HALOS mamilipit si Hannah sa kilig nang gantihan ni Jeff Mitchel ang kanyang ngiti. Nagkasalubong sila sa hallway ng building nila sa university. Hindi na niya nagawang batiin ang binata dahil tila nagmamadali ito patungo sa susunod na klase. Vacant period naman niya. Isang linggo na mula nang mangyari ang pagtatanggol nito sa kanya kay Aldrin. Tuwing magkakasalubong sila ay nginingitian niya si Jeff Mitchel at tinutugon naman nito. Kahit na hindi sila nagkakausap, alam niya na kahit na paano ay magkaibigan na silang dalawa. Sapat na iyon sa kanya sa ngayon. Marahil pagtagal-tagal ay unti-unti rin silang magkakalapit. Nang sumunod na semestre, hindi inasahan ni Hannah na magiging kaklase uli niya si Jeff Mitchel. Anong tuwa niya nang pagpasok sa classroom ay ang binata ang kanyang una

