Chapter 66

1981 Words

Sampung taong gulang lang ako noon pero tandang-tanda ko ang lahat. Bawat detalye, bawat galaw, bawat salita. Ang lahat ay tumanim sa aking murang edad at hanggang sa pagtanda. Ang araw at pangyayari kung bakit hindi na muli pang lumabas mula sa bibig ko ang salitang 'Patawad'. Inaalagaan ko ang kapatid kong si Romeo noon dahil may lagnat siya at wala ang mga magulang namin para alagaan siya. Oo, isang sampung taong gulang na bata na kung tutuusin ay kailangan pa rin ng aruga at pag-aalaga, pero hindi ako ordinaryong bata noon. Dahil maaga na akong namulat sa mapait na katotohanan ng buhay. Sa edad na sampung taong gulang ay marunong na ako noong mag-ayos ng bahay, magsaing at magluto ng simpleng ulam. O mas tamang sabihin na sapilitan akong tinuruang alamin ang mga bagay na iyon? Baha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD