Kagaya ng sinabi ko, alas-sais pa lamang ay umalis na ako para maghanap ng apartment na malapit sa school ng mga bata at hindi ganoon kamahal. Tiwala naman akong kakayanin ko ang bayarin dahil may mapagkukuhanan na kami ng kita ngayon. Hindi ako nakatulog magdamag. Kahit isang oras ay hindi ako dinalaw at kahit antok ay mukhang nakalimutan akong dalawin. Wala akong ginawa kung hindi mag-isip sa balkonahe sa labas habang nakatanaw sa matataas na building sa labas at sa mga ilaw sa paligid. Bawat sign ay tinitignan ko at maging sa internet ay naghahanap ng mga available na apartment. Hanggang sa ilang kanto mula sa eskwelahan at mula sa dati naming bahay ay nakakita ako ng simpleng bahay. Hindi ito ganoon kalaki, ngunit hindi rin maliit. May sarili itong gate at maliit na bakuran na ma

