Chapter XII

2214 Words
     LUMABAS na naman si Cedrick ng gabing iyon upang makasama ang mga katrabaho nito kaya mag-isa lang si Angela sa kanilang silid. May nag-aya daw kay Cedrick na katrabaho nito na mag-KTV at hindi na ito nakatanggi. Libre daw iyon kaya na-engganyo itong sumama. Sasabihin niya sana na kung maaari ay huwag na itong sumama dahil nagluto siya ng paborito nitong ulam na pork humba. Isa iyon sa specialty niya na gustong-gusto ni Cedrick. Pero nang sabihin nito na sobrang stressed ito sa trabaho at nais nitong magliwaliw kahit saglit ay hinayaan na niya itong sumama sa mga katrabaho. Ayaw niyang ipagkait kay Cedrick ang sandaling oras na makakapag-enjoy ito. Saka wala itong pasok bukas kaya magkakasama pa rin sila ng buong araw. Sa cellphone nagpaalam si Cedrick at hindi na umuwi sa bahay mula sa trabaho. Dumiretso na ito sa pagpunta sa KTV bar. Kaya simula ng pumasok ito sa trabaho kaninang umaga hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nakikita. Nakaupo si Angela sa vanity mirror habang bina-brush ang buhok na kakatapos niya lang tuyuin gamit ang hair blower. Kakatapos lang niyang maligo at tutulog na siya. Alas diyes na kasi at kapag ganoong oras ay tulog na siya. Tinapos niya pa kasi ang pelikula na pinapanood nila kanina sa salas kaya late na rin siya nakaligo. Manipis na pantulog ang suot niya ng oras na iyon. Bumagal ang pag-brush niya sa buhok nang mapatingin siya nang maigi sa sariling mukha. Hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin ang lahat na nagustuhan siya ni Cedrick. Tuwing gumigising siya sa umaga ay nangangamba siyang panaginip lamang ang lahat ngunit agad din na napapawi ang pangamba niya kapag nakikita niya ang kaniyang asawa na katabi niya sa higaan. Napangiti si Angela. Tinapos na niya ang pagba-brush sa buhok at inilagay ang suklay sa maliit na drawer sa ilalim ng vanity mirror. Habang isinasara niya ang drawer ay may napansin siyang anino na mabilis na tumakbo sa likuran niya. Malakas ang yabag ng paa na parang nagdadabog. Nahagip iyon ng mata niya sa salamin. May kaunting kaba na lumingon siya sabay gala ng mata ngunit wala siyang nakitang ibang tao sa kwarto. “Sinong nandiyan?” tanong niya kahit walang nakikita. Hanggang sa matigilan siya nang may marinig siyang iyak ng sanggol sa kung saan. Doon na siya tumayo at hinanap kung saan nagmumula ang iyak. Para kasing nasa malapit lang iyon at nakakulong sa isang kahon o kung ano kaya mahina. Huminto siya sa gitnang parte ng kwarto. Parang nasa paanan niya ang umiiyak na sanggol. Mas malakas na iyon ngayon. Mas malinaw na niyang nadidinig ang iyak nito na para bang hirap na hirap. Bakit magkakaroon ng sanggol doon? Bakit parang nasa ilalim iyon ng makapal na kahoy na sahig nila sa kwarto? Kinakabahan man ay mas nanaig ang kuryusidad kay Angela. Marahan siyang lumuhod at dahan-dahan na inilalapit ang isang tenga sa sahig. Malapit na sana iyon sa sahig nang magulat siya nang may sunud-sunod na kumatok sa pinto. Bigla siyang tumayo at binuksan ang pinto. “Papa?” bulalas niya nang mapagbuksan ang biyenan na lalaki. “Gising ka pa pala, Angela. Wala pa ba si Cedrick? Kwentuhan naman tayo. Hindi pa ako inaantok, e.” Sa pamumungay ng mata nito at hiningang amoy alak ay nahinuha niyang lasing ito. Bahagya pang namumula ang mukha ng lalaki habang nakangisi. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit hindi siya kumportable kapag malapit ito sa kaniya o kinakausap siya. “Pauwi na rin po si Cedrick. Kakatext niya lang po, papa.” Pagsisinungaling niya. Baka kapag nalaman nitong parating na ang asawa niya ay lubayan na siya nito. “Ganoon ba? Matagal pa siguro iyon. Kwentuhan muna tayo. Kahit saglit lang.” Isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa. Hindi alam ni Angela kung paano papaalisin ang makulit na si Sergio. Manhid ba ito? Sadya bang hindi nito maramdaman na ayaw niya itong kausap? Pilit siyang ngumiti. “Inaantok na po ako, e. Bukas na lang po—” “Sergio! Anong ginagawa mo diyan?” Narinig niya ang boses ni Lorena. Ilang segundo lang ay nasa tabi na ito ng asawa. “Bakit ka nandito? Akala ko ba ay tulog ka na? Bumaba lang ako sa banyo at pagbalik ko ay nandito ka na agad.” “Ah, e… may itinatanong ako dito kay Angela.” Inakbayan nito ang asawa na medyo hindi maganda ang tingin sa kaniya. “`Di ba, Angela? Tinatanong ko kung dumating na ba si Cedrick at ako ay may sasabihin.” “O-opo, mama.” Pagsang-ayon niya sa kasinungalingan ni Sergio. Hindi na umimik pa si Lorena. Hinila na nito paalis ang asawa at pumasok sa kwarto sa katapat ng kwarto nila ni Cedrick. Maluwag na nakahinga si Angela dahil wala na si Sergio. Nang ilapat niya ang pinto ay pinatay na rin niya ang ilaw at humiga. Bumalik sa isip niya ang iyak ng sanggol na narinig niya. Wala na iyon ngayon. Tahimik na ang kwarto at walang kaingay-ingay. Naisip niya na baka guni-guni niya ang narinig na iyak. Imposible kasi na magkaroon ng sanggol sa bahay na iyon. Ipinikit na niya ang mata dahil medyo nakakaramdam na siya ng antok…   ANG masuyong paghaplos sa hita ni Angela ang gumising sa kaniya sa gitna ng pagtulog ng gabing iyon. Muli siyang pumikit nang sumalubong sa kaniya ang kadiliman ng silid. Sa paraan ng paghaplos ng kamay na iyon ay alam niyang si Cedrick na iyon. Dumating na pala ito. Mula sa hita ay pumasok sa pantulog ang kamay at hinila ang panty niya paibaba. Nang paglaruan ng daliri ni Cedrick ang b****a ng kaniyang p********e ay awtomatiko siyang bumukaka. “Hmp! Cedrick!” Impit niyang sabi nang pumasok ang isang daliri nito sa p********e niya at isinunod ang isa pa. Sandaling nawala ang daliri sa p********e niya at ang pumalit ay ang dila at bibig ng kaniyang asawa. Gusto nang sumigaw ni Angela sa sarap pero pinipigilan niya sa takot na baka marinig siya ng mga kasama nila sa bahay. Nakakahiya naman kapag ganoon. Hinayaan lang niya si Cedrick na paglaruan ang p********e niya gamit ang dila nito. Halos masira na ang unan sa diin ng pagkakakuyumos niya. “Cedrick…” Akala mo ay nasisiraan na ng bait si Angela. Sa ginagawa nito ay para bang sasabog na agad siya. Bago pa man siya tuluyang matapos ay hinila niya ang ulo ni Cedrick papunta sa mukha niya. Nang hahalikan na niya ito at makita niya ang kabuuan ng mukha nito ay nagulantang siya nang malaman na hindi iyon ang kaniyang asawa! Si Sergio! Ang laki ng ngisi nito na para bang tuwang-tuwa ito sa ginawa. “Mas magaling ako kesa sa anak ko, Angela!” anito pa sabay sunggab sa kaniya.   “HUWAG po!!!” Tagaktak ang pawis sa mukha at hinihingal na nagising si Angela mula sa masamang panaginip. Napahawak siya sa dibdib at kinapa ang sarili. May damit pa siya at wala rin siyang katabi. Indikasyon na tunay na panaginip lamang ang lahat. Diyos ko! Anong klaseng panaginip po ba iyon? Aniya sa sarili habang pilit na kumakalma. Alas trey y media na ng madaling araw ayon sa digital clock. At sa oras na iyon ay wala pa rin si Cedrick. Hindi pa rin ito umuuwi mula sa pinuntahan nito. Kinuha niya ang cellphone na katabi ng digital clock upang tingnan kung tumawag ba ang asawa o nag-message ito sa kaniya. Medyo nag-alala siya nang malaman na walang kahit isang message si Cedrick. Walang pagdadalawang-isip na tinawagan niya ito ngunit walang sumasagot. Nag-ri-ring lang. Inulit niya ang pagtawag sa pangalawang pagkakataon. May sumagot na. “Hello, Cedrick… Nasaan ka na? Uuwi ka pa ba ngayon—” “Ano ba? It’s too late na and you’re still calling? What the f**k?” Boses ng isang babae ang narinig ni Angela sa kabilang linya. Hindi na niya nagawang magsalita pa dahil sa naputol na ang tawag at nang subukan niyang tumawag ulit sa number ng asawa niya ay naka-off na ang cellphone nito. Bumilis ang tahip ng dibdib ni Angela. Bakit babae ang sumagot sa tawag niya kay Cedrick? May kasama ba itong babae? Sino ang babaeng iyon? Hindi niya ugali ang magduda pero sa pagkakataon na iyon ay hindi niya maiwasang gawin iyon…   NAIIRITANG pinatay ni Roxanne ang cellphone nio Cedrick matapos niya iyong sagutin. Nakita niya kasi na si Angela ang tumatawag kaya nainis siya at sinagot iyon. Wala ba itong konsiderasyon at madaling araw ay tumatawag pa kay Cedrick? Pagkabalik ng cellphone ni Cedrick sa bedside table ay muli siyang yumakap sa lalaki na nasa tabi niya. Kapwa wala silang saplot dahil walang kapaguran silang nagtalik sa silid nila dito sa condo unit kung saan na siya titira. Lahat ng posisyon yata ay nagawa nila at lahat ng parte ng silid na iyon ay nagamit nila sa p********k. Mas lalo niya tuloy minahal si Cedrick dahil sa mas mahusay ito kay Logan pagdating sa kama. Kayang-kaya siya nitong sabayan. She satisfy him. He satisfies her… Mas lalong isiniksik ni Roxanne ang sarili kay Cedrick. Gumalaw ang braso nito para yakapin siya. “Gising ka pa?” tanong ni Cedrick sa inaantok na boses. “Nagising.” Pagtatama niya. “Iyong asawa mo kasi. Ang kulit. Tumatawag sa iyo.” “Ha? Anong ginawa mo?” “I answered her. I told her na stop calling kasi nakakaistorbo siya!” Tinawanan siya ni Cedrick. “Ang tapang mo naman,” anito. “Hindi ka galit or natakot kasi sinagot ko ang call ni Angela? Baka giyerahin ka niya pag-uwi mo.” “Alam mo iyang si Angela ay katulad ng asawa mo. Tiklop pagdating sa asawa. Saka madaling mauto si Angela. Kapag nagalit siya sa akin ay kaya kong baligtarin ang sitwasyon. She’s naïve… Ginayuma nga yata ako no’n kaya pinakasalan ko siya. Bukod sa ugali niya ay wala nang ibang maganda sa kaniya.” Pabiro niyang hinampas sa dibdib si Cedrick. “Grabe ka sa wife mo!” tawa niya. “Pero I saw her pictures. She’s okay naman. I mean, her physical appearance. Pero mas maganda at sexy pa rin ako! Dulo lang siya ng kuko ko sa paa!” “Totoo naman, e! Kaya nga hanggang ngayon ay patay na patay pa rin ako sa iyo!” Impit na napatili sa gulat si Roxanne nang pumaibabaw ng walang babala si Cedrick sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila at alam na agad nila ang ibig sabihin niyon. “I love you, Roxanne…” anas nito. “I love you too…” At matapos iyon ay isang maalab na halik ang kanilang pinagsaluhan.   HINDI na nagawang makabalik ni Angela sa pagtulog simula nang tawagan niya ang cellphone ni Cedrick at isang babae ang sumagot. Sinasabi niya sa kaniyang sarili na wala siyang dapat na ipangamba dahil walang record si Cedrick na nagloko ito pero ang hirap gawin niyon. Kung anu-anong bagay na tuloy ang tumatakbo sa utak niya simula kanina pa. `Andiyan ang isipin niya na baka nagsawa na agad si Cedrick sa kaniya kaya may iba na itong babae. “Angela! Hoy, Angela!” Npapitlag siya nang marinig ang pagtawag ni Lorena. “Mama?” Naputol ang malalim niyang pag-iisip. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal sa hapag-kainan. Si Cedrick ang tanging wala doon. Umaga na ngunit hindi pa rin ito umuuwi. “Ano ba, Angela? Kanina ko pa pinapaabot iyang itlog sa tabi mo, a. Nakatulala ka lang diyan!” May halong inis na turan ni Lorena. “Pasensiya na po. May iniisip po kasi ako.” Kinuha niya ang pinggan na kinalalagyan ng itlog at iniabot iyon kay Lorena. “Si Cedrick ba? Hindi pa rin ba umuuwi?” tanong naman ni Sergio. “Hindi pa po papa. Patay din po ang cellphone niya. Hindi ko siya makontak.” “Paranoid ka lang! Malamang ay nakitulog iyon sa katrabaho niya sa sobrang kalasingan. Hayaan mo naman minsan ang anak ko na mag-enjoy. Aba, siya ang nagdadala sa iyo ng pera kaya may karapatan siyang magliwaliw.” “Mama, hindi sa ganoon. Nag-aalala kasi ako at baka kung—” “Good morning!” Lahat sila ay napatingin sa bagong dating na si Cedrick. “O, bakit parang naririnig ko na nag-aaway kayo?” Hinalikan siya nito sa pisngi at umupo sa bakanteng upuan sa kaniyang kaliwa. Tinawag nito si Manang Gemma upang ikuha ito ng pinggan at kubyertos. Nagugutom daw kasi ito at hindi pa nag-aalmusal. “O, `ayan na ang asawa mo. Sana ay matahimik ka na!” Iiling-iling si Lorena. Inakbayan siya ni Cedrick. “Ano bang nangyari?” tanong nito sa kaniya. “Hindi kasi kita makontak, e. Nag-aalala ako sa iyo.” “Ah… Na-lowbat kasi ako. Teka, mamaya na tayo mag-usap. Nagugutom talaga ako, e!” Tiningnan ni Angela si Cedrick habang naglalagay ito ng pagkain sa pinggan. Tama. Mamaya ay kakausapin niya ito. Hindi ito ang tamang lugar at oras na mag-usap sila tungkol sa bagay na ganoon dahil nasa harapan sila ng pagkain. Saka mas okay kung silang dalawa lang ni Cedrick. Ang importante ay ligtas naman pala ito at walang masamang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD