“ANO?! Hindi mo pa nakita? Sayang, bessy! Bakit kasi hindi mo binilisan? Alam mo namang hindi ko pwedeng patagalin ang pagpigil kay Roxanne na huwag munang umalis sa dirty kitchen niya kasi makakahalata iyon!” May panghihinayang na himutok ni Liya matapos ikwento dito ni Angela ang nangyari sa kwarto ni Roxanne.
Nasa may waiting shed na sila malapit sa condominium building na kanilang pinuntahan upang maghintay ng jeep na bumabyahe pauwi sa lugar nila. Wala na silang budget para mag-taxi ulit kaya sa mas makakatipid muna sila.
Malungkot na umiling si Angela. “Talagang kinabahan ako lalo na nang nasa loob na ako ng kwarto. Sorry kasi hindi natin nagawa iyong talagang ipinunta natin kay Roxanne.” Nanghihinayang niyang turan.
“Pero sabi mo likod lang ang nakita mo? Hindi mo ba talaga nakilala kung asawa mo iyon? `Di ba, dapat kapag asawa mo kahit dulo ng kuko lamang ang makita mo ay kilala mo siya?”
“Hindi talaga, e. Medyo madilim kasi doon sa kwarto,” iling niya.
“Hay, sayang talaga pero wala na tayong magagawa. Naibalik na natin iyong ID ni Roxanne at wala na tayong chance para makapunta doon.”
“Ano na ang gagawin ko ngayon, bessy?”
“Edi, talasan mo ang pakiramdam mo at huwag kang tatanga-tanga, bessy! Iyan ay kung gusto mong malaman kung may kabit nga ba ang mister mo. Basta kung need mo ng help ko ay nandito lang ako, ha. Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin.”
“Salamat, bessy!”
Hindi na niya napigilang hindi yakapin ang kaibigan. Napakaswerte niya para magkaroon ng kagaya ni Liya sa buhay niya. Kahit ulilang lubos na siya ay hindi niya nararamdamang mag-isa siya dahil sa kaibigan.
“`Ku! Ang drama! Ay, wait. May jeep na!”
Kumalas na siya sa pagkakayakap kay Liya at pinara ang jeep na paparating.
NANGINGITI si Roxanne habang pinapanood niya sa kaniyang laptop ang record ng CCTV sa salas at kwarto ng kaniyang condo unit. Nasa salas siya at nakaupo sa may sofa. Nakapatong ang laptop sa kaniyang mga hita.
Kitang-kita niya doon ang pagpasok ni Angela sa kwarto at ang muntik nang pagkakakita nito kay Cedrick. Sobrang sakto pala ang pagbalik niya dahil hindi nakita ni Angela kung ang asawa ba talaga nito ang natutulog sa kaniyang kama.
Iyon naman talaga ang balak niya—ang patakamin si Angela. Gusto niyang mabaliw muna ito sa pagdududa bago sumabog sa mukha nito ang katotohanan na may ibang babae si Cedrick.
“Not now, Angela. May tamang oras para malaman mo ang katotohanan…” Mahina niyang sabi.
Ngayon ay naniniwala na siya sa sinasabi ni Cedrick na tatanga-tanga nga ang asawa nito. Nang makaharap niya ito kanina ay doon niya napansin ang kilos ni Angela. Parang napakabait nito. Sobra. Iyong tipong kahit pahiran niya ng dumi sa mukha ay hindi papalag at magagalit.
Mas naengganyo tuloy siyang paglaruan si Angela tutal ay wala na siyang gagawin pagkatapos ng tatlong araw. Maaari niya itong gawing pampalipas ng oras. Hindi na muna niya mamadaliin ang pagbubunyag ng katotohanan para magkahiwalay na sina Angela at Cedrick.
Nagulat si Roxanne nang biglang tumabi si Cedrick sa kaniya at kinabig siya para halikan sa labi. Itinulak niya ang lalaki upang maisara ang laptop.
“Finally! You’re awake!” aniya.
“May breakfast na ba? Nagugutom na ako.” Hinimas pa nito ang tiyan.
“I cooked carbonara. Ang dami mong nainom, e.”
“Ikaw kasi. Kahit madaling araw ay inaya mo pa ako na mag-inom. This is your fault, Roxanne!” tawa ni Cedrick.
“But even if you’re drunk, nakailang rounds ka pa rin.” Kinikilig siyang humagikhik.
Pumungay ang mata ni Cedrick at pilyong ngumiti. Tila alam na niya ang tumatakbo sa utak ng lalaki. “Hmm… Binigyan mo naman ako ng idea. Parang hindi carbonara ang gusto kong breakfast…”
Tumayo si Roxanne at umupo nang maayos. Walang pag-aalinlangan na ibinaba niya ang panty at bumukaka. Akala mo ay bulaklak na namukadkad ang kaniyang p********e. Kitang-kita niya ang pagnanasa sa mata ni Cedrick.
“Then eat me up!” Paanas niyang anyaya.
“Hindi ko tatanggihan iyan!”
TATLONG araw na nawala si Cedrick at pagbalik nito ay hindi naramdaman ni Angela na namiss siya nito. Pagdating nito ng gabing iyon ay dumiretso ito ng higa at natulog. Hindi siya kinausap o kinumusta man lang. Ayaw na niya itong istorbohin at baka pagod ang asawa niya sa biyahe. Malayo din kasi ang Baguio.
Sa Baguio ka nga ba talaga pumunta o ikaw iyong lalaki sa bahay ni Roxanne? Tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang natutulog na asawa sa kama.
Natigilan siya nang mapansin na kagaya ng posisyon ni Cedrick sa pagtulog ang posisyon ng lalaking nakita niya sa condo ni Roxanne. Pilit niyang pinagkumpara ang dalawa at nakita niyang malaki ang pagkakahawig ni Cedrick at ng lalaki kapag nakatalikod ito.
Ipinilig niya ang ulo. Hindi pwedeng sa ganoong paraan siya magdedesisyon kung si Cedrick nga ang lalaking iyon. Ang dapat ay solidong ebidensiya para hindi siya magkamali.
Inayos na lang muna ni Angela ang mga ginamit ni Cedrick sa pagpunta sa Baguio. Inilabas niya sa bag ang marurumi nitong damit para ilagay sa laundry basket. Bukas na niya lalabhan ang mga iyon.
Nakasanayan na niyang i-check isa-isa ang bulsa ng shorts o pantalon ng maruruming damit ni Cedrick at baka may basura, pera o kung anumang importanteng bagay na hindi pwedeng mabasa. Pagpasok ng kamay niya sa likurang bulsa ng shorts ni Cedrick ay may nakapa siyang papel. Paghugot niya ay nalaman niyang isa iyong resibo. Reservation sa isang rooftop ng isang kilalang hotel. Para sa dalawang tao ang nakalagaya. Isang romantic dinner night at ang petsa ay sa gabi ng Sabado. Halos malula siya nang makitang twenty thousand pesos ang binayaran ni Cedrick para sa reservation na iyon.
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ni Angela. Walang nababanggit si Cedrick na may dinner sila sa ganoong lugar.
Sino kaya ang kasama ni Cedrick sa dinner date na iyon? Tanong niya sa sarili.
PAGKAGISING ni Cedrick ay agad na tinanong ni Angela dito kung may lakad ba ito sa Sabado ng gabi. Upang hindi ito makahalata na nakita niya ang resibo sa shorts nito ay ibinalik niya din iyon kung saan niya nakita.
“Meron. Magpapa-dinner ang boss namin sa amin,” sagot ni Cedrick sabay hikab.
“Marami kayo?”
“Oo. Buong team ay ililibre niya.”
Buong team? Marami? E, bakit for two persons lang ang nakita ko? Nang-uuyam na tanong ni Angela pero hindi na niya isinatinig.
“Bakit ba tinatanong mo?” May kaunting init na tanong pa ni Cedrick.
“Balak ko sanang sa labas tayo kumain kasama sina mama ng araw na iyon pero sa ibang araw na lang. Teka, nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghain kita ng makakain sa ibaba? Meron pang adobong baboy.”
“Sige. Susunod na lang ako,” anito.
Tumalima agad si Angela. Bago siya lumabas ng kanilang kwarto ay pasimple niyang sinulyapan si Cedrick at nakita niyang hinalughog nito ang laundry basket. Kinuha nito sa shorts ang resibo at inilagay sa bag na ginagamit nito sa pagpasok sa trabaho.
Kailangan ko nang malaman ang totoo. Hindi na dapat ako matakot! Turan ni Angela sa sarili. Tama si Liya, wala siyang dapat ikatakot. Mas maganda kung malalaman niya ang katotohanan nang mas maaga.
DUMATING na ang gabing hinihintay ngunit kinakatakutan ni Angela. Sabado na ng gabi at ngayon ay nasa harapan na siya ng mamahaling hotel kung saan nagpa-reserve si Cedrick ng dinner date for two sa rooftop. Kung iisipin ay napakaromantic ng set up na iyon. Pangarap din niya na maranasan nila ni Cedrick ang ganoong klase ng dinner date pero mukhang sa iba nito iyon nais maranasan.
Simpleng bestida ang suot niya. Mapusyaw na dilaw ang kulay. Flat shoes na itim at naka-pony tail ang kaniyang buhok. Ang tanging dala niya ay isang mumurahing handbag na kulay itim. Naroon ang kaniyang cellphone at wallet.
Wala na itong atrasan. Kinakabahan man siya ngayon ng sobra ay hindi na dapat siya magback-out.
Pumasok na si Angela sa hotel at sumakay ng elevator at pinindot niya ang button para sa pinakamataas na floor. Iyon na yata ang pinakamatagal na pagsakay niya sa elevator. Tila napakabagal ng pag-usad ng segundo.
Nagulat pa nga siya nang tumunog at bumukas ang pinto ng elevator. Humakbang siya palabas at hinanap ang hagdan papunta sa rooftop. Sa pag-iikot niya sa floor na iyon ay may nakita siyang pinto na may nakalagay na “TO ROOFTOP”.
Diyos ko! Bigyan Mo po ako ng lakas… dasal niya bago buksan ang pinto. Isang hagdan paitaas ang nakita niya.
Napahawak si Angela sa wedding ring sa kaniyang daliri. Hindi siya bumibitiw doon habang inaakyat niya ang hagdan. Parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba. Lalo na nang nasa mismong harapan na siya ng nakasaradong pinto.
Nag-ipon siya ng lakas at huminga nang malalim bago binuksan ang pinto at nakita niya si Cedrick na nakaupo sa naka-set up na dinner table. Napaka romantiko ng set up ng rooftop. May mga pula at puting lobo na nagkalat. May mga petals din ng rosas. May isang bouquet ng red and white roses sa table. Sa hitsura ni Cedrick ay mukhang may hinihintay ito at sigurado siyang ang babae nito ang hinihintay nito doon!
Hindi na napigilan pa ni Angela ang sarili. Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Cedrick. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ng kaniyang asawa nang makita siya.
“Angela? Anong ginagawa mo dito?!” Napatayo pa ito.
“Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Ano ang ginagawa mo dito?” Naiiyak niyang tanong. “N-nakita ko sa bulsa ng shorts mo ang reservation mo dito! May iba kang babae!” Sa sobrang emosyonal niya ay nagawa niyang hubarin ang wedding ring at malakas iyong ibinagsak sa ibabaw ng lamesa.
“At kailan ka pa nagsimulang makialam ng gamit ko?!” Mataas ang boses ni Cedrick.
Natigilan siya. Pakiramdam niya ay siya na ang may kasalanan ngayon dahil sa nakialam siya ng gamit ng kaniyang asawa. “H-hindi ko sinasadyang makita iyon—”
“Wala na talaga akong privacy pagdating sa iyo.” Iiling-iling nitong turan. “Hindi porket asawa mo ako ay may karapatan ka nang makialam sa gamit ko. Baka sa susunod pati password ng f*******: ko ay hihingin mo na?”
“H-hindi…” Natigalgal si Angela.
Bakit ganito? Bakit parang siya na ang masama ngayon? Hindi ba dapat ay siya ang magalit kay Cedrick dahil sa may ka-dinner date itong iba?
“At itong dinner date na ito? Alam mo ba kung para kanino ito? Para sa ating dalawa! Hinihintay ko lang na maluto iyong pagkain saka kita tatawagan para papuntahin dito! Surprise ko ito sa iyo dahil monthsary natin ngayon!” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Angela sa isiniwalat ni Cedrick. “O, hindi ka makapagsalita? Ah, alam ko na. Nakalimutan mong monthsary natin ngayon. Mas inuuna mo pa kasi pakikialam sa gamit ko at pagdududa mo! Nakakawalang gana ka na, Angela!”
Unti-unting kinain ng konsesnsiya niya si Angela. Tama si Cedrick. Monthsary nga nila ngayon. Sa dami ng tumatakbo sa isip niya ay nakalimutan na niya. Anong klase siyang asawa para makalimutan ang isa sa importanteng araw nila ni Cedrick? Nanliliit na siya sa kahihiyan ng oras na iyon. Napakasama niyang asawa!