Nagising si Camille nang marinig ang tunog ng kan'yang alarm. Kahit antok na antok ay pilit niyang idinilat ang mga mata't kinapa ang cellphone sa ilalim ng kan'yang unan upang patayin ito. She yawned loudly and then stretched her arms upward.
Puyat na puyat siya dahil alas-dos na siya ng madaling nakatulog. Inuwi niya na kasi ang mga gawain niya sa opisina nang matapos niya na ito ng maaga, kailangan na daw kasi kamo ito ngayon.
Sinulyapan niya ang mga pinagpatong-patong na papeles sa kan'yang mesa at napabuntong-hininga na lang siya nang 'di oras. Gustuhin man niyang bumangon pero parang hinahatak siya pabalik ng kan'yang kama. Pagod na pagod siya at ang bigat pa ng kan'yang mga talukap.
"Ten minutes pa, babangon na talaga ako" tinatamad na sabi niya.
***
Paulit-ulit na nagmumura si Marcus sa loob ng conference room. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa galit at pagkairita na nangingibabaw. Nagtatangis ang kan'yang mga bagang at tila ba isa siyang bomba na kahit anong oras ay sasabog. Nangangain ang kan'yang mga tingin na ipinupukol sa mga taong nasa loob at kulang na lang ay tutukan niya ito ng baril. Ikinuyom niya ang kanang kamay at biglang napasuntok sa mesa na ikinagulat ng lahat.
"Marcus relax, dont over stress yourself. We can still find a solu--"
"Ten! Ten f*cking clients have lost in just a blink of an eye at sasabihin mong mag relax ako? Are you insane? Ano sa tingin mong sinasabi mo?" galit na sabi niya.
"Marcus we can find ways," Valerie sabay d trying to make him calm.
Marcus smiled bitterly.
"Then tell me how, Valerie? Pa'no mo sila makukuha ngayong naagaw na sila ng Yi Ting? Yi Ting had already close the deal wisely them. They already signed a contract. Now tell me, paano? Paano mo sila makukuha muli?"
"Pa'no ba kasi tayo na unahan ng Yi Ting na 'yan? Damn it!" she cursed.
A decent gorgeous 60's woman stood gracefully and began to talk.
"Here are the questions... Paano nga ba nagawang makipagsabayan ng Yi Ting sa mismong araw ng meeting na nascheduled natin. Pa:no nga ba nagawang tumbasan ng Yi Ting ang proposal para sana sa clients natin? Pa'no nga ba nila nalaman ang lahat ng target clients natin? It's surprising, isn't it?"
"It's very impossible to happen. How could it be? Gayo'ng, tayo lang ang may alam ng lahat ng plano natin. Our plans are lurking only inside the four corners of this room. This is unbelievable! Pa'no na to?" saad ng isang kalbong matanda na naka kulay gray na tuxedo.
"It's possible yet believable, Mr.Padilla and a fortiori, when the white ant was sneaking inside this company," tugon naman Valerie.
"Are you trying to say that there's a traitor in MADeal?" a half American man curiously asked.
"Exactly, Mr.Syrus!" nakangiting sagot ni Valerie.
"Oh, you think so Ms.Gomez?" a decent old woman asked doubtfully.
Valerie smirked.
"Yes, Mrs.Thompson! It's surprising. It really is."
Marcus turned his back and look out at the window glass while clenching his hands.
"Where's Mr.Hermosa?" he said in a cold voice.
Napatingin ang lahat sa kan'ya na may pagtataka.
***
Napasulyap si Arman sa relong nakasabit sa kan'yang palapulsohan at nagmadaling maglakad. He's almost one hour late at kailangan niyang magmadali dahil kung hindi, for sure 'di niya na maaabutan ang meeting nila.
Kaagad na siyang sumakay ng elevator at akmang pipindutin niya na sana ang close button nang may pamilyar na babaeng pumasok.
The girl still managed to smile sweetly at him kahit halatang nagmamadali ito. Nakasuot ito ng white pencil cut skirt na above the knee at black na sleeveless na pinaresan ng black coat. She is simple yet pretty. Kahit wala itong kahit kunting kolorete sa mukha ay nangingibabaw pa rin ang ganda nito. Ito yong babaeng parang kalikasan, masarap tingnan kasi natural ang kagandahan.
He smiled back at her nang makapasok ito. Napansin niyang nahihirapan ito habang bitbit sa kanang kamay ang bag na may lamang laptop. Habang sa kaliwang kamay nito ay mga papeles naman na nakasilid sa folder at envelope.
"Need help?" he asked with full of care and sincerity.
"No sir, thank you," nakangiting tanggi nito.
"Okay! You look familiar. Have we met before?" curious na tanong niya.
"Ah-- 'Di ko po alam sir. S-siguro nga… nakalimo--"
He interrupted when a sudden event flashed in his mind.
"Oh! I remember you. You were with Kyle on the other day, right?" manghang tanong niya.
She smiled sweetly.
"Opo, kayo po 'yong kausap niya sa labas ng restaurant?"
"Yes, it was me. So, dito ka nagtatrabaho?" nakakunot ang noong tanong niya.
"Yes sir, almost 5 months," sagot nito.
Biglang may namuo sa isip niyang pagdududa, nang marinig niya ang sabi ng dalaga.
"Oh I see! You're two working in different companies. The companies who directly and extremely competing with one another. Why? Ba't 'di ka sa Yi Ting nag-apply? Ba't di siya dito sa MADeal nag-apply? I mean… Why aren't you working together?" mausisang tanong niya.
Camille was about to answer when suddenly the elevator opened. She smiled sweetly by the means of saying goodbye.
Hindi na nakuha pang ngumiti ni Arman dahil parang iba ang pakiramdam niya sa presensiya nito sa kompanya. Parang may mali, parang may kakaiba.
Akmang lalabas na sana si Camille nang nabitawan niya ang folder na bitbit kaya nagkalat ang mga papeles sa sahig. Kaagad namang yumuko si Arman upang tulungan ang dalagang pulutin ang mga ito.
"S-sir 'wag na, kaya ko na po 'to," nahihiyang sabi nito.
"No, it's okay. Alam kong nagmamadali ka."
Habang isa-isa niyang pinupulot ang mga papel na nagkalat ay bigla siyang natigilan nang mabasa ang mga nakasulat dito.
"Why did you have a copy of this?" nagtatakang tanong niya.
***
Marcus glanced at his wristwatch and it's already 10:30am. He tried to calm himself na kanina pa nag-aalab sa galit. Mag tatatlong oras na kasing ng wala pa si Mr.Hermosa, which is supposedly 8:00 am ang dating nito.
He felt a gentle touch on his arm that awakens his senses. Napalingon siya at sumalubong sa kan'ya ang nag-aalalang mukha ni Valerie.
"Are you okay?" malambing na tanong nito.
He just gazed at her at muling ibinalik ang tingin sa labas ng building.
"Don't worry I'm here to help you. I'll make sure to make that white ant pay for betraying us. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang kinalaban niya tayo," determinadong sabi ni Valerie na tila alam nito kung sino ang tanong iyon.
Lumipas ang ilang minuto at wala paring Arman na dumating. They kept on calling his number pero hindi nito sinasagot ang tawag.
"I think we should adjourn this meeting," saad ng isang lalaking kanina pa naiinip.
"Yeah! maybe we should discuss it next--"
Hindi na natuloy ni Mrs.Thompson ang sinasabi nang biglang bumukas ang pinto. Lahat sila ay napalingon sa kapapasok lang na lalaki.
"You're too early for tomorrow, Mr.Hermosa," Valerie said sarcastically.
Hindi na pinansin pa ni Arman ang sinabi ng dalaga at kaagad umupo sa bakanteng upuan.
"It's better to be late than never," sagot niya nang may nakakalokong ngiti.
Valerie rolled her eyes.
"So shall we start now?" nakangiting sabi nito na parang wala lang nangyari.
"Actually we're done and for your information Mr.Hermosa... we had lost our ten clients," mataray na sabi ni Valerie.
Ang ngiti sa mga labi niya ay biglang naglaho nang marinig ang sabi ng dalaga.
"W-what? Seriously?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Of course! This is not the right time for me to joke."
"I told you already, dapat kasi sinunod niyo ako. Eh, 'di sana na close na natin ang deal. So, if there's someone to blame on... Iyon 'yong mga taong hindi nakikinig ng opinion at hindi tumatanggap ng suggestion," sambit ni Arman saka pinasadaan ng tingin si Marcus.
Marcus looked at him coldly.
"Are you blaming Marcus?" galit na tanong ni Valerie.
"There's no one to blame on. Infact, Marcus plans are great and I'm really sure kung naunahan lang natin ang Yi Ting ay naclose na sana natin ang deal. But Yi Ting played dirty and we're not expecting for that," Mrs.Thompson defended.
Napakunot ang noo ni Arman sa mga narinig.
"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.
"Well, for your information again Mr.Hermosa... Ninakaw lang naman ng Yi Ting ang lahat ng kliyente natin. Our scheduled time for the meeting with each client ay nalaman ng Yi Ting, kaya tayo naunahan. Our proposals, our plans ay tinumbasan nila. Wala ni isang client natin ang pinalagpas nila. Nakakapagtaka 'di ba? Hindi nila malalaman 'yon unless may nagsabi at nagtraydor. Am I right, Mr.Hermosa?"
Nang marinig niya ang sinabi ni Valerie ay wala nang iba pang pumasok sa kan'yang isip kundi ang nakita niya kanina.
"I saw a copy of our proposal sa isang babaeng nagtatrabaho dito. She could be a spy. Maaring inutusan siya ni Kyle Bernardo na alamin ang plano natin," sambit niya.
"What did you say? Kyle Bernardo?" nakakunot-noong tanong ni Marcus.
"Right, Mr.Alarcon! I just met her the other day. He is working in Yi Ting and he has a girlfriend who is working her in your company."
"Sigurado ka bang ang babaeng 'yon ay nagtatrabaho dito?" tanong ng isang 'di katandaang babae na nasa edad kuwarenta na.
"I'm not sure, pero 'yon ang sabi niya sa'kin," sagot ni Arman.
"She might be lying. Puwedeng sinabi niya lang 'yon para hindi ka magduda sa kan'ya," saad naman ng isang matandang lalaking maputi na ang buhok.
"Pero puwede rin na nagtatrabaho nga ang babaeng 'yon dito," sabad ni Valerie na kumuha ng atensiyon ng lahat.
"I just don't know her name. Basta maganda siya… Simple lang, maiksi ang buhok, maputi, makinis at ma--"
"Shut up!" sigaw ni Marcus.
Napalingon ang lahat sa binata at tiningnan nila ito nang may pagtataka.
"You may all leave now. I need to solve this things up. Mag-iisip ako ng solusyon and I need to be alone," maawtoridad na sabi niya.
"No! Let's solve this problem all together. Base sa paglalarawan ni Mr.Hermosa, I think that girl is really working here. Isa lang nasa isip ko..." Valerie said and glanced at Marcus.
Everyone looked at her direction. Naghihintay ito na sabihin ng dalaga kung sino nga ang babaeng tinutukoy ni Arman.
"Tanya!" tawag ni Valerie sa secretary ni Marcus na kanina pa nakatayo sa likod ng binata.
"Yes, ma'am?"
"Call Camille Cordova at papuntahin mo dito right now," maawtoridad na utos ni Valerie.
"Okay po, ma''am," she answered attentively.
Ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas na ang pinto at kasunod nito ang pagpasok ni Tanya at Camille. Pinasadaan agad ng tingin ng mga taong nasa loob si Camille. Even Marcus thrown his gaze coldly at Camille's innocent face.
Namuo sa mukha ng dalaga ang pagtataka nang makita ang dami ng taong naroroon. Kaagad nahagip ng mata niya si Marcus na malamig na nakatingin sa kan'ya.
"Siya 'yon! Siya nga 'yon," sigaw ni Arman.
Valerie stood firmly and crossed her arms.
"Are you related to Kyle Bernardo?" nakataas-kilay na tanong ni Valerie.
Tumango lamang si Camille na may pagtataka.
"Tingnan mo nga naman… Hindi ka pa nga umaamin, pero napaghahalataan ka nang guilty. Look directly into my eyes.You talk, kasi gusto ko marinig ang boses mo," Valerie said.
Inangat ni Camille ang mukha niya at tumingin sa mga mata nh dalaga katulad ng nais nito.
"Now tell me... Are you a spy of Yi Ting?"
Nagulat siya sa biglaang tanong nito.
"H-hindi..."
Valerie started to walk closer to her with a trenchant that's cornering her.
"If that's the case, so how did you get a copy of this?"
Inabot nito sa kan'ya ang isang piraso ng papel at napakunot ang noo niya nang napagtantong parehas ito sa dokumentong dala niya kanina na hindi niya rin alam kung paano ito napunta sa kan'ya.
"D-diko alam," kabadong sagot niya.
Mrs.Thompson gave her a strained laugh.
"Are you kidding? 'Di mo alam? Paanong 'di mo alam? Dala-dala mo 'yan, tapos 'di mo alam? What a stupid alibi!" galit na sambit nito.
"H-hindi ko po talaga alam. Kanina ko lang po 'yan napansin, ma'am. Hindi ako spy ng Yi Ting at w-wala akong alam..."
"Shut up! Tigilan mo na ang pagmamalinis mo. Nahuli ka na. May ebidensya na. Magde-deny ka pa? Just tell us the truth na hindi lang pala boyfriend ko ang inaahas mo pati na rin ang kompanya," sigaw ni Valerie na halata sa boses nito panggagalaiti.
Nagsimula nang mag bulong-bulungan sa loob at halos lahat ay nagulat sa sinabi ni Valerie.
"Enough! Lumabas kana Ms.Cordova," maawtoridad na utos ni Marcus habang nakatitig sa direksyon ni Camille.
"No!" Arman bravely opposed.
Ang buong atensiyon ay nakatuon na ngayon kay Arman. Hindi sila maniwalang nagawa nitong kalabanin si Marcus gayo'ng lahat sila ay takot dito.
"Ano 'to? Gano'n-gano'n na lang?" sarkastikong tanong ni Arman.
Binigyan ni Marcus ng matalim na tingin ito. Mga tingin na nagbabanta at nananakot.
"I said get out Ms.Cordova!" malakas na sigaw niya na dumagundong sa loob at nagpatinag kay Camille kaya dali-dali itong lumabas.
"I can't believe this. She was the rumored--"
Hindi na tinapos ni Mrs.Thompson ang kan'yang sinasabi nang maramdaman niya ang matalim na titig ni Marcus na halos tumagos na sa kan'yang kaluluwa.
"Oh! I'm sorry," sambit ito saka uminom ng tubig.
"Paanong nakapasok ang isang spy ng Yi Ting dito? Hindi ba sinusuri ng HR Director ang mga empleyadong tinatanggap nila. How careless they are! Baka naman nagiging pabaya na si Lex sa department na hinahawakan niya o 'di kaya ay hitsura na lang ang nagiging batayan niya sa pagtanggap ng empleyado kaya tayo napapasukan ng mga white ants dito," pagsingit ng isang may edad na lalaki na halatang pumapanig lang kay Arman na kumpare nito.
Minasahe ni Marcus ang kan'yang sentido at pilit na ikinalma ang sarili sa mga naririnig.
"Ang katulad niya ay hindi dapat hinahayaang tumungtong dito. She may look like innocent but she is a devil. Kaya 'wag kayong maniniwala sa paawa-awa niyang mukha, kasi pro na siya sa mga ganiyang bagay. That's her asset to deceive everyone," Valerie said convincingly.
"If that's the case so she must be fired!" sambit ni Mrs.Thompson na nagkalakas ng loob dahil sa sinabi ni Valerie.
"No!" matigas na sabi Marcus.
"What? Are you insane Marcus? Ano, hahayaan mo na lang manatili ang babaeng 'yon dito sa despite of her betrayal in MADeal? Hahayaan mo na lang na bumagsak ang MADeal just to keep her in your eyes? You're absurd!" 'Di makapaniwalang sabi ni Valerie.
"Who are you to questioned my decisions? Alam ko ang ginagawa ko kaya wala kang karapatang diktahan at kwestiyonin ako. If you're skeptical in my plans and decisions, you are free to get your share here anytime. I don't need it nor your presence and ideas," nagtatangis ang bagang na sabi ni Marcus.
Valerie clenched her hands and took a deep breath. She's trying to calm herself dahil ayaw niyang mag-away sila ni Marcus sa harap ng mga kasamahan nila ngayon.
"I think you're being bias now Mr.Alarcon. Don't include personal matters in your work. 'Di porket espesyal siya ay hahayaan mo na lang siya. Isipin mo namang hindi mo lang pera ang bumubuo ng MADeal, marami kami. Lahat kami, pinapangalagaan namin ang shares namin, dahil hindi lang namin 'yan pinulot kung saan-saan. Natural lang na paalisin namin ang sino mang maging banta sa MADeal," depensa ni Arman.
"I said no!" sigaw ni Marcus sabay suntok sa mesa.
Nagulat ang lahat sa ginawa ng binata. Kahit ang sekretarya nito ay napapitlag nang marinig ang pagsigaw niya. Halos mapatakbo na ito sa takot nang makitang halos mag-apoy na ito sa sobrang galit.
"Kung gayo'n naman pala ay mas mabuti na siguro'ng bawiin na namin ang share namin sa kompanya mo," saad ni Arman na may halong pagbabanta.
Nagtangis ang bagang niya nang marinig iyon. Tumayo siya at tinungo ang direksyon ni Arman at kaagad niya itong kwinelyohan na ikinabigla nito.
"Are you threatening me, Mr Hermosa, huh? Are you threatening me? Sa tingin mo matatakot ako? Sa tingin mo pipigilan kita? Then go! Ngayon pa lang inuutusan na kitang kunin ang share mo sa MADeal. But make sure you wont run back here."
"M-marcus, you know--"
"You leave. You all leave!" sigaw niya.
***
Mabigat ang loob ni Camille na bumalik ng office. Kahit anong pilit niya ay 'di niya maalalang may tinanggap siyang papeles sa kahit kanino man. Pa'no nga ba napunta sa kan'ya 'yon? Kinuha niya ito sa ibabaw ng mesa at nagpakawala ng malalim na hininga saka tumayo.
Bawat hakbang papalapit sa table ni Kate ay lalong kumukulo ang dugo niya. Ramdam niyang hindi lang isang aksidente o pagkakamali na mapunta ito sa kan'ya. Alam niya sa sarili niyang sinadya at plinano iyong ilagay sa folder niya upang pagbintangan siya. Wala na siyang maisip na ibang taong makakagawa at gagawa no'n sa kan'ya, kundi si Kate lang. Simula't sapul pinag-iinitan na siya nito at walang dudang gagawa at gagawa ito ng paraan upang mapaalis siya sa MADeal.
Padabog na ibinagsak niya sa mesa ni Kate ang mga papeles at dahil sa gulat ay nabitawan pa nito ang lipstick na ninunodnod nito sa labi. Nagpang-abot ang kilay nitong tiningnan siya.
"Are you crazy?" galit na sabi ni Kate.
Kahit kaunti ay hiindi siya natinag dito.
"Ibinabalik ko lang ang naiwan mong dokumento sa table ko," kalmadong sabi niya na may pagpipigil sa boses.
Inihagis nito sa sahig ang mga papel at padabog na tumayo.
"What are you talking about? That documents are very confidential, pa'no mapupunta sa'kin 'yan? Wait... Are you accusing me, huh? Camille,pinagbibintangan mo ba ako?" nakapewang na tanong nito.
"Hindi ba Kate? Sa simula pa lang alam kong hindi mo na gusto ang presence ko dito. Gumagawa ka ng mga bagay na ikakasama ko kaya hindi na rin ako magtataka kung ikaw ang nakaisip na iset-up ako," she said bravely.
Sa sandaling 'yon ay nahuli na nila ang atensiyon ng mga kasamahan nila sa loob ng office. Napalingon ang lahat sa kanila at tila hinihimay sa isip nito ang mga naririnig.
"How dare you! Ang lakas naman ng loob mong pagbintangan ako. Don't you ever smear your wrong deeds on me. If your plans didn't work because you caught in the act, well that's good for you. Tapos ngayon gagawa ka ng eksena para ipalabas na ako ang masama, na ako ang may kasalanan. Hypocrite! Bakit 'di mo na lang kasi aminin na iba ang motibo mo kung bakit ka pumasok sa MADeal. Gusto mo lang talagang magkalat ng kalandian!"
Bago pa niya magawang sampalin ito ay nauna nang dumapo sa mukha niya ang isang malakas na sampal galing kay Camille. Damang-dama niya ang init ng kamay nito at ang hapding bumabalot sa kaliwang pisngi niya. Alam niyang sa pagkakataong iyon ay pulang-pula na ang kan'yang mukha hindi lang sa sampal na natanggap niya, pati na rin sa galit na bumabalot sa buong pagkatao niya.
Hindi niya na pinalagpas ang pagkakataon at bago ito makaalis ay kaagad niyang tinumbasan ng mag-asawang sampal si Camille.
Camille pulled her hair violently at halos matanggal ang anit niya dahil sa malakas na pagkakahila ng dalaga. She tried to reach out Camille's hair ngunit hindi niya ito maabot. Umalingawngaw sa loob ang malakas na sigaw niya dahil sa sakit ng pagkakasabunot ni Camille sa kan'ya.
Ilang segundo lang ang lumipas at napansin niya na ang mga paang patakbong tumungo sa kanila. Naramdaman niya ang mga kamay sa balikat niya na puwersahang inilalayo siya pero halos hindi na bitawan ni Camille ang buhok niya na ibinilibid sa mga daliri nito.
"Ouch my hair! Get off your hands on my hair. You're a b*tch! Child of the devil! Go to hell! F"ck off Camille! F*ck off!" paulit-ulit niyang pagmumura.
Hindi ito maawat at patuloy pa rin sa bagsabunot sa buhok niya. Kitang kita niya sa mga mata ng dalaga ang matinding galit. Tila ba isa itong liyon na gusto ng lumapa ng tao.
"Camille tama na! Bitawan mo na si Kate" narinig niyang sigaw ni Shon.
Isang malakas na kalabog ang narinig nila nang mahulog ang computer sa sahig kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto ng office.
"You stop idiots!" galit na sigaw ni Mr.Lopez na kakapasok at halos lumugwa na ang mga mata nito sa pagkayamot.
Nakahinga si Kate nang unti-unting natanggal ang mga kamay ni Camille sa matinding pagkakakapit sa buhok niya. Napahawak siya sa ulo niya at iniinda ang sakit at hapding nararamdaman niya sa mga oras na 'yon.
"Nababaliw na ba kayo? Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? 'Di na kayo nagtira ng hiya sa sarili, kababae niyong tao nag-sasabunutan kayo dito. Anong akala niyo dito? wrestling ring?"
"Sir she started it! You can't blame me, I'm just protecting myself. Kung may dapat sisihin si Camille 'yon. Kung ano'ng pinagbibintang saykin. Siya na nga nagbintang, siya pa'ng may gana manampal," sambit niya na nagbabakasakaling panigan siya ni Mr.Lopez.
"Wala akong pakialam. My point is gumawa kayong pareho ng gulo sa loob ng kompanya. Gawain ba iyon ng matinong empleyado? Kayong dalawa, you go to HR at simulan niyo nang magdasal patungo doon."
Kate rolled her eyes at padabog na lumabas ng office. Pagkabukas niya ay kaagad sumalubong sa kan'ya ang nakiki-usyosong mga empleyado sa labas.
"Anong ginagawa niyo dito? Alis! Tapos na ang palabas mga tsismosa. Bwiset!" mataray na sabi Kate.
Dire-diretsong lumabas si Camille ng office at 'di magawang tingnan ang mga tao sa labas.
"Si Camille ba 'yon?" bulong ni Shon kay Amy na 'si makapaniwala sa nasaksihan.
"Tanga! Ano sa palagay mo mama niya 'yon?" Pambabara ni Amy.
"Bakit parang hindi. Bakit parang--"
Naputol ang sinasabi ni Shon nang sumabad si Mr.Lopez.
"Imbis na magdaldalan kayo, bakit 'di niyo tapusin ang mga trabaho niyo?" iritadong sabi ni Mr.Lopez.
Kaagad namang umayos sa pagkakaupo ang dalawa at itinuon ang pansin sa computer. Maya-maya ay tumayo si Chris at walang imik na lumabas ng office.
***
Papalit-palit na tiningnan ni Lex ang dalawang dalaga sa harap niya na tila ba sina-psycho niya ang mga ito. Nakayuko lamang si Camille at halos 'di maiangat ang mukha nito while Kate looks so pathetic. Ang maarte at mapustorang Kate ngayon ay gusot-gusot ang suot na damit at gulong-gulo ang buhok. Halata itong galing sa away at mukha itong na-agrabyado. Napailing nalang si Lex nang 'di oras.
"Now, tell me ladies… What happened?" panimulang tanong niya.
"That b*tch started the commotion. I was working peacefully and there she goes barking at nowhere. Kung ano-anong pinagsasabi. Kung ano-anong pinagbibintang sa'kin. She must be crazy," paglalahad ni Kate.
Binaling niya ang tingin kay Camille at hinintay ang depensa nito pero nanatili pa rin itong nakayuko at 'di siya magawang tingnan.
"Is that true, Camille?" tanong niya.
Camille nodded.
"What was that all about? Anong pinag-awayan niyo at kailangang umabot sa ganito?" dagdag na tanong niya.
"Pinagbibintangan niya akong naglagay ng confidential documents ng MADeal doon sa table niya para iset-up daw siya. Eh, panao naman ako magkakaroon ng mga 'yon? She's a crazy b*tch! She really is." nanggigigil na sabi ni Kate.
"Is that true, Camille?" tanong niya ulit sa dalaga upang marinig ang panig nito.
Camille nodded again as a means of saying yes.
"Okay, you may leave now Ms.Falcon," he said.
Kate rolled her eyes when she heard her last name being called by Lex. Lalong kumukulo ang dugo niya sa unequal treatment ni Lex sa kanilang dalawa. Masyado nitong pinapahalatang pinapaboran nito si Camille. Imbis na matuwa siya dahil hindi siya pinagalitan at wala siyang natanggap na sanction, mas lalo lang siyang nainis.
"Damn that girl!" bulong niya sa isip.
She walked towards the door at binalibag niya pa ang pinto bago tuluyang lumabas.
"Are you okay?" he asked with full of care.
Camille nodded.
Tumayo siya at nilapitan ang dalaga. Nakayuko pa rin ito at 'di man lang magawang sulyapan siya. Napako ang tingin niya sa kaliwang kamay nito at napangiti na lamang siya nang makita ang mga hibla ng buhok na nakapulupot sa mga daliri nito.
"Don't hurt your precious hand again," sambit niya habang isa-isang tinatanggal ang mga buhok sa kamay nito.
Hinawakan niya ang baba ni Camille at dahan-dahang ito upang iharap sa kan'ya. A sweet smile drawn on his lips nang makita niya ang magandang mukha ng dalaga. A very innocent face with angelic aura really captivates his deep soul.
"Look at me," he said.
Unti-unti nagtama ang kanilang mga mata hanggang sa tanging imahe ng isat-isa na lang ang nakikita nila.
"Do you want to cry?"
Umiling lamang si Camille bilang sagot. Bakas sa mukha nito ang sakit at pagsisising nararamdaman. Her eyes are full of pain. She acted like strong pero 'di maitatago sa mga mata nito ang katotohanang nasasaktan din ito, marupok at hindi gano'n katapang at katibay. Then a tears fell from her eyes. A genuine tears caused by her fragile heart. She bit her lips to prevent herself from sobbing.
"S-sorry.." tanging nabanggit niya.
Lex wiped off her tears and gave her a warm hug. 'Di na niya napigilan pa ang emosyong nadarama at inilabas niya na ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak.
"Shss… It's okay. It was not your fault. Don't blame yourself. Everything will be fine, okay?" mahinahong sabi Lex habang hinahagod ang likod niya.
Namuo sa kanila ang katahimikan at tanging paghikbi lamang ni Camille ang nariring niya sa loob. Pero sa 'di inaasahan ay bigla na lamang bumukas ang pinto at nagulat sila pareho nang makita kung sino ang nandito.