"Boom! huli ka Camille," pabulong na sabi Kate saka ibinaba ang cellphone na hawak niya at dahan-dahang isinara ang pinto upang 'di makagawa ng ingay.
Hinarap ni Marcus si Camille at nagtama ang mga mata nila. Kitang-kita niya ang sinseridad dito. Humakbang siya papalapit na hindi manlang tinatanggal ang mga tingin sa dalaga. Napapansin niya ang panginginig nito na halata ang kabang nararamdaman ngayon, pero kahit ganoon pa man ay pilit nitong tinutugon ang mga titig na ipinupukol niya.
Marcus grabbed the letter on her hand. She felt at ease ng kunin ito ng binata. Para siyang natanggalan ng tinik sa paa and at the same time, para bang nakakaramdam din siya ng paghihinayang
Ito ang gusto niya ang payagan siya nitong mag resign. Pero bakit parang gusto ng puso niyang pigilan din siya nito?
Sa 'di inaasahan ay bigla nitong pinunit sa harap niya ang papel. Nakatulala siyang nakatingin sa walang emosyong mukha ni Marcus. Tinalikuran siya nito saka bumalik sa kinauupuan nito kanina at itinuon ang tingin sa laptop. Walang kahit na anong lumabas na salita galing sa bibig niya. 'Di niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
"Get out!" sambit nito.
Para siyang isang robot na awtomatikong napasunod sa utos ni Marcus.
Sinundan nito ng tingin ang dalaga hanggang sa makalabas ito ng kan'yang office. Napasandal siya sa swivel chair at napangisi. Nilalaro ng mga daliri niya ang ballpen na nasa kan'yang mesa habang iniisip ang hitsura ni Camille kanina.
Ang kabado at namumulang mukha nito kanina sa tuwing nagkakalapit sila; ang panginginig ng labi nito sa tuwing nagsasalita; ang pagtugon at pag-iwas nito sa mga titig niya lahat 'yon ay napansin niya. Her face really looks innocent kabaliktaran sa itinatago nitong ugali.
Now, Camille was slowly falling on his trap, kahit wala pa man siyang masyadong ginagawa. Umaayon na sa kan'ya ang tadhana. Pagbabayaran nito ang ginawa nitong kawalang-hiyaan sa kan'yang kapatid. Sisiguraduhin niyang mababasag ito ng pinong-pino at hindi na nito gugustuhin pang mabuhay sa miserable nitong mundong ginagalawan.
***
Napapikit si Camille habang paulit-ulit na pinapakinggan ang kantang pinapatugtog niya na umaayon sa kan'yang nararamdaman ngayon. Nakahiga siya sa kan'yang kama at sakop na naman ng isip niya si Marcus.
Dalawang oras nang naghihintay si Kyle sa labas ng MADeal. Hinihintay niyang makalabas si Camille, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalaga. Imposible namang umuwi ito ng maaga, dahil madalas naman itong alas otso na kung umuwi. Kagabi pa siya nag-aalala at hindi siya mapakali hangga't 'di niya nakikitang okay na ito. Kinuha niya ang cellphone sa kan'yang bulsa at minabuting tumawag na para masigurado niyang nasa loob pa ito ngayon.
Dali-daling bumalik si Marcus ng MADeal nang tawagan siya ni Tanya upang ipaalam sa kan'yang nasa office niya daw ang kan'yang Daddy. Pinatay niya kaagad ang makina ng kotse at pagkalabas niya'y agad nahagip ng mga mata niya ang binatang nakasandal sa motor nito. Kung 'di siya nagkakamali ay si Kyle Bernardo iyon na kaibigan ni Camille. Mukhang hinihintay nito ang dalaga, pero sa pagkakaalam niya ay maagang umuwi si Camille kanina. Inalis niya na ang tingin kay Kyle at nagkunwaring hindi ito nakita pero nang nasa tapat na siya ng binata ay biglang tumunog ang cellphone ni Camille na dala-dala niya. Kaagad niya itong dinukot sa kan'yang bulsa at na naistatuwa siya nang makita kung sino ang tumawag.
Kyle is calling Camille's number.
