Napahinto si Valerie sa paglalakad nang marinig niya ang sabi ni Kate. Hinarap niya ito at tinaasan ng kilay saka humakbang palapit. Nahuli niya ang pagngiti nito nang nakakaloko na nagpakulo ng kan'yang dugo. Gusto niya tuloy itong bigyan ng mag-asawang sampal pero sa ngayon ay papalagpasin niya muna ito.
"Why don't you try to watch this?" nakangiting tugon ni Kate saka iniabot sa kan'ya ang cellphone.
Binigyan niya muna ito nang nagbabantang mga tingin bago ito kinuha.
***
Kinusot ni Camille ang mga mata niya nang maramdaman ang paghapdi nito
"Camille 'lika na mag lunch na tayo!" anyaya ni Amy sa kan'ya.
"Sige ate Amy!" nakangiting sagot niya at at kaagad na kinuha ang bag na nakapatong sa kan'yang table.
Nakangiti lamang siya habang pinapakinggan ang kulitan nila Shon at Chris. Nilalakad na nila ngayon ang lobby patungo sa main exit ng building. Naging panatag ang loob niya nang hindi nila kasama ngayon si Kate dahil iniiwasan niya ito. Ramdam niya kasing may alam ito sa pinag-usapan nila ni Marcus kahapun at parang may ibig sabihin ang mga ngiti nito sa kan'ya.
Nang malapit na sila sa exit ay nahagip ng mata niya ang pamilyar na mukha ng isang babae. Kakalabas lang nito ng comfort room at mugtong-mugto ang mga mata nito. Kung 'di siya nagkakamali ay ito 'yong girlfriend ni Marcus. Nang magtama ang mata nila ay nakita niya sa mukha nito ang matinding galit. Matalim ang mga tingin na ipinupukol sa kan'ya ni Valerie at nakaramdam siya ng kaba nang makita niyang papalapit ito sa direksyon nila. Hindi niya alam kung bakit pero nagmanhid ang mga paa niya at kusa itong huminto sa paglalakad hanggang sa makalapit ito sa kan'ya. Kaagad na sumalubong sa kan'ya ang malakas na sampal na hindi niya lubos na inasahan. Pati sila Amy ay nagulat sa ginawa nito. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sa kanilang direksyon at nagsimulang magbulong-bulungan.
"You're a slut!" sigaw ni Valerie sabay dapo muli ng palad nito sa mukha niya.
Napahawak si Camille sa pisngi nang maramdaman ang paghapdi nito.
"How dare you to step on my property. Masyado yatang mataas ang lipad mo Camille upang pangarapin ang boyfriend ko. Look at yourself. You're just a trashy w***e, a sluttish pathetic woman, classless, and a silent b***h. Isa kang ahas na namimili lang ng tutuklawin."
Sumikip ang dibdib niya nang marinig ang mga 'di makataong salitang binato nito sa kan'ya. Punong-puno siya ng hiya sa sarili. 'Di niya matanggap ang masasakit na sinabi nito. Wala siyang mukhang ihaharap sa mga tao. Gusto niyang maglaho ngayon. Gusto niyang tumakas at takbuhan ang pangyayaring ito. Sana'y isa lang itong panaginip. Isang masamang panaginip.
Mas dumami pa ang taong nakapaligid sa kanila ngayon. Pinipilit niyang huwag umiyak, gusto niyang lumaban, gusto niyang magsalita. Pero parang nanunuyo ang lalamunan niya at walang lumalabas na boses sa kan'yang bibig.
"Kunwaring mag re-resign ka… But the truth is kating-kati ka lang landiin si Marcus. Why? Do you want to have a better life?"
Dumukot ito ng pera sa bag at walang pag-aalangang isinampal ito sa kan'ya na nagdahilan upang magkalat ito sa sahig.
"Magkano ba’ng kailangan mo para mag resign kana dito? Magkano ba’ng kailangan mo para layuan ang boyfriend ko? Is it enough? You tell me, dahil ibibigay ko ito, just to stop you from flirting with Marcus."
She took another steps to get closer to Camille. Hinawakan niya ang mukha nito at puwersahang inangat.
"You have a very innocent face Camille. Everyone thought you were a demure kind of woman. A naive... simple, modest, very feminine and gracious Camille, is a pretentious woman na nasa ilalim ang kulo."
She sarcastically clapped her hands.
"A round of applause for you Camille, kasi pati demonyo sumasaludo sa kalandian mo."
Camille turned back and was about to leave, when Valerie pulled her hair with full force.
"I'm not done yet b*tch!"
Sinampal niya nang paulit-ulit si Camille at buong lakas niya itong sinabunutan. Ito lang 'yong tanging alam niyang makakabawas sa galit na nararamdaman niya ngayon. Hindi ito nanlaban pilit lang itong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa buhok nito. No one dared to stop her. Alam niyang lahat ng mata ay nakatingin sa kanila, pero wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga nakasaksi ngayon. Ang gusto niya lang ay ang makaganti sa paraang ito.
Suddenly she felt someone's hand pulling her away from Camille. Napabitaw siya sa buhok nito dahil sa lakas ng puwersang humila sa kan'ya palayo sa dalaga.
"Stop! You stop Valerie," sigaw ni Lex sa kan'ya.
Iwinaksi niya ang mga kamay nito at nakataas ang kilay na tiningnan ang binata.
"You don't have a right to stop me from doing this!" nanggagalaiting sabi niya.
"Yes I don't… but he has a right," nakangiting sabi ni Lex sabay turo nito sa direksyon ni Marcus.
Pinunasan ni Camille ang luha sa kan'yang mukha. She felt so down. Naaawa siya sa sarili niya. 'Di man lang niya nagawang lumaban. 'Di man lang niya nagawang depensahan ang kan'yang sarili. Sobrang kahihiyaan ang nararamdaman niya ngayon.
Anong iisipin ng mga taong nakarinig sa mga sinabi ni Valerie? She lifted her head to look around at nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nila Amy. Kahit si Chris ay suminyas sa kan'ya kung okay lang ba siya. She just smiled bitterly. Karamihan sa mga taong nasa loob ay pamimintas ang nakikita niya sa mga mata nila. Lalong sumikip 'yong dibdib niya. She couldn't stop her tears from falling. Then, she felt breathless when she saw Marcus staring at her. Wala siyang emosyong nakita sa mukha ng binata. Umiwas siya sa mga titig nito at patakbong lumabas ng building.
She ran as fast as she can. 'Di niya na inisip kung sinong nababangga niya. Ang gusto niya ay makalayo sa lugar na ito, makatakas sa labis na kahihiyaan at maka-iwas sa masasakit na salitang naririnig niya sa paligid. Lumabo na ang paningin niya dahil sa walang humpay na pag-agos ng kan'yang luha. Ang bigat- bigat ng pakiramdam niya. Nang dumating siya sa MADeal ay puro sakit na lang ang naramdaman niya. Dahil… dahil pilit niyang ginugusto ang lalaking 'di niya p'wedeng gustuhin.
Nagulat na lamang siya nang biglang may humila sa kan'ya. Sumubsob siya sa dibdib ng isang lalaki at unti-unti niyang naramdaman ang dahan-dahang pagyakap nito sa kan'ya. Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng kaginhawaan sa puso. She lifted her head to see the man's face at nakita niya ang ngiti nitong may pag-aalala.
"Just cry," pabulong na sabi ni Lex.
Napahagulgol siya dahil sa 'di niya mapigilang emosyon. Kanina niya pa gustong ilabas lahat ng sakit na nadarama niya, pero 'di niya magawa kasi pinipilit niyang maging matatag sa harap ng taong nakapaligid sa kan'ya kanina. Sa paraang iyon na lamang niya ipinakitang lumaban siya kahit papaano.
Naramdaman niya ang marahang paghagod ng kamay ni Lex sa kan'yang buhok na nagbibigay ng comfort sa kan'ya. Kahit ngayon lang, sana maramdaman niyang may naniniwala sa kan'ya.
"Shsss.. Cying baby, tahan kana," nakangiting sabi ni Lex.
Sandali itong bumitaw ng yakap at bahagyang iniangat ang kan'yang baba saka pinahid ang luha niya sa mukha gamit ang magkabilang hinlalaki nito. He gave her a sweet smile and slightly pinched her nose.
"Smile… You deserve to smile."
Ngumiti lamang siya nang mapakla.
"Don't mind her. Gan'yan talaga ang mga aso tumatahol sa taong di nila lubos na kilala."
Sa sandaling tumingin siya ng direkta sa mga mata ng binata ay naramdaman niyang mayroon siyang kakampi. Naramdaman niya ang sinseridad mula dito.
"You are pretty," nakangiting sabi nito.
Kaagad siyang yumuko at nag-iwas ng tingin nang mag-init ang kan'yang pisngi.
"T-thank you sir," mahinang sabi niya.
Tumawa si Lex nang malakas saka inangat ulit ang mukha niya.
"L-E-X, Lex, not sir, okay?" natatawang sabi nito.
***
Inihinto ni Marcus ang kotse nang makarating na sila sa bahay ni Valerie. Labag man sa loob niya pero pilit niya paring inihatid ito upang ‘di na manggulo pa sa loob ng MADeal.
"This will be the last time na makikita kitang pumasok sa loob ng MADeal," pagbabanta niya.
Nagpanting ang tenga ni Valerie nang marinig ang sinabi ng binata.
"What? Pinagbabawalan mo na ba akong--"
"Yes!" matigas na sabi nito.
"Hindi p'wede! Ano na naman ba 'to Marcus? Kinakampihan mo na naman ba 'yong malanding babae na 'yon? Kung may dapat mang hindi makapasok sa MADeal, that should be Camille at hindi ako. You should fire her instead. Snake should be in the forest at hindi hinahayaang umaaligid sa MADeal, baka kamo makatuklaw."
"Val, you started the commotion! What do you expect me to do? To console you after what you did? Hindi ka man lang ba nahiya sa ginawa mo?" galit na tanong nito.
She smiled devilishly.
"I don't care! Bakit naman ako mahihiya? I was just fighting for my territory. 'Di ba si Camille dapat ang mahiya dahil nilalandi niya ang taong pagmamay-ari na ng iba. She deserved it. Kulang pa nga 'yon. It was just a warning for her to stay away from my property. 'Wag niyang kinakalaban ang isang Valerie Gomez, dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan niya."
She stared at him for a moment and then leaned forward to touch Marcus' lips. It was just a sweet peck.
"You're mine... only mine whether you like it or not," she whispered seductively in Marcus' ear.
Hindi niya na napigilan ang sarili at marahan niya nang kinagat ang tenga ng binata. She bit it with full of lust. Her hand was running on Marcus chest. Ang init ng mga kamay nitong may halong pagnanasa ay patuloy na naglalakbay sa katawan ng binata. Then a very soft moan came out from her mouth. Ginawa niya ang lahat para suklian ng binata ang init na pinapadama niya sa sandaling ito, pero tila istatuwa lang itong naka-upo habang hinahayaan siyang gawin ang nais niyang gawin.
Mapangahas niyang hinalikan ang labi ni Marcus pababa sa leeg nito. Parang nababaliw siya sa sensayong nararamdaman dulot ng pabangong nanunuot sa ilong niya sa tuwing sinusubsob niya ang mukha sa leeg ng binata. Unti-unting tinungo ng kamay niya ang sinturon ni Marcus at nang akmang tatanggalin na niya sana ito ay pinigilan nito ang mga kamay niya. Napatingin siya dito na 'di makapaniwala.
"Lumabas kana!" pagtataboy nito sa kan'ya.
She clenched her fist out of annoyance.
"Bullsh*t! You're unbelievable. 'Di ko alam kong bakla ka ba o manhid ka lang talaga. F*ck!" pagkasabi niya'y padabog siyang bumaba ng kotse.
***
Nakahiga si Camille sa kan'yang kama at paulit-ulit na bumabalik sa kan'yang isipan ang nangyari kanina. Sobrang kahihiyan ang natanggap niya at ‘di niya na alam kung paano pa siya haharap sa mga taong nakasaksi sa mga nangyari.
Ipinikit niya ang kan'yang mga mata at pilit na inaalis sa isipan ang mga nangyari. Then all of a sudden, Marcus's face flashed through her mind. Bigla niyang naalala ang mukha ng binata kanina na nakatitig lamang sa kan'ya. There was no trace of emotion on Marcus's face.
Biglang napukaw ang diwa niya nang may sunod-sunod na katok siyang narinig galing sa labas. Kaagad siyang bumangon at nagtungo sa pinto upang tingnan kung sino ang nandoon. When she opened the door her heart skipped a bit upon seeing Marcus. Nagkatitigan sila ng ilang minuto at wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Isang malamig na hangin ang humampas sa kanila, kasing lamig nito ang mga tingin ng binata na pinupukol sa kan'ya.
"Pasok po, sir!" anyaya niya.
Mabigat ang mga paa niyang naglakad pabalik sa kan'yang kwarto. Hindi niya sana gustong makita ito, pero parang tinutukso siya ng panahon. Sa bawat yabag ng binata na naririnig niya ay tila sumasabay din ang pagtibok ng kan'yang puso. Unti-unting lumalakas at unti-unting bumibilis.
"Gusto niyo ng kape, sir?" tanong niya dito nang makabalik na sila sa kuwarto.
"Don't bother."
Marcus took a step closer to her.
"Are you alright?" he asked coldly.
Tumango siya bilang sagot. Nagulat na lamang siya nang maramdaman ang marahang pag himas ni Marcus sa kaliwang bahagi ng kan'yang mukha
"You have a scratch on your face."
She felt breathless nang maramdaman ang init ng kamay ng binata. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin dito at hinawi ang kamay nitong nakahawak sa mukha niya.
"Okay lang ako, sir."
Huminga siya nang malalim at kinalma ang puso niyang kanina pa nagwawala.
"Uhmm..Tungkol nga pala kanina sir… gusto kong mag sorry."
"You don't need to apologize. Valerie started the commotion and it was not your fault."
Napatingin siya sa mata ng binata. Gusto niyang masilayan ang sinseridad sa mga mata nito. Pero nangingibabaw pa rin ang malamig na mga tingin na pinupukol ng binata sa kan'ya. She sighed audibly.
"Kasalanan ko rin 'yon, kaya nga kung maaari lang tanggapin niyo na 'yong resignation letter ko, dahil ayaw ko na ng gulo. Ayaw ko nang makalikha pa ng gulo," saad niya na may diin sa tono ng pananalita.
"I already told you. Hindi ko tatanggapin 'yon. You are unreasonable. Wala akong pakialam kung gusto mo ako. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo para sa'kin. I don't make it a big deal. I want you. I want you in my company. So, you set aside your immaturity. You forget those stuff and focus on your work."
Nakaramdam si Camille ng pagkirot sa kan'yang puso. 'Di niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya dahil sa sinabi ng binata. Ba't ang dali lang para ditong sabihin 'yon? Porke't hindi ito 'yong naaapektuhan sa nangyayari? Biglang nanuyo ang kan'yang lalamunan at sumikip ang dibdib niya. Nararamdaman niya na ang luha niyang nagbabadyang bumagsak.
"I-ito ‘yong sa tingin ko ang mas m-makakabuti," sambit niya sa garalgal na boses.
Marcus smiled bitterly.
"I don't care! Magtatrabaho ka pa rin sa kompanya ko and you have nothing to do with that. Naiintindihan mo ba?"
Iniwas niya ang mata sa matatalim na tingin ng binata sa kan'ya, dahil mukhang 'di niya na mapipigilan pa ang luha niyang kanina pa gustong kumawala. Kaagad niyang tinalikuran ang binata at akmang maglalakad palayo rito, nang bigla na lang siyang hinila nito pabalik. Sumubsob ang katawan niya sa matipunong katawan ni Marcus at nagpang-abot ang mga mata nila.
"Wag mo'kong tatalikuran, kinakausap kita. Boss mo pa rin ako and you should respect me. 'Wag kang bastos," ma-awtoridad na sabi ni Marcus.
Damang-dama niya ang mahigpit na pagkakahawak ng binata sa palapulsohan niya. 'Di niya maikubli ang takot na nadarama nang makita ang galit sa mga mata nito.
" S-Sorry sir..."
Suddenly, tears fell from her eyes. Hindi dahil sa takot niya. Hindi dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kan'ya. Kundi dahil sa hindi niya mapigilang sakit na nararamdaman ng kan'yang puso. She's broken. Basag na basag ang puso niya. Parang sinampal sa kan'ya ng binata ang katotohanang wala nga itong gusto sa kan'ya. Masyado siyang naaapektuhan sa matatalim na salitang binitawan nito.
Lumuwag ang pagkakahawak ni Marcus sa palapulsohan ng dalaga nang makita niya ang pagbagsak ng luha nito. Tila hinaplos ang puso niya sa mga sandaling iyon at di niya magawang magalit sa dalaga. He felt pity for Camille. Alam niyang nagiging makasarili siya, pero hindi niya hahayaang makawala ang dalaga sa mga kamay niya. Hindi niya hahayaang makatakas ito sa lupit at pagdurusa nito sa loob ng kompanya niya. This is what he ever wanted, ang makitang nasasaktan at nahihirapan itong mabuhay sa mundong ginagalawan nito.
Tuluyan niya nang binitawan ang dalaga at ang mga kamay niya'y handa ng punasan ang mga luha ni Camille na nag uunahang tumulo, pero pinigilan niya lamang ang kan'yang sarili at kaagad kinuyom ang mga kamay. Kapagkuwan ay nagpakawala siya nang malalim na hininga.
"I'll see you tomorrow," pagkasabi niya'y tinalikuran niya na ito at diretsong naglakad palabas ng apartment.
***
Huminga si Camille nang malalim bago tuluyang naglakad papasok ng MADeal. Hinanda niya ang sarili sa matatalim at mapanghusgang mga tingin ng mga taong nasa loob. Kailangan niyang balewalain ang mga ito dahil ito lang ang alam niyang paraan para mapanatag ang loob niya. Kung patuloy niya itong iisipin ay mas lalo lang siyang mababahala at masasaktan.
Kailangan niyang tatagan ang sarili niya. Kailangan niyang maging matibay. Hindi siya dapat magpa-apekto sa mga naririnig niya.
Pagpasok niya pa lang ay sumalubong na sa kan'ya ang mga matatalim na tingin ng mga empleyadong nakakasalubong at nadadaanan niya. Rinig na rinig niya ang bulong-bulungan nito pero hindi niya na iyon binigyan ng pansin.
"Pumasok pa siya, pagkatapos ng nangyari? Kapal naman ng mukha."
"Si Camille oh!"
"Hala! Akala ko nasitante na siya."
"Akalain mo may landi din pa lang tinatago."
"'Iyan ba 'yong babae kahapon?"
"Ang lakas din naman ng loob niyang landiin si Sir."
Nahuli niya na lang ang sarili niyang tulala habang tinatahak ang hagdan patungo sa kanilang office. Mas pinili niya na lang dumaan dito kaysa makipagsabayan sa mga tao sa elevator na siya lang ang laman ng bibig. Ang bigat ng pakiramdam niya at pagod na pagod ang mga mata niyang umiyak magdamag. Hindi siya nakatulog kagabi, pero pinilit niya parin ang sariling pumasok kahit alam niyang ito ang dadatnan niya sa loob.
Nang makarating na siya sa ika-apat na palapag ay sumalubong sa kan'ya ang nakangising si Kate. Nag-iwas siya ng tingin at nilagpasan lamang ito.
"Kamusta naman ang pamamangka sa dalawang masaganang ilog?" sarkastikong tanong nito.
Patuloy lang siya sa paglalakad at ‘di na pinansin pa ang sinabi nito.
"Dapat kasi nag-iingat ka sa mga pasideline-sideline na panlalandi mo. Ayan! nahuli ka tuloy."
Napangiti si Kate nang huminto si Camille sa paglalakad. Hinarap siya ng dalaga at sumilay sa mukha nito ang galit. Kaagad siyang humakbang upang lapitan ito. Nang makalapit siya'y hinawi niya ang buhok ng dalaga at inipit ito sa tenga, kapagkuwan ay ngumiti siya nang nakakaloko.
"Kung magmimina ka lang naman, piliin mo ‘yong matandang mayamang madaling mamatay. ‘Wag ka kasi do'n sa mga may nagmamay-ari na. Ayan tuloy nasampal ka. Landi mo kasi eh."
"Bago mo ibuka ‘yang bibig mo, siguraduhin mong tama ‘yang pinagsasabi mo," sambit ni Camille na may pigil na galit sa boses.
She laughed playfully.
"Bakit? Totoo naman talagang malandi ka. Isa kang higad. Kating-kati kang landiin si Lex at Marcus. Porke’t alam mong may masisipsip kang yaman. Edi sana, nag-apply ka na lang bilang prosti--"
Isang malakas na sampal ang natanggap niya. ‘Di siya makapaniwalang nagawa siyang sampalin nito. Nanlilisik ang mata niya dahil sa galit. Damang-dama niya ang hapdi ng mukha niyang tila nanunuot pa sa kailaliman ng kan’yang balat.
"How dare you!" galit na sigaw niya.
Akmang gagantihan niya sana ito ng sampal pero mabilis na nasalo nito ang kamay niya. Mas Nanlilisik ang mata niya a galit at ramdam na ramdam niya ang pag-init ng buong katawan niya.
"Saka mo na 'ko sampalin kapag may karapatan kana," matapang na sabi ni Camille.
Naiwan si Kate na gulat na gulat at ‘di makapaniwala sa inasta ni Camille. ‘Di niya akalaing lalaban ito.
"Gulat ka'no? Parang Tide lang. Wag mo kasing gisingin ang isang liyong nagbabalat tupa," natatawang sabi ni Lex habang naglalakad palayo sa dalaga.
"K-kanina ka pa? Bakit dito ka dumaan, sir?" nagtatakang tanong niya.
Hindi siya nito sinagot at tanging pagkindat lang ang ginawa nito.