UMALINGAWNGAW ang sigaw ni Lani at Miss Anne ng nagsimulang umandar ang Zip Line. Sa haba at taas niyon, kahit sino ay mapapasigaw. Nagsimulang makaramdam ng takot si Chaia. First time niyang masusubukan iyon. Actually, ayaw naman talaga niyang gawin ang activity na iyon. Pinilit lang talaga siya ni Lani dahil alam nitong may Fear of Heights siya. Ang kaso naman, wala siyang kasama, hindi niya kayang sumakay doon na siya lang mag-isa. Ang mga kasunod niya ay pawang mga lalaki. Ayaw naman niyang katabi ang mga iyon.
Mayamaya, binalingan siya ng nag-o-operate niyon. “Ma’am, kayo na po.” Anito.
“Ha? Ayoko! Ako lang mag-isa? Ayoko nga!” mariin niyang tanggi.
“Wala! Madaya ka, Chaia! Usapan natin lahat tayo eh.” Protesta naman ng mga kasamahan niyang nasa likod.
“Eh ang taas kaya n’yan! Tapos ako lang! Ang dadaya n’yo, palibhasa may mga kasama kayo!” depensa naman niya.
“Sino ba may sabing ikaw lang mag-isa diyan? Ayaw mo kasi akong yayayain eh.” Sabad ng bagong dating na si Karl.
Ang kaba na bunga ng takot ay napalitan ng kakaibang kaba dahil sa biglang pagdating ni Karl. Biglang bumalik sa alaala niya ang tagpong iyon sa swimming pool. Ano nga kaya ang nangyari kung nahalikan siya nito? Mabilis niyang tinaboy ang tanong na iyon sa utak niya. Hindi kailan man mangyayari ‘yon. Asa pa siya.
Umiling siya. “Hindi na. Ka-kaya ko na.” tanggi niya.
Ngumiti ito, saka umiling din. “Eh paano kapag bigla kang himatayin sa sobrang takot habang nasa gitna ka. Ano na mangyayari sa’yo?” tanong naman nito.
Napipilan siya. Sabay bumuntong-hininga. Mukhang wala na siyang choice. Bakit ba kasi kapag sinisimulan niya itong iwasan ay kusa naman itong lumalapit sa
kanya? Muli siyang umiling dito.
“Hindi na. Okay na. Kakayanin ko.” Tanggi ulit niya.
Nagulat pa siya ng bigla nitong hawakan ang kamay niya ng mahigpit. Umulan ng kantiyawan mula sa mga kasamahan nila. Pinilit niyang binawi ang kamay niya, ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanya.
“I’m the boss. Kapag sinabi kong sabay tayo, sabay tayo.” Giit naman nito.
Binaling niya sa ibang direksiyon ang paningin niya. Saka nilukot niya ang mukha. Ang sarap itulak nitong lalaking ‘to!
“Ma’am?” pukaw sa kanya ng operator ng zip line. Tila hinihingi nito ang go signal niya.
“Ay sige na nga! Grrr!” napilitan niyang sagot.
Agad silang pumwesto. Inayos naman ng mga operator ang harness nila para masigurong safe sila at hindi babagsak. Napasulyap siya kay Karl na nasa tabi niya. Malapad ang pagkakangiti nito habang tila excited ito. Samantalang siya, ayun at parang tatalon ang puso niya sa takot. Nang maayos na ang harness nila.
“Ready?” tanong ni Karl.
Huminga muna siya ng malalim, bago tumango. Ganoon na lang ang tili niya ng biglang umandar ang zip line, sabay pikit ng mariin. Si Karl naman ay kuntodo hiyaw habang tumatawa.
“Hey! Open your eyes! Tingnan mo ang view!” sabi pa nito sa kanya.
“Ayoko! Natatakot ako!” aniya.
“Come on! Hindi mo ma-a-appreciate ito at hindi mo mako-conquer ang fear mo kapag ganyan ka.” Paliwanag nito.
“Eh ang taas eh! Nakakatakot nga!”
Napadilat siya ng wala sa oras ng maramdaman niyang hinawakan nito ang
kamay niya. Tiningnan niya ito. Ang guwapong mukha nito na nakangiti ang bumungad sa kanya.
“I’m here. There’s no reason for you to be scared. Hindi kita papabayaan.” Sabi nito.
