"Ops! Are you going to kill me Marcus?" nakangiting tanong nito.
Muli niyang isinukbit sa kan'yang tagiliran ang baril at siniguradong isara ang pinto ng kuwarto.
"What are you doing her, Lex? Are you eavesdropping? Kanina ka pa ba?" sunod-sunod na tanong niya.
"Kakarating ko lang and you left the door unlocked kaya pumasok na ako. Kaya pala wala ka sa bar kasi may babae ka pa lang kasama sa kuwarto mo. Care to discuss something interesting?" nanunuksong sabi nito.
Marcus started to walk downstairs at sumunod naman si Lex sa kan'ya. When he reached the living room, he threw himself on the sofa and leaned on the headrest. Umupo naman si Lex sa tapat niya at binigyan siya ng kwestiyonableng tingin.
"What?" naiiritang tanong niya.
"Hindi ka ba magkukuwento about what happened between you and Camille? Kung pa'no siya nakarating sa bahay mo? Kung bakit natutulog siya sa guestroom at kung bakit nasa iisang kwarto kayo?"
He sighed out of annoyance.
"Nakita ko siya sa bar together with Amy. Then... I... I brought her here because he was too drunk."
"Why?" mausisang tanong nito.
Bumalot sa kanila ang ilang sandaling katahimikan dahil sa wala siyang maisagot dito. Hindi niya rin kasi alam kung bakit niya ito dinala sa kan'yang bahay.
"Don't tell me you are starting to care for that woman."
Inirapan niya ito.
"Of course not! Why should I? Dinala ko siya dito because this is part of my plan. Don't jump into conclusion Lex, that's bullsh*t!"
Lex laughed loudly.
"Really, huh? Baka naman imbis ilagay mo siya sa piligro ikaw na ang nag-iiwas sa kan--"
"Shut the f*ck up! Alam ko ang ginagawa ko at hindi ako gumagawa ng isang bagay na hindi ko pinag-iisipan. Everything is under my plan. Kaya 'wag mo 'kong pangaralan. You may leave now, we have nothing to discuss," galit na sabi niya.
Napatitig na lamang si Lex sa binata at 'di na pinahaba pa ang storya. Kesa kulitin niya ito ay minabuti niya nang umalis dahil mukhang mainit na naman ang ulo nito sa kan'ya.
***
Nagising si Camille sa sikat ng araw na dumadampi sa kan'yang mukha. Dahan-dahan niyang iminulat ang kan'yang mga mata at nang maaninag niya ang mukha ni Marcus ay gumuhit sa kan'yang labi ang matamis na ngiti.
"Good Morning, sir!" bati niya at muling ipinikit ang mga mata.
Gusto niya munang namnamin ang magandang panaginip niya na kung saan ang mukha ni Marcus ang tanging nakikita niya.
Teka panaginip ba 'yon?
Napabalikwas siya sa pagkakahiga nang mapagtanto niyang hindi pala 'yon panaginip at totoo ang nakikita niyang mukha ng binata. Muli niya itong sinulyapan at ganoon na lang ang panlilisik ng kan'yang mga mata nang makita itong nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan niya. Bigla na lang niyang naramdaman ang matinding pagsakit ng kan'yang ulo na para bang kumukunekta sa kan'yang mga ugat.
"You drink this para mawala ang hangover mo," malamig na tugon ni Marcus.
Napatingin siya sa isang tasa ng mainit na kapeng iniabot nito sa kan'ya. Kaagad niya itong kinuha sa kamay ng binata saka sumimsim ng kaunti at ibinalik ang tingin kay Marcus.
"A-anong nangyari?" pag-aalangang tanong niya.
Ang tanging naaalala niya lang ay ang pangyayari sa loob ng bar noong hindi pa sila nalalasing. 'Di niya na maalala kung paano siya nakarating sa bahay ni Marcus.
"You are dead drunk last night. Kaya i brought you here in my house, kasi di ka mahatid ni Amy."
Nakagat niya ang ibabang bahagi ng kan'yang labi nang marinig iyon. Nahihiya siya at nahuli pa siya nitong lasing.
"Ahm... Sorry sir at naabala pa--" natigilan siya sa pagsasalita nang may biglang nag pumasok sa kan'yang utak na pangyayari.
"Gusto kita. Gustong gusto kita at diko kayang pigilan yong nararamdaman ko para sayo."
"Bakit hiniwalayan mo siya?"
"Dapat..d-apat malungkot ako, dapat nakokonsensya ako. Dapat sisihin ko ang sarili ko."
"Pero b-bakit masaya ako? Bakit nakakaramdam ako ng saya ng malaman kung wala na kayo? B-bakit...bakit nakakaramdam ako ng pag-asa? Bakit..bakit naiisip kung pwede tayo? Ang selfish ko ba? Ang sama ko ba? Dahil gusto kita?"
Napatakip siya ng bibig nang maalala niya lahat ng pinagsasabi niya kagabi. Binagsak niya ang sarili sa kama at nagtalukbong dahil sa sobrang hiya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kan'yang mgq pisngi at sa sandaling 'yon ay gusto niya na lang lamunin siya ng lupa.
"Bumangon kana, sumabay kana sa'kin mag breakfast."
Nang marinig niya ang pagsarado ng pinto ay saka lang siya naka-hinga nang malalim. Nakatitig lamang siya sa kisame at pilit na inaalala ang mga nangyari. Abot langit ang kahihiyang ginawa niya at parang 'di niya na kayang humarap pa dito. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding at nakita niyang alas-nuwebe na pala ng umaga. Siguro naman ay maiintindihan nito kung hindi siya papasok, dahil sa katunayan ay wala talaga siyang planong lumabas ng kuwarto hangga't di niya nasisiguradong nakaalis na ito. She decided to go back to sleep nang bigla na lang kumalam ang sikmura niya. Napabuntong hininga siya ng malalim. Mukhang mapipilitan talaga siyang bumaba at harapin ang binata, dahil mistulang anaconda kung magwala ang bituka niya dahil sa gutom.
Sinamsam ni Marcus ang init ng kapeng dumadampi sa kan'yang labi. Halos kalahating oras na siyang naghihintay sa dalaga pero di pa rin ito bumababa. Mukhang nakatulog ulit ito o posibleng umiiwas ito dahil naalala nito ang mga pinagsasabi sa kan'ya kaninang madaling-araw. Nagsimula na siyang sumubo nang mahagip niya ang dalagang nakatayo sa tapat niya. Tinignan niya si Camille at sumilay sa mukha ng dalaga ang pilit na ngiti.
"Kumain kana," anyaya niya dito.
Kaagad itong sumubo ng sausage habang patuloy ang pagsandok ng kanin sa kan'yang plato. Halatang gutom na gutom ito.
Napahinto naman si Camille nang mapansin niyang tinitingnan siya ng binata.
"S-sorry sir, gutom na gutom kasi ako," nahihiyang sabi niya.
Inalis ng binata ang tingin sa kan'ya at sumubo ito.
"Ilang araw ka bang hindi kumakain?"
"Ahm... Kagabi lang Sir, 'di na ako nakapag-hapunan kasi--"
"Dahil inuna mo ang paglalasing..." sabad nito at tinignan siya sa mga mata.
Parang biglang may nagrambulan sa loob ng puso niya nang titigan siya nito.
"Ah-- O--"
"Sino bang kasama mo bukod kay Amy?"
"Ahm… Si ano… si Chris at Shon po, sir."
'Di pa man natatapos ni Marcus ang pagkain ay tumayo na ito. Kahit takam na takam pa siya sa mga pagkain ay napilitan siyang tumayo na rin.
"Tapusin mo muna 'yang kinakain mo, maliligo lang ako. I'll accompany you later," malamig ma tugon nito.
Dalawang oras na siyang naka-upo sa sofa habang hinihintay ang paglabas ni Marcus. Balisang-balisa na siya at gustong-gusto niya na itong makausap. Nag-aalala siya sa bag niya dahil 'di niya ito mahagilap sa kuwarto kanina, naisip niyang baka naiwan niya ito sa bar kagabi, nandoon pa naman ang cellphone niya at pati na ang kan'yang wallet.
Napagdesisyunan niyang lumabas na lang muna at lumanghap nang sariwang hangin. Pagkabukas niya ng pinto ay nahagip ng mata niya si Lex na kakalabas lang ng kotse nito. Nanlaki ang mga mata niya at abo't langit ang kabang nadarama niya. Bago pa siya nito makita ay kaagad na siyang tumakbo paakyat at 'di na niya nagawang isarado ang pinto. Kailangan niyang magtago. Kailangan niyang ipaalam kay Marcus ito. Dahil sa sobrang pagmamadali ay hindi niya na naisipang kumatok pa at diretso na siyang pumasok nang kuwarto ni Marcus.
"Sir! si sir Lex nan--"
'Di niya na natapos ang sasabihin nang bumungad sa kaniya ang hubad na katawan ng binata. Naka-topless lamg ito at kitang-kita pa ang mga butil ng tubig sa katawan na mukhang kakatapos nga lang nitong maligo. Nang magising ang diwa niya ay kaagad siyang tumalikod.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" nakapang-abot ang kilay na tanong nito.
"S-sorry… sorry… Sorry talaga sir, 'di ko sinasadya," nahihiyang sabi niya.
"What do you want?"
"Si sir Lex po kasi nandito."
"So?"
"Hindi niya po ako puwedeng makita sir, dahil… dahil baka ano'ng isipin niya. Tapos makarating na naman 'to kay Va--"
Hindi niya na nagawang tapusin ang kan'yang sinasabi nang marinig niya ang yabag nitong papalapit sa kan'ya. She suddenly felt Marcus warm hand on her shoulders and her heart flipped. Iniharap siya nito at nagtama ang mga mata nila.
"Are you scared of Valerie?"
Naamoy niya ang mabangong hininga ng binata na nagbigay kiliti sa kan'yang puso.
"Wala na kami. There's nothing to be scared of as long as I am with you."
Napatalon ang puso niya sa tuwa nang marinig iyon. Hindi niya maikubli ang ngiting gumuhit sa kan'yang labi at hinayaan niya lang mangibabaw ang galak na nadarama niya ngayon. Simpleng salita lang 'yon pero masyado siyang naaapektohan.
"Do you like me?" seryosong tanong nito habang matiim siyang tinititigan.
"Uh--"
'Bago pa man siya makasagot ay sinakop na ng binata ang labi niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkabigla at bumilis ang kabog ng kan'yang puso. She felt butterflies in her stomach while feeling the softness of his lips. Gustong-gusto niya ang pakiramdam niyang iyon. When she felt his lips move passionately, kusa na ring napapikit ang mata niya. Dinama niya ang bawat paggalaw ng labi ng binata at sinusundan niya naman ito na para bang nagsasayaw lang sila sa saliw ng isang malambing na musiko. She enjoyed every sweet movements that their lips do.
Napapitlag silang dalawa nang marinig nila ang sunod-sunod na katok. After there long and passionate kiss everything turned awkward. She couldn't look at Marcus eyes. Nakayuko lamang siya at pilit itinatago ang pamumula ng pisngi niya hanggang sa buksan ng binata ang pinto.
Marcus was not surprise upon seeing si Lex. Binigyan siya nito ng kwestiyonableng tingin pagkuwan ay binaling ang tingin nito sa nakayukong si Camille.
"Camille, you're here..."
Tumingin si Camille kay Lex at ngumiti ng pilit.
"S-sir, good--"
"What are you doing here, Lex?" malamig na tanong niya sa kaibigan.
Ngumiti ito ng nakakaloko at hinimas-himas pa ang baba bago nag-salita.
"I'm checking you. Kasi 11:00am na at wala ka pa sa office mo. Marami ang naghihintay sayong clients. I think you should go there right now. Let me accompany Camille pabalik ng apartment niya," Lex smiled.
"No! Let them wait. Ako ang maghahatid sa kan'ya pauwi. Camille let's go."
"Okay, Marcus, if you say so," natatawang tugon nito.
***
Halos mabingi si Camille sa katahimikang namumuo sa kanila sa loob ng kotse. Ni-isa sa kanila ay walang nagsasalita, nagpapakiramdaman lang sila. Ini-on niya ang stereo at nagsimulang tumugtog ang pamilyar na musiko.
Tila ba nanunukso ang pagkakataon at eksaktong ang bawat lyrics ng kanta'y tumutugma sa nararamdaman niya nang mga sandaling hinalikan siya ng binata.
Nang maramdaman niya ang pag-akyat ng dygo sa kan'yang pisngi ay kaagad niyang pinatay ang stereo. Umayos siya ng upo at pilit na umaktong normal.
"Bakit mo pinatay?" biglaang tanong ni Marcus na 'di inanalis ang mata sa kalsada.
"H-ha? W-wala… ang ingay kasi, sir," pagsisinungaling niya.
Malayo-layo pa lang ay natatanaw na ni Camille si Kyle na nakasandal sa motor nito habang matalim nitong pinagmamasdan ang kotseng sinasakyan niya. Nang ihinto ito ni Marcus sa tapat ng kan'yang apartment ay dali-dali niyang tinanggal ang seatbelt upang puntahan agad ang kaibigan, pero nang akmang bubuksan niya na ang pinto ng kotse ay biglang hinawakan ni Marcus ang palapulsohan niya. Natigilan siya at napatingin sa binata na ngayon ay nakatingin din nang matiim sa kan'ya.
"S-sir, bakit?" nagtatakang tanong niya.
Halos matunaw na siya sa mga titig na pinupukol nito sa kan'ya.
"Ang bag mo nasa backseat," malamig na tugon nito.
Napatingin sila pareho sa bintana nang marinig nilang may kumatok dito. Nakita niya ang magkaabot na kilay ni Kyle habang pilit na sinisilip ang loob ng kotse kahit na tinted ito.
"Ahmm… Thank you sir! I-ingat ka," nakangiting sabi niya.
Hindi niya na hinintay ang sagot nito at agad na siyang lumabas.
Palihim na napangisi si Marcus nang makita ang pagkairita sa mukha ni Kyle nang makalabas si Camille sa kotse niya.
***
Nang makapasok si Camille sa kuwarto niya ay kaagad niyang ibinagsak ang sarili sa kama habang nakangiting tinitingnan ang kisame. Naramdaman naman niya ang pag-angat nito nang umupo si Kyle sa kan'yang tabi. Kaagad siyang bumangon at niyakap ang binata.
"Kyky, galit ka? Sorry, pinag-alala na naman kita," paglalambing niya sa binatang nakabusangot ang mukha.
Hindi ito kumibo at diretso lang itong nakatingin sa bintana.
"Kyky… Oy! galit ka?"
"Saan ka galing?" malamig na tanong nito na halata ang pagtatampo.
Tinanggal niya ang mga braso niyang nakayakap sa binata at kapagkuwani ay umupo nang maayos.
"Niyaya kasi ako ng ka officemates ko sa bar. 'Di naman ako tumanggi kasi minsan lang naman."
Nagpang-abot ang kilay nitong tiningnan siya.
"Uminom ka?"
Tumango lang siya bilang sagot.
"Kailan ka pa natutong uminom?"
"Kagabi lang at promise 'di na ako uulit. 'Di ko gusto 'yong lasa ng beer. Maingay sa loob ng bar, halos di magkarinigan. 'Tsaka pagkagising ko ang sakit ng ulo ko sobra parang mababasag."
"Ba't kasama mo ang noss mo? Ba't siya ang naghatid sa'yo? Kasama niyo ba siyang nag--"
"Do'n ako nakatulog sa kanila. Kasi nakita niya akong lasing na lasing sa--"
Nagpanting ang tenga ni Kyle nang marinig iyon at naramdaman niya ang lalong pagkulo ng kan'yang dugo.
"Lasing ka? Do'n ka natulog sa bahay niya? Camille naman… Alam mo ba 'yong ginagawa mo, ha? Nag-iisip ka ba? Pa'no kung may ginawang masama sayo 'yon? May magagawa ka ba? Wala! Wala kang magagawa dahil babae ka lang. Wala kang laban sa kan'ya. 'Di ka naman nag-iingat eh. Ano ba! Bakit ka ba nagtitiwala sa kan'ya nang basta-basta? Dahil ba sa gusto mo siya? 'Di naman sapat na dahilan 'yon."
"Kyle, wala naman siyang masamang ginawa. Kita mo? Okay ako, walang nangyari sa--"
Sinapo ni Kyle ang kan'yang noo at pilit kinakalma ang sarili.
"Pa'no kung meron? Pa'no kung may ginawa siyang masama? Pa'no kung may nangyari sayo? Naisip mo ba 'yon, ha?"
Hinawakan niya ang malambot na mga kamay ng dalaga at tinignan ito sa mata.
"Please, wag mo nang ulitin 'to. Ako, ako ang tawagan mo kung may kailangan ka, kung may nangyaring masama, okay? Kasi handa akong iwanan ang trabaho ko para sa'yo. Ingatan mo sarili mo kasi 'di ko kakayanin pag may nangyari sa'yong masama, dahil mahal...
He let go of Camille's hand and gave her a very warm hug. Tinugon naman nito ang kan'yang yakap.
"Dahil mahalaga ka," a tears fell from his eyes.
Naramdaman niya ang pag-higpit ng yakap ni Camille sa kan'ya. Gusto niyang damhin 'yon. Gusto niyang manatili sa ganoong posisyon. Pero hindi, hindi p'wede, hindi p'wedeng hayaan na lang ang sarili niyang umasa habang buhay. He wiped off his tears falling from his eyes at kumawala sa mahigpit na pagkakayakap ng dalaga. Nagpakawala siya ng isang pekeng ngiti at hinarap si Camille.
"Ano, 'di mo man lang ba ako aayaing mag-almusal? Kaunti na lang at magco-colapse na ako sa gutom. Magdamag kaya kitang hinintay sa labas."
Gumuhit bigla sa mukha ni Camille ang pag-aalala.
"Kyle naman eh. Ba't ka--"
"Joke lang! 'Kaw naman ang bilis maniwala. Sige na alis na ako, tumakas lang ako sa office," pagsisinungaling niya.
"Ingat ka Ky!" sambit ng dalaga bago siya makalabas.
"Ikaw rin."
"sorry..."
Huminto siya sa paglalakad ng marinig ang sabi nito.
"Wala 'yon!"
Wala nga lang ba 'yon? Wala nga lang ba ang pag-aalala niya nang sobra? Wala nga lang ba 'yong paghihintay niya buong magdamag sa labas ng apartment nito para masiguro lang niyang nakauwi ito, na ligtas ito, na okay lang ito? Wala nga lang ba 'yong paninibughong nararamdaman niya nang malaman niyang doon pala ito nakatulog sa taong pinagseselosan niya? Wala nga lang ba 'yong sakit na nararamdaman niya? Wala nga lang ba?
"Thank you!" sabi ni Camille.
He turned his back to face Camille at gumuhit sa labi ng dalaga ang isang matamis na ngiti. Sinuklian niya rin ito ng ngiti, ngiting nagkukubli sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
"You're always welcome, Milmil."
"I love you Ky!"
Natigilan siyang muli nang marinig ang sigaw ng dalaga. His heart flipped automatically. He closed his eyes and took a very deep breath. Sana hindi bilang kaibigan. Ginising niya ang sarili sa realidad kapagkuwan ay nilingon si Camille habang suot ang mapaklang ngiti.
"I love you more..."
Hindi niya na hinintay ang sagot ng dalaga at diretsong sinarado ang pinto at nagtungo sa motor niyang nakaparada sa labas.
"more than you know..."
***
Sumandal si Marcus sa swivel chair habang marahang minamasahe ang sentido. Katatapos niya lang basahin ang isang business proposal and he didn't find it interesting. Sumakit tuloy ang ulo niya sa kakabasa ng mga walang kuwentang gawa. He then closed his eyes when he felt it rankled and a sudden incident flashed through his mind.
He gently touched his lips nang maalala niya ang halik na pinagsaluhan nila ni Camille kanina. That kiss was different. Bakit nga ba niya hinalikan ito? Ang alam niya lang sa mga oras na 'yon ay gustong-gusto niyang maramdaman ang labi nito. Gustong-gusto niyang matikman ang lasa ng laway nito. Tila ba parang nanunukso ang mga labi nito and he was too weak to resist that temptation. He couldn't deny the fact that it was a tasteful kiss they've shared to each other.
"Sir someone is looking for you, isa sa mga shareholders ng company."
Iminulat ni Marcus ang kan'yang, mga mata at umayos sa pagkakaupo, nang marinig ang sabi ng kan'yang secretary.
"Let her in," malamig na sabi niya.
Ilang segundo lang ay bumukas na naman ang pinto at nagpang-abot ang kilay niya nang makita kung sino ang pumasok.
"Hi!" nakangiting sabi nito kay Marcus.