Binalingan niya ng tingin si Kyle at agad na nagtama ang kanilang mga mata. Nahalata niya sa mukha nito ang pagtataka nang marinig nitong tumunog ang kan'yang cellphone. Sinubukan niyang umakto ng normal upang hindi siya mahalata nito. Pasimple niyang pinatay ang tawag at kapagkuwan ay itinapat sa tenga ang cellphone.
"Hello Dad!" pagkukunwari niya at pinagpatuloy ang paglalakad upang makalayo na agad.
Nararamdaman niya pa ang matalim na tingin ni Kyle sa kan'yang likod hanggang sa makapasok siya ng building.
Nadatnan niya ang Daddy niyang naka-upo sa visitor's chair. Kaagad siyang tumungo sa kan'yang puwesto at umupo sa tapat nito. Gumuhit naman sa labi ng kan'yang ama ang ngiti nang makita siya.
"Dad, sorry I'm late," pambungad na sabi niya.
"No, it's okay. I came to visit you because I heard your upcoming weddi--"
Hindi niya na hinayang matapos pa nito ang sinasabi dahil nag-iinit ang ulo niya sa tuwing naririnig iyon.
"It will never happen."
His father looked directly in his eyes.
"Yeah! I knew it. Pinuntahan ako ni Mr.Gomez kanina and he--"
"He begged?" he interrupted again and smiled bitterly.
"Pati kayo dinadamay niya. Pathetic!" he said, clenching his fist.
"Yes, so pathetic! Kaya niya lumuhod at magmakaawa sa harap ng maraming tao for the sake of his beloved daughter. But I envy him, kasi nagagawa niyang tulungan at supurtohan ang anak niya kahit pa kapalit no'n ay ang kan'yang pride."
Sumilay sa mukha nito ang pait at lungkot na nararamdaman nito ngayon. Nasasaktan siyang nakikitang sinisisi ng daddy niya ang kan'yang sarili sa pagkawala ng kapatid niya. Hanggang ngayon ay presko pa rin sa ala-ala nila ang nangyari kahit apat na taon na ang nakakaraan. Parehas silang nagdadalamhati sa nangyari. Alam niyang hanggang ngayon ay masakit pa rin para rito ang pagkawala ni Jaydon, na kahit naman siya ay 'di pa rin matanggap ang pagkawala nito. Kaya nga't naghahanap siya ng hustisya para sa kapatid niya at babaunin niya sa hukay ang poot sa kan'yang puso sa taong gumawa no'n kay Jaydon.
"Do you want me to marry her?" tanong niya.
Kahit pa labag sa loob niya ang pagpapakasal kay Vallerie ay kaya niyang gawin 'yon, kung 'yon ang ikakapanatag ng loob ng kan'yang ama.
"Of course not! Sino ba ako para panghawakan ang puso at desisyon mo? You have your own mind and own heart. Si Valerie… I pity her as well as her Dad, pero hindi ko anak si Valerie. Hindi ko p'wedeng buhayin ang presensya ni Jaydon kay Vallerie. Kahit gusto ko man siyang tulungan dahil iyon ang hindi ko nagawa sa kapatid mo, ang tulungan at suportahan siya… pero 'di ko pwedeng gawin 'yon. I wont sacrifice your happiness for the sake of Valerie, dahil kung may susuportahan man ako at tutulungan ay ikaw yon. Gusto kung iparamdam sa'yo ang hindi ko naparamdam kay Jaydon."
Namuo ang luha sa kan'yang mga mata Marcus pero pinipigilan niya lamang itong bumagsak. Ayaw niyang umiyak. Ayaw niyang makita siya nitong mahina. Kasi nagpapakatatag siya para sa kan'yang daddy, para sa kaligayahan nito.
"Live your life happily. 'Yan ang hiling ko sa'yo Marcus."
Nasaksihan niya ang pagbagsak ng mga luha nito bago pa man ito makalabas. Naiwan siyang damang-dama pa rin ang kirot sa kan'yang puso. Tumingala siya upang pigilan ang mga luhang gusto ng kumawala sa kan'yang mga mata.
***
"Camille! Milmil! Buksan mo'ng pinto. Si Kyle ito!" sigaw niya habang kinakatok ang pinto.
Ilang sandali lang ay bumukas na ito at sumalubong sa kan'ya ang mukha ni Camille na may pagtataka.
"Kyky, anong ginagawa mo dito?"
Pumasok si Kyle sa loob saka tinungo ang kama ni Camille at nang makita ang cellphone nito doon ay kaagad niya itong kinuha. Hinarap niya ang dalaga nang nakakunot ang noo.
"Saiyo 'to? 'Di naman ito yong cellphone mo ha? Bakit 'di ka sumasagot sa mga tawag ko?" sunod-sunod na tanong niya.
Humakbang si Camille papalapit saka kinuha sa kamay niya ang cellphone. Umupo ito sa kama at kapagkuwan ay hinatak siya upang paupuin sa tabi nito.
"Kyle naiwala ko 'yong cellphone ko. Sorry, nakalimutan kong sabihin sa'yo. Nag-alala ka ba?" malambing na tanong nito.
"Bakit? Paano? K-kailan?"
Napangiti si Camille sunod-sunod na tanong niya.
"No'ng time na naabutan mo si sir Marcus dito. Hinatid niya ako dito sa apartment nang makita niya akong nawalan ng malay sa MADeal. Siya na rin 'yong nagbigay ng cellphone nato kasi naihulog ko 'yong akin, tapos 'di niya sinasadyang matapakan ito. Ang creepy kasi no'n Ky… Naglalakad ako no'n sa hallway nang biglang mawalan ng ilaw sa buong building kaya ayon nag hallucinate ako. Feel ko parang may sumusunod sakin. Tapos pagkagising ko na lang nandito na ako sa apartment kasama si sir."
Nagpang-abot ang kilay niya nang marinig iyon. Bakit parang may kakaiba siyang nararamdaman sa ikinuwento ni Camille. Parang may something talaga. Hindi kaya...
"Iyong dati mong cellphone, saan na?"
"Ewan, 'di ko alam. Siguro naita--"
"Iyong Sim card mo, saan?" sunod-sunod na tanong niya.
"Nandoon sa dati kong cellphone at sigurado akong naitapon na'yon ng janitor. B-bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Camille.
Tiningnan niya nang diretso sa mata ang dalaga at hinawakan ang magkabilang nitong kamay.
"Mag-ingat ka palagi, Milmil. Akin na'yong phone mo at isi-save ko 'yong number ko."
Kaagad namang ibinigay ni Camille ang cellphone nito sa kan'ya.
"Tawagan mo 'ko agad kapag may kailangan ka, okay?"
"O-okay" tugon nito na parang naguguluhan sa kan'yang ikinikilos.
***
"Ano? 'Di na matutuloy ang kasal? Bakit daw?" gulat na tanong ni Amy.
"Oo daw eh, 'yan yong kumakalat na balita dito sa buong kompanya," sagot naman ni Shon sabay kagat sa apple na hawak nito.
"Ang sabi nila si sir Marcus daw ang umayaw sa planong kasalan," pabulong na sabi ni Chris.
"Tsk tsk tsk… Bakit kaya? Maganda naman si Valerie, sexy, makinis, maputi, matangkad, perfect na 'yong physical appearance niya," mausisang tanong ni Shon sabay kagat muli ng mansanas.
"Eh, baka naman magaspang 'yong ugali. Baka naisip ni Sir Marcus na kapag si Valerie ang naging asawa niya, magkakaroon ng World War III. Kasi parehas silang mainitin ang ulo. Kapag nagkaanak sila baka ipaglihi pa niya ito sa galit," natatawang sabi ni Amy.
"Hindi kaya bakla si sir Marcus? Kaya 'di niya maatim na magpakasal, matulog katabi ang babae at bumuo ng anak?"
Napakamot na lamang si Chris sa ulo nang makatanggap ito nang malakas na sapak mula kay Amy.
"Tanga! puro ka talaga kalokohan."
"It sounds interesting."
Nabaling ang pansin nila nang marinig ang sabi ni Kate.
"Ang alin Kate? 'Yong bakla si sir Marcus?" Chris curiously asked.
Natahimik silang lahat at napatingin sa pintuan nang bumukas ito.
"Baby, good morning!" nakangiting bati ni Chris saka tumayo at sinalubong si Camille sabay halik nito sa pisngi ng dalaga.
Nalaglag naman ang panga ni Camille dahil sa ginawa nito.
"Oh, bakit? That's normal! Pisngi lang 'yan Camille, ano ka ba! 'Di ka pa ba nahahalikan? Na devirginized ko ba 'yong cheek mo? Eh, 'yong lips mo ba, virgin--"
"Kahit kailan bastos ka talagang bata ka!" sigaw ni Amy sabay bato ng ballpen na tumama sa noo ng binata.
'Di na pinansin ni Camille ang pag-aaway ng dalawa at dumiretso na siya sa kanyang table at ini-on ang computer.
"I thought you resigned?"
Binalingan niya ng pansin si Kate upang masigurado niya kung siya mismo ang kinakausap nito. Bakit alam nitong magre-resign sana siya? Paano nito nalaman? Pinaalam kaya ni Marus? May nagsabi kaya kay Kate? Narinig kaya nito ang pag-uusap nila ni Marcus kahapun? Namuo kay Camille ang pagtataka.
"May balak kang mag resign, Camille?" nakakunot-noong tanong ni Amy habang naghihintay ng kasagutan.
Napalunok si Camille, parang naramdaman niya ang panunuyo ng kan'yang lalamunan.
"Uhmm.. O-oo sana," nagdadalawang isip na sagot niya.
"Bakit?" tanong ni Shon na ngayon ay interesado naring nakikinig sa usapan nila.
"Eh..kasi gusto niya si..." sabi ni Kate saka tumingin kay Camille at ngumiti nang masama.
"Sino? Ako?" sabat ni Chris sa usapan.
Nagsimula nang manginig ang kamay ni Camille dahil sa tensyong nararamdaman niya. Gusto niyang mag walk out para takasan ang mga tanong nito sa kan'ya. 'Di siya makapagsalita, 'di niya alam kung anong sasabihin niya. Dinig na dinig niya na ang lakas ng pintig ng puso niya.
"Yes ikaw! Gusto ka niya Chris, gusto ka niyang iwasan," natatawang sabi ni Kate pero 'di pa rin nito inaalis ang nakakalokong tingin nito kay Camille.
"Totoo ba baby?" yanong ni Chris habang nakanguso.
"Joke!" sabi ni Kate saka nagpakawala nang malakas na tawa.
"But seriously Camille, bakit mo naisipang mag resign? Oh by the way… nalaman kong mag re-resign ka kasi nakita kong gumagawa ka ng resignation letter kahapun," pagsisinungaling ni Kate.
"Hmm.. Ano kasi m-mag ano...
may, may mas magandang offer sakin na trabaho," pautal-utal na sagot niya.
"Oh?" Kate gave her a smirk.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"You canceled the wedding?" gulat na tanong ni Lex kay Marcus.
Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan niya. Kaya kaagad siyang nagtungo sa office ni Marcus at nilinaw sa binata ang balitang nasagap niya. Pero ngayong narinig niya na ang katotohan galing mismo kay Marcus ay mas triple pa siyang nagulat.
"Why? You've been together for almost 4 years. 'Di ba dapat magpakasal na kayo?"
"That was a toxic relationship. So, why should I sacrifice myself, my whole life, just to marry a possessive woman like her?" galit na sabi nito.
"Yuh! But it was a f*cking embarrassment, a f*cking insult sa parte ni Valerie, sa parte ng pamilya niya."
"I don't care, I will never care at all. Tapos na akong magbigay ng pabor sa kanila."
"How about Valerie? You know her. She's vulnerable when it comes to you. She might--"
"She might what? She might kill herself again? I don't want to tolerate her over and over again. She must learn to stand without me. Her f*cking life was not my concern at all. So, if you care that much, you can stay with her as long as you want."
Napatawa siya nang malakas sa sinabi ni Marcus. Disidido na nga itong iwan si Valerie. All this time, ngayon pa nito nagawang kumawala sa pagkakatali sa dalaga. Nagiging malupit at self centered na ito ngayon. Tuluyan na nitong kinalimutan ang salitang awa.
"Kung p'wede lang, gagawin ko Marcus. Hindi naman mahirap magustuhan si Valerie. She's gorgeous, sexy, flawless and seductive, right? Ni minsan ba 'di ka nalunod sa halik niya? 'Di ka ba natempt na angkinin siya? I'm sure you kissed here already but more than that... 'di ako sure. So tell me did you have se--"
"Shut the f*ck up, Lex!" sigaw ni Marcus saka napasuntok sa mesa na ikinagulat naman ni Lex.
Kanina pa siya nagtitimpi. Gustong-gusto niya nang sunggaban ng suntok sa mukha ang kaibigan. Mas lalo nitong pinapainit ang ulo niya.
"Okay, okay fine! Chill Marcus, I'm just bluffing. You're too serious," natatawang sabi nito habang nakataas ang kamay.
Pareho silang napatingin sa pinto nang bumukas ito. Bumungad sa kanila ang nakabusangot na mukha ni Valerie. Nakasuot ito nang maiksing fitted black dress. Lutang na lutang ang maputing balat nito dahil sa kulay ng damit. Makapal ang eye shadow nito na halatang tinatabunan lang ang namamaga nitong mata.
"Hi Valerie! You look stunning as always," nakangiting sabi ni Lex at sinalubong ito.
Nilagpasan lamang siya ng dalaga at 'di man lang siya tinignan. Diretso itong umupo sa visitor's chair na inuupuan niya kanina.
"I have to go, maiwan ko na kayo. Enjoy Marcus!" he chuckled and gave Marcus a playful smile.
Nang makalabas na si Lex ay saka lang nagsalita si Valerie.
"Ikaw ba ang nagpakalat na hindi na matutuloy ang kasal natin?" galit na tanong ni Valerie.
"Yes I am! What's the matter? Totoo naman," kalmadong sagot ni Marcus.
"How could you do this to me Marcus?"
Tinigil niya ang pagbabasa sa mga nakahilerang papeles sa table niya at tinitigan sa mata ang dalaga. Nakita niya ang luhang namumuo sa mga mata nito, pero pinigilan niya ang sariling maawa.
"Ginawa ko lang ang tama at kung ano ang dapat gawin."
Nang akmang sasampalin siya ni Valerie ay kaagad niyang sinalo ang kamay nito. Mas lalong nanlisik ang mata ng dalaga dahil sa galit. Kaagad namang binawi nito ang kamay nang nabigo ito sa pagsampal sa kan'ya.
"Tinapos ko na kung anong meron tayo Val. So, there is no reason for you to stick around me. There's nothing to talk about. So, you may leave now."
Padabog na tumayo si Valerie habang pinipigil ang pag-iyak.
"Tayo parin Marcus, whether you like it or not. Walang puwedeng makakapaghiwalay sa atin. You're mine from head to toe. I won't let anyone steal you from me. Ngayon palang maghuhukay na ako ng libingan ng sinomang magtangkang umagaw sa'yo. What Valerie wants, Valerie gets. Mark my word darling," sambit nito bago ito lumabas.
Nang matanaw ni Kate na lumabas na ng office si Valerie ay kaagad niya itong sinundan hanggang sa comfort room. She walked wearing her playful smile. Nagtungo siya sa salamin upang mag kunwaring nag-aayos ng kan'yang make-up, sa katunayan ay hinihintay niya lang si Valerie na lumabas do'n sa dulong cubicle. Rinig na rinig niya ang paghagulgol nito sa loob.
"Pathetic woman!" bulong niya sa isip saka ngumiti ng nakakaloko.
Sampung minuto din siyang nag hintay bago ito lumabas. Umakto agad siyang nagulat nang makita ito. Mugtong-mugto ang mga mata ni Valerie.
"Oh My Gosh, are you alright?" pagkukunwari niyang nag-aalala.
"The hell you care?" galit na sambit nito saka ito tumabi sa kan'ya nang ilang distansya at humarap sa salamin habang pinapahid ng tissue ang nag smudge na make-up nito.
"You're Valerie, right? Ikaw yong ikakasal sana kay sir Marcus?"
Tinignan siya nang masama ni Valerie at ngumiti lamang siya.
"Sayang naman 'yong kasal, kung di matutuloy."
Mas lalong nag-apoy ang mata ni Valerie nang narinig ang sabi nito.
"Don't talk to me as if we're close. Who are you? You're just an employee here. Stop acting like we're on the same level. Wala kang pakialam sa buhay ko. Mind your own business!"
Kaagad siya nitong tinalikuran at tumungo sa pinto.
"I'm sure you will thank me after I show you this."