Napahikab nang di oras si Camille habang titig na titig sa computer. Kinusot-kusot niya ang maluha-luha niyang mga mata kapagkuwan ay ibinagsak niya ang likod sa swivel chair na kan'yang inuupuan.
"Oh, puyat ka?" tanong ni Amy sa kan'ya.
"Oo ate eh, matagal kasi akong nakatulog kagabi," sagot niya.
"Magkape ka muna nang 'di ka antokin."
Napahikab ulit si Camille saka siya dahan-dahang tumayo at lumabas ng office. Damang-dama niya ang bigat ng talukap ng mga mata niya na para bang tinutukso siya nitong umuwi at matulog maghapon hanggang sa gumaan ang kan'yang pakiramdam. Sa katunayan ay pinilit niya lamang ang sariling pumasok kahit lutang ang isip niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa nangangalahati ang kan'yang mga gawain.
Tumungo siya sa isang vending machine saka inihulog ang sampung pisong barya. Napahikab siya ulit saka kinuha ang kapeng iniluwa ng makina at kaagad sinamsam ang init nito na dumadaloy sa lalamunan niya patungo sa kan'yang tiyan. Napapikit siya sa sarap nito at isang simpleng ngiti ang gumuhit sa labi niya. Tahimik ang paligid na nagdudulot ng kaluwagan sa kan'yang isip.
"Does it taste good?"
Napatalon siya sa gulat nang marinig ang biglaang pagsalita ng kung sino mula sa kan'yang likuran. Dahil sa sobrang gulat ay naitapon niya ang kapeng hawak-hawak niya.
"F*ck! Damn! Holy sh*t!" sunod-sunod na pagmumura ng lalaking nasa harap niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang basang-basa ang puting polo nito.
"S-sorry sir!"
Kaagad niyang nilapitan ang lalaki at pinunasan ang mantsadong damit nito. Napatigil na lamang siya sa pagpupunas nang makita niyang bumakat sa dibdib nito ang basang polo. Napatingala siya at sumalubong ang mukha ng isang matangkad na lalaki na sa tantiya niya ay nasa 6'3 ft ang taas. Napatingin siya sa kulay abo na mata nito at sa makakapal na mga kilay na lalong nagbibigay ng atraksyon sa kagwapohan ng lalaki. Mukha itong hindi pinoy dahil halata naman ito sa maputlang balat at sa hitsura nito.
She took steps backward and bowed her head as a means of saying sorry. Napansin niya ang paghakbang ng lalaki papalapit sa kan'ya. Kaagad siyang nag-angat ng tingin upang makita ang lalaking nasa tapat niya ngayon.
"S-sorry sir, 'di ko sinasadya," kabadong sabi niya.
Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa na nagbigay ng pagka-ilang sa kan'ya.
"Yeah I know it wasn't wilful. I startled you, that's why it happened," sabi nito.
Nakaramdam siya ng kaginhawaan nang marinig ang sabi nito.
"I'm Enston... and you are?" pagpapakilala nito sabay abot ng kamay.
"Camille"
Tinugon naman niya ang pakikipagkamay ng lalaki at bigla siyang napabitaw nang napahiyaw ito.
"Oh ouch! Ouch! F*ck it's prickly. Damn! Sh*t!" pagmumura nito sabay liglig ng kamay sa ere.
"Sorry po... " natatarantang sabi niya.
Kaagad niyang sinalo ang kamay nito at marahang hinipan ang mamula-mula nitong palad. Sa tingin niya ay natalsikan ito ng kape dahil namamaga pa ito ng kaunti. She blew it gently to ease the pain. She felt very sorry for what she have caused at alam niya sa sarili niyang hindi iyon kasalanan ng lalaki. It was her who was too careless. Dapat ay bumalik na lang siya ng office at doon ininom ang kape.
Napatigil siya bigla sa pag-ihip nang biglang ilapat ng lalaki ang hinlalaki nito sa kan'yang labi. Marahan nitong hinaplos ang kurba ng kan'yang labi at ngumiti.
"That's enough, it's painless now. Thanks!" sambit nito.
Agad namang binitawan ni Camille ang kamay ng binata at kwestiyonableng tinignan ito.
"Would you mind if I ask you to unbutton my polo? It's really painful when it sticks on my skin and you know, I can't do it alone. As you can see my hand hurts too," nakangiting sambit nito sabay angat ng kanang kamay upang ipakita sa kan'ya ang pamamaga nito.
Hindi niya alam kung anong gagawin niya, masyado siyang naiilang sa lalaki. 'Di niya alam kung tama nga ba'ng pagbigyan niya ang pakiusap nito. Siguro ay wala namang malisya kung gagawin niya, isa pa ay kasalanan naman niya ang nangyari dito.
She took steps closer to the guy and lifted her hand towards the top button of his shirt. She awkwardly unbuttoned it until she reached the 4th button. Lantad na lantad na ngayon ang maskuladong katawan ng lalaki. Akmang tatanggalin niya na ang panghuling butones ng damit nito nang biglang may nagsalita sa likod nila.
"What are you doing ?"
Napalingon sila nang marinig ang nagsalita. Pareho silang nagulat nang bumungad sa kanila ang isang matangkad at disenteng babae na matalim na nakatingin sa kanila. But what really made her shock is when she saw Marcus beside the woman staring towards their direction. Nagpang-abot ang kilay nito at may kung ano'ng emosyong 'di maipaliwanag sa mukha ni Marcus. Matalim itong nakatitig sa kan'yang mga kamay. Nang mapagtanto niyang nakahawak pa rin siya sa damit ng lalaki ay kaagad niyang inalis ang mga kamay niya sa damit nito. She really felt embarrass. Sa pagkakataong 'yon ay gusto niya na lang lamunin siya ng lupa.
"Honey" tawag ng lalaki.
Nagsimula itong maglakad papalapit sa direksyon ng babaeng katabi ni Marcus. The woman stared at the guy with her smoldering eyes. Akmang hahalikan sana nito ang babae nang bigla nag-angat ito ng kamay upang sampalin si Enston. Pero bigla itong napatigil, pinigilan nito ang sariling mga kamay at nagpakawala nang malalim na hininga saka ibinaba ang kanang kamay.
"She was just trying to help me. My hand as well as my tummy got inflamed because of that damn coffee," pagpapaliwanag ng lalaki.
Ilang minuto rin tinitigan ng babae si Camille na wari ay sinusunog nito ang katawan niya sa mga nagbabaga nitong mga mata.
"Excuse us, Marcus," malamig na tugon nito at kaagad na tinalikuran si Marcus.
"Mrs.Auronkell, give me some time," sigaw ni Marcus.
Napahinto naman ang babae at hinarap si Marcus.
"I apologize for what happened but I hope you wont change your--"
"About the contract, forget it. I've changed my mind and I hope you don't mind," huling sabi nito bago sila iniwan.
Napahilamos si Marcus sa mukha niya nang marinig ang sabi nito. Nagtatangis ang bagang niya sa galit at 'di maipinta ang mukha nito dahil sa panggagalaiti. Hindi niya lubos maisip na nauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya. Akala niya'y magtatagumpay na siya sa plano niyang makapag-invest si Mrs.Auronkell sa kompanya niya. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Halos abo't kamay niya na ang pagkakataon, okay na sana ang lahat, tanging perma na lamang nito ang kailangan. He conveyed the woman with all his efforts and time. Halos isugal niya na ang lahat-lahat para pumayag ito pero sa isang iglap nawala lang ang lahat.
"F*ck! Damn!" pagmumura niya sa isip.
Kitang-kita ni Camille sa mukha ni Marcus ang pagkadismaya. Kahit 'di niya alam kung ano ang kontratang tinutukoy ng babae ay alam niyang importante iyon kay Marcus. She felt very sorry, alam niyang kasalanan na naman niya. She's a foolish one, dapat ay 'di na siya pumasok ngayon. Ang dami niya nang nagawang mali sa kompanyang ito. Masyado na siyang nakakaperwisyo. Siguro ay ito ang magiging paraan para hayaan na siya ni Marcus na mag resign. Pero, bakit? Bakit parang nakakaramdam siya ng panghihinayang? Bakit parang natatakot siya? Bakit parang ayaw niyang umalis?
Napatigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang matalim na mga titig ng binata. Hindi niya maiwasan ang sariling kabahan dahil sa mga tingin nitong pinupukol sa kan'ya. Lalapitan niya na sana ito upang kausapin at humingi ng tawad pero naglakad na ito papalayo sa kan'ya.
"Sir!"
Malakas na tawag niya pero hindi man lang siya nagawa nitong lingunin. Hinabol niya ang binata at hindi niya na pinansin ang mga taong nadadaanan niya habang sinusundan sila ng tingin.
"Sir sandali lang!" sigaw niya nang makita itong papasok ng elevator.
***
Padabog na binuksan ni Marcus ang pinto papasok ng kan'yang office. He was really pissed-off, kumukulo ang dugo niya at parang gusto niyang pumatay ng tao dahil sa galit. Tinanggal niya ang suot niyang coat at inihagis ito sa visitor's chair na katapat ng mesa niya pero bumagsak ito sa sahig. Hindi na siya nag-abalang pulutin pa ito at diretsong ibinagsak ang sarili sa swivel chair. Dismayadong-dismayado siya sa nangyari. Hindi niya matanggap na pagkatapos ng lahat ng effort na nilaan niya ay mauuwi lang sa ganito dahil lang sa isang walang kuwentang dahilan. Niluwagan niya ang pagkakatali ng kan'yang kurbata at minasahe ang sentido. Dinukot niya ang cellphone sa kan'yang bulsa nang maisipang itext ito, nagbabakasakali siyang madadala niya pa ito sa kaunting suyo.
To: Mrs.Auronkell
I sincerely apologize kung ano mang naidulot ng employee ko sa inyong mag-asawa. But I hope this won't affect the things that we have agreed upon. I know you're in a loathing state of mind but please consider our agreement Mrs.Auronkell.
Alam niyang masyadong nakakababa ang ginagawa niya. Never in his life, nagawa niyang magmakaawa at suyuin ang sinoman. If he only has a choice, hinding-hindi siya magmamakaawang mag-invest ang babaeng 'yon sa company niya. Kung hindi lang sinira ng Yi Ting ang plano niya. Kung hindi lang isang malaking banta si Mrs.Auronkell sa MADeal 'pag naging isa ito sa mga investor ng Yi Ting. He's sure that MADeal will falldown kung iyon ang mangyayari.
"Bullsh*t!" pagmumura niya sa isip.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang natanggap na message galing dito. He opened his phone again at nagdial ng numero pero unattended na ito.
Napasuntok na lamang siya sa mesa dahil sa sobrang panggagalaiti.
"Damn that old woman!"
Maya-maya ay may narinig siyang tatlong sunod-sunod na katok. Hindi na siya nag-atubiling magsalita pa at hinintay niya na lamang itong pumasok. Bumukas ito at bumungad sa kan'ya ang maamong mukha ni Camille. Nagpang-abot ang kilay niya nang makita ang dalaga. Ang galit na pinipigilan niya ay mas lalo pang umusbong dahil sa presensya nito sa loob.
"What do you want?" tanong niya na may pagkairita sa boses.
Tumayo ito sa harap niya na direktang nakatingin sa kan'ya. 'Di niya alam kung saan nito nakuha ang lakas ng loob na magpakita sa kan'ya gayo'ng alam nitong malaki ang nagawa nitong perwesyo sa kan'ya.
"G-gusto ko lang mag sorry sir sa--"
"Get out!" nagpipigil sa galit na sabi niya.
"Sir--"
"I said get out!" sigaw niya.
Tinignan siya ni Camille na may mga matang nakikiusap na pakinggan niya ito.
Sa sandaling iyon ay animo'y isa siyang bulkan na bigla na lang pumutok dahil sa labis na galit. Napasuntok siya nang malakas sa mesa na ikinagulat ng dalaga.
"I said get out! Out! Now! Get your f*cking self out of my office. Now!" galit na sabi niya sabay turo sa pinto.
Camille leaned down to get his coat on the floor and handed it to him. Binigyan lamang niya ito nang malamig na tingin at saka hinablot nang malakas ang coat nito sa kamay ng dalaga.
Paglabas ni Camille ay natanaw niya sa 'di kalayuan ang isang pamilyar na lalaki. Kung 'di siya nagkakamali ay si Arman Hermosa iyon, ang lalaking nakasabay niya sa elevator noong nakaraang araw at ang nagparatang sa kan'yang isang spy ng Yi Ting. Naglalakad ito patungo sa direksyon niya habang ang mga mata nito'y matamang nakatingin sa kan'ya. Nang ilang hakbang na lang ang pagitan nila ay pareho silang napahinto sa paglalakad.
"I didn't expect you to see here. After the revelation happened noong nakaraang araw, 'di ko akalaing makikita pa kita rito. Akala ko'y umalis kana at bumalik sa Yi Ting. Why are you still here? 'Di pa ba tapos ang misyon mo? Base on what I've heard a while ago, hindi raw itinuloy ni Mrs.Auronkell ang agreement nila ni Marcus dahil sa'yo. You are really good in making trouble para mapabagsak ang MADeal. 'Di ko alam kung ano ba'ng balak ni Marcus at bakit 'di ka pa niya dinispatya sa kompanya niya gayo'ng halata namang isa kang anay ng MADeal," sambit nito.
Camille remained silent, hindi na siya nag-abalang magsalita pa. Alam niyang wala namang mangyayari kong magpapaliwanag pa siya dito dahil in the first place hindi naman siya papaniwalaan nito lalo pa't may nakuha itong ebidensya sa kan'ya. Wala nang dahilan pa para ipagtanggol ang kan'yang sarili at linisin ang pangalan niya. Ang importante ay alam niya sa sarili niyang wala siyang ginagawang masama.
"You're really a smart ass huh. Ano pa bang kaya mong gawin?" dagdag na sabi ni Arman na halata ang pang-uyam sa tono ng boses nito.
"There are lot of things she can do na hindi mo kayang gawin, sir."
Napalingon silang pareho nang marinig ang boses nang nagsasalita.
A playful smile drawn on Lex lips nang makita ang gulat na mukha ni Mr. Hermosa.
"Tulad nang kaya niyang maging kalmado kahit gusto ka na niyang lapain," Lex said facetiously.
Napakunot ang noo ni Arman sa sinabi ng binata.
"Lex, it's good to see you," sambit ni Arman sabay pakawala ng mapaklang ngiti.
"It's better to see you, sir," Lex said with a playful smile on his lips.
"Aren't you aware kung gaano kalaki ang pera ko dito sa MADeal? Alam mo naman siguro 'yon 'di ba?" tanong ni Arman na may pagmamayabang.
"Of course I know it, sir! Do you want me to tell you the exact amount of your share here in MADeal?"
Biglang sumilay sa mukha ni Arman ang pagkairita sa tanong ng binata sa kan'ya, pero agad niya itong tinabunan ng pekeng ngiti sa labi.
"No, don't bother. Kung gayo'ng alam mo naman pala, you should do your job properly. Since you are the head of HR Department umasta ka ng naaayon sa posisyon mo. Kilatisin mo ang mga taong pinapapasok niyo sa MADeal. Hindi 'yong kung sino lang ang pasado sa panlasa mo. Dahil kung sino mang anay ang nakapasok dito ay kasalanan mo 'yon. Hindi lang pera ni Marcus, na matalik mong kaibigan ang nagpapatakbo ng kompanyang 'to, pera ko rin."
Lex gave his sweetest smile na animo'y hindi man lang naapektuhan sa sinabi ni Arman.
"Yeah! It's my job to hire and acquaint every employee here in MADeal and to tell you Sir, I'm doing it in a right and fair manner. So if you think my supervision is not that good, you'd rather do it yourself."
Nagpakawala si Arman nang pekeng ngiti nang marinig ang sabi ng binata. Nag-iinit ang ulo niya sa mga salitang binibitawan nito at maging ang pasimple nitong pang-iinsulto.
"If you don't mind, please excuse us sir," nakangiting sambit ni Lex sabay hawak sa palapulsohan ni Camille at nagsimulang maglakad.
***
Mag-aalasdos na ng gabi nang lumabas si Marcus ng office niya. Buong araw siyang nakakulong doon at nakatutok lamang sa kan'yang laptop. 'Di na siya nag-abala pang kumain dahil barado ang utak niya sa problemang hinaharap ng MADeal.
Tahimik na ang paligid at wala ng taong makikita sa loob. Alas-otso pa lang ay nakaalis na ang mga empleyado at tanging mga guards na lang ang rumuronda sa loob. Agad tumungo si Marcus sa parking area ng MADeal kung saan nakaparada ang kan'yang kotse. Dinukot niya ang susi sa kan'yang bulsa at akmang bubuksan na ang kotse nang mapansin niyang may tao sa kan'yang likuran. Marahan niyang hinugot ang baril sa kan'yang tagiliran at mabilis na itinutok ito sa taong nasa likod niya.
"What are you doing here?" tanong niya sa lalaking nasa harapan niya ngayon.
The man smirked and immediately seized Marcus' gun.
"Relax, I'm just here to talk to you," nakangiting sabi nito kapagkuwan ay diniskargahan ng bala ang baril at iniabot muli ito sa kan'ya.
Kinuha naman ni Marcus ang baril at isiniksik sa kan'yang tagiliran.
"What do you want to talk about? Tell me right away and don't waste my time," malamig na sabi niya.
"I can persuade my wife and make her sign the contract in just a blink of an eye. You know that, don't you?" kompyansang sabi nito.
"So what's the catch?"
"Just a small amount," he said with a devilish smile.
"Name your price," naiinip na sabi niya.
"Camille Cordova"
Nagpang-abot ang kilay niya nang marinig ang sabi nito. Sa katunayan ay 'di niya inaasahan ang hinihingi nitong kapalit sa kan'ya. Akala niya'y kaunting halaga lamang ang hihingin nito pero higit pa pala sa pera ang gusto nitong makuha. He smirked and turned away na para bang hindi niya narinig ang huling sabi nito. Binuksan niya ang kan'yang kotse at akmang sasakay na nang magsalita si Enston.
"I'm sure you won't let your company fall down."
Hinarap ni Marcus ang binata at natuon ang pansin niya sa bala ng baril na pinaglalaruan nito sa kamay.
"Deal" Marcus said coldly.
Nakita niya ang pagsilay ng mga ngiti sa mukha ni Enston matapos niyang sabihin iyon.
"Let see how clever you are," bulong niya isip.