“HI! DO you still remember me?” nakangiting tanong ni Hannah kay Luisita na nakaupo sa sulok ng cafeteria nang hapon na iyon. Hinanap talaga niya ang dalaga upang kausapin ito nang masinsinan. Nginitian din siya ni Luisita. “Hannah, `di ba? Kaibigan at kaklase ka ni Mitch,” anito sa palakaibigang tinig. “Can I join you?” paalam niya habang nakatingin sa bakanteng upuan sa harap nito. “Siyempre.” Umupo si Hannah. She looked at her for a while. She looked so nice and friendly. Maaliwalas ang mukha nito. Walang ideya si Luisita na nagtungo siya roon upang sirain ang aliwalas at katahimikan ng buhay nito. Tila nais na niyang magbago ng isip. Hindi na niya nais na ituloy ang gustong gawin. Hindi yata niya kayang maging masama. Hindi tama ang gagawin niya. Hindi niya nais na sirain ang isan

