CHAPTER 22

4715 Words
Napamulat si Camille nang maramdaman niya ang pagdampi ng sinag ng araw sa kan'yang mukha. Kinusot-kusot niya ang kan'yang mga mata at kapagkuwan ay kinapa ang cellphone sa ilalim ng kan'yang unan. Kaagad naman niyang binuksan ang inbox nang makitang may message siya galing kay Kyle. From: Kyle Good Morning Milmil A sweet smile drawn on her lips nang mabasa niya ang mensahe nito. Magsisimula na sana siyang mag-type upang replyan ito nang biglang tumunog ang cellphone niya. She automatically answered it with excitement. "Good Morning Kyky!" bati niya habang 'di maalis-alis ang ngiti sa labi. "Kakagising mo lang?" tanong ng binata. "Oo" "Malali-late ka na ha! Wala ka bang balak pumasok?" "wala" nakangising sagot niya. "Bakit? May problema ba? Masama ba pakiramdam mo? May nangyari na naman bang masama sa'yo do'n sa trabaho mo? O baka naman may hangover ka. Nagbar na naman ba ka--" "Kyle hindi… Hindi kami nagbar kagabi. Hindi rin masama pakiramdam ko. Walang nangyaring masama sa'kin sa trabaho. Relax, okay? Tinatamad lang talaga ako," sambit niya. "Talaga? Kailan ka pa natutong tamarin magtrabaho ha? Palagi ka ngang inspired pumasok eh kasi makikita mo 'yong boss mong walang happiness." "Kyle!" saway niya sa binata. "Oh, bakit? Totoo naman ah! Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto mo 'yon, eh mukha naman 'yong pinaglihi sa sama ng loob. Parang may pasan-pasang takure sa ulo na may lamang kumukulong tubig. Ang pangit-pangit talaga ng taste mo Camille. Sa dami ng tao sa mundo ikaw talaga ang nakasalo ng pagiging bulag sa love." "Ang dami-dami mo nang sinasabi mali-late ka na. Sige na, babay! Ingat ka sa pag da-drive," natatawang sambit niya sabay patay ng tawag. 'Di na niya hinintay pa ang sasabihin ng binata dahil baka mapahaba na naman ito at siya pa ang maging dahilan ng pagkalate nito sa trabaho. Camille wore her sweetest smile while looking herself at her phone camera. It took 10 shots before it satisfied herself. Kaagad niyang tiningnan ang mga kuha niyang litrato sa kan'yang cellphone at napakunot ang noo niya nang makita ito. "pangit" saad niya saka inisa-isang idelete ito. 'Di niya alam kung bakit parang may nag-udyok sa kan'yang tingnan ang contacts niya. She kept on scrolling her phone 'til she found Marcus' name on her contact list. Napahinto siya at napatitig sa pangalan nitong nakasulat sa cellphone niya. Parang may sariling buhay ang kan'yang daliri at awtomatikong pinindot nito ang call. Itinapat niya ang cellphone sa kan'yang tenga at hinintay na may sumagot sa kabilang linya habang nagwawala naman ang puso niya sa bawat ring nito. It took 3 rings before someone answered her call. "Hello?" a cold baritone voice answered. Naramdaman niya ang tila pagtigil ng mundo nang marinig ang boses ng taong tanging nagbibigay sa kaniya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. "Uhmm..." Nanuyo ang lalamunan niya, animo'y dinudurog ang kan'yang dila at ni isang salita ay walang lumalabas sa kan'yang bibig. "What do you want?" Marcus asked. "U-uhmm... W-wala sir, wrong-- wrong call… sorry," nauutal na sabi niya sabay patay ng tawag. Kaagad siyang nagsaklob ng kumot dahil sa hiyang nadarama niya sa sarili. She really did a stupid thing. Baka isipin nitong nagpapapansin lang siya o gusto lang niyang marinig ang boses nito at magkaroon sila ng usapan. "Camille, ang tanga mo!" malakas na sigaw niya. Mas lalo lang tuloy siyang nagkadahilan para umabsent at 'di pumasok ng MADeal ng mga ilang araw. Siguro ay mas mabuti na nga 'yon kaysa pumasok siya pero araw-araw naman siyang nakakaperwisyo dahil sa mga galaw niya. Tatanggapin niya na lang at ihahanda ang sarili sa bulyaw ni Mr.Lopez na 'di makaing-aso. Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa mga naiisip. Ilang minuto rin siyang nakahiga nang nakatalukbong ng kumot hanggang sa maramdaman ang pagkalam ng kan'yang sikmura. Kaagad siyang bumangon at inayos ang kan'yang higaan saka dumiretso ng banyo para mag toothbrush. Naisipan niyang magkape na lang sa labas at doon na lang mag-almusal dahil tinatamad siyang magluto at maghanda ng kakainin sa kan'yang sarili. Kasabay ng paglabas niya sa banyo ay ang pagkatok ng sunod-sunod galing sa labas. Napahinto siya at nandilat ang mata nang maisipan niyang si Marcus ang nandoon. Kaagad siyang bumalik ng banyo at madaling naghilamos, kapagkuwan ay tumungo sa maleta niya at kumuha ng kulay dilaw na shirt na kabibili pa lang niya noong nakaraang linggo. Mas lalong binilisan niya ang pagbibihis nang marinig ulit ang sunod-sunod na katok. Mabilis naman niyang isinuot ang puting skinny jeans at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay saka nagmadaling tumungo ang pinto. Nagrarambulan ang kan'yang puso sa excitement at kabang nadarama. She then took a deep breath bago binuksan ang pinto. Laking gulat niya nang makitang walang taong naruruon sa labas. Nagsimula siyang humakbang at tinignan ang labas ng gate kung may nakaparada bang kotse pero wala ni isang sasakyan ang nakaparada sa labas, pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit bukas ang gate. Hahakbang pa sana siya palabas nang maramdaman ang matulis na bagay na nakatutok sa kan'yang tagiliran. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya at tila ba nagmamanhid ang buong katawan niya. She then closed her eyes to get ready for what might happen to her. Ilang sandali lang ay napasigaw na siya nang maramdaman ang sunod-sunod na pagsundot ng isang daliri sa kan'yang tagiliran. "Kyle ano ba!" sigaw niya habang napapa-atras dahil sa ginagawa ng binata. Umalingangaw naman ang malakas na pagtawa ni Kyle habang patuloy pa rin sa pagsundot sa dalaga. "Kyle tama na, ano ba!" natatawa na ring sigaw niya dahil sa kiliti nitong nararamdaman sa kan'yang tagiliran. "Sa kuwarto kayo mag lampungan! 'Wag kayong nandidisturbo ng ibang tao. Ang aga-aga bw*set!" Napatigil sila pareho nang marinig ang malakas na sigaw ng isang babae sa kabilang apartment. "Ikaw kasi eh, tuloy mapapaalis ako dito nang wala sa oras," reklamo ni Camille sabay hampas sa binata. "Eh 'di mas mabuti!" sambit ni Kyle na nagpipigil pa rin sa pagtawa. "Anong mabuti do'n?" tanong niya habang naglalakad papasok ng kan'yang apartment. "Mas mabuti 'yon kasi 'di kana matutonton ng boss mo. P'wede namang do'n ka sa apartment ko, marami pang bakante do'n. Eh 'di mache-check kita araw-araw." "Hindi mo naman ako kailangang icheck." "Kailangan..." Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ang binata ng nakakrus ang mga braso. "At bakit kamo?" Napakurap-kurap ito dahil sa tanong niya. "Ahm... S-syempre kasi kinukulit ako ng mama mo kung ano daw ang pinagkakaabalahan mo bukod sa pagtatrabaho. Edi mas marami na akong mairereport sa kan'ya at 'di ko na kailangang pumunta pa ng malayo-layo para icheck ka lang," saad ni Kyle at saka nilagpasan ang dalaga at nagpatuloy sa paglalakad. Isang mahinang hampas ang naramdaman niya sa kan'yang likod. "Aray! ang sakit ha. Bakit ka ba nanghahampas?" pagkukunwari niyang nasasaktan. "Eh ba't ka kasi nanggugulat? Alam mo bang halos mag-colapse ako kanina dahil sa takot, akala ko katapusan ko na," sambit ni Camille nang nakapang-abot ang mga kilay. Napangiti na lamang siya nang makita ang mukha ng dalaga. Hindi niya na napigilan ang sariling kurutin ang kaliwang pisngi nito nang madiin. "Oh sige na! Sorry po… Oh ito, peace offering," natatawang sabi ni Kyle sabay abot ng isang paper bag na may lamang pagkain. Napahinto ulit si Camille at kaagad namang kinuha ito at tiningnan ang laman. Sumilay sa mukha ng dalaga ang ngiti at ang tila pagkinang ng mga mata nito nang makita ang toasted muffins, cookies, pancakes at dalawang box ng tinake-out nitong pagkain sa paboritong restaurant niya. Napangiti na lamang si Kyle sa nakitang reaksyon ng dalaga. Camille looked at her with full of gratitude. Kumikinang pa ang mga mata nito at sobrang lapad ng ngiti na animo'y wala nang bukas. He smiled back and spread her arms widely to welcome Camille's warm hug. Pero tinawanan lamang siya ng dalaga at kaagad na tumakbo papasok ng kuwarto. Napakamot na lamang siya sa ulo. Nang makapasok sila'y kaagad nilantakan ni Camille ang pagkain. Ibinagsak naman ni Kyle ang sarili sa kama habang 'di inaalis ang mga tingin sa dalagang kumakain. He smiled secretly while looking at her. "Dahan-dahan lang, wala kang kaagaw," pabirong sabi niya. Nilingon naman siya ng dalaga at binigyan lamang siya nito ng malapad na ngiti saka nagpatuloy sa pagkain. "Teka, parang bihis na bihis ka 'ata, may lakad ka ba?" nagtatakang tanong ni Kyle nang mapansin ang suot nito. "Ah-- Ano kasi... k-kakain sana ako sa labas, tinatamad ako magluto eh," sagot nito. "Talaga? Wala kang date?" nagdududang tanong niya na may halong pang-aasar. "Wala! Ikaw, ba't nandito ka? 'Di ba may trabaho ka?" "Tinatamad ako magtrabaho, kailangan ko mag relax," sagot niya sabay hikab. "Talaga? Wala kang date?" panggagayang tanong nito na magpatawa sa kan'ya. "Wala! bilisan mong kumain d'yan may pupuntahan tayo." "Saan?" tanong ni Camille na may halong pagtataka. "Basta, tapusin mo muna 'yang kinakain mo, okay? I'll take a nap, gisingin mo na lang ako pag-ready ka na." Camille smiled widely. "Okay!" *** Isang oras nang nakatitig si Marcus sa kan'yang cellphone habang nakaupo sa dulo ng kama. Matapos siyang makatanggap ng tawag galing kay Camille ay 'di niya na inalis ang kan'yang mata sa cellphone. Batid niya sa sariling sinadya siyang tawagan ng dalaga at hindi iyon wrong call. Alam niyang nagsisinungaling lang ito. Pero ano nga ba ang dahilan ng pagtawag nito sa kan'ya? May kailangan kaya ito o baka naman hihingi ulit ito ng sorry dahil sa nangyari kahapun? Marcus stood up and left his phone on his bed. He walked toward his cabinet then grabbed a black bathrobe and started to undress himself. Marcus is now stark naked when he heard the doorbell dinged. He immediately wrapped the robe on his body and rushed to the door, thinking that it was Camille. Nang mabuksan niya ang pinto ay bumungad sa kan'ya ang nakangiting si Valerie. Wearing an off-shoulder, fitted maroon dress na may short slit sa kanang bahagi ng hita. Masyadong revealing ang damit nito that made her looks so sexy and alluring. "You look so disappointed. Are you expecting somebody to come?" tanong ni Valerie sa tono ng pang-aasar. Marcus turned his back at kaagad namang sumunod ang dalaga papasok ng bahay nito. "What are you doing here?" Marcus said coldly. "I'll go with you meeting with Mrs.Auronkell," nakangiting sagot nito. "You wait here, I'll just take a shower," saad niya. A sudden smile drawn on Valerie's lips nang marinig nitong hindi nagreklamo si Marcus sa kagustuhan niyang sumama. "Okay dear!" 