Chapter 60

2255 Words

At hindi ako ang fianceè na ipinakilala ng host sa lahat, kung hindi isang babaeng ngayon ko lamang nakita, ngunit talaga namang napakaganda. Ang malasutlang kutis ay kumikinang-kinang sa ilaw na nakatapat sa kaniya–hindi, sa kanila. Dahil katabi niya ang taong may kaarawan, ang lalaking wala namang katutol-tutol sa naging anunsyo at nakatingin lamang sa mga bisita habang ang babae ay naka-ambisyerte sa kaniya at payag na payag naman siya. Hindi ako kaagad nakagalaw at tila napako sa kinatatayuan, ang mga mata rin ay hindi maialis sa dalawang taong perpekto at bagay sa isa't-isa. Ano pa ang ginagawa mo riyan, Noeria? Talikod! Takbo! Umalis ka na riyan! Tingin mo ba ay may tao riyang gusto kang nandiyan? Tingin mo ba ay nabibilang ka riyan? Alis na bago ka pa lalong magmukhang tanga! Gi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD