NASA isang party si Hannah nang gabing iyon. Kaarawan ng isang kamiyembro nila sa cheering squad. Nasa isang bahay sila na malayo sa mga kapitbahay kaya ayos lang na magpatugtog nang malakas. Liquor was overflowing. Iginala niya ang kanyang mga mata. Abala na ang lahat sa kasiyahan. Some were dancing. Couples were making out everywhere. Kasama niya kanina si Yani ngunit ngayon ay abala na ang kaibigan sa boyfriend nito sa isang sulok. Napailing na lamang siya. Wala naman siyang balak na magtungo sa party na iyon, pinilit lamang siya ni Yani. Hindi niya gusto ang mga ganoong uri ng party. Nais sana niyang manatili na lamang sa bahay at magbasa ng magandang nobela. Hindi siya tinigilan ni Yani hanggang sa pumayag siya. Huwag daw siyang killjoy at spoilsport. Hindi raw bagay sa kanyang imag