Biglang napanatag ang puso niya. Nawala ang takot niya. Naramdaman na naman niyang importante siya dito. Ngumiti din siya dito, sabay tango.
“Look around,” sabi nito.
Nang tumingin siya sa paligid. Bumungad sa kanya ang magandang tanawin. Gumaan ang pakiramdam niya, kung ganito araw-araw ang bubungad sa kanya. Siguro hindi niya masyadong maiisip ang mga problema niya. Siguro makakaya niyang lahat. Maging ang ipaglaban ang tunay niyang nararamdaman para sa lalaking minamahal na ngayon ay hawak ang kamay niya. Sabay silang napasigaw habang paparating sa kabilang side ng zip line. Kung may hihilingin siya sa mga sandaling iyon. Iyon ay huwag nang matapos ang mga sandaling kasama niya ito.
HULING gabi na nila doon sa resort. Bukas ng umaga. Uuwi na sila, at sa gabi. Balik trabaho na silang lahat. Iyon na rin ang huling araw nang pangangarap niya na sa kanya si Karl. Sa mga sandaling iyon, naroon sila sa clubhouse ng Resort. Habang nagkakasiyahan ang ibang mga kasamahan niya sa pagkakantahan sa videoke. Siya naman ay masayang nakikipagkuwentuhan kay Karl at Miss Anne. Naputol lang ang pakikipag-usap niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad siyang nag-excuse nang makita na ang Mama niya ang tumatawag.
“Hello, Mama.” Bungad niya pagkasagot.
“Anak,” anitong garalgal ang boses.
Napatuwid siya ng tayo ng marinig niyang tila umiiyak ito. “Mama, bakit po?” nag-aalalang tanong niya.
Napalingon ang dalawang kausap niya sa kanya. Mabilis siyang lumabas ng
clubhouse para mas marinig niya ng malinaw ito.
“Totoo ba, anak?” tanong nito.
Biglang kumabog ang puso niya. Tila alam na niya ang dahilan kung bakit ito umiiyak.
“Ang alin po?”
“Hindi ka na uuwi dito?”
Hindi agad siya nakakibo. Tama ang hinala niya. At may ideya na rin siya kung paano nito nalaman ang lahat. “Pa-paano po ninyo nalaman?” tanong niya. Habang nagsisimulang mangilid ang mga luha niya.
“Nagtalo kami ng Ate mo. Galit na galit siya nang ipagtanggol kita sa kanya. Sa sobrang galit niya, naitulak niya ako. Saka niya sinabi sa akin na hindi ka na babalik, nang tingnan ko ang mga damit mo. Wala na doon sa lalagyan mo.” Kuwento pa nito habang humihikbi.
Tuluyan na siyang napaiyak. Hindi na niya napigilan pa ang paghagulgol. Kaya niyang tiisin ang pang-aalipusta sa kanya ng Ate niya. Pero hindi niya kakayanin kung pati ang Mama niya. Na kung tutuusin ay tunay na Ina nito.
“Kailangan po, Mama. Para matahimik tayong lahat. Kung hindi po ako aalis, palagi lang kaming mag-aaway. Ayoko pong maipit kayo sa hindi namin pagkakaunawaan. Siguro po, panahon na rin para si Ate Macy naman ang asikasuhin n’yo. Iyon po ang labis niyang kinagagalit sa akin. Iniisip niya kasi na inagaw ko kayo sa kanya, dahil mas madalas n’yo akong paboran simula pa noong mga bata pa kami.” Paliwanag niya dito.
“Saan ka naman titira, anak?” tanong nito.
“Ako na pong bahala, Mama. Huwag po ninyo akong alalahanin. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko.” Pag-aalo niya dito. “Hayaan n’yo po, madalas ko kayong tatawagan para hindi kayo masyadong mag-isip.”
“O sige, mag-iingat ka.” Sabi pa nito.
“Opo. Kayo rin po.” Sagot niyang pilit pinasisigla ang boses.
Pagkatapos ng pag-uusap nila. Tumakbo siya hanggang doon sa gilid ng Lake na malapit lang din sa Resort na tinutuluyan nila. Doon niya binuhos ang kanyang mga luha. Doon niya pinakawalan ang lahat ng galit na pilit niyang kaytagal niyang itinago. Nang hindi na niya makayanan, ay sumigaw siya ng malakas habang humahagulgol. Saka tila nanghihina na napaupo sa lupa, sinuntok niya ng sinuntok ang lupa para lang mailabas niya ang bigat ng dibdib niya. Dalangin niya na huwag sana ulit mag-krus ang landas ng Ate niya at awayin siya nito. Dahil sa pagkakataon na iyon, pinapangako niya. Lalaban na siya.
Nagulat siya ng mula sa likod niya ay may yumakap sa kanya.
“Chaia.”
Agad siyang yumakap dito, at doon muling umiyak. Naramdaman niya nang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
“I’m here. Hush now.” Pag-aalo nito sa kanya.
Nang mahimasmasan siya. Kinuwento niya dito ang tunay na relasyon nila ng Ate niya. Ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya sa piling nito. Siyempre, hindi niya sinabing si Macy ang tinutukoy niya. Hindi ito nag-react, bagkus, ay napapailing lang ito.
“Umalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam sa Mama ko. Dahil kapag ginawa ko ‘yon, baka hindi ko kayanin.” Sabi pa niya.
“So, wala kang matutuluyan ngayon?” tanong pa nito.
“Wala,” sagot niya. “Hindi bale, bukas na bukas pag-uwi natin. Maghahanap ako.”
“I’m sorry.”
Napalingon siya dito. “Bakit ka nagso-sorry?”
“Hindi ko alam na ganyan pala kahirap ang sitwasyon mo sa pamilya mo. I
should’ve known earlier. Para hindi ako umalis sa tabi mo. Kaya ka ba malungkot nitong mga nakaraan araw?” Aniya.
Tumango siya, sabay ngiti dito. “Hindi pa ba? Sa tuwing namomroblema ako gaya ngayon. Palagi kang nasa tabi ko. Ang dami ko na ngang utang sa’yo.” Aniya.
“Hindi mo kailangan isipin ‘yon. Basta makita lang kita nakangiti at masaya, ayos na ako doon.”
Tumango siya. “Okay. Simula ngayon, madalas na akong ngingiti. Para sa’yo.”
“That’s better,” sagot nito.
Bumuntong-hininga siya, “Maraming Salamat.” Aniya. Ang malaman lang na nasa tabi niya ito, ay isang magandang dahilan na para labanan niya ang problema at huwag magpatalo. Tumayo na siya. Bigla siyang nakaramdam ng pagod, sa isang iglap, gusto niyang ihiga ang katawan niya sa kama.
“Saan ka pupunta?” tanong nito.
“Papasok na ako, medyo malamig na kasi dito. Saka gusto ko nang magpahinga.” Sagot niya. “Uh, okay lang ba?”
Tumayo ito. Sabay tango. “Uh, wait.” Usal nito. Hinubad nito ang jacket saka binalabal sa likod niya. “Goodnight.” Sabi pa nito.
“Thank you. Goodnight din.” Nakangiting wika niya dito.
Tumango ito. Pagtalikod niya, agad siyang naglakad palayo dito. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang pigilan siya nito. Lumingon siya dito.
“Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?” kunot-noong tanong niya dito.
Ganoon na lang ang gulat niya nang bigla nitong gagapin ang magkabilang pisngi niya, saka siya hinalikan nito. Nanlaki ang mga mata niya. Kasunod ng mabilis na pagpintig ng puso niya.
Totoo bang lahat ng ito? O panaginip lang? Kung si Macy ang girlfriend nito. Bakit ang pilit na sinisigaw ng puso niya ay siya ang mahal nito? O sadyang nadadala lang siya halik nito. Nang tumagal na ang halik na iyon. Kusang pumikit ang mga mata niya, at dahan-dahan, tumugon siya. Hindi man niya maintindihan kung bakit magkalapat ang mga labi nila ng mga sandaling iyon. Saka na niya iisipin. Saka na rin siya magtatanong. Sa sandaling iyon, hahayaan muna niya ang puso na maging masaya sa piling nito.
Bigla silang huminto sa paghahalikan nang marinig nila ang mga boses ng kasamahan nila. Agad siyang sinenyasan ni Karl na huwag maingay, pagkatapos ay hinila siya nito at tumakbo sila sa tago at madilim na bahagi ng resort. Pigil ang tawa at hinihingal na nagtago sila sa likod ng malaking puno.
“Nakita kaya nila tayo?” pabulong niyang tanong.
“I don’t think so,” sagot ni Karl saka lumingon sa pinanggalingan nila.
Tumingin din siya doon at pinakinggan mabuti ang mga kasamahan sa trabaho.
“Nasaan kaya sila Sir at Chaia?”
“Naku, hayaan mo nga ‘yon dalawa na ‘yon, baka nag-date.”
“Halika, mag-swimming na tayo!”
“Let’s go!”
Natatawa siya. Kung alam lang ng mga ito na nandoon lang sila sa tabi-tabi. Ilang sandali pa ay unti-unting nawala ang boses ng mga ito. Nang muli niyang tanawin ay nakita niyang pabalik na ang mga ito sa loob ng cottage.
“Wala na sila, halika na ba—”
Hindi naituloy ni Chaia ang sinasabi nang paglingon ay bumungad si Karl na titig na titig sa kanya. Her heart started beating so fast again. Parang may paruparong umiikot sa kanyang tiyan habang tumatagal na nakapako lang ang tingin nila sa isa’t isa. Napasandal siya sa puno nang humakbang ito palapit sa
kanya at tinukod ang isang kamay sa puno sa gilid ng ulo niya.
“B-Bakit?” kabadong tanong niya.
“You kissed me back, it means you liked it as well,” he almost whispered.
“Karl…” tangi niyang nasabi. Ni hindi magawang tumanggi ni Chaia, gusto niya ang pakiramdam na nakakulong siya sa mga bisig ni Karl. Bumaba ang tingin nito sa kanyang labi at hinaplos iyon ng hinlalaki nito.
“I love it,” sabi nito at dahan-dahan bumaba ang mukha.
“Baka may makakita sa atin dito,” sa halip ay sabi niya.
“Wala, maniwala ka.”
Muling umakyat ang tingin nito sa kanyang mga mata pagkatapos ay hinaplos ng likod ng palad ang pisngi niya. Bigla ay naalala ni Chaia ang kuwento ni Miss Anne sa kanya, ganoon daw ang ginawa nito habang ginigising siya.
“You’re so beautiful, Chaia. Inside and out. Don’t let anyone make you feel inferior about anything. You are a beautiful person, inside and out.”
Napangiti siya. That was the best compliment she ever heard in her whole life. Sa mundo kung saan pakiramdam niya na nag-iisa siya. There’s Karl. Kaya nang muling bumaba ang mukha nito at sakupin ang labi niya ay hindi na siya nagdalawang isip pa. She responded like what she did earlier. Yumapos ang dalawang braso niya sa leeg nito. Habang si Karl naman ay hinapit siya palapit sa katawan nito.
It was pure bliss. The feeling of his lips brushing against hers. The feeling of his warm breath lingerin on her skin. It was a special moment with her special person. Hindi siya makapaniwala na maaari pa siyang maging ganoon kasaya.
Nang lumalim ang halik ni Karl. Hindi siya tumutol. Binigyan niya ng Kalayaan ang binata na iparamdam sa kanya kung paano ba mahalin. Kay tamis ng halik nito. Parang ayaw na niyang matapos pa ang sandaling iyon. Gusto niyang manatili doon kung saan maaari niyang sabihin na sa kanya si Karl. Na siya ang
nasa puso nito at hindi ang kanyang Ate Macy.
“Karl… sandali lang,” paanas na sabi niya nang huminto siya sa paghalik dito.
“Bakit? May problema ba?” nagtatakang tanong nito.
“Baka magtaka na kasi sila, matagal na tayong wala doon.”
Nang ngumiti ito. Parang gustong matunaw ng puso ni Chaia sa kilig. Titig na titig ulit ito sa kanya.
“Mayroon pa akong kailangan intindihin, wala pa akong tutuluyan bukas.”
“Akong bahala sa’yo. Hindi kita pababayaan.”
Napangiti si Chaia at saka yumakap sa lalaki. “Salamat. Maraming Salamat. Simula ng dumating ka sa buhay ko, pakiramdam ko hindi na ako nag-iisa.”
Wala siyang narinig na sagot mula dito. Pumikit siya nang maramdam na gumanti ito ng mahigpit na yakap ngunit wala siyang narinig na sagot mula dito. Pero sapat na ang init na hatid ng yakap nito para mapanatag ang loob niya.
“I’m sorry,” sa wakas ay sabi nito.
Nagtatakang tumingin siya dito. “Bakit ka nagso-sorry?”
Nahihiyang natatawa ito saka napakamot sa batok.
“Bakit?” tanong ulit niya.
“Can I kiss you again?”
Sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang natawa. Napatungo siya saka sinandal ang ulo sa dibdib nito para itago ang pamumula ng mukha niya.
“Kung ayaw mo na, okay lang naman…”
Doon siya biglang tumingala. “Gusto ko! Gusto ko pa!” mabilis na sagot niya.
Sabay silang natawa. Kasunod niyon ay muli siyang hinapit nito palapit at sinakop ang kanyang mga labi.
TINITIGAN na Chaia ang maleta niyang nakalagay sa compartment ng kotse niya. Saang lupalop naman kaya siya hahanap ng matutuluyan? Sumulyap siya sa suot niyang wrist watch. Dalawang oras na lang ang natitira sa kanya para maghanap ng matutuluyan. Dahil kung hindi, doon siya matutulog sa Bar. Napabuntong-hininga siya. Marahil iyon na siguro talaga ang tamang panahon para mabuhay siyang mag-isa. Kung alam lang niyang ganoon kalaki ang galit sa kanya ng Ate Macy niya, noon pa sana siya umalis doon. Hindi sana lalala ng ganoon ang away sa pagitan nilang dalawa.
“Saan mo planong tumuloy?”
Napapitlag siya, sabay lingon sa bandang likuran niya. Agad din naman niyang iniwas ang paningin nang makitang si Karl iyon. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro nag-flash back ang nangyari kagabi. Pakiramdam niya ay namumula ang mukha niya. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat. Basta natagpuan na lang niya ang sarili na nakakulong sa mga bisig nito at sakop na nito ang kanyang mga labi at tumutugon sa mga halik nito.
“Uh, ano. Uhm, wa-wala pa.” kandautal na sagot niya.
“Eh paano ka pagkatapos ng shift mo? Saan ka matutulog?” tanong pa ulit nito. Sa pagkakataon na ito, nasa tabi na niya ito.
Nagkibit balikat siya. “Eh di matulog dito sa kotse. O kaya sa loob ng Bar.” Aniya.
Pumalatak ito. “I can’t imagine you, sleeping here. I mean, saan ka maliligo?”
Kunot-noo siyang lumingon dito. Napangiti siya. “Huwag mo akong masyadong problemahin. Malaki na ako. Kaya kong sarili ko, huwag kang mag-alala.” Sabi niya.
Biglang umilap ang mga mata nito. “Sinong nag-aalala? Ako? Hindi kaya!” mabilis na tanggi nito.
Natawa lang siya sa reaksiyon nito, saka siya napailing.
“Eh babae ka, hindi puwedeng dito ka lang matutulog. Wait here, I’ll just make some few calls.” Sabi nito.
Nagtaka siya. Sinundan niya ito ng tingin ng bahagya itong lumayo at may kinausap sandali sa cellphone nito. Mayamaya lang, hinarap na siya nito. “Let’s go,” nakangiting wika nito.
“Saan?” nagtatakang taong niya.
“Basta, let’s go. Diyan na lang tayo sumakay sa kotse mo.” Sagot nito.
“Saan nga?” tanong ulit niya.
Nagulat pa siya ng bigla nitong hawakan ng mahigpit ang kamay niya. “Do you trust me?” seryoso at diretso sa mga matang tanong nito.
Kinapa niya ang damdamin, gaano ba kalaki ang tiwala niya dito? Sapat na ba ang pagmamahal niya upang magtiwala siya ng lubos dito? Napangiti siya. Yes. She trust him. She trust him with her whole heart, that she’s willing to give up everything just to be with him. And now, she made up her mind. Kahit na anong mangyari, walang sino man ang makakapigil sa kanya para mahalin si Karl. Maging ang Ate Macy niya.
Nakangiting tumango siya. “Yes. I trust you.” Sagot niya.
Alam ni Chaia na mas malalim pa ang kahulugan ng sagot niya sa naging tanong nito. Alam niyang ang pagsagot niya ng “Oo” dito ay nangangahulugan lang na tuluyan na niyang tinanggap ito sa buhay niya. Na ito ang mahal niya, at mamahalin habang buhay.