Gonzales. Nagbuntung hininga ito. " Unfortunately she has amnesia. " Natuptop niya ang noo. " Amnesia? Does it really exist? How did it happen? " sunod sunod na tanong niya. " Ang sabi ng babaeng kumupkop sa kanya ay nakita niya itong pakalat kalat sa kalsada at wala sa sarili. " " God! " bulalas niya at saka tinungo ang pinto. " I want to see her. " " Sasama ako, brod. " wika ni Dennis. " Gusto ko rin siyang makita. " Magkasunod silang bumaba ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD