"What the f*ck are you saying, you crazy b*tch?" Hindi ako nakagalaw habang inaalalayan ni Lucas, natuod at nanigas sa kinatatayuan. Nag-umpisang pawisan nang malala. Ang kamay na nakahawak sa tiyan ay humigpit. Paano? Paano niyang nalaman? Malikot ang mga matang tanong ko sa sarili ko. "You know that I am a doctor, Lucas. And I felt no movement or whatever in her supposedly five-month belly. Plus, I have connections. Walang naka-register sa kahit saang OB-gyne sa Pilipinas sa pangalang Noeria Ortega." Walang pasubali siyang lumapit sa akin at hinawakan ng dalawang kamay ang tiyan ko, bago kinuha ang kamay ni Lucas at ipinatong din doon. "Feel it, Lucas. May nararamdaman ka ba? Do you feel any connection to your child?" Sarkastika niyang sabi at nanatili akong estatwa. Ilang sandali

