“YOU DON’T have to be with Luisita?” tanong ni Hannah kay Jeff Mitchel nang yayain siya ng binata na kumain ng hapunan sa isang restaurant bago sila umuwi. Nasa parke pa rin sila at naglalakad-lakad. Hindi siya mahilig mamasyal sa parke kahit na noong bata pa siya. Masyadong abala ang kanyang mga magulang upang samahan siya. Sa tingin niya ay mahilig si Jeff Mitchel sa ganoon. Sa palagay niya ay mahihiligan na rin niya ang mga parke. Nais ni Hannah na kalimutan kahit na sandali lamang ang totoong sitwasyon nila at pumayag na lang sa dinner na iniaalok nito kahit na hindi naman iyon date. Ngunit hindi talaga niya lubusang magawa. She felt like she would only be more cruel to herself if she pretended that he was in love with her and not someone else. Kahit na pagbali-baligtarin ang mundo, m