'Di maalis-alis ang ngiti sa labi niya habang sinusundan ng tingin ang binata paakyat sa kuwarto nito. *** "Ky! Ky!" Marahang iminulat ni Kyle ang kan'yang mata nang marinig ang mahinang pagtawag sa kan'ya at ang marahang pagtapik ng malamig na palad sa kan'yang mukha. When his eyes are fully opened, bumungad sa kan'ya ang magandang mukha ni Camille na isang dangkal lamang ang layo sa mukha niya. Napatitig siya sa mga labi ng dalaga nang gumuhit dito ang matamis na ngiti nang makita nitong nagising na siya. Biglang lumakas ang kabog ng puso niya at 'di niya maikubli ang pamumula ng pisngi niya. "Camille..." mahinang tawag niya. "Ano 'yon, Ky?" Napalunok siya bago nagsalita. "G-gusto kita..." Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Camille nang marinig iyon. "Gusto kitang sapakin. Nakakainis ka naman eh, ang sarap-sarap ng tulog ko, ganda-ganda ng panaginip ko tapos ginising mo lang ako. Badtrip! Alis ka nga sa harapan ko." Bahagya itong dumistansya sa kan'ya upang hayaan siyang makabangon. "Sorry Ky ginising kita. Tulog ka na lang ulit, maaga pa naman." Kyle scratched his head. "Huwag na! Tapos ka na ba? 'Lika na! Alis na tayo baka gabihin tayo sa daan." "Okay lang ba suot ko? Maganda na ba ako?" nakangiting tanong ni Camille sabay ikot nito sa harap ng salamin. "Oo, okay na 'yan. Maganda ka naman palagi eh." Sumilay ang isang malapad na ngiti ng dalaga nang marinig ang sinabi niya. "Talaga?" "Hindi, joke lang 'yon!" sagot niya sabay tawa ng malakas. *** Marcus felt the cold water dripping all over his naked body. Thirty minutes na siyang nakababad sa shower at 'di parin niya naisipang tumigil. Hindi niya ininda ang lamig na nararamdaman niya at pilit niyang nilulunod ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa puso niya sa sandaling iyon. Ipinikit niya ang kan'yang mga mata at paulit-ulit na hinahagod ang kan'yang buhok. When he opened his eyes, nasulyapan niya ang pigura ng babaeng nakatayo sa pintuan ng banyo. Kaagad niyang pinatay ang daloy ng tubig upang makita niya nang malinaw ang babaeng nando'n. Ngayon ay klarong-klaro ng dalawang mata niya ang malalagkit na tingin na pinupukol ni Valerie sa kan'ya. Valerie took of her shoes bago tuluyang pumasok sa banyo. Ang mapanlamuyot na hakbang niya papalapit sa binata ang nagbibigay init sa paligid. He looked at Marcus with full of lust, with full of hunger. Nang makalapit siya'y kaagad niyang inabot ang sabon at mapangahas na sinabon ang leeg nito pababa sa malapad nitong dibdib. "Let me help you," she said seductively. Unti-unting naglakbay ang kamay niya pababa habang 'di inaalis ang malalagkit na titig nito sa mata ng binata. When she was about to reach Marcus's masculinity, Marcus grabbed his wrist and pinned her on the wall with full of force. Nabitawan niya ang hawak na sabon dahil sa lakas nang pagkakahila ni Marcus sa kan'ya. Nakaramdam siya ng takot dahil sa ginawa ng binata. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa magkabilang palapulsohan niya at iniinda niya pa ang sakit ng kan'yang likod. Ilang segundo silang nagpapalitan ng titig at 'di niya mawari ang kahulugan ng mga tingin nito. 'Di niya alam kung galit nga ba ito dahil walang anomang emosyong makikita sa mga mata nitong nakatitig sa kan'ya. "Marcus let me go, nasasaktan a--" Hindi niya na nakuha pang tapusin ang sinasabi niya nang biglang sinakop ng binata ang mga labi niya. Mainit at mapusok ang mga halik nitong iginagawad sa kan'ya. Walang pagdadalawang isip niyang tinugon ang halik nito na kanina niya pa gustong gawin sa binata. Sa bawat pagpapalitan nila ng halik ay nagsasalitan din ang kanilang mga laway na puno ng pagnanais sa katawan ng bawat isa. Naglalaro ang kanilang mga dila na animoy mga espadang ginamit sa pakikipagsandatahan. Sa bawat pagdiin ng kanilang halik ay siya namang pagluwag ng pagkakahawak ni Marcus sa palapulsohan ng dalaga. They sucked each other's tongue na para bagang pinapatulis nito ang espada matapos gamitin sa pakikipaglaban. Nagsimula nang gumapang ang mga kamay ni Valerie sa katawan ng binata. Para itong nakawala sa matagal na pagkakakulong at sinunggaban ang pagkakataon upang galugarin ang bawat sulok ng katawan ni Marcus. Sa gitna ng paghahalikan nila ay napa-ungol siya nang maramdaman ang pagkal*laki nitong tumutusok sa kan'yang puson. Bumabalot na sa kan'yang buong katawan ang pagnanasang maangkin siya ang binata. She really wanted to do it to the next level at parang mababaliw na siya 'pag hindi pa niya mararamdam ang sensasyong hatid ng p*********i nito sa loob niya. "Ohhhhh… Marcus!" mahinang sigaw niya. Ang halik ng binata ay bumababa na patungo sa leeg ni Valerie at naglalakbay na rin ang mga kamay nito sa katawan ng dalaga. He lifted up Valerie's dress at ibinaba niya hanggang tuhod ang manipis na shorts nito na tumatakip sa suot nitong panty. He used his right foot to take off Valerie's shorts successfully, habang 'di pa rin nito tinatanggal ang mga labi sa leeg ng dalaga. Nang tuluyan nang matanggal ang suot nitong shorts at tanging panty na lang ang bumabalot sa p********e nito ay kaagad niya itong binuhat. Ipinulupot naman ng dalaga ang mga binti nito sa kan'yang baywang at ang mga braso nito'y nakapulupot sa leeg niya. "Ahhhhhhhh… Marcus, own me now," she moaned loudly. Tila nataohan si Marcus nang marinig niya mula sa kaniyang kuwarto ang pagtunog ng kan'yang cellphone. Kaagad niyang ibinaba si Valerie na ikinagulat ng dalaga. He grabbed the robe hanging and wore it immediately. Tinignan niya si Valerie sa mata at kapagkuwan ay ibinaba niya ang nakaangat nitong damit. "I apologize..." Marcus said with full of regret and sincerity. 'Di makapaniwalang tiningnan niya ang binata. "Marcus, no! It's okay... You don't need to feel sorry. We can do it, you have nothing to worry about. Gusto natin 'to and we are mature enough to have s*x. Anong kinakatakot mo?" "Suit yourself Val," matipid na sabi ni Marcus saka diretsong lumabas ng banyo. Kaagad niyang tinungo ang cellphone sa kama niya at sinagot ang kanina pang tumatawag. "Finally you pick up the phone," sambit ni Lex sa kabilang linya. "What do you want?" "Tumawag ako to inform you that you have unexpected visitor." Nasapo niya ang kan'yang noo nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Kahit 'di sabihin ni Lex kung sino ang tao na 'yon ay alam niya na kung sino ang tinutukoy ng kaibigan. "I have to meet Mrs.Auronkell first, tell her to wait." "Okay, noted!" huling sabi nito bago niya pinatay ang tawag. Bubuksan na sana ni Marcus ang cabinet upang kumuha ng susuotin nang bigla niyang maramdaman ang pagyakap ni Valerie mula sa kaniyang likod. "Sino 'yon?" tanong nito sa malambing na boses. "It was Lex," he said coldly. "Oh, I see!" Bumuntong hininga siya saka tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa kan'ya at hinarap ang dalaga. "Val, you wait outside magbibihis lang ako. We will go right after." Tiningnan siya ng dalaga na may pagsusumamo sa mga mata. "Can't we stay here for awhile?" "I'm busy, marami akong aasikasuhin sa company, you know that." "Just a few minutes Marcus. Promise, sandali lang talaga, please..." nangungusap ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. She took a step closer to him saka nito hinawakan ang kan'yang pisngi gamit ang kanan nitong kamay. "Let's spend this moment together, okay?" malambing na sabi ni Valerie at dinako ang kamay sa waistband ng robe niya. Akmang tatanggalin na sana nito ang pagkakatali pero kaagad na pinigilan ni Marcus ang mga kamay ng dalaga "Get out!" utos niya. "Marcus please..." Kumuha siya ng jacket sa cabinet niya saka iniabot sa dalaga. "You wear this to cover up your wet dress. Just wait for me outside." Sumilay sa mukha ni Valerie ang pagkairita dahil sa pasimpleng pagtanggi niya rito. Hinablot nito sa kan'yang kamay ang iniabot niyang jacket at padabog na lumabas ng kuwarto. *** Matiim na nakatutok si Lex sa kan'yang laptop nang biglang bumukas ang pinto ng kan'yang opisina. Gumuhit sa kan'yang mga labi ang nakakalokong ngiti nang matanaw niya ang kaibigan na kasama si Valerie na sa tantiya niya ay jacket ni Marcus ang suot-suot nito. "Oh! Hi Valerie, you're here," nakangiting bati ni Lex sa dalaga. Valerie rolled her eyes and didn't bother to greet him back. Napatawa na lang siya ng mahina dahil sa inasta nito. 'Di naman bago sa kan'ya ang pakikitungo nito, ever since hindi sila naging malapit ni Valerie sa isat-isa kabaliktaran ng pagiging malapit niya kay Marcus. Sa katunayan ay walang ibang lalaki ang naging close ng dalaga maliban na lang sa kaibigan niya. They talked once in a while kapag ka may kailangan ito o may mga tanong patungkol sa mga lakad ni Marcus. Pero kapag wala na itong kailangan ay bumabalik ito sa pagiging snob at masungit sa kan'ya. Hindi siya nito pinapansin o tinitingnan man lang kapag nakasalubong niya. "May comeback is real bang nagaganap?" Lex asked facetiously. "Where is she?" seryosong tanong ni Marcus. "beside you" He chuckled when Marcus gave him a keen gaze. "Just kidding! She's waiting in your office kanina pa," natatawang sagot niya. "You wait for me here, Val," saad ni Marcus sa dalaga saka nagmadaling lumabas. "Have a sit Valerie," anyaya niya nang nakangiting aso. Tinaasan siya ng kilay ng dalaga bago ito umupo. "I will, kahit 'di ka pa mag offer," mataray na sabi nito. Lex laughed hard. "Yeah I know it, but I'm just being me. I'm just being polite." Valerie rolled her eyes for the second time. Pinasadaan naman ng tingin ng binata ang suot nitong jacket at isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kan'yang labi nang makita ang basang damit nito sa bandang dibdib ng dalaga. "Oh you're wet!" Lex said mischievously. Biglang nagpang-abot ang kilay ng dalaga sa narinig at lalong namuo sa mukha nito ang pagkairita. Naalarma naman si Lex nang mapagtanto niya ang sinabi. "I-i mean y-your dress is wet. Kaya ba suot mo ang jacket ni Marcus?" depensa niya sa sinabi. "It's none of your business. You better shut your f*cking mouth," galit na bulyaw nito. "Okay, I'll zip my mouth then," nakangiting sabi nito. *** Nang pumasok si Marcus sa kan'yang opisina ay nadatnan niya ang babaeng nakaupo mismo sa p'westo niya. The girl didn't bother to take a glance nang makapasok siya rito, umasta lamang itong hindi siya nakita. Marahang umupo si Marcus sa visitor's chair na katapat nito at pasimpleng binutones ang kan'yang coat. "It suits you," seryosong sambit ng babae na ngayon ay nakatingin kay Marcus. "Thanks tita!" Marcus said politely. "What I mean is... It suits you more sitting on that chair rather than sitting here." Parang nabulunan si Marcus at 'di niya magawang makapagsalita dahil sa pang-iinsulto nito. "How dare you to make me wait for too long! Ang lakas ng apog mong utusan ang kaibigan mong pag hintayin ako. Who do you think you are?" Napalunok siya bago nagsalita. "I just 12 minutes late," pangangatwiran niya pero nanatili pa rin itong magalang. "It is still late!" madiin na sabi nito. "I apologize..." "Of course you should! 'Di porket kinikilala kang COO dito ay puwede mo nang kontrolohin ang kahit na sino. Don't try me. Wala akong pakialam kung ikaw ang nagdadala ng pera sa kompanyang 'to. Let me remind you, wala ka sa posisyong ito kung hindi dahil sa asawa ko. 'Yan ang isaksak mo sa kukuti mo. Anyway, narinig kong marami kang mga kabulukang ginawa sa MADeal. Siguraduhin mo lang na ang mga ginagawa mong desisyon ay tama. You do all your best to prove to everyone na karapat-dapat ka nga sa posisyon mo. Dahil kung hindi, you better pack up your things as early as possible dahil sisipain kita palabas ng kompanyang 'to gustuhin mo man o hindi." The woman stand firmly and walk towards the door. Pero natigilan ito at muling nilingon ang binata. "There's one more thing. 'Wag mo akong tatawaging tita, hindi kita kaano-ano," Pagkasabi nito'y diretso itong lumabas at naiwan naman si Marcus na nakaupo habang nakatingin sa kawalan. *** Napakamot sa ulo si Camille nang 'di oras nang wala siyang makitang motor na nakaparada sa labas ng gate. "Sa'n mo ipinarada 'yong motor mo, Ky?" nagtatakang tanong niya. Napangiti ng hilaw si Kyle. "Nasa talyer, pinaayos ko," sagot nito sabay kamot sa ulo. "Ha? Eh pa'no 'yan?" "Edi maglakad tayo. Anong silbi ng paa 'di ba?" Napakunot ang noo niya nang marinig ang sabi ng binata. "Hanggang saan?" "Sa terminal lang ng bus. Ang tamad-tamad nito! Wala na 'kong pang-taxi binili ko na ng pagkain mo, kaya no reklamo na." "Uuwi ba tayo sa--" "Oo" Kyle saw how Camille's eyes flickers genuinely nang marinig nito ang sagot niya. Ginulo-gulo niya ang buhok ng dalaga kapagkuwan ay ngumiti ng matamis. "Hindi halatang excited ka," he said sarcastically. "Pa'no 'yan, 'di ulit ako papasok sa trabaho bukas?" "Uuwi rin naman tayo eh, sandali lang tayo do'n. Kaya nga 'wag kanang maraming sinasabi, bilisan mo nang maglakad diyan, dadaan pa tayo sa supermarket." Nakailang hakbang na si Kyle nang mapansin niyang walang mga yabag na nakasunod sa kan'ya. Kaagad niyang nilingon si Camille at napakunot ang noo niya nang makita itong matamang nakatayo habang naghihintay ng taxing masasakyan. "Camille 'lika na! Ano pa bang hinihintay mo?" sigaw niya. Kaagad siyang binalingan ng tingin ng dalaga nang marinig nito ang sabi niya. "Magtataxi tayo Kyle para mas maaga tayong makarating." Napakamot na lamang siya sa ulo nang marinig iyon. "Camille naman! Ang lapit-lapit lang ng supermarket, magtataxi ka pa. 'Lika na nga kase dito lakarin na lang natin papunta do'n." "Okay lang Kyle libre kita ng pamasahe," Camille smiled sweetly. He sighed secretly. Ilang minuto ng nakabusangot ang mukha niya at ni isang salita ay wala siyang binigkas mula ng makasakay sila. "Sa'n po kayo bababa, sir?" tanong ng driver. "supermarket" matipid na sagot niya. "Ky..." tawag ni Camille. "Oh?" "Inaantok ka?" "Hindi naman, bakit naitanong mo?" "Tahimik ka kasi." "Huwag mo 'kong pansinin, may iniisip lang ako," nakangiting sagot niya. "Okay!" Camille smiled back. *** Napalingon si Marcus sa bandang pintuan nang bigla itong bumukas. "I just met your mom in the hallway, galing ba siya dito?" Valerie asked curiously. Ngumiti lamang siya ng mapakla. "She's not my mother. Let's go!" pagkasabi niya'y kaagad siyang tumayo at tumungo sa pinto. Ilang minuto lang ay inihinto na ni Marcus ang sasakyan sa tapat ng isang magarang restaurant Nang makapasok sila'y kaagad silang nagtungo sa pangatlong table na malapit sa wall glass kung saan naroroon ang mag-asawang Auronkell. "Sorry we're late. Naabutan kami ng traffic," pambungad na sabi ni Marcus. "No, it's okay. Actually kadadating lang din namin," sagot ni Mrs.Auronkell. Umupo si Valerie sa tapat ni Mrs.Auronkell at magkatapat naman si Marcus at Enston. "So, you are the daughter of Mr.Gomez, am I right?" nakangiting tanong ni Mrs.Auronkell kay Valerie. "Yes I am," matipid nitong sagot. "You look good together." "Of course we are, thank you." "Let me introduce to you my husband. He's Enston. I guess you haven't met him before yet." "Oh! He's your husband, Mr.Enston Auronkell, the lucky guy who met such a lovely woman like you. No wonder kaya pala kinaiinggitan kayo kasi you're match made in heaven," pekeng pagpuri ni Valerie. Natawa naman si Mrs.Auronkell sa narinig nito. "Really?" "Yeah!" Natigil sila sa pag-uusap nang dumating ang waitress dala-dala ang mga inorder nitong pagkain. Hindi naman nakatakas sa mga mata ni Marcus ang malalagkit na tingin ni Enston na ipinupukol sa waitress habang isa-isa nitong inilalapag ang mga pagkain. Nang makaalis ang waitress ay kusang nagtama ang mga mata nila ni Enston na kaagad namang iniwas nito ang tingin sa kan'ya. "Let's eat!" Enston said with a smile on his face. Ilang minuto din silang tahimik at wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Marcus supposed to open the topic about the contract pero hindi niya nagawa dahil nakakaramdam siya ng pag-iinit ng ulo at biglang pagkulo ng dugo niya nang makaharap niya si Enston. Sa mga sandaling 'yon ay gusto niyang basagin ang mukha nito because of the bad ambience that Enston carried. Hinding-hindi niya gusto ang presensya nito ngayon. Sa katunayan ay inaasahan niyang kasama ito ni Mrs.Auronkell pero hindi niya batid na ganito pala ang inis na hatid nito sa kan'ya. "Are you okay Marcus, you look unwell?" tanong ni Mrs.Auronkell. "Yeah! I'm fine," sagot nita saka nagpakawala ng pekeng ngiti. "He looks fine. I guess, he just love the food so much and that made him speechless," mapang-asar na sabi ni Enston sabay ngiti ng nakakaloko kay Marcus. Hindi pinansin ni Marcus ang sinabi nito at lumagok lamang ng wine. "Oh! Before I forget, I've decided to assent with your proposal. Napagisip-isip ko na it would be a great platform to our growing business, since you have the best proposal for me. That's why, I will be investing in your company," nakangiting sabi ni Mrs.Auronkell. Natigilan si Marcus sa pagkain nang marinig ang sabi nito. "I'm glad to know that Mrs.Auronkell. Thanks for your trust, I assure you 'di ka magsisi sa desisyon mo," sambit niya sabay abot ng kan'yang kamay. They shook hands and made a toast. Then a smile of success drawn on Marcus lips. Bago siya lumagok ng wine ay nasagi ng mata niya si Enston na nakatingin sa labas. Sinundan niya kung saan nakatuon ang mga mata nito at nagpang-abot ang kilay niya nang makita si Camille na naglalakad kasama si Kyle. Naka-akbay ito sa dalaga at pareho ang dalawang may bitbit. Kung gayo'n ay hindi pala ito pumasok ng trabaho. Iniwas niya ang tingin dito at binalik ang tingin kay Enston na ngayon ay nakatingin na rin sa kan'ya. Enston smirked like he was saying "you had your gift, now i will get mine". Binigyan niya lamang ito ng malamig na tingin kapagkuwan ay diretsong nilagok ang natitirang wine sa goblet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD