Bumungad sa kanila ang walang emosyong mukha ni Marcus na matiim na nakatitig sa kanila. Kaagad na kumalas si Camille mula sa pagkakayakap sa kan'ya ni Lex at pasimpleng pinunasan ang luha sa kan'yang mukha.
Bakas sa mukha ni Lex ang pagkagulat nang makita si Marcus. Hindi niya inaasahang pupunta ito sa opisina niya dahil batid niyang masyado itong abala sa kasalukuyang problemang hinaharap ng MADeal. Lex gave a fake smile and cleared his throat before he talk.
"Marcus, how may I help you?" he asked to eliminate the awkwardness inside.
Marcus just looked at him coldly and didn't bother to respond.
"Aalis na po ako, sir," mahinang sambit ni Camille.
Sinundan niya ng tingin ang dalaga habang nakayuko ito at dire-diretsong naglakad. Lalagpasan na sana nito si Marcus nang biglang hawakan ng binata ang palapulsohan ni Camille, dahilan para mapahinto ito sa paglalakad. Napatingin ito kay Marcus pero ang mga mata ng binata ay nanatiling nakatitig sa kan'ya na animo'y may gusto itong iparating na hindi niya mawari kung ano.
Tinapunan niya ng tingin ang kamay ni Marcus na mahigpit na nakahawak sa palapulsohan ni Camille at kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa kaibigan.
"I'm done counselling her, she can leave now," sambit niya saka nagpakawala nang payak na ngiti.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Marcus sa dalaga hanggang sa tuluyan na itong bumitaw. He took steps papasok at isinarado ang pinto na 'di pa rin inaalis ang tingin sa kan'ya.
"Anong nagyari?" Marcus asked coldly.
He gulped before uttering a word.
"There was a commotion in marketing department caused by her. Isn't it surprising?" he said with a playful smile on his lips.
Hinila ni Marcus ang visitor's chair sa tapat ng mesa niya saka ibinagsak ang sarili doon. He then closed his eyes and gently massage his nose bridge. Lex tapped Marcus' shoulder and went back to his seat.
"I think you need a break. Masyado ka nang nastre-stress sa trabaho mo, Marcus. You should relax and have some fun. Ipaubaya mo muna ang MADeal sa--"
"You know, I can't do that. Wala akong panahong magrelax lalo pa't may malaking problemang hinaharap ang MADeal ngayon. Only I can fix this f*cking problem. Ako lang, wala nang iba. Hindi ko p'wedeng ipagkatiwala 'to sa kung sino-sino lang. There are so many termites inside at unti-unti nilang sinisira ang kompanyang binuhay ko. I won't let that happen. Never ever!" sambit ni Marcus na may halong galit sa tono ng boses.
"Yah! I know you can do it. I'm one step behind your back. You can count on me anytime," nakangiting sabi niya.
Marcus gave him a keen gaze
that bothers him this time.
"So, did you find out kung sino ang may pakana ng nangyayari ngayon sa MADeal?" he asked.
Nag-iwas lamang ito ng tingin at 'di na nag-abala pang sagutin siya, marahil ay napansin nitong gumagawa lang siya ng paraan upang 'wag mapag-usapan ang nadatnan nito kanina.
"Do you really think it was Camille?" dagdag na tanong niya kay Marcus.
"Hindi ko alam. Posibleng siya… posibleng hindi. Posibleng si Ms.Falcon o si Valerie," sagot nito.
"Yeah! It could be one of them. Kung bakit ba kasi 'di ka naglagay ng cctv sa office mo. Eh 'di sana 'di ba mas mahigpit 'yong security sa loob at mas madali nating mahanap ang mga kupal sa loob ng MADeal."
"For what? Cctv footage can be fake and fabricated. Minsan kailangang gamitin ang utak to find evidence. It's not necessary to depend on something that may deceive us," Marcus said.
"Okay! You're always right. Ano pa nga bang masasabi ko," nakatawang sabi niya.
Ilang minuto ang lumipas na tahimik lang sila. He was waiting for Marcus to talk and ask him more about the incident pero hindi ito kumikibo at para bang may malalim itong iniisip.
"So, what's your plan with Camille? Are you planning to get rid of her? I mean hahayaan mo ba siyang manatili dito kahit labag sa marami?" he asked just to keep the conversation on.
Narinig niya ang paghugot nito nang malalim na hininga bago nito ibinaling ang pansin sa kan'ya.
"Are you concern?" makahulugang tanong ni Marcus.
He smiled playfully.
"I'm curious."
"Why? Why are you sudden curious about her?" tanong nito na may matalim na mga tingin.
Sandali siyang natameme at 'di malaman kung anong isasagot niya rito. Para kasing nag-iba ang tono ng boses nito pati na ang asta ng pagtatanong. He seems like jealous. Napangiti na lamang siya nang mapakla.
"Because--"
"You are curious, 'cause you're concern," sabad ni Marcus bago pa man siya makasagot.
Napatawa na lamang siya dahil sa narinig mula sa kaibigan.
"Don't you dare fall for her," seryosong sabi nito bago siya tinalikuran.
He smilled bitterly.
"Pa'no 'pag ikaw 'yong nahulog sa kan'ya?" tanong niya na nagpahinto kay Marcus.
Hindi niya alam kung pa'no lumabas sa bibig niya ang mga salitang 'yon. But a part of his soul wants to know the answer. Pa'no nga? Pa'no nga kung si Marcus ang nahulog kay Camille. How can he handle it? Kakalimutan ba nito 'yong poot nito sa dibdib? Kakalimutan ba nito 'yong paghihiganti? Kakalimutan ba nito ang hustisyang hinahangad para sa kapatid? Is he willing to sacrifice everything for Camille? Hanggang saan ang kaya nitong ipaglaban?
Muli siyang nilingon nito at binigyan nang malamig na tingin.
"It won't happen. Pa'no 'pag ikaw? What will you do?"
Nang marinig niya ang sinabi ni Marcus ay mas lalong sumeryoso ang kan'yang mukha. He took a deep breath before giving an answer.
"I will do what's right… At iyon ay ang hindi mahulog sa kan'ya," tugon niya saka nagpakawala nang matamis na ngiti.
***
Camille wiped off her face with a hanky matapos niyang maghilamos. Matiim niyang tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin at pinikit ang kan'yang mga mata. Hindi niya maikubli ang pagsisisi sa ginawang gulo kanina. Kung bakit 'di niya nagawang pigilan ang galit na nangingibabaw sa mga sandaling iyon. She didn't mean to do it to Kate but her anger ruled over her.
Natigil siya sa pag-iisip nang maramdaman niya ang mga yabag sa loob ng rest room. Napalingon siya at nakita ang grupo ng mga babaeng kapapasok lang. Binigyan siya nito ng matatalim na tingin pero hindi niya na ito pinansin pa at kaagad na lumabas. Sa hindi kalayuan ay natanaw niya si Chris na nakatayo na tila ba may hinihintay ito. Nang malapit na siya sa direksyon ng binata ay napatingin ito sa kan'ya at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.
"Camille..."
Huminto siya sa paglalakad at sinuklian ang ngiti nito. 'Di niya alam pero parang nakaramdam siya ng pagkabahala nang tawagin nito ang kan'yang pangalan. Para kasing naninibago siya at 'di siya sanay tawagin siya nito nang ganoon.
"Anong ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba?" tanong niya.
Ang ngiti ng binata ay napalitan ng seryosong mukha. Bago ito nagsalita ay nagpakawala muna ito ng malalim na hininga saka lumunok.
"May sa--"
"Mr.Delfin!"
'Di na nito natapos pa ang sasabihin nang marinig ang malakas na pagtawag. Napalingon sila pareho sa direksyon ng boses na 'yon at nakita nila ang seryosong mukha ni Valerie habang naglalakad sa dako nila. Nang makalapit ito'y kaagad siyang tinapunan nito ng tingin saka tinaasan ng kilay.
"Ms.Cordova, do you have something to discuss with Mr.Delfin?" tanong nito na may halong pagtataray.
Camille shook her head.
"Well then, will you excuse us?"
Tumango lamang siya at kaagad naring umalis.
"What the hell do you think you're doing?" galit na tanong ni Valerie kay Chris.
"Sasabihin ko na sa kan'ya ang totoo. Akala ko kaya ko pero 'di ako gano'n kasama para gawan ng kasalanan ang taong wala namang ginagawang mali," sambit ni Chris na may diin ang bawat sinasabi.
"Are you insane? Well, it's too late for you to regret it. You already caused a damage and you have nothing to do about it."
"Kaya nga itatama ko ang mali ko. 'Di 'to deserve ni Camille at 'wag ka nang mag-abalang ipatanggal pa ako, dahil kusa akong magre-resign at 'yong pera mo, ibabalik ko 'yon sa'yo ngayon din," matapang na sabi ni Chris.
Valerie clenched her hand. Nanggagalaiti siya sa galit at gusto niyang sampalin ngayon ang binata. Pilit niyang pinipigilan ang sarili upang 'di makakuha ng atens'yon sa mga taong nandito. She tried to calm herself and act as if they're talking casualy.
"Don't wash your hands, you sh*thead jerk. Baka 'di mo alam kung anong kaya kung gawin. 'Di lang trabaho mo ang mawawala pati na rin buhay mo mawawalan ng saysay at sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito habang gumagapang ka. So don't you dare mess with me. You better keep the money in your pocket and keep your f*cking mouth shut. Understood?" Valerie said with a devilish smile.
Nanunuyo ang lalamunan ni Chris at 'di niya magawang magsalita. Tutol na tutol ang kalooban niya pero hawak na siya sa leeg ni Valerie. Wala na siyang takas dito. Wala na nga talaga siyang magagawa pa kundi sundin ang gusto nito at manahimik hanggang sa dulo.
"Good boy! Wag kang mag-alala, malinis ang trabaho ko. Walang makakaalam na ikaw ang naglagay no'n sa gamit ni Camille, kahit anino mo di nila makikita para gawing ebidensya. So you have nothing to worry about."
Pagkasabi nito ay kaagad na siyang tinalikuran at naglakad palayo na parang wala lang nangyari. Naiwan naman siyang tulala at parang binagsakan ng langit at lupa. Sa katunayan ay hinihiling niya na sana may makaalam ng totoong nangyari nang sa gano'n ay hindi si Camille ang papasan ng kasalanang ginawa niya.
***
Napatingin si Marcus sa orasan na nasa kan'yang bisig. Alas-otso na ng gabi at magdadalawang oras na siyang naghihintay sa restaurant. Kanina pa nagiinit ang ulo niya pero pinipigilan niya na lang. Nagpang-abot na ang kan'yang mga kilay at 'di maikubli ang pagkairita sa mukha niya.
Maya-maya lang ay gumuhit na sa labi niya ang ngiti nang matanaw ang matangkad at eleganteng babaeng papalapit sa direksyon niya. Kaagad siyang tumayo habang dala-dala ang bouquet ng pulang rosas na halatang kapipitas pa lamang. Sinalubong niya ito saka nakangiting iniabot ang bulaklak.
"For you," he said with a baritone voice.
Sumilay ang kinang sa mga mata ng babae at ang malapad na ngiti nito habang akay-akay ang bulaklak na bigay ni Marcus. Marcus grabbed a chair for her before he sits down in the opposite seat.
"Did I make you wait for so long?" nag-aalalang tanong ng babae.
Marcus gave a fake smile.
"No, it's okay."
The lady smiled back at him. Maya-maya ay dumating na ang waiter habang tulak-tulak ang stroller na may nakapatong na pagkain at marahang inilapag ito sa mesa nila.
"Let's eat!" Marcus said trying to act differently.
Ngumiti ulit ang babae at nagsimulang sumubo ng kaunting slice ng beefsteak. She's really like a descent and refined woman. Sa unang tingin mo ay 'di mo aakalaing may edad na ito. She's 56 years old and still managed to look like 30's. She's skinny and still have a curves on her body. Makinis at maputi ang balat nito. Her cheeks are fully shape halatang nag undergo ito ng surgery to maintain her beauty. Makapal din ang make-up nito na animoyy uma-attend ng pageant.
