CHALTER 5

1210 Words
Pag katapos kung ibigay sa kanya ang jacket ay tumayo na siya sa sofa at nag paalam na kay mama. " Anak. Ihatid mo siya sa labas." " Ma naman eh!! Ayoko po." Na ka simangot kong saad sa kanya at binalingan si Psalm na naka tingin pala sa amin ni mama. " Sige na Indie! Isa!" Pag babanta ni mama sa akin at nag papadyak na lang ako. Ito namang si Psalm wala ding balak umalis, kailangan pang ihatid ko siya. Ni lingon ko siya at naka tingin siya sa akin na may ngiti sa labi niya kaya sinimangutan ko lang siya. " Tara na nga." Anyaya ko sabay tumalikod sa kanya. " Bat pa naman mag papahatid pa! Eh lalaki naman siya! At dapat babae yung hinahatid!! Hmp!!" Bulalas ko at narinig niya. " Ikaw talaga. hindi ba pwede kaming mga lalaki naman ang ihatid?" Saad niya at ngumiwi ako sa kanya. " Lalaki. Ang lapit lang ng bahay mo oh." Turo ko sa bahay niya. " Tapos mag papahatid ka pa! " Umirap ako at tumawa lang siya. " Diba crush mo ako? Dapat lang na ihatid mo ako atsaka dapat maging mabait ka sa akin kasi crush mo ako." Saad niya na lalong pumula ang pisngi ko. Paano niya nalaman na crush ko siya? " Heh!! Iwan ko sayo. Umlis ka na nga." Tumalikod na ako sa kanya at mas lalong pumula ang pisngi ko at bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. " Wag kang mag alala miss. Crush din kita. Bye." Sabi niya na may halong tawa. Aghhh!!! Bakit niya alam? Sinong nag sabi? Nakakahiya na ako. Huhuhuhu mabilis akong tumakobo sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.. Natapos ang araw na iyon at lunes na naman,maaga akong gumising para hindi ma late, naligo ako at agad naaman akong bamaba at kumain. " Magandang umaga anak." Malambing bati ni mama sa akin. " Kain ka na at para maaga kang paka pasok sa school." Dagadag niya pa. " Good morning din ma." Umupo ako at nag simula ng kumain. Nasa labas na ako ng bahay at nag hihintay na ng tricycle na dumaan. Habang nag hihintay ako may tumabi sa akin at pag lingon ko ay nanlaki ang mata ko. " Good morning miss. Sabay na tayo ha." Saad niya binaliwala lang ang paninitig ko sa kanya. Ano daw? Sabay kami? My ghad anong gagawin ko?. Tanong ko sa isip ko. Kinakabahan ako. Paano ba?. " Manong sasakay po kami." Pang para niya sa tricycle. Nauna siyang pumasok sa loob ng tricycle at sumunod naman ako. Pag ka upo ko ay umusog ako papalayo sa kanya, yung tipong dikit na dikit na ako sa gilid. Tiningnan niya ako atsaka tumawa. " Miss. Umusog ka nga dito." Turo niya sa space namin. " Ayoko ko nga! Okay na ako dito." Saad ko sa kanya ng bigla niya akong higitin palapit sa kanya. "Ito naman napaka O.A hindi naman kita kakain eh." Pabiro niyang sabi at tumigil na. Ako naman ay hindi maka galaw, sobrang init na ng pisngi ko kaya mas yumuko pa ako para hindi niya makaita ang pamumula ng pisngi ko. Bakit ba naging ganito siya bigla? Hindi nga ito namamansin sa school eh. Tapos ngayon kung maka asta parang close kami. Pasalamat nga siya kasi crush ko siya kahit mukha siyang f**k boy. Ewww na lang. Wala ng nag salita sa amin. Siya naman ay walang kibo. Bumaling ako sa kanya at tinitigan ang kanyang mukha. Sana noh lahat ng mukha ganyan ka kinis. sabi ng isp ko. Kaya tinitigan ko lang at ng lingunin niya ako, agad naman akong nag iwas ng tingin at nag papanggap na walang nangyari. Pero narinig ko siyang tumawa ng mahina. " Miss okay lang naman sa akin na titigan mo ako wala namang masama don. Kaya wag kang mag alala ikaw lang pwedeng rumitig sa akin." Saad niya pa at tumawa ulit. " Namula ka na naman miss." Turo niya sa pisngi ko. " Tumigil ka nga! Bakit naman kita titigan eh hindi naman tayo close. At isa pa bat pina pansin mo na ako ngayon.?" Tanong ko sa kanya at sinapak ang braso niya. Nakarating kami sa school. Lumabas agad ako ng tricycle para hindi na kami titingnan ng mga studyante at siya naman ay naka sunod lang. " Hey. Wait! Indie." Tawag niya sa akin at nilingon ko naman siya. " Tumigil ka na nga! Alam mo naman sikat ka dito sa school tapos lapit kapa ng lapit sa akin. Ayaw ko ng nasa akin ang attensyon ng mga tao Psalam kaya tigilan mo ako." Saad ko sa kanya sa mahinahon na pag sasalita at tumalikod na sa kanya. " What? Sikat? Hindi ko nga alam na sikat pala ako." Na sa likod ko parin siya sumusunod sa akin. Yumuko ako ng maigi dahil alam ko na naka tuon ang mga mata nila sa akin o di kaya sa amin. Gago naman kasing isa to. Sumunod pa talaga sa akin at may balak pa na ihatid ako sa classroom ko. Hindi nga ako nag ka mali dahil hinatid niya talaga ako at sobra sobrang hiya at pamumula ng pisngi ko ng danatnan ko ang mga classmate ko naka tingin sa aming dalawa. Kahit crush ko siya noh. Hindi ako mag pa ka desperada na ma pansin niya lang. Hahakbang nasa sana ako para makapasok na sa room namain ng marinig ko ang sinabi niya. " Indie. Sabay parin tayo mamaya sa tricycle ha. Hintayin mo ako pag nauna na kayong mag dissmiss." Nilingon ko siya at naka ngisi lang ang gago pag katapos ay nag lakad na patungong classroom nila. Agad naman nag sitilian ang mga classmate kung babae. Lumapit na din mga barkada ko sa upuan ko at naki tsismiss. " Oh anong ganap? Uyyyy, sabay daw kayo mamaya pag uwi." Tukso ni Yansyn sa akin, umirap lang ako at bumuntong hininga at tumawa lang ang mga unggoy. " Sige na. I kwento mo sa amin. Parang kahapon lang nag text sayo ah." Sabi din ni Allyssa at natigil ang tawa nila at bumaling sa akin. " Totoo?!! As in nag text siya sayo. Pabasa naman diyan." Panungulit ni Icel sa akin at kinuha talaga ang cellphone ko sa bag. " Akin na nga yan. Hoy! Privacy naman diyan!!" Bawi ko sa cellphone ko at agad ko naman itong nakuha sa kanila. Tili pa ng tili sila na para bang binudburan ng asin. Hay naku!! Bakit ba ako naka barkada ng ganito? Biglang tumunog cellphone ko at nag sitahimik naman ang mga unggoy sa ka titili. Binuksan ko iyon at .... Sino pa nga ba. ang palaging nag tetext sa akin... I open ko na sana ang message ng biglsng hinablot ni Yansyn ang cellphone ko. " Hoy! Akin na nga yan." Singhal ko sa kanila at nag patuloy lang sila sa pag basa ng message ko na para bang walang naririnig mula sa akin. Tumunog ulit ang cellphone ko at dali dali naman nila itong ni replyan. Wala na. Tapos na ang buhay ko. Kahihiyan na this!. Note: till next add?? thank you for reading this story of mine I really appreciate it guys. Thank you??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD