May... nag-iba. Hindi ko sigurado kung ano. Hindi ko malaman kung ano mismo. Pero may nag-iba sa pagitan namin ni Lucas nitong mga nakararaan. Sinubukan kong itago at ikandado ang puso ko para hindi niya mahalata o makita ito sa mga kilos ko. Ako ba ang nag-iba? Siya? O ang pakikitungo namin sa isa't-isa? Noon naman, wala kaming pakialamanan sa isa't-isa, ngayon, tatlong beses sa isang linggo ay dumadalaw siya sa amin, nakikipag-bonding, nakikitambay, nakikikain. Maya't-maya niya akong tatanungin kung may gusto ba akong kainin o gustong bagay. At opisyal na rin akong naka-leave sa trabaho kaya naman madalas ay nabuburyong sa bahay kapag may pasok ang mga kapatid ko. Sinubukan ko na kang libangin ang sarili ko sa panonood ng mga series sa Netflix katulad ng Korean drama o anumang mak