"How's your business standing Marcus?" kaswal na tanong nito.
Kinuha ni Marcus ang magarang goblet na may lamang wine saka uminom ng kaunti bago nagsalita.
"It's… it's great! Still at the top," nag-aalinlangang sagot niya.
"Oh! it's good to hear that," nakangiting sabi nito.
"I heared you are now married to a Canadian citizen. Congrats and best wishes for the both of you," sambit niya upang ibahin ang usapan.
Tumawa ito ng mahina sabay takip sa bibig at nagsalita.
"Thank you Marcus."
"So how's the life of a newly married?" tanong niya.
Sa katunayan ay hindi siya interisadong malaman ito at wala siyang pakialam sa buhay ng dalawa. But he really needs to do this, kailangan niyang isakripisyo ang oras at panahon niya para dito. Because this is the only choice he has to fix the problem of his company.
"It's wonderful, everyday seems to be a special day to us" nakangiting sagot nito.
Kitang-kita ni Marcus ang kakaibang kinang sa mga mata nito at ang matamis na ngiting gumuhit sa mga labi ng babaeng kaharap niya ngayon. Nakaramdam siya ng pagkadismaya nang marinig ang sinabi nito at makita ang ekspresyon sa mukha ng babae. Parang nawawalan na siya ng ganang makipag-usap dito at gusto niya nang umalis dahil sa palagay niya'y nag-aaksaya lamang siya ng panahon at mabibigo lamang siya sa kan'yang plano.
"Damn!" pagmumura niya sa isip.
"Oh that's good! I'm happy for you," sambit ni Marcus saka nagpakawala nang pekeng ngiti.
"How about you? I heard you've been canceled your wedding. Why? Aren't you ready to be tied with Valerie? Don't you want to have your own family yet?" curious na tanong nito.
Napahigpit bigla ang pagkakahawak niya sa kutsara at tinidor. Naramdaman niya ang pagkulo ng dugo niya sa tanong nito. Ayaw na ayaw niyang binabanggit ang tungkol sa kasal na 'yon dahil lalo lang nagiinit ang ulo niya. Kinuha niya ang goblet na may lamang wine saka diretsong nilagok ang laman nito. He tried to calm himself saka tiningnan si Mrs.Auronkell ng mata sa mata.
"I just want to focus in my business and settle everything bago ako pumasok sa ganiyang bagay. You know, business is all that matters for me" mahinahong sabi niya.
"Oh I see! You've been so workaholic. No wonder why MADeal is always at the top," nakangiting sabi nito.
"Yeah! MADeal became bigger and bigger in the long run. It has 300 branches in national and 120 branches in different countries. Mas dumadami ang shareholders and investors ng MADeal mas lumalakas ang daloy ng pera sa loob. Actually we're planning to add another branch here and we are planning to launch new products," saad ni Marcus.
Binigyan siya ng kuwestiyonableng tingin ni Mrs.Auronkell na nagpainit ng kan'yang ulo.
"Yeah! I knew it. You don't need to discuss everything about your company. Just tell me direct to the point what you were trying to say," sabi nito saka lumagok ng kaunting wine at marahang pinunasan ang bibig ng tissue saka ibinalik ang tingin sa binata.
"I want you to invest in MADeal," Diretsong sabi ni Marcus.
"Oh! Kaya ba you invited me for a dinner? Kaya ba naghintay ka ng matagal sa'kin para dito? Kaya ba you made an effort to talk to me personally? Well, I appreciate your time and efforts. But Yi Ting had--"
"I have the best proposal for you. Won't you mind to discuss it with me? Marcus said in a cold baritone voice.
Binigyan lamang siya ng ngiti ni Mrs.Auronkell kapagkuwan ay tumayo na ito dala-dala ang bag.
"I won't bother. So, excuse me 'cause I have to go," sambit nito saka tinalikuran na si Marcus na hindi man lang nag-abalang bitbitin ang bulaklak na bigay nito sa kan'ya.
"Spare me your time and I'll show you the proposal that you can never resist," malakas na sabi niya na nagpahinto kay Mrs.Auronkell sa paglalakad.