Nagpang-abot ang kilay ni Marcus nang makita si Valerie.
"What are you doing here?" malamig na tanong niya.
Lumapit ito at umupo sa tapat niya na may mga ngiting nagpapakulo ng kan'yang dugo.
"What am I doing here? Ano nga ba ang ginagawa ng isang shareholder sa company mo?"
"What?"
"Hindi ba sayo nasabi ni Daddy na inilipat niya na sa pangalan ko ang share niya sa MADeal?"
He smiled bitterly.
"Your dad? Your pathetic dad! Hindi na ako magugulat kung gagawin niya 'yon. I'm sure ikaw ang may plano niyan. For what Val? Para bumuntot sa'kin? Para malaya kang makakalabas-pasok sa company ko? Well, I'll tell you this… You can never enter in my life again. I won't let you manipulate me, you and your f*cking Dad!"
Tumawa si Valerie nang mapang-asar.
"You do whatever you want to. Kasi gagawin ko rin kung anong gusto ko. Tandaan mo 'to, pagbali-baliktarin man ang mundo akin at akin ka lang. You are my property. Gagawin kong impyerno ang buhay ng sinomang umagaw sayo. So, you tell those f*cking bitches to back off."
Tumayo ito at nagbigay ng pekeng ngiti saka marahang hinaplos ang mukha ni Marcus.
"I miss you" bulong nito.
Hinaplos niya ang labi ng binata saka dinampian ito ng halik. Ang pakiramdam habang magkadikit ang kanilang labi ay nagbibigay ng init sa kan'yang katawan. Miss na miss niya na ito. Nangungulila siya sa mga halik at mainit na haplos nito sa katawan niya. Labis na nagluksa ang puso niya sa mga araw na hindi niya ito nakita at nakasama.
Araw-araw siyang nagmumukmok sa kuwarto at 'di lumalabas. She spent her time crying the whole day. Maging ang Daddy niya ay hindi niya kinakausap. She even attempted to kill herself pero nanatili siyang matatag. 'Di niya hahayaang maagaw si Marcus ng iba. Si Marcus ang nagsisilbing hangin niya, mundo niya at buhay niya. Hindi siya basta-bastang susuko. If she would kill herself, sigurado siyang magiging masaya si Camille kapag nangyari 'yon at mas madali na lang nitong makukuha si Marcus.
Inilayo niya ang mga labi niya sa binata nang mapansin ang hindi pagtugon nito ng halik niya. He just looked at her with those cold emotionless eyes. Pilit siyang ngumiti upang itago ang nararamdaman niyang paninikip ng kan'yang dibdib.
"I suggest, you attend kissing lesson next time. Mukhang nakakalimutan mo na pa'no humalik," she said in jest.
Marcus looked at Valerie walking towards the door. Alam niyang nasaktan niya ito. She felt sorry for her. Sana no'ng una pa lang ay 'di niya na hinayaang mahalin siya nito. Ang pagpayag niya sa pagpasok ni Valerie sa kan'yang buhay ay isang malaking pagkakamali. Lalo lang itong nakasakit sa dalaga, lalo lang itong umasa at lalo lang siya nitong minahal. Ngayon ay wala siyang magagawa kundi saktan ito dahil kung hahayaan niya itong pumasok sa buhay niya muli, ito pa ang magiging dahilan sa pagkasira sa lahat ng plano niya.
***
"Ano? Si sir Marcus ang naghatid kay Camille?" 'di makapaniwalang tanong ni Shon.
"Oo nga sabi eh! Bingi ka ba?" naiiritang tanong ni Amy.
"Paanong-- B-bakit? Bakit alam ni sir Marcus na nandoon si Camille?"
"Nagkataon lang 'yon, doon din kasi sa bar ang punta ni sir."
"Sa bar ang punta niya ng madaling araw? Imposible naman 'yon! 'Di kaya nagte-text sila ni Camille noong nakarating tayo sa bar. Alam mo… k'unti na lang at maniniwala na akong may something sa dalawa eh."
"Tumigil ka nga diyan! Kung ano-anong iniisip mo."
"Kaya siguro 'di nakapasok ngayon si Camille dahil may nangyari sa kani--"
'Di na natapos pa ni Shon ang sasabihin nang binato siya ng ballpen ni Chris na agad naman niyang nailagan.
"Tumahimik ka buwesit! Natutulog ako dito ang lakas ng boses mo g*go ka," reklamo ni Chris na komportableng nakasandal sa swivel chair at nakapatong pa ang mga paa nito sa mesa habang nakapikit ang mga mata.
Hindi na nakisali pa si Kate sa usapan ng tatlo at palihim lang itong nakikinig habang pinagmamasdan ang mukha niya sa salamin. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto'y kaagad niyang binitawan ito at nagkunwaring abala sa harap ng computer.
Napatingin silang lahat sa nakaawang na pinto at bumungad sa kanila ang nakangiting si Lex.
"Si Camille, pumasok ba siya?"
"Hindi sir eh, ba--" hindi na natapos ni Amy ang sinasabi niya dahil mabilis na sinarado ni Lex ang pinto.
Napaismid na lamang si Kate.
"Kung makapaghanap kay Camille daig pa si Mr.Lopez. Ano ba'ng pakialam niya kung saan si Camille," naiinis na sabi nito na halata ang pagseselos.
"Ang sabihin mo nagseselos ka," panunukso ni Shon sabay tawa nang malakas.
"Excuse me? Ako, nagseselos? What the hell!" pagtanggi nito.
"Oo! selos na selos ka dahil si sir Lex na gustong-gusto mo ay mukhang attracted kay Camille."
"Eh, paano namang 'di magkakagusto sa kan'ya eh palihim niyang nilalandi. 'Di pa nakonteto't pati si Sir Marcus na pagmamay-ari na ng iba ay kinakalantari pa ng higad na 'yon. Akala mo naman kung sinong diyosa. Okay... let's say maganda siya, makinis, maputi, pero 'di siya 'yong head turner na babae. She's not attractive and seductive like me. She doesn't have curves like mine. Hindi naman kalakihan 'yong dibdib niya, not even her butt."
"Iyon na nga eh, kaya ang init ng dugo mo sa kan'ya dahil siya ang nagustohan ni sir Marcus at sir Lex, kahit wala naman sa kan'ya 'yong mga katangiang na sa'yo. 'Di ka lang pala nagseselos, na-iingit ka rin pa--"
"Shut up Shon! Bago ko pa maisipang sipain yang--"
"You shut up to, Kate! Pambihira! Natutulog ako dito eh. T*ngna naman! Nakakarindi *yang boses mo," sabad ni Chris na nakapang-abot ang kilay at 'di maikubli ang pagkairita.
"You go out kung ayaw mo ng maingay. Bakit? Tulugan ba 'to dito?"
"Bakit? Palengke ba ito at dada ka nang dada?" palaban na tanong nito.
"Who cares? I can talk whenever and wherever I want," nakataas-kilay na sabi nito.
"Kala mo naman my sense 'yong pinagsasabi niya. Puro insecurities at self-proclaimed lang naman. Eh, ano naman kung walang dibdib at puwet si Camille? Bakit inaano ka ba nang dibdib niya? Kung makapagsalita 'kala mo naman malaki 'yong sa kan'ya. Eh, sa push-up bra ka nga lang kumakapit eh," pang-aasar nito.
Halos umusok na ang ilong ni Kate dahil sa inis. Lalo siyang nagalit nang makita niyang nagpipigil nang tawa sina Shon at Amy.
"F*ck you, Chris! Totoo ang dibdib ko j*rk."
"Really Kate? Would you mind if I'll check it kung malaki nga ba talaga? Just a one glance and one poke!" mapanuyang sabi ni Chris sabay ngiti nang nakakaloko.
Nanlisik ang mga mata ni Kate nang marinig ito.
"D*mn you Chris! D*mn you! I won't let you, over my dead body."
Chris laughed playfully.
"Why? It would be an honor for you to feel my soft and smooth palm. You'll surely feel the pleasure," he said with a wink.
"Go to hell!" sigaw nito at padabog na lumabas ng office.
Dumagundong ang ingay sa loob nang office nang makalabas si Kate. Lahat sila ay halos mawalan ng hangin sa katatawa.
"Edi tumahimik rin ang paligid. I'm sure she's wet," pagkasabi ni Chris ay saka naman niya natanggap ang malakas na batok galing kay Amy.
"Aray! naman ate Amy, masakit ha," nakabusangot na sabi niya.
***
Nagising si Camille sa sunod-sunod na katok galing sa labas. Kinusot-kusot niya ang kan'yang mga mata at kinapa ang cellphone sa ilalim ng kan'yang unan. Tiningnan niya ang oras sa kan'yang cellphone at nang makitang alas-sais pa lang ng umaga ay at muli niyang pinikit ang mga mata at nagtalukbong.Hindi pa nga lumilipas ang ilang segundo ay may kumatok na naman kaya napilitan siyang bumangon.
"Sandali lang, Ky!" sigaw niya nang maisip na baka kamo'y si Kyle ito at may naiwan lang na gamit sa kan'yang kuwarto.
Ang antok na nararamdaman niya kanina ay naglaho na lang bigla nang makita niya si Marcus pagkabukas niya ng pinto. Kaagad niyang inayos ang gulo-gulo niyang buhok at pinunasan ang mukha niya gamit ang kan'yang mga kamay.
"A-ano po'ng ginagawa niyo dito, sir?" nahihiyang tanong niya.
"Hurry up and fix yourself. Ayokong malate," maawtoridad na sabi ni Marcus.
"H-ha? Ahmm.. S-sir, 'di mo naman kailangang isabay pa a--"
"I said fix yourself!" naiiritang sabi nito.
"Ah-- o-opo!"
Dali-daling tumungo si Camille sa kama niya at inayos ang mga nagkalat niyang unan at kumot.
Tarantang-taranta siya at 'di niya alam kung anong gagawin dahil masyado siyang naiilang sa binata.
"Sir!" tawag niya.
Marcus looked into her eyes.
"What?"
Napalunok muna siya bago nagsimulang magsalita.
"Ahmmmm... c-coffee… Gusto mo ng coffee, sir?"
"No, thanks… Maligo kana," he said coldly.
Nang marinig ang sabi nito'y para siyang robot na kaagad nitong napagalaw. Kumuha siya nang tuwalya at bago dumukot ng underwear ay sinulyapan niya muna ang binata upang siguraduhing hindi ito nakatingin. Nang makita niya itong busy sa cellphone ay nagmadali siyang kumuha ng bra at panty at kaagad itong ibinalot sa kan'yang tuwalya saka patakbong nagtungo sa cr.
Akmang papasok na sana siya pero narinig niya ang biglaang pag ring ng kan'yang phone, kaya naman ay dali-dali niyang kinuha ito sa kama.
"Hello, ma?"
"Kumusta ka, Camille? Okay ka lang ba diyan? Ba't 'di ka na umuuwi dito? Miss na miss kana namin. Kailan ba uwi mo?"
She smiled sweetly nang marinig ang boses ng kan'yang ina.
"Okay lang ako ma. Busy kasi masyado sa--"
Natigilan siya nang makita niyang nakatingin si Marcus sa kan'ya nang matalim at animo'y hinihintay nito kung kailan matatapos ang pag-uusap nila ng kan'yang mama.
"Hello? Hello? Hello, Camille?"
"Ah-- Ma, tawagan na lang kita mamaya ha mali-late na kasi ako."
"Oh, siya sige! Mag-ingat ka diyan."
"Opo" gumuhit sa kan'yang labi ang isang matamis na ngiti at kapagkuwan ay binaling muli niya ang tingin kay Marcus.
"I love you..."
Pagkasabi niyang 'yon ay muling ibinalik ni Marcus ang tingin sa kan'ya kaya nagtama ang mga mata nila. Her heart flipped for a second.
"ma..." dugtong niya sa sinabi.
Tila ba mga magnet ang kanilang mga mata at 'di maalis ang mga titig nila sa isat-isa. Uminit ang pisngi niya nang dumako ang kan'yang mga mata sa labi ng binata at naalala ang halik na pinagsasaluhan nila noon. Bumilis ang t***k ng puso niya na para bang may kung ano'ng nagtatambulan sa loob nito.
"I love you too anak..."
Tila napukaw siya sa malalim na pagkakatulog nang marinig ang boses sa kabilang linya. Iniwas niya ang tingin sa binata at kaagad ini-off ang cellphone saka nagmadaling tumungo sa cr.
"Ms.Cordova!"
Natigilan siya nang marinig ang pagtawag ng binata sa kan'ya. She gulped and turned to face Marcus.
"Sir?"
Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang nakasabit sa hintuturo ng binata.
"Naihulog mo."
Tila ba nasusunog ang buong katawan niya sa init na kan'yang nararamdaman. Dali-dali siyang tumakbo at hinablot sa daliri ng binata ang kulay asul na bra niya, kapagkuwan ay tumakbo siya papasok ng cr at isinarado niya ito nang buong lakas na lumikha ng malakas na ingay. Nasapo niya na lamang ang mukha sa hiyang nararamdaman niya. Sumalampak siya ng upo sa sahig at ginulo-gulo ang buhok niya, kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili.
Marcus smiled secretly when Camille entered the comfort room. Kanina niya pa pinipigilang tumawa dahil sa reaksyon ng dalaga. He bit his lower lip to prevent himself from chuckling, pero biglang nag-iba ang reaksyon ng kan'yang mukha nang may marinig siyang ingay sa loob ng cr. Tila ba may nahulog na kung ano sa loob. Binalewala niya lang iyon at naghintay na lumabas ang dalaga pero dalawang oras na ang lumipas pero 'di pa rin ito lumalabas kaya namuo na sa kan'ya ang pagtataka.