NANG mga sumunod na araw, si Jeff Mitchel naman ang umiiwas kay Hannah. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung dapat na ba niyang lapitan at kausapin nang masinsinan ang binata o hayaan muna ito. Baka kailangan pa nitong mag-isip. Siyempre, hindi naman basta-basta halikan ang nangyari. He had a girlfriend. He kissed her like she was a special woman in his life. Iyon ang unang karanasan ni Hannah sa halik at wala siyang mapagkokomparahan, ngunit alam niya na espesyal ang halik na namagitan sa kanila. It wasn’t just a kiss. She was hoping so hard he would choose her. She had been praying endlessly. Sana ay mapagtanto ni Jeff Mitchel na siya ang tamang babae para dito. Sana ay siya ang piliin ng puso ng binata. Ayaw niyang masaktan si Luisita dahil wala naman

