Chapter XXI

1995 Words

       “MANANG GEMMA, saan mo inilagay iyong susi? Bakit wala sa lumang drawer? `Di ba, ang sabi ko sa iyo ay iwanan mo sa dating pinagtataguan ko? Anong hindi mo ginalaw? Wala nga dito, e! Sige na, hahanapin ko na lang bukas ng umaga dito at baka kung saan mo nailagay. Talagang ulyanin ka na. Marami ka nang nakakalimutan!” Dinig na dinig ni Angela ang pakikipag-usap ni Lorena kay Manang Gemma sa cellphone. Hindi siya nagkamali na ito nga ang paparating. `Buti’t nagawa niyang makapagtago sa likuran ng mga nakapatas na kahon na nasa gilid. Madilim sa bahaging iyon kaya hindi siya mapapansin nito. Pagkababa doon ni Lorena ay dumiretso ito sa lumang drawer at binuksan ang pinaka ilalim na sulong. Nang hindi nito makita ang susi ay saka nito tinawagan si Manang Gemma upang itanong kung nasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD