bc

WHEN SHE CRIES

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
others
drama
tragedy
mystery
expert
small town
supernatural
wild
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Si Julian Del Moran... mula nang umuwi sa Lambak ng Inosencia kung saan nakatayo ang mansyon ng inang si Donya Liandra ay samu't-saring kababalaghan na ang nararanasan. At ang lahat ng kababalaghang ito ay may kaugnayan sa babaeng nagngangalang Anastasia na nakakulong sa loob ng mansion sa mahabang panahon. Ngayon, ang tanging paraan upang humupa ang trahedyang nararanasan sa Lambak ng Inosencia ay kung mapapaibig ni Julian si Anastasia. Anong hiwaga kaya ang bumabalot sa pagkatao ng babaeng ito? Mapapaibig nga kaya ni Julian si Anastasia o mag-iiba ang ihip ng kapalaran?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nagbangon sa kinahihigaan si Julian at nagtungo sa harap ng salaming bintana. Walang kurtinang nakatabon doon kaya namamasdan mula sa kanyang kinaroroonan ang kalakhang Maynila. Ang nagtatayugang imprastraktura, mga hotel at supermarket. Ang pila ng mga sasakyan sa baba na tila mga laruang hindi gumagalaw sa haba ng trapik sa kalsada. Ang condo ng binata ay nasa ika-apat napung palapag at nakaharap sa silangang bahagi kaya madalas, kapag nagbabangon siya ng ganoon ding oras ay iyon ang unang-una niyang pinagmamasdan-- ang magandang silahis ng papasikat na araw. Dagdag pang napakakisig ng binata sapagkat wala siyang suot na pang-itaas at puting pantulog lang ang kanyang suot. Kaya't nang magtama ang kulay kahel na liwanag sa katawan niya'y paniyak walang babaeng hindi makakatangging magpakama sa kanya. Tumunog ang wireless telephone na nakapatong sa katabi niyang mesita. Kinuha niya iyon nang nakapako pa rin ang paningin sa labas ng bintana at pinindot ang button upang sagutin ang tawag. "Julian, ijo..." pamungad ng boses sa kabilang linya. Tinig iyon ng kanyang mama-- si Donya Liandra Del Moran. Napakunot ang noo ng binata. Bihirang tumawag ang Donya ng gayon kaaga lalo pa't nasa probinsya ito at nagbabakasyon sa malayong kamag-anak. Ilang taon na rin ang nakakaraan nang mamayapa ang kanyang ama dulot ng altapresyon at sakit sa baga. Kompanya ng isang sikat na brand ng alak ang iniwan ng Don kaya si Julian ngayon ang nabigyan ng pribileheyong magpatuloy ng kanilang negosyo bilang siya lang din ang unico ijo ng mga Del Moran. May hacienda sila sa Santa Mesa Laguna at doon nanunuluyan ngayon ang Donya. At nang may bumisita ditong isang kamag-anak sa malayong lalawigan ay hindi nag-atubili ang Donya na sumama at pansamantalang magbakasyon sa probinsya sa patnugot na rin ng binata. Isang buwan ding hindi tumatawag mula noon ang kanyang mama. Hindi naman siya nag-aalala sapagkat isang dosenang katulong din ang hinakot nito sa pag-alis. Sinabihan na rin siya nitong walang signal doon ng telepono. Kaya't ang pagtawag na iyon ng Donya ang isa sa pinagtatakhan niya liban sa labis na rin niyang pananabik na marinig muli ang malumanay na boses ng nasa kabilang linya. "Nasa kabisera ako ng Luisita, ijo. Tumawag lang ako para kamustahin ka," walang kalakip na lambing mula sa tinig ng ginang. Naroroon ang pag-aalala at pagkabahala. "Maayos naman ang lagay ko, pero kayo? Hindi kayo tatawag ng ganito kaaga kung balak niyo lang akong kamustahin," sawata ni Julian na ibig na yatang maghinala sa totoong sadya ng ina. "Kailangan kita dito. Sa lalong madaling panahon..." Nanulas ang mahinang ungol mula sa iniwang higaan ng binata. Saka nagbangon ang hubad na babaeng hinanap kaagad ng mapupungay na mga mata si Julian. "Julian?" malambing nitong usal saka na umalis sa puting kama. Hindi na ito nag-abalang magtakip ng nalantad na katawan at kaagad na nagtungo at yumapos sa lalake. Mapangahas ang hagod ng maninipis na mga daliri nito at ang mga labing sumasakop na ngayon sa bibig ng makisig na binata. "...at Julian, huwag kang magdadala ng babae, maliwanag ba? Huwag kang--" naputol ang iba pang sasabihin ng Donya sa kabilang linya nang pindutin ni Julian ang end button. Iba na ang tuon ng pansin niya ngayon. Ang nabuhay niyang pagkalalake. Ang pagnanasa niya sa babaeng modelo na ito na kagabi niya lang nakilala sa event na kanyang dinaluhan. Ibinalik ng binata ang telepono sa mesita at sinimulan ang marubdob na pagsibasib nito sa mga labi ng babae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
130.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
104.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
161.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook