"Yeheah! Payday! Payday! Payday!" masayang sigaw nila Chris habang sinasabayan pa ito ng sayaw.
"Hoy! 'yong utang mo ha, bayaran mo 'yon. Baka naman ibaon mo 'yon sa limut," sambit ni Shon sabay bato niya kay Chris ng nilamukos na papel.
"Alam ko! 5k lang yon, ‘di kita tatakasan gago," inis na sabi ni Chris.
"Pinapaalala ko lang gago!"
"So, ano na dating gawi? Namiss ko’ng mag bar eh," anyaya ni Chris nang nakangiting aso.
"Hay naku! kayo nalang, pass muna ako. Kailangan kung umuwi ng maaga hinihintay ako ng anak ko," pagtanggi ni Amy na ‘di inaalis ang mata sa monitor.
"Ayan na naman tayo eh. Sandali lang naman ate Amy, ‘wag kang kj. Matagal-tagal na rin tayong ‘di nakapag-bonding. Kailangan din natin ng stress reliever. Hindi puro work work work work. Nakaka-pangit ‘yan. ‘Di ba this past few weeks sagad ‘yong mga gawain natin dito sa office, so we need to freshen our minds. Kailangan nating mag relax at mag enjoy," pangungumbinsi ni Chris.
"Oh! sige na, sige na! Basta sandali lang tayo ha, 11pm uuwi na ako," napipilitang sabi nito.
Napasuntok si Chris sa hangin nang marinig niya ang pagsang-ayon ni Amy. Ibinaling niya ang tingin kay Camille na nakatutok ang mga mata sa mga nakahilirang papeles sa mesa nito. Nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat na ikinagulat ng dalaga.
"Masyado kang seryoso baby. ‘Wag mong lunorin sarili mo sa trabaho."
"May kailangan ka Chris?"
"Wala… Itatanong ko lang kung sasama ka ba."
"Ha? Saan?" nagtatakang tanong niya.
"bar" nakangiting tugon ni Chris sabay kindat.
Binigyan niya ito ng isang ngiti.
"Hindi na, kayo na lang Chris."
"Sige na Camille! Alam naming stress ka rin. Minsan lang naman to eh, sumama kana," sabad ni Shon.
"Naku! sumama kana Camille, ‘di yan titigil mga ungas na ‘yan hanggat dika umu-oo," natatawang sabi ni Amy.
Napakamot na lang si Camille ng ulo niya saka ibinalik ang tuon sa kan’yang trabaho.
***
Napatingin si Marcus sa kakapasok lang na lalaki sa kan’yang office.
"What do you want?" he asked in his usual tone.
Ngumiti si Lex nang nakakaloko saka umupo sa visitor's chair na katapat niya.
"How's Valerie?"
"You go and find out kung kamusta na siya, hindi yong ako ang tinatanong mo," naiiritang sagot niya.
"Relax Marcus! You're so hot-headed," natatawang sabi ni Lex.
Sumandal ito ng upo at tinitigan siya ng diretso sa mga mata na animo’y may napaka-importante itong sasabihin sa kan’ya.
"Actually, I'm here to report about Camille," dagdag na sabi nito.
"Then tell me now! Don't waste my time," naaasar na sabi niya.
"She slapped Kate."
Binigyan niya lamang nang malamig na tingin ito at hindi man lang nagulat sa sinabi ng kaibigan.
"It's not surprising. Kaya nga niyang pumatay, pagsampal pa kaya."
"It is Marcus. Natututo nang lumaban si Camille. Paano pag nalaman niya ang lahat ng plano mo sa kan’ya? Paano pag nalaman niyang you are related to Jaydon, tapos unahan ka niya? Paano kung maka-isip siya ng paraan para lumaban at protektahan ang sarili niya laban sayo. Aren't you afraid, baka mauwi sa wala ‘yong mga plano mo? Baka at the end of the day, ‘di mo pa rin makukuha ang justice na kailangan mo? Baka ikaw ‘yong masaktan? Mabuti pa siguro habang maaga kausapin mo na siya and try to fix and settle everything. Tapos kalimutan niyo na ang nangyari noon at mag kapatawaran na, bago ka pa masaktan at ma-agrabyado."
He just smirked.
"It won't happen. How will she do that, if she's slowly falling into my trap?” he said with a playful smile on his lips.
Sumilay sa mukha ni Lex ang pagtataka and that made him smile.
"What do you mean?"
Kinuha niya ang ballpen na nakapatong sa mesa niya saka ito nilaro sa kan’yang mga daliri kapagkuwan ay binalik niya ang tingin sa mukha ni Lex na puno ng pagtataka.
"She likes me," kampanteng sabi niya.
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Lex nang sabihin niya ‘yon. Halos ‘di ito makapagsalita dahil sa narinig.
"W-what? Gusto ka ni C-Camille? Seriously? Kaya ba galit na galit si Valerie sa kan’ya?"
"Yes! She confessed in front of me at ‘yan ang ipinagpuputok ng butse ni Valerie. Alam kung hindi siya nagsisinungaling, I felt her sincerity nang sabihin niya sakin 'yon. She even begged me to accept her resignation letter dahil ayaw niya daw masira kami ni Valerie. But i did not accept it… dahil nagsisimula pa lang akong gawing impyerno ‘yong buhay niya and extricating her is not a good idea. She must need to relish every taste of my sweet revenge."
Napangiti si Lex nang mapakla. Hindi ito makapaniwala sa mga naririnig niya galing sa bibig ni Marcus.
"What if… What if you are little by little falling in your own trap? Imbis na si Camille lang ang mahulog ay pati na rin ikaw?"
"That's too impossible. Wala sa plano ko ang gustuhin siya at wala akong planong magustuhan siya."
"Everything is possible, Marcus. In your situation, mas malaki ang chance na magustuhan mo siya. Camille is one of a kind. She's pretty. She's kind. She's sweet, adorable, innocent. May ngiti siyang taglay na makapag-papangiti rin sa’yo. So, it is not impossible for you to fall for her."
Napakunot ang noo ni Marcus nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Ba't parang iba na ‘yong tono ng pananalita nito? Ba't parang hindi na lang ito nag-lalahad ng opinyon? Ba't parang nagbibigay puri na ito kay Camille? Nag-init ang ulo niya. He grinned his teeth and tried to calm himself bago pa siya sumabog.
"How could you say those words? Why? Do you like her?"
Nakita niya sa mukha ni Lex ang pagkabigla sa diretsong tanong niya. Napaawang ang mga labi nito at ‘di makapagsalita. He saw sweat on Lex forehead. Matalim niya itong tinitigan at binigyan ng kuwestiyonableng tingin. Halos isang minuto rin ang lumipas bago ito nagising sa pagkabigla. Tumawa ito nang nakakaloko at tinignan siya ng diretso sa mata.
"No! Hindi ko siya magugustuhan. What I said kanina, was just a compliment. It was just a description base on what I see. But it doesn't mean that i like her," sambit nito na may tawa sa dulo.
"Then stop acting as if you have known her for a very long time, because you didn’t. Tinatago niya lang ang totoong siya. All those enormous compliments that you said about her are all fake."
"I knew from the start na hindi ko p’wedeng gustuhin ang babaeng kinagagalitan mo. I don't want to ruin your plan. All I want is to help you. Whatever happens I'll stand by your side. Sayo pa rin ako papanig whatever your decisions are," nakangiting sabi nito.
***
"Cheers!" sabay-sabay nilang sigaw saka diretsong nilagok ang isang baso ng beer.
Napaubo si Camille nang matikman ang hindi kanais-nais na lasa na dumadaloy sa lalamunan niya. Sa katunayan ay ngayon lamang siya naka-inom ng beer at hindi niya nagustuhan ang lasa nito, pero kahit ganoon ay pilit niya paring tinapos itong inumin.
"Go! Camille kaya mo ‘yan,” aliw na aliw na sabi ni Shon.
Malakas ang tugtog sa loob at halos hindi nila marinig ang bawat isa. Nilibot ni Camille ang tingin sa kabuuan ng bar at maraming tao ang nagsasayawan at napapaindak sa saliw ng musika. Ang iba naman ay nagtatawan lang habang tumutongga ng beer.
She felt very uncomfortable inside, masyadong maingay, masyadong masikip. She even felt awkward habang nakikita ang mga naglalandiang tao sa paligid kahit saan man siya lumingon. Ang mga malalaswang sayaw ng mga ito at pati na rin ang mga maiiksi nitong suot na halos lumabas na ang kaluluwa ay hindi niya gusto.Ito ang unang pagkakataong makapasok siya sa isang bar.
Napaigtad siya nang may maramdaman siyang kamay na humawak sa kan’yang balikat. Nilingon niya ito and then she saw Chris smiling at her habang inaabot sa kan’ya ang isang baso ng beer. She shook her head to refuse.
"Drink this! Sige na baby… ‘Wag na kj, ngayon lang naman ‘to. We're here to enjoy."
Napangiti siya nang mapakla habang tinitingnan ang basong punong-puno ng beer. Napilitan siyang kunin ito sa kamay ng binata.
"Bottom’s up!" sigaw nila Chris habang nakangiti itong nakatingin sa kan’ya.
She gulped audibly and closed her eyes para ihanda ang sarili sa lasa ng beer.
"Yeheah!"
Lahat sila ay napahiyaw nang matapos niya itong inumin ng diretso. Chris clapped his hands and gave her a standing ovation. Napatawa na lang siya sa ginawa nito.
"Hoy! Camsshille matanong nga kita… Ikaw ba may relasyon kay Sir Martussh?" nabubulol na tanong ni Shon.
Magsasalita na sana siya pero bigla na lang binatukan ni Amy si Shon na kan’yang ikinagulat. Napahawak si Shon sa batuk nito at tinignan si Amy sa nakakaawang mukha nito.
"Wag mo pansinin ‘yan, lasing na yan. Paano, kanina pa nilalaklak ang bote ng beer. Daig pa ang broken hearted kung makainom."
Ngumiti lang si Camille nang bahagya.
"Bakit nga ba kasi galit na galit si Valerie sa’yo baby?" pag-uusisa ni Chris sa kan’ya kapagkuwan ay nagsalin ng beer sa baso at diretsong ininom.
"Obvious ba, Chris? Edi nagseselos! ‘Di ka talaga nag iisip, ‘no?" naiiritang sabi ni Amy.
Naramdaman ni Camille ang tensyon dahil sa tanong ni Chris sa kan’ya. Hindi niya alam ang isasagot niya rito.
She immediately poured beer in her glass at diretsong ininom ito. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi niya nalalasahan ang matapang na lasa ng beer sa kan’yang lalamunan. Ang tanging nararamdaman niya ay ang kaba sa kan’yang dibdib. Nagsalin pa siya ng beer sa kan’yang baso at akmang iinumin niya na ito nang may biglang pumigil sa kan’ya.
"Dahan-dahan lang," nakangiting sabi ni Chris saka ito inagaw sa kan’ya ang basong may lamang beer na hawak-hawak niya.
Diretso itong ininom ng binata kapagkuwan ay tumingin ito sa kanya't binigyan siya ng ngiti.
"Alam mo Camille… feel ko lang ha, gusto ka ni Sir Marcus," seryosong sabi ni Amy.
Nakaramdam siya ng init sa kan’yang pisngi nang marinig iyon. Parang biglang ngumiti ang puso niya nang maisip niyang gusto siya ni Marcus. Napailing-iling siya saka pilit na inalis sa isip ang mga pag-iilusyon niya.
She then grabbed the bottle of beer na nangangalahati pa lang saka ito dire-diretsong nilagok. Naramdaman niya ang malamig na likidong dumadaloy sa lalamunan niya. ‘Di niya tinigil ang patuloy na paglagok ng beer hanggang sa lunorin nito ang mukha ni Marcus sa kan’yang isipan.
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Amy at Chris habang nakatingin sa kan’ya. She felt dizzy, but she can still manage to smile.
"Talaga ate A-amy, sa tingin mo? Parang imposible naman ‘yan," malakas ang loob na sabi niya.
"Wag kang maniwala d’yan baby, paasa yan si ate Amy," sambit ni Chris saka siya inakbayan.
Parang umiikot na ang paningin niya sa mga sandaling iyon. She can't even see Chris clearly. Masyadong malabo ang paningin niya at parang bumibigat ang mga talukap ng kan’yang mga mata.
"Ganito kasi ‘yon Chris.."
Hindi niya na marinig nang mabuti ang sinabi ni Amy dahil sa sobrang ingay sa loob. Parang nahahati na rin ang atensiyon niya dahil sa unti-unting pagkahilo.Tinanggal niya ang mga braso ni Chris sa balikat niya and she tried to stand-up.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Chris.
"Cr lang ako."
Nang tumayo siya'y naramdaman niya ang malakas na lindol sa loob na nagdahilan upang matumba siya. Mabuti na lang at sa couch siya bumagsak.
"Lasing kana Camille. Gusto mo samahan na kita sa cr?" tanong ni Amy.
She shook her head to refuse. Pinikit niya ang kan’yang mga mata dahil nakakaramdam siya ng pagka-antok. She felt comfortable lying in the couch habang pinapakinggan lang ang ingay sa loob hanggang sa makatulog.
"12 midnight na, walanjo!" sigaw ni Amy matapos makita ang oras sa kan’yang cellphone.
Dali-dali siyang tumayo at kinuha ang bag niya na nasa couch. Nagsimula na s’yang humakbang papunta sa exit nang matigilan siya at nilingon ang mga kasamahan niyang himbing na himbing na natutulog. Iiwan na sana niya ito pero dumako ang tingin niya kay Camille na nakahilata doon sa couch. Nasa paanan naman nito si Chris na nakasandal sa couch habang hawak-hawak pa rin nito ang basong may lamang beer. Si Shon naman ay nakatihaya sa katapat na couch at bukas na ang dalawang butones ng polo nito. Napasabunot na lamang siya sa kan’yang buhok dahil sa inis at napilitang bumalik sa kinaroroonan ng mga kasama niya.
"Sabi ko na nga ba, ‘di magandang ideya ‘to. Ako tuloy ang napasubo," naiinis na sabi niya.
Nilapitan niya si Chris saka niyugyog ang balikat upang magising ito.
"Chris gising! Uwi na kayo, kasi uuwi na rin ako."
Bahagyang iminulat ni Chris ang mata niya nang marinig niya ang boses na malapit sa kan’ya. Agad siyang napahawak sa kan’yang ulo nang maramdaman niyang umiikot ang paligid. Nang mapansin niya ang pagalaw ng couch na inuupuan niya at nakita niya ang babaeng nakahiga dito habang nakapatong pa ang mga paa nito sa kandungan niya ay sumilay sa kan’ya ang nakakalokong ngiti. Yayakapin niya na sana ito nang bigla na lang niyang naramdaman ang pagbaligtad ng kan’yang sikmura at kasunod nito ay ang ‘di mapigilang pagsusuka niya.
"Mabuti naman at gumising ka, dahil kailangan ko nang umalis," galit na sabi ni Amy.
Napatingala si Chris nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. ‘Di niya napansin na kanina pa pala ito nakatayo sa gilid niya. Nag ngiting aso siya saka tumayo at niyakap ito.
"Mommy Amy, nandito ka pala. What are you doing here in my condo?"
Bumagsak siya sa couch nang bigla siyang itulak nito nang malakas.
"Wag mo ‘kong ma-mommy-mommy ungas ka. May anak ako nasa bahay at hinihintay ako no’n."
Napasigaw siya sa sakit ng pingotin siya nito.
"Ikaw… ikaw ang may pakana ng lahat ng ito. Tapos, ito't lasing ka, walang ‘ya ka! Kaya ngayon, buhatin mo silang dalawa at ihatid mo sa kani-kanilang bahay. Kasi ako, uuwi na. Bw*set ka talaga kahit kailan, Chris."
Aalis na sana siya pero muli na naman siyang natigilan. Nilingon niya ang direksyon nila Camille at binigyan ng nagbabantang mga tingin si Chris.
"Siguraduhin mo lang na ma-iuuwi mo si Camille nang ligtas sa kan’yang apartment, dahil kung hindi, makikita mo bukas ang hinahanap mo. Magtutuos pa tayo, tandaan mo ‘yan."
"I'll take good care of my wife mommy," nakangiting sigaw nito.
Nasapo niya ang mukha niya dahil sa inis nang marinig ang sinabi ni Chris. Kahit anong kumbinse niya sa kan’yang sarili ay wala talaga siyang tiwala sa binata.
"L*tse talaga ‘tong batang ‘to," bulong niya sa isipin.
Bumalik siya sa table nila at tinungo si Camille na natutulog. Kung ‘di lang sana siya nag-aalala kay Camille ay iniwan niya na ito. Hindi niya naman p’wedeng ipaubaya ito kay Chris dahil lasing ito at parang may saltik sa ulo. Pagkamalan ba naman siyang mommy nito at asawa si Camille.
"Bw*set na Chris! Sarap ipalapa sa buwaya."
Baka iuwi pa nito si Camille sa bahay nito at itabi itong matulog. Wala na talaga siyang choice kundi siya na ang maghatid nito sa apartment ng dalaga. Pero paano naman? Hindi niya alam kung anong address nito.
Marahan niyang tinapik ang mukha ni Camille upang magising ito.
"Camille! Camille! Gising! Uwi na tayo," malakas na sabi niya.
Nagulat na lamang siya nang biglang may humatak sa kan’ya papalayo sa dalaga. Nakita niya ang lasing na lasing na mukha ni Chris. Nakakunot pa ang noo nito at tila ba naiinis ito sa kan’yang ginawa.
"What are you doing to my wife? ‘Di mo ba nakikita, nagpapahinga siya? Lumayas kana sa condo ko bago ko pa makalimutang ina kita," seryosong sabi ni Chris.
Nag-init ang ulo ni Amy nang marinig ito. Alam niyang lasing ito pero hindi niya na talaga mapigilan ang sarili niya ngayon. Nagdedeliryo na siya sa inis, dahil alas dos na nang madaling araw at hindi pa siya nakakauwi. May trabaho pa siya nang alas otso at ito at nag-aalaga pa siya ng mga lasing. Hindi niya na napigilan pa ang sarili niya at sinikmuraan niya na ang binata upang matigil ito sa kakadada at baka sakaling magising ang diwa nito. Napa-ungol naman si Chris dahil sa sakit.
Niyugyog ni Amy ang balikat ni Camille at napansin niya ang unti-unting pagdilat ng mga mata ng dalaga. Para siyang nabunutan ng tinik nang magising ito.
"Camille, halika na! Iuuwi na kita. Alas-dos na ng madaling araw, kailangan na nating umuwi."
Dahan-dahan niyang inalalayan si Camille na bumangon pero bumalik ito sa pagkakahiga niya sa couch.
"Dito lang ako, ate Amy."
"Camille lasing ka na, kailangan mo nang umuwi. Ayokong iwan ka dito kasama ng loko-lokong si Chris. Sige na, bumangon kana at kailangan ko na ring umuwi."
Nginitian lamang siya nito saka pinikit muli ang mata.
"Goodnight ate Amy!"
Hinila ni Amy si Camille para bumangon itong muli at kaagad niya itong inilalayan upang makatayo ito. Nagsimula na silang maglakad nang maramdaman niyang may humihila sa damit na soot niya at nang makita kung sino ito’y nagtangis ang bagang niya at pakiramdam niya’y parang gusto niya nang lumapa ng tao.
"Sumuko ka na at ibigay mo sakin ang asawa ko. Napapaligiran kana ng mga pulis. Wala ka nang magagawa."
"Bitawan mo ko Chris bago ko sipain ‘yang bayag mo," galit na sabi niya at kaagad naman itong natinag.
Buong lakas niyang inalalayan si Camille sa paglalakad hanggang sa makalabas sila ng bar. Halos mawalan siya ng hininga dahil sa sobrang pagod. Hingal na hingal pa siya habang naghihintay ng taxing masasakyan nila pero ni isa ay walang dumadaan.
“Bw*set!” napamura na lang siya sa inis.
Habang akay-akay niya si Camille ay napatingin siya sa isang pamilyar na kotse na huminto sa tapat ng bar. Tinignan niya ito nang mabuti at nagulat siya nang makitang lumabas si Marcus galing doon. Papasok na sana ito sa loob ng bar nang bigla itong lumingon sa gawi nila. Kaagad siyang yumuko upang ‘di siya makilala nito, pero huli na dahil naglakad na ito patungo sa kanilang direksyon. Ngumiti lamang siya nang pilit nang makalapit ito sa kanila.
"G-good evening Sir!" pag-aalangang bati niya.
"Madaling araw na…" Marcus said with a questioning look.
"Ah.. O-oo tama.’ Di ko napansin sir," sambit niya sabay pakawala ng ngiting aso.
"What are you two doing here? Wala ba kayong trabahong gagawin mamaya at nagawa niyo pang mag-bar hanggang madaling araw?"
Napayuko na lang si Amy nang marinig iyon.
“Lagot ka talaga sa’kin mamaya Chris!” bulong niya sa isip.
Napatingin si Marcus kay Camille na akay-akay ni Amy. Nakayuko ito at natatabunan ng buhok ang mukha nito. He came closer to Camille at hinawi niya ang buhok ng dalaga saka inipit sa tenga nito. Halatang lasing na lasing ito dahil kahit madilim sa labas ay klarong-klaro niya ang namumulang pisngi ng dalaga.
Sinulyapan niya ang kan’yang relo na nasa palapulsohan niya kapagkuwan ay ibinalik niya ang tingin kay Amy.
"You go home dahil may trabaho ka pa. Ako na ang bahala sa kan’ya."
Nakita niya sa mukha ni Amy ang pag-aalangan.
"I said go home," matigas na sabi niya.
Kaagad niyang hinatak si Camille palapit sa kan’ya kapagkuwan ay binuhat niya ito at ipinasok sa kan’yang kotse. Habang tumatakbo ang kotse ay natatanaw niya pa si Amy sa side mirror na nakatayo habang sinusundan sila ng tingin papalayo.
Binaling niya ang tingin kay Camille na himbing na himbing na natutulog. Umaalingasaw ngayon sa loob ng kotse niya ang amoy ng alak. Di niya akalaing makikita niya ito sa labas ng bar na lasing na lasing lalo pa't madaling araw na. Posible kayang hindi lang si Amy ang kasama nito?
Natigilan siya sa pag-iisip nang maramdaman niya ang mabigat na bagay na nakapatong sa kanang hita niya. Binaling niya ang pansin sa dalaga na ngayon ay nakahiga na at namaluktot upang ipagkasya ang sarili nito sa upuan ng kotse. Komportableng-komportable pa itong natutulog habang nakaunan sa kan’yang hita.
"Gumagalaw ‘yong kama ate Amy," mahinang sabi ni Camille.
"Lasing ka lang."
Bahagya itong napatawa.
"Hindi ako lasing."
Hindi na siya sumagot at pinakinggan niya lang ang mahinang paghinga nito.
"Nilalamig ako ate Amy..."
Binalingan niya ito ng tingin at nakita niya itong nakapikit habang niyayakap ang sarili. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga saka ini-off ang aircon. Ngayon ay unti-unti niya nang naramdaman ang pagkawala ng lamig sa loob ng kotse.
Nang makarating sila sa bahay niya ay kaagad niyang binuhat si Camille paakyat sa guest room. Inihiga niya ito sa kama at umupo siya sa gilid ng dalaga habang pinagmamasdan itong natutulog. Iniisip niya pa rin ang posibleng rason kung bakit ito naglasing at kung sinong kasama nito. Posible kayang nasa loob pa ng bar ang kasama nila? Bakit si Amy lang ang kasama nito sa labas?
Napansin niya ang unti-unting pagmulat ng mata ni Camille. Gumuhit sa labi ng dalaga ang matamis na ngiti. Dahan-dahan itong bumangon at ngayon ay naka-upo na ito sa kama. Napapikit ito at napahawak nang mahigpit sa kama nang maramdaman ang pagkahilo. Maya-maya’y tinignan siya nito ng diretso habang ngiting-ngiti.
"M-marcus! Ay! ’di… S-sir… sir pa rin ang tawag ko kasi ‘di mo ako pinag-resign."
Unti-unti nitong inangat ang kamay at hinawakan ang kan’yang mukha. He just let Camille's warm hand touches his face.
"Bakit ayaw mo ‘ko mag-resign? G-gusto mo ba ‘ko? Kasi… kasi ‘pag hindi, payagan mo na lang ako."
He just looked at Camille's brown eyes. Walang lumalabas na salita sa bibig niya at hinahayaan niya lang itong magsalita.
Naramdaman niya ang mainit na hininga nito habang dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa mukha niya. Camille's left hand touches the other part of her face. Ngayon ay mas lalo niyang nararamdaman ang init ng dalawang palad nito na dumidikit sa mukha niya. Isang dangkal nalang ang layo ng mukha nila nang magsalita si Camille.
"Gusto kita… Gustong gusto kita at ‘di ko kayang pigilan ‘yong nararamdaman ko para sa’yo."
She saw Camille's teary eyes. Sa bawat pagpapakawala nito ng salita ay naaamoy niya ang alak sa hininga nito. It smells bitter-sweet and tasty. Nanunuot ang amoy nito sa butas ng kan’yang ilong. Tumakbo ang mga tingin niya papunta sa labi ng dalaga and then he felt thirsty. Naramdaman niyang nanunuyo ang lalamunan niya at gusto niyang maibsan ang uhaw na nararamdaman niya ngayon. Napalunok siya nang makitang nakaawang ang mga labi ng dalaga.
He removed Camille's hand on his face while he can still manage to control himself. Gustong-gusto niya na itong sunggaban ng halik pero pinigilan niya lang ang kany’ang sariling gawin iyon. Tumayo siya at humakbang palabas ng kuwarto pero bigla itong nagsalita.
"Bakit hiniwalayan mo siya?"
He turned to look at Camille's face.
"Dapat… d-dapat malungkot ako, dapat nakokonsensya ako. Dapat sisihin ko ang sarili ko."
Tears fell from her eyes.
"Pero b-bakit masaya ako? Bakit nakakaramdam ako ng saya nang malaman kung wala na kayo? B-bakit… bakit nakakaramdam ako ng pag-asa? Bakit… bakit naiisip kung puwede tayo? Ang selfish ko ba? Ang sama ko ba dahil gusto kita?"
Nag-uunahang umagos ang mga luha mula sa mga mata ni Camille. He never felt pity for her. Kahit kaunti ay walang siyang awang naramdaman para dito. He never tried to comfort her. Wala siyang pakialam sa nararamdaman nito. Ang importante ay ang nararamdaman niya ngayon.
He felt joy. Saya, dahil alam niyang gustong-gusto siya ng dalaga at nasasaktan ito dahil sa kan’ya. Saya, dahil nagsisimula nang magbunga ang plano niya.
"You sleep now," he said in a cold voice.
Camille wiped her tears and drew a bitter smile on her lips. He was about to turn his back when he heard Camille spew out. Nasapo niya ang noo niya habang pinagmamasdan ang dalagang sumusuka sa comforter nito. He sighed audibly. He blamed himself for bringing a dead drunk woman inside her house. Bakit nga ba niya ito dinala sa bahay niya? He supposed to meet up with Lex at the bar pero ito siya at nag-aalaga ng lasing.
Matapos nitong maisuka lahat ay ibinagsak nito ang sarili sa kama at ipinikit ang mapupungay nitong mga mata. Kaagad namang lumapit si Marcus at hinablot ang comforter na pinagsukahan ni Camille at pinalitan ito ng malinis na comforter galing sa kabinet.
Bago siya lumabas ay sandaling pinagmasdan niya muna ang dalaga habang mahimbing itong natutulog at palihim siyang napangiti nang marinig niya ang mahinang paghilik nito. Bahagya itong gumalaw dahilan para mahawi ang comforter na bumabalot sa katawan nito at dumako ang mga tingin niya sa damit nitong nakaangat kung saan kitang-kita niya ang maputing tiyan ng dalaga. Kaagad niyang iniwas ang tingin dito at inabot ang comforter nang bigla na lang may nakarinig siyang kaluskos galing sa labas ng kwarto.
Walang pag-aalangang hinablot niya ang baril sa tagiliran niya at humakbang papunta sa pintuan. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob upang ‘di ito makalikha ng ingay at kapagkuwan ay bigla niya itong binuksan at tinutok ang baril.
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng lalaking kaharap niya nang itutok niya ang baril direkta sa noo nito. The man raised his hand and a playful smile appeared on his lips.