CHAPTER 18

3302 Words
Akmang pipihitin na sana ni Marcus ang doorknob pero bigla na lang itong bumukas, then he saw Camille's wet body wrapping with a towel. Tumutulo pa ang basang buhok nito. Naramdaman niya ang pamumuo ng laway sa kan'yang bibig at napalunok siya. "I was about to check you coz it's almost two hours. What took you so long?" pambungad na sabi niya. Camille looked at him awkwardly. Hinigpitan nito ang pagkakapit sa tuwalyang nakabalot sa katawan niya. Ang mga butil ng tubig mula sa kan'yang buhok ay dahan-dahang gumagapang sa kan'yang katawan. Sa katunayan ay kanina pa siya natapos maligo, pero hindi niya magawang lumabas dahil naiilang siyang lumabas na nakatuwalya lang. Nakaligtaan niya kasing magdala ng damit sa loob ng cr, dahil sa pagmamadali niyang makatakas sa kahihiyang nangyari sa kan'ya kanina. "Hmm… Excuse me, sir!" sambit niya at nilagpasan ang binata. Pinahid ni Marcus ang labi niya na tila ba may dumi dito saka naglakad at bumalik sa kinauupuan niya kanina. Dinukot niya ang cellphone sa kan'yang bulsa and he acted like there's nothing wrong sa pagkakaupo niya doon. He can see Camille at his peripheral vision at pasimple itong sumusulyap sa kan'ya na halatang binabantayan nito ang mga tingin niya. A smirked drawn on his lips. "S-sir?" Nilingon niya ang dalaga nang marinig niya ang pag-aalangang tawag nito sa kan'ya. "What?" Nakita niya ang pagkagat labi ng dalaga nang 'di nito masabi ang gustong iparating. Walang halong pang-aakit ang pagkagat-labi nito, but he found it hot and seductive. He gulped when he saw her lips slightly opened. "P-puwedeng tuma-- tumalikod po muna k-kayo, kahit sandali lang." Nang tumalikod ang binata'y kaagad na isinuot ni Camille ang isang navy blue na long sleeves saka sunod na isinuot ang kulay puting palda nito na umaabot hanggang ibabaw ng kan'yang tuhod. Nang ibaling niya ang tingin sa binata ay eksakto naman ang paglingon nito sa kan'ya. There eye's met that made her heart jump many times. Bumilis ang t***k ng puso niya nang humakbang ito papalapit sa kan'ya. She felt her legs numb but she still managed to step backward hanggang sa napasandal na siya sa dingding. She was now cornered. Nasa harap niya na ngayon si Marcus at halos 'di siya makahinga sa matalim na titig nito sa kan'ya. Biglang nagsitayuan ang balahibo niya nang isarado nito ang dalawang butones sa bandang dibdib niya habang titig na titig ito. "This happened many times, kung hindi ang strap ng bra mo ang natanggal 'yong butones ng damit mo ang bukas. Are you doing this intentionally?" Napakurap-kurap siya nang marinig ang tanong nito. "H-hindi po, sir!" "Are you seducing me?" Camille shook her head as a means of denial. Naramdaman niya ang mainit na hininga ng binata na nagbibigay kiliti sa kan'yang puso. Napatitig siya sa mga labi nito at sa 'di niya namamalayan ay unti-unti niya nang ipinikit ang kan'yang mga mata habang hinihintay ang paglapat ng labi ni Marcus sa labi niya. Ilang segundo ang nakalipas nang marinig niya ang mga yabag nito palayo sa kan'ya. She opened her eyes and then she saw Marcus walking towards the door. "Hurry up! We're late," sambit nito bago lumabas ng pinto. *** Nakasunod lamang si Camille sa binata habang nilalakad nila ang lobby. Isang metro ang pagitan nila at sinadya niyang 'wag sumabay dito dahil alam niyang pag-uusapan na naman sila ng mga taong makakakita sa kanila. She enjoyed herself staring at Marcus' back. May taglay na kakisigan ang binata at kahit nakatalikod ay mahahalata mong gwapo talaga ito. No wonder kung maraming nagkakandarapa sa binata, pero sa ugali naman nito ay mukhang 'di naman ito mahilig sa babae at mukhang stick to one lang kung magkagusto. "Pero bakit niya ako hinalikan?" Biglang sumagi sa isip niya ang tanong na 'yon. "Hey, Marcus!" Natigil siya sa pag-iisip at napatingin sa direksyon ng boses na narinig niya. She saw Valerie wearing a pretty smile . Lumapit ito kay Marcus saka hinalikan ito sa pisngi. Iniwas niya ang tingin sa dalawa at nakayukong nilagpasan ito. She felt jealous at hindi niya maitatanggi 'yon. "Camille!" Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang malakas na pagtawag ni Valerie sa kan'ya. When she turned, her eyes met with Marcus. Kaagad siyang umiwas ng tingin sa binata at binaling ito kay Valerie. Valerie took a step pero pinigilan ito ni Marcus. Iwinaksi nito ang kamay ng binata na nakahawak dito saka ngumiti nang nakakaloko. "What? Relax Marcus, wala akong gagawin," nakangiting sabi ni Valerie. She came closer to Camille while wearing her devilish smile. Hinawi nito ang buhok niya at inipit sa tenga kapagkuwan ay inayos nito ang kan'yang kuwelyo. "Bilib talaga ako sayo Camille. The award for the best employee of the year goes to you my dear," sarkastikong sabi nito at pumalakpak. Camille remained calm and silent, ayaw niya na ng gulo. Ayaw niya nang eksena. Ayaw niya nang gawing pulutan ng storya sa loob. "You're hitting a strong wall Camille. Good luck!" nakangiting sabi nito na may pagbabanta. "Let's go!" Nagulat si Camille nang biglang hawakan ni Marcus ang palapulsohan niya at dire-diretsong naglakad. Sinubukan niyang tanggalin ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kan'ya pero 'di niya kaya ang lakas nito. Nang makapasok sila ng elevator ay saka lamang siya binitawan ng binata. "Are you okay?" malamig na tanong nito sa kan'ya. She just nodded. "Don't mind her." She sighed and looked at Marcus's eyes. "Hindi po ba dapat umiwas na kayo sa'kin?" "Hindi p'wede!" diretsong sagot ni Marcus. Nagulat siya ng marinig iyon. Anong ibig sabihin nitong hindi p'wede? Bakit? Bakit 'di pwede? A part of her was expecting a good and satisfying answer. 'Di niya maalis ang tingin sa binata, binabasa niya ang makahulugang titig nito sa kan'ya but she's not good in reading minds, mananatili itong tanong sa kan'yang isip. *** "Valerie what are you doing here?" Napatigil si Lex sa kan'yang ginagawa nang makita ang pagpasok ng dalaga sa kan'yang opisina. Komportable itong umupo sa visitor's chair na hindi man lang sinasagot ang kan'yang tanong. "Balita ko inilipat daw sa pangalan mo ang share ng--" "Yes!" she interrupted. "Do you want me to accompany you to Marcus's office?" "No thanks! We already met in the lobby and he's with Camille." Nakita niya ang pagkuyom ng mga palad ng dalaga at sa tono ng boses nito ay halata itong nanggagalaiti na naman sa galit. Napailing-iling na lang siya. "Siguro may iniutos lang siya o nagkataon lang na--" "You stop glossing over with Marcus deeds! I know him better than you. Kahit anong gawin mong pagtakip sa mga kagagohang ginagawa niya behind my back, hindi ako maniniwala," galit na sabi niya. "Okay relax! Hindi ko siya pinagtatakpan. That was just my positive assumptions. Ayoko namang bigyan ng kahulugan ang pakikitungo ni Marcus kay Camille," depensa niya. "I want you to do something..." maawtoridad na sabi nito na ikinagulat niya. Valerie gave her a keen gaze and it scorching on fire. "What do you want me to do? Kahit ano gagawin ko, basta kaya ko," he gave her a smile of assurance. "Fire Camille!" Nanlaki ang mata niya nang marinig ito. 'Di siya makapaniwala na maiisip ito ng dalaga. "You know, I can't do that." "You can! You're the HR Director and you all have the power to fire anyone. P'wede mo silang gawan ng kahit anong kasalan. Kaya 'wag mong sasabihin sa'kin na hindi mo kaya." Napailing-iling na lang siya sa mga sinasabi nito. "Hindi ko magagawa 'yan Valerie... at kung gawin ko man, alam mo sa sarili mong hindi papayag si Marcus. Gagawa siya ng paraan para pabalikin si Camille. So that's too impossible for me to do." Padabug na tumayo ito at binigyan siya nang masamang tingin. "You know what? You're a f*cking coward! All this time nagtatago ka pa rin sa anino ng kaibigan mo. Hindi na ako magtataka kung pati sa pagpili ng taong gugustuhin mo ay nakadepende ka pa rin sa kan'ya." Kaagad itong lumabas at binalibag ang pinto. Natulala na lang sa hangin si Lex nang marinig ang sinabi ng dalaga. Hindi niya inakalang siya ang lalapitan nito para mangyari lang ang kagustuhan nitong mailayo si Marcus kay Camille. She looked so desperate. Parang hindi ito mapalagay kapag umaaligid si Camille sa MADeal. "If only you know Valerie..." bulong niya sa hangin. *** "Here are the ten big time businessmen na kailangan nating makuha. I've already set a meeting to each of them. So we're going to make sure na mapapa-oo natin sila. Because they're a very big asset to MADeal." "Hindi ba parang masyadong maaga para makipag-deal sa kanila. Kailangan natin silang dahan-dahanin Mr. Alarcon. Because we are capturing their heart, their trust. Masyado namang biglaan 'yan. Why not do some--" Hindi niya na hinayaan pa na matapos nito ang sinasabi dahil sa ilang salita pa lang na lumabas sa bibig nito'y alam niya na agad na walang saysay ang suhestiyon na ibibigay nito sa kan'ya. "We're running out of time! Wala na tayong panahon sa mga pasikot-sikot na panliligaw sa kanila. If we want to impress them, then puwede natin 'yang gawin sa mismong oras ng pakikipag-deal natin. We all have the best proposal na hindi nila magagawang tanggihan." "I agree!" Napatingin si Marcus sa mismong direksyon ng nagsalita. Then, he saw Valerie smiling sweetly at him. "Hindi lang tayo nakikipag-unahan na makuha sila, kundi nakikipag-agawan pa tayo with all the risk. So, kung ang gusto mo Mr.Hermosa ay ang magsimula sa first step ng panliligaw sa kanila... then, it will never work. Sa bagal ng pag-usad mong makuha ang ninanais mo, posibleng maunahan ka nang mga kakopetinsya. So this time, we will fully use our mind and think for an effective plan. Right, Mr.Hermosa?" mataray na sabi ni Valerie. Napakuyom ang kamao ni Mr.Hermosa ng marinig iyon. "What are you trying to imply, Ms.Gomez? Na hindi ko ginagamit ang utak ko? I'm just stating my suggestion that will give us the big chance na mapa-oo natin sila. Minamadali niyo, tapos ang k'unti ng t'yansang mapapa-oo natin sila. Why not do it in a usual way, slowly but surely," paninindigan nito. "Kahit gawin natin 'yong usual way ay hindi pa rin tayo sigurado. So, I prefer to make it faster. Baka nga maunahan na tayo," sabi ng isa pang shareholder na babae na nasa sitenta anyos na ang edad. "Yes she's right!" Segunda pa ng isang matandang lalaki na halatang may lahing Americano. "Okay fine! Majority wins," Mr. Hermosa said sarcastically. "There's one more thing! Mrs.Ysabelle Auronkell is the most important target. Kahit anong mangyari, gagawa tayo ng paraan to make her deal with us," Marcus said. "I heard ikinasal siya last month with a Canadian young man. An old carabao ate young grass. Siguro mas madali pag ikaw na mismo ang makikipagkasundo sa kan'ya Mr.Alarcon," mapang-asar na sabi nito. "No! What the hell are you talking about, Mr.Hermosa? Are you procuring my boyfriend to that old woman? Bakit 'di na lang ikaw? Wala kabang tiwala sa sarili mong pagmumukha?" Biglang umalingawngaw ang tawa ng mga taong nasa loob ng conference room. "For your information Ms.Gomez, this is part of business world. Marketing yourself is the best strategy to use especially when you know the weakness of that person, and to tell you this… Sa isang kliyenting katulad ni Mrs.Auronkell mas mapapadali 'pag si Mr.Alarcon na ang makikipag-deal sa kan'ya. Negosyo lang walang personalan. Infact, you don't have to be so over protective to your boyfriend or should I say ex-boyfriend," mapang-uyam na sabi nito. Nanggalaiti si Valerie nang marinig iyon. Halos umusok na sa galit ang ilong niya at gustong-gusto niya ng pagsasampalin ito. "How dare you to say that! You shut your mouth bago ko pa makalimutang rumespeto sa matanda." Tumawa lamang si Mr.Hermosa at nagsimula na ang bulong-bulungan sa loob ng conference room. "Ang init naman ya--" "Act like professional nasa kalagitnaan tayo ng meeting! You do it after,unless gusto niyo ng ipagpatuloy 'yan ngayon sa labas. I won't mind your absence your not important nor helpful," naiiritang sabi ni Marcus. "Marcus--" "Shut up, Valerie!" sigaw niya. Nagpang-abot ang kilay niya nang marinig ang pagsaway ng binata sa kan'ya. "Excuse me!" naiiritang sabi niya saka diretsong lumabas ng conference room. *** "Sige na Camille, mag kuwento ka anong nangyari noong gabing 'yon?" pangungulit ni Shon sa dalaga. Napakamot nalang si Camille sa ulo dahil sa paulit-ulit na tanong nito sa kan'ya. Pagkarating pa lang niya sa office kanina ay kinukulit na siya nito. "Wala nga Shon!" "Anong wala? Hinatid ka niya sa inyo, lasing ka tapos wala lang? Teka… sa'yong apartment ka nga ba niya dinala?" Nalaglag ang panga niya dahil sa tanong ng binata. "Ah-- o-oo… sa a-apartment ko," pautal-utal na sagot niya. "Talaga lang ha? Bakit parang nagsisinungaling ka?" Napaigtad si Shon sa pagkaka-upo nang sinipa ni Chris ang paa nito. "Alis ka nga sa puwesto ko," nakakunot-noong sabi ni Chris. "Kailangan talagang manipa ha? Bigwasan kaya kita diyan," naaasar na nasabi ni Shon saka padabog na tumayo at bumalik sa puwesto niya. Hinila ni Chris ang upoan saka tumabi ng upo kay Camille. "Bakit ka absent kahapun, baby?" nakangusong tanong ni Chris. "Ano kasi… m-masakit 'yong ulo ko," pagsisinungaling niya. Ikinulong nito ang kan'yang mukha sa mga palad nito. "Okay kana ba? Kailangan mo ba ng kissperin at yakapsul?" Bigla siya nitong niyakap na labis na ikinagulat niya. "Okay kana? Ano kissperin naman?" tanong nito habang nakangiting-aso. "H-ha? 'Di… okay lang ako," sagot niya. "Talaga ha? Okay ka lang talaga?" natatawang tanong nito na halatang pinagtitripan na naman siya. Ngumiti lang si Camille nang pilit at pinagpatuloy ang kan'yang ginagawang trabaho. *** Tatlong oras nang nakatutok si Camille sa computer at humahapdi na ang kan'yang mga mata. Inikot-ikot niya ang ulo niya para irelax ang nangangalay niyang leeg. She stretched her arms upward then yawned audibly. Napahawak siya sa tiyan niya nang biglang kumalam ang kan'yang sikmura. "Lunch?" Napatingala siya nang marinig ang pamilyar na boses nang nagsalita. Nakita niya ang guwapong mukha ni Lex na nakadungaw sa kan'ya. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ng binata at kitang-kita niya ang mapuputing mga ngipin nito. Si Lex 'yong tipo ng lalaking magugustuhan ng kahit na sinong babae. Bukod kasi sa perpekto nitong mukha at katawan ay mabait ito, gentleman, friendly at maalalahanin. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang perpektong lalaki ay nasa kan'ya. He is extraordinary. 'Di mo aakalaing may natitira pang ganiyang lalaki dito sa mundo. "Baka magkastiff-neck ka niyan kakatingala sa'kin," natatawang sabi nito. Kaagad tumayo si Camille saka hinarap ang binata. "Sir, may kailangan ka?" "Wala, actually magla-lunch na ako tapos napadaan lang ako dito and mukhang gutom kana so sumabay kana sa'kin." Nahihiya siyang tanggihan ang binata. Napatingin siya sa direksyon ni Kate na masama ang tingin sa kan'ya and it bothers her. "Sir 'wag na po, marami pa kasi akong dapat tapusin." Biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng binata. Halata dito ang pagkadismaya. "Ah… Gano'n ba? Oh sige! I'll go then." Akmang aalis na sana si Lex nang biglang magsalita si Amy. "Camille sige na, sumama kana. P'wede mo pa naman tapusin 'yan mamaya." "Oo nga! Sige na Camille, tatanggihan mo ba si sir?" segunda ni Shon habang nakatingin kay Kate nang nakakaloko. Inirapan lamang ito ni Kate na kanina pa nakabusangot ang mukha. Lex looked at Camille and wink. "So, let's go Camille?" nakangiting sambit ng binata sabay abot ng kamay nito. *** Nagmadaling lumabas si Kyle ng restaurant at patakbong tinungo ang isang disenteng lalaki na nasa singkwenta na ang edad. Binuksan ng driver ang pinto ng magarang kotse nito at bago pa ito makapasok ay naabotan niya na ang lalaki. "Sir, excuse me!" tawag niya. Kaagad namang napalingon ang lalaki at gumuhit sa mukha nito ang pagtataka. "Yes?" Inabot niya sa lalaki ang itim na mamahaling wallet. "Naihulog niyo, sir," maikling sabi niya. Kaagad namang kinuha ito ng lalaki sa kamay niya saka ngumiti ng malapad. "Oh! Thank you ihjo!" Dumukot ito ng pera sa wallet nito at iniabot sa kan'ya. "I hope you don't mind, but this is my way of saying thank you sa'yo. So, sana tanggapin mo." Napatitig si Kyle sa perang inabot nito sa kan'ya. Sa tantiya niya ay nasa mga sampung libo ito. Nagpakawala siya ng isang matipid na ngiti at tinanggap ang perang inabot nito. "Maraming salamat po, napakalaking halaga nito para sa isang bagay na hindi ko pinagtrabahuan. Gusto ko mang tanggapin pero sa tingin ko mas deserve ito ng taong nagtatrabaho sa inyo." Kinuha niya ang kamay ng driver na kanina pa nakatayo sa tabi ng lalaki, saka niya ipinatong sa kalyadong kamay nito ang pera. "Sa'yo na 'yan kuya, isipin mo na lang advance bunos 'yan sa'yo ng boss mo," nakangiting sabi niya. Gulat na gulat ang driver habang tinitingnan ang perang nakapatong sa mga palad nito. Napatingin ito sa kan'yang boss na tila humihingi ito ng pagsang-ayon na tanggapin ang pera. Tumango lamang ito na nagpapahiwatig ng pag-oo. "S-salamat sir!" sambit ng driver na halata ang galak sa natanggap na pera. "Huwag ka sa'kin magpasalamat dahil hindi ako ang nagbigay niyan sayo. You should be thankful to this man, dahil binigay niya ang grasyang dapat ay sa kan'ya," nakangiting sambit ng disenting lalaki. "S-salamat, sir!" Ngumiti lamang siya nang tipid. "You are Kyle Bernardo?" tanong nito habang nakatingin sa suot niyang ID. Tumango siya. "Sa Yi Ting ka nagtatrabaho? Oh! by the way, I'm Arman Hermosa, shareholder ng MADeal." 'Di na nabigla si Kyle sa pagpapakilala nito, dahil sa mukha pa lang at porma 'di na kataka-takang shareholder ito sa isang kilalang kompanya. "Salamat ihjo! Sana naman 'di ka nagsisi sa pagmamagandang loob mo sa'kin matapos mong malamang ako ay parte ng MADeal na nangungunang kakopetinsya ng kompanyang pinagtatrabahuan mo," natatawang sabi nito. "Hindi naman sir, kung ano man 'yong conflict ng dalawang kompanya ay 'di ko pinipersonal at labas na ako do'n. Basta ang importante ay ginagawa ko ang trabaho't responsibilidad ko sa Yi Ting at ginagawa ko rinn ang trabaho't responsibilidad ko bilang isang mamamayan." "Mabuti 'yan ihjo! Wala 'kong masabi sa prinsipyo mo sa buhay, kundi kakaiba," natatawang sabi nito. Napatawa na rin si Kyle nang marahan dahil sa sinabi ni Arman. "Kyle!" Napalingon silang pareho nang marinig ang malakas na pagtawag ng isang boses babae. Bigla na lang gumuhit sa mga labi ni Kyle ang isang napakatamis na ngiti nang makita si Camille na tumatawid ng kalsada patungo sa direksyon nila. Tila nagkaroon ng spotlight ang direksyon ni Camille dahil nakapukos lang ang mga mata niya sa dalaga. Nagising ang diwa niya nang marinig ang pagtikhim ng lalaki. Kaagad niyang binaling ang tingin niya dito habang 'di matanggal-tanggal ang mga ngiti sa labi niya. "I need to go. I hope to see you again ihjo. Goodbye and thank you once again." Tumango lamang si Kyle bilang sagot sa pasasalamat nito. Sumakay na ito ng kotse at bago nito isinarado ang pinto ay nagbigay ito ng nakakalokong ngiti sa kan'ya. "She's beautiful, keep her. You two match together," saad nito. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Kyle nang marinig ang sinabi nito. The man waved his hand saka tuluyan nang umalis ang kotse. "Ang tagal ko ba?" nakangiting tanong ni Camille. Napatingin si Kyle sa relong nakasabit sa bisig niya. "You are thirty minutes late." "May pahabol meeting kasi kami kanina eh. Sino ba 'yong kausap mo kanina?" Ngumiti si Kyle sa dalaga saka ito inakbayan. "'Iyong lalaki ba? Ay! wala yon. 'Lika na kanina pa ako nagugutom. Dahil late ka at pinag-antay mo ako ng 30 minutes, ikaw ang manlilibre," pabirong sabi niya. "Ang daya mo!" natatawang sabi ni Camille. Sinundot niya ang tagiliran ni Kyle saka niya ipinalibot ang kanang braso niya sa bewang ng binata at nagsimulang maglakad papasok ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD