"Camille!"
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Camille nang matanaw niya sa 'di kalayuan ang kan'yang inang kumakaway habang bakas sa mukha nito ang pagkagalak nang makita siya.
"Ma!" sigaw niya habang ikinakaway ang kanang kamay na may bitbit na pasalubong.
Nang makalapit sila'y kaagad siyang yumakap dito nang mahigpit.
"Namiss kita ma sobra," maluha-luha niyang sabi.
"Naku! Ayan kana naman, iiyak-iyak. Ang laki-laki mo na tapos iyakin kapa rin," natatawang sabi nito sabay hagud sa buhok niya.
Agad pinunasan ni Camille ang mga luha sa kan'yang mga mata at binigyan ng halik sa pisngi ang ina.
"Naku! naglalambing 'tong dalaga ko."
"Mama naman… Ba't parang di mo 'ko namiss?"
"Aba! nand'yan na pala ang baby girl ko."
Nang makita ni Camille ang ama niya'y patakbo siyang lumapit dito at kaagad yumakap ng napakahigpit.
"Pa namiss kita!"
"Wala lang 'yan sa pagkamiss ko sa'yo," nakangiting sabi nito.
Kumawala si Camille sa pagkakayap at kinurot ang magkabilang pisngi ng kan'yang ama.
"Ba't parang tumataba ka pa?" pang-aasar na tanong niya sa ama.
"Talaga? Parang hindi naman yata. Sa katunayan nga ay mas nagkakamuscles na nga ako," pabirong sabi nito.
Camille laughed loudly.
"Baka fats siguro pa. Dapat kasi gayahin mo si Kyle. Tingnan mo pa oh, may abs na 'yan, pinaghirapan niya 'yan. 'Lika nga Kyle dali, ipakita mo kay papa."
Biglang nakaramdam si ni Kyle ng hiya dahil sa pang-aasar ng dalaga.
"Naku tito! 'Wag kayong maniwala diyan. Pinagloloko lang kayo n'yang anak niyo," sambit niya sabay tingin ng masama kay Camille.
"Sus! 'yang pandesal mo Kyle wala 'yan sa pandesal ko noong kabataan ko pa. Ilan ba pandesal mo? Iyong akin kasi noon, eh walo," pabirong sabi ng papa ni Camille.
"Paanong 'di magiging walo, eh tig walo-kwatro 'yong pandesal dati," sabad ng ina ni Camille.
Napatawa silang lahat sa sinabi nito.
"Tama na muna 'tong usapan, pumasok muna kayo sa loob at maghahanda ako ng pananghalian," pag-anyaya ng mama nito.
Matiim na inaanalisa ni Kyle ang bawat galaw na ginagawa ng ama ni Camille. Nakadalawang rounds na silang naglalaro ng chess at hindi pa rin siya nanalo. Aminado siyang, talagang mahusay ito maglaro. Noon pa man ay hindi niya na magawang talunin ito at tanging pagkamot na lamang sa ulo ang nagagawa niya sa tuwing natatalo siya.
"check"
Nasapo ni Kyle ang kan'yang noo nang makitang talo na naman ulit siya.
"Ayoko na! Suko na ako tito. Tanggap ko na talagang kahit kailan 'di kita matatalo," napakamot sa ulong sambit niya.
"Ano ba! Bakit susuko ka agad, magaling ka naman ah. Maglaro ulit tayo."
"Huwag na po, dadami lang 'yong record of losses ko eh," natatawang sabi niya.
"Sabihin mo nga sa akin… May nanliligaw ba sa anak ko?" biglaang tanong nito sa kan'ya.
"Ah-- w-wala naman po siguro. Hindi naman niya naikukwento sa akin."
"Imposible kasing wala. Tingnan mo si Camille..."
Kyle looked at Camille's direction. Nakangiti ito habang abalang tinutulungan ang ina nito sa pagluluto sa kusina. 'Di maikukubli sa mukha ng dalaga ang tuwang nadarama ngayon.
"Maganda, mabait, babaeng-babae, kaya imposibleng walang nanliligaw diyan," dugtong nito sa sinabi.
Kaagad iniwas ni Kyle ang tingin sa dalaga.
"Ah-- Oo tama po kayo, imposibleng wala," pagsang-ayon niya.
"Kung sino man ang manligaw sa anak ko kailangan niya muna akong matalo bago ko ibigay sa kan'ya ang permiso."
Nabulunan si Kyle sa kan'yang narinig. Hindi siya makapaniwalang idadaan ng ama nito sa laro ang mga manliligaw ni Camille. Para yatang gusto nitong sabihing 'wag na siyang magkakamaling manligaw kay Camille dahil wala na nga talaga siyang pag-asa pa dahil bagsak na siya."
"Okay ka lang? Gusto mo ba ng tubig?"
Kyle cleared his throat before he uttered a word.
"Hindi na po, okay lang po ako," naiilang niyang sabi.
"Ano laro tayo ulit? Alam kung kaya mo akong talunin, ramdam ko 'yon," sambit nito sabay pakawala ng isang makahulugang ngiti.
Tila hinaplos ang puso ni Kyle sa huli nitong sinabi. Bakit pakiramdam niya'y may isang libong paru-parong nagliliparan sa sikmura niya? Bakit parang nakakakita siya ng liwanag sa makulimlim na daang pinipilit niyang tahakin. Is he taking the side with me? Sinasabi ba nitong naniniwala siyang makukuha niya ang puso ni Camille? Posible bang, gusto siya nito para kay Camille?
"Kyle!"
Natigilan si Kyle sa pag-iisip nang marinig niya ang boses ng ina ni Camille na tinatawag ang pangalan niya.
"po?"
"Halika na rito, mananghalian na tayo."
Napakurap-kurap siya nang marinig ang sabi nito. Kaagad niyang binalingan ng tingin ang ama ni Camille pero wala na ito sa katapat na sofang inuupuan niya. Nang idako niya muli ang tingin sa kusina kung saan naroroon sina Camille at ina nito ay napakamot na lamang siya sa ulo nang 'di oras dahil nandoon na pala ang ama ni Camille habang komportableng nakaupo.
He walked towards the kitchen at pasimpleng umupo sa tabi ni Camille. Akmang magsasandok na sana siya ng kanin nang biglang subuan siya ng dalaga.
"Try mo Kyle, ako nagluto niyan," nakangiting sabi nito.
Nakaradam siya ng pagkailang lalo pa't nasa harap niya ang mga magulang nito.
"Sh*t! Bakit ngayon pa, Camille? Papatayin mo ba ako sa hiya?" bulong niya sa isip.
"Sige na Ky, say ah..!"
Sinulyapan ni Kyle ang ama ng dalaga at hindi siya nagkakamali, nakatingin nga ito sa kan'ya. Isang tingin na nagpapalambot sa kan'yang mga tuhod.
"Anak, tigilan mo nga si Kyle. 'Wag mo siyang kinukulit," saway ng ina ni Camille.
"Sige na Ky, isa lang. Ahh..."
Kahit naiilang ay pilit na kinain niya ang sinubo nitong pagkain sa kan'ya dahil tiyak siyang 'di ito titigil hangga't hindi niya ginagawa ang gusto nito.
"masarap?" madiin na tanong ng ama ni Camille na ikinagulat niya.
"H-ha? O-opo..." nauutal na sagot niya.
"Talaga Ky?" tanong ni Camille na may kinang sa mga mata.
Tumango siya bilang kasagutan. Sa katunayan ay hindi niya alam ang lasa nito. Tila nagmanhid kasi ang buong katawan niya at nawalan siya ng panlasa dahil sa kabang nararamdaman niya sa ngayon. Pinagpapawisan na ang mga kamay niya at pati na rin ang kan'yang noo.
"Pa, tikman mo rin. Ano masarap ba ang adobo ko?"
"Oo masarap, puwede ka nang mag-asawa."
"Anong pinagsasabi mo diyan? Bente-tres pa lang 'yang anak mo, pag-aasawahin mo na?" sumbat ng ina ni Camille.
"Aba'y nasa wastong edad na si Camille, wala namang problema do'n basta ba'y mabuting lalaki ang mapapangasawa niya" sagot nito.
"Ma, pa wala pa po sa isip ko 'yan," sambit ni Camille.
"Mabuti naman anak. Naku! 'wag ka munang magmadali, dadating din 'yong karapat-dapat na lalaki para sa'yo. Ang tunay na pag-ibig ay hindi hinahanap, kusa 'yang dadating," pangangaral nito.
"Eh paano 'pag walang dumating? 'Wag mong sabihin Carmen, paghihintayin mo pa rin ang anak mo?" natatawang sabi nito saka lumagok ng tubig.
"Kung hindi ipahihintulot ng panginoong magkaasawa siya, wala namang masama doon. Kaysa naman magkaasawa nga siya pero sa maling lalaki naman."
"Sinasabi mo bang aaksayahin niya ang panahon sa paghihintay sa tamang lalaki, imbis na hanapin niya 'yong taong karapat-dapat sa kan'ya? Gano'n ba? Ang blessing Carmen hindi lang hinihintay, kailangan mo ring pagsikapan. 'Wag mong sabihin sa aking maghihintay ka lang ng biyayang bigay ng Diyos para makakain, imbis na pagtrabahuan mo upang matanggap mo yong blessings?"
Isang malakas na palakpak ang binigay ni Camille habang nakangiting tinitingnan ang ama.
"Wow! Iba ka talaga pa. Pa'no mo naisip 'yong gano'n?"
"Sus! Ako pa, marami akong baong bala para matalo sa debate ang mama mo," mayabang na sabi nito.
Napatingin si Kyle sa ina ni Camille na kumakain. Hindi na ito umimik pa. 'Di naman makikitaan ng pagkapikon o galit ang mukha nito pero may kung anong emosyon ang nangingibabaw dito na hindi niya mawari kung ano.
"Naku! tito outside the kulambo ka mamaya," pabirong sabi ni Kyle upang mawala ang tensyon sa paligid pero tanging pagngiti na lamang ng mapakla ang gumuhit sa labi ng ina ni Camille.
"Baka kamo outside the house," saad ng papa ni Camille at sinabayan pa ng malakas na pagtawa.
***
Napatingin si Kyle sa orasang nakasabit sa dinding, pasado alas-tres na pala ng hapun. Mag tatatlong oras na siyang nakatambay sa bahay ni Camille. Kaagad niyang binalingan ng tingin ang dalaga na matiim na nanunuod ng tv sa tapat niya.
"Milmil!" mahinang tawag niya.
"Hmm?" tanging sambit lamang nito nang hindi man lang inaalis ang tingin sa tv.
"Hindi pa ba tayo aalis?"
Napatalon si Camille sa kinauupuan nito nang marinig ang kan'yang sabi. Diretso nitong hinablot ang bag na nasa tabi at kaagad na tumayo.
"Lagot! Nakalimutan kong babalik pa pala tayo ng Manila."
"Oh? Aalis na ba kayo 'nak?" tanong ng ama nito na kakapasok lang ng sala kasama ang asawa.
"Oo pa, baka gabihin kami."
Nakita niya ang lungkot na sumilay sa mukha ng mama nito. Kaagad nitong niyakap si Camille at hinalikan sa pisngi.
"Mag ingat ka ha, 'wag kang magpapabaya sa sarili mo. 'Wag ka ring sumasama sa kahit na sino lalo na't hindi mo pa lubos na kilala. Kung gagala ka ng gabi magpasama ka kay Kyle. Naiintindihan mo ba anak?" saad nito na may pag-aalala sa tono ng boses.
"Opo ma, ingat din po kayo dito. 'Wag kayong masyadong mag-alala sa'kin kaya ko na po ang sarili ko," sabay halik sa ina.
"Pa, alis na po kami."
Tumango lamang ang papa nito at ngumiti.
"Kyle!"
Kaagad siyang napalingon nang marinig niya ang pagtawag sa kan'ya.
"po?"
"Sa pagbalik mo rito siguraduhin mong matatalo mo na ako," nakangiting sabi nito.
A sudden smile drew on his lips.
"Pagsisikapan ko po tito, hindi ko kayo bibiguin."
"Mag ingat kayo!" sigaw nito.
Malayo-layo na rin ang nilakad nila nang bigla siyang napahinto.
"Ky bakit?" nagtatakang tanong ni Camille.
"Iyong wallet ko naiwan."
"Ha? Pa'no 'yan?"
"Hintayin mo muna ako dito Camille, babalikan ko muna 'yong wallet ko. 'Wag kang umalis, okay? Tatakbuhin ko na lang pabalik sa inyo."
"Okay, mag-iingat ka."
Mabilis na tinahak niya ang daan pabalik sa bahay nila Camille. Makipot ang daan na napapalibutan ng mga kahoy at mamasa-masa pa ang lupa dahil sa ulan kagabi. His sweat started to fall down. Hindi niya ininda ang pangangalay ng kan'yang binti dahil ang nasa isip niya ay si Camille na mag-isang naghihintay sa kan'ya. Nang matanaw niya na sa 'di kalayoan ang bahay nila Camille ay nakahinga na rin siya ng malalim.
"Tita?" malakas na tawag niya.
Nang wala siyang marinig na sagot ay diretso na siyang pumasok at nagtungo sa sala kung saan doon siya huling nakaupo kanina. Napakamot siya sa ulo nang makitang wala doon ang kan'yang wallet. Naisipan niyang magtungo sa kusina baka sakaling doon niya ito naiwan at nang akmang papasok na sana siya ay bigla siyang natigilan.
"Jomille, hindi mo kasi naiintindihan! Nag-aalala lang ako sa anak natin. Hindi mo ba naisip na baka mangyari ulit 'yong nangyari sa kan'ya noon. Na baka makatagpo siya ng--"
"Alam ko! Alam ko Carmen, pero hindi naman puwedeng itago mo na lang si Camille sa lugar na 'to. Karapatan niyang maging masaya, karapatan niyang magmahal. 'Wag mong ipagkait sa kan'ya 'yon dahil lang sa nakaraan. Patay na si Jaydon, wala na siya. Hindi niya na ulit masasaktan si Camille, wala nang mangyayari sa anak natin."
"Pero nando'n pa rin ang pamilya ng lalaking 'yon. Hindi mo maipipilit sa akin na 'wag mag-alala, dahil kahit anong oras p'wede nilang saktan ang anak natin. Naisip mo ba 'yon?"
Narinig niya ang malakas na paghagulgol ng ina ni Camille. Ayaw niya sanang makinig sa personal na away nito, pero parang may parte ng puso niyang gustong malaman ang lahat lalo pa't patungkol ito sa dalaga. Gulong-gulo ang isip niya sa narinig. Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Bakit parang may mali? Bakit parang may kakaiba? Ano ba ang nangyari noon?
Bago pa siya makahakbang palabas ng bahay ay may humawak na ng braso niya. Agad siyang napalingon at sumalubong sa kan'ya ang seryosong mukha ng ama ni Camille.
"T-tito?" gulat siya nang makita ito.
"Ito ba ang ibinalik mo?" tanong nito sabay abot ng wallet.
"O-opo, pasensya na po 'di ko sinasadyang makinig sa--"
"Alam ko... pero sana 'wag mo nang banggitin pa ito kay Camille. 'Wag mo nang itanong pa ang mga bagay na gumugulo sa isip mo ngayon. Mas mabuti nang wala kang nalalaman tungkol dito. Maaasahan ba kita?"
"O-opo"
"Huwag mo siyang pababayaan, nakikiusap ako."
Tumango lamang siya bilang tugon.
Tinahak ni Kyle ang daan habang lutang ang isip. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya dahil sa mga narinig niya kanina. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o mag-alala dahil maraming bagay ang bumabagabag sa kan'yang isipan ngayon. Para bagang tinutulak siya ng utak niyang alamin ang lahat-lahat nang sa gano'n ay mapanatag ang kalooban niya.
Sa malalim na pag-iisip niya ay naramdaman niya ang pagpatak ng ulan sa kan'yang mukha. Napatingala siya at nakita niya ang makulimlim na langit. Sa tingin niya ay uulanin na naman siguro ang lugar na ito. Sinulyapan niya ang relo sa kan'yang palapulsohan at nakita niyang malapit nang mag 4:30pm. Saka niya lamang napagtanto na may naghihintay pala sa kan'ya. Kaagad siyang napatakbo at 'di pinansin ang putik na naaapakan niya. His shirt was wet because of the sweat dripping all over his body. Madumi na rin ang puti niyang sapatos dahil sa putik na nadadaanan niya. Habang papalapit siya kung saan niya iniwan si Camille kanina ay bumibilis din ang t***k ng puso niya dahil wala siyang natatanaw na pigura ng babae. Inilibot niya ang tingin sa paligid at wala talaga roon si Camille.
"Camille!" malakas na sigaw niya.
"Camille saan ka?" paulit-ulit niyang sigaw.
Nagsimula nang lumakas ang ulan at patuloy niya pa ring tinatahak ang makulimlim na daan. Nagbabasakaling makita niya ang dalaga. He grabbed his phone in his pocket at kaagad na dinial ang number nito. Paulit-ulit itong nag-ring pero hindi nito sinasagot. Ang damit niyang basa sa pawis ngayon ay basang-basa na dahil sa malakas na ulan. He was trembling in fear. Natatakot siyang baka kung anong nangyari sa dalaga. Napasabunot siya sa buhok niya at malakas na sinuntok ang punong nasa kan'yang harapan. 'Di niya naramdaman ang pagkasugat ng kamao niya at ang pagdurugo nito dahil sa pagkainis sa sarili. Napaupo siya sa maputik na lupa habang sinasapo nang paulit-ulit ang ulo. Tumulo ang luha niya kasabay ng malakas na pagkulog. Nanginginig ang buo niyang katawan pero pinili niyang manatili doon at mamatay sa lamig.
Suddenly, a warm body touched his soul. Naaamoy niya ang mabangong halimuyak na pumupukaw sa kan'yang puso.
"Sorry umalis ako..."
He looked at Camille's face and a smile drew on his lips. Mahigpit niya itong niyakap at isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.
"Bakit ba pinag-aalala mo ako parati. Alam mo ba kung gaano ako natakot?"
Hinampas niya ng marahan ang likod ng dalaga at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito. Naramdaman niya ang unti-unting pagkalas ni Camille sa kan'yang pagkakayakap. They both stared at each others eyes. Tila binabasa nila ang iniisip ng isat-isa. His eyes twinkled when he saw Camille smiling genuinely. Ang kulay rosas nitong labi at maputi nitong mga ngipin ang nagpatalon sa kan'yang puso.
Napatitig siya sa mga labi nito at napalunok nang 'di oras. Ang malamig niyang mga kamay ay kusang gumalaw at dumapo sa pisngi ng dalaga. Ikinulong niya ang mukha nito sa magkabilang palad niya.
Sa mga oras na 'yon ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Walang ibang tunog na naririnig niya maliban sa hininga nilang dalawa at ang malakas na pintig ng puso niya. The coldness turned into something warmer. Tila baga isa itong teleseryeng kan'yang napapanuood na kung saan perpekto ang bawat sandali, ang oras, ang panahon, ang lugar at maging ang pagkakataon.
He touched Camille's lips using his right thumb at unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa labi ng dalaga. He felt the warm breath coming from Camille's nose at parang kinikiliti ang puso niya. Ilang segundo lang ay magkadikit na ang kanilang mga labi.
Ipinikit niya ang kan'yang mga mata upang damhin ang malambot na labi nito. He started to move his lips slowly at hinintay ang pagtugon ng dalaga sa mga halik na iginagawad niya rito. Sa bawat patak ng ulan na dumadapo sa mga labi nila ay pinagsasalohan nila iyon.
Sa gitna ng kanilang paghahalikan ay bigla niyang narinig ang tunog ng isang motorsiklo na huminto sa tapat nila. Marahan niyang idinilat ang kan'yang mga mata at nakita niya ang pigura ng dalawang taong kabababa lang ng motorsiklo. Patakbo itong lumapit sa kan'ya. Kahit 'di man niya maaninag ng lubusan ang mukha nito ay alam niya kung sino ang babaeng nasa harap niya ngayon.
"Ky! Ky!" tawag nito sabay tapik sa kan'yang pisngi.
"Ky, gising! Okay ka lang ba?"
Kinusot-kusot niya ang kan'yang mata at saka niya lamang nakita nang malinaw ang mukha ni Camille na puno ng pag-aalala.
"Milmil..." mahinang tawag niya.
"Halika na lumalakas na ang ulan. Nandito ang kuya mo, sumakay na tayo."
***
Nakaupo si Kyle sa dulo ng kan'yang kama habang hawak-hawak ang kan'yang labi. Hanggang ngayon ay 'di mawala sa isip niya ang halik na pinagsaluhan nila kanina. He even felt Camille's lips on him until now. Napangiti na lamang siya sa naalala.
Maya-maya lang ay narinig niya na ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kan'yang kwarto. Madali niyang pinulot ang damit sa lapag na kani-kanina lang ay hawak-hawak niya at kaagad itong isinuot bago binuksan ang pinto.
Pagkabukas niya ay bumungad sa kan'ya ang nakangiting si Camille na may dala-dalang isang tasa ng kape at iniabot ito sa kan'ya.
"Salamat" nakangiting sabi niya.
"Ky, p'wede ba kitang makausap?" tanong nito habang direktang nakatingin sa kan'yang mga mata.
Biglang bumilis ang pintig ng puso niya dahil sa sinabi ng dalaga.
"Ah-- o-oo, pasok ka," nauutal na sabi niya.
Umupo si Camille sa dulo ng kama at tumabi naman siya rito.
"Ky, tungkol kanina--"
"I enjoyed it," sabad niya bago pa nito matapos ang sinasabi.
Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyon ng diretso sa dalaga. Ang alam niya lang ay kailangan niyang maging totoo sa ngayon. Ito na iyon, ito na 'yong pagkakataon niya para umamin sa totoong nararamdaman niya para sa dalaga.
"Ha?"
Bumakas sa mukha ng dalaga ang pagtataka.
"Kailangan ko ng maging honest sa--"
"Ky, ba't namumula ka?"
Napahawak si Kyle sa pisngi niya at napakurap-kurap.
"Ha? Ah-- mainit lang 'yong kape," pagsisinungaling niya dito.
"Ahh… Gano'n ba? Pero Ky tungkol kanina… Gusto ko lang mag sorry dahil umalis ako at 'di kita hinintay."
Nalaglag ang panga niya at napaisip sa sinabi nito.
"Camille, may kasama ka ba no'ng dumating ka? No'ng nakita mo 'ko?" sunod-sunod na tanong niya.
"Oo 'yong kuya mo. Galing ako sa inyo no'ng umalis ako. 'Di na kita hinintay, napansin ko kasing parang uulan kaya nagmadali akong tumungo sa bahay niyo at nanghiram ng payong, naisip ko kasing baka mabasa ka. Pero huli na nang makabalik ako, malakas na 'yong ulan at nakita kitang nakasandal sa puno. Akala ko kung ano nang nangyari sayo."
"Kung gano'n, hin-- Paano nag-- Ay! 'di bale na nga lang."
Hindi niya na tinuloy pa ang sinasabi nang mapagtanto niyang panaginip niya lang pala ang lahat ng iyon kanina. Napasabunot na lamang siya sa kan'yang buhok saka ibinagsak ang sarili sa kama.
"Ky sorry, galit ka ba?"
"Hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa sarili ko."
"Ha? Bakit? 'Di mo naman kasa--"
Natigilan si Camille sa pagsasalita nang biglang bumangon si Kyle.
"Saan ba rehabilitation center sa Manila, bukas na bukas magpaparehab ako lumalala nang kagagohan ko," pabulong na sabi niya saka lumabas ng kuwarto.
"Oh! Okay kana ba dong?" pambungad na tanong ng kuya niya nang makita siyang lumabas ng kuwarto.
Tumango lamang siya bilang sagot saka umupo sa katapat na sofa.
"Luluwas pa ba kayo ng Manila? Mukha yatang walang balak tumigil ang ulan."
"May trabaho pa kami bukas," matipid na sagot niya.
"Oh, kunin mo!"
Napatingin si Kyle sa gitarang iniabot sa kan'ya ng kan'yang kuya. Matagal-tagal na rin palang hindi siya nakapaggitara at tila ba nangangati ang kamay niyang kaluskusin ito.
"Alam kong namiss mo 'yan, kaya sige na," pamimilit nito.
He started strumming the guitar passionately na para bang ninamnam niya ang bawat tunog na nililikha nito.
Nabaling ang tingin niya nang makita ang dalagang nakangiting nakikinig sa kan'ya. Hindi niya inalis ang mga titig niya rito na para bang sila lang dalawa ang nandidito at ito lang ang tanging nakikita niya ngayon. Bawat lirikong lumalabas sa kan'yang bibig ay inihahandog niya ito sa dalaga, kahit sa ganito man lang na paraan mapagtanto nito ang tunay na nararamdaman niya.
"Ky ang galing mo!" Camille proudly said.
"Siyempre! Saan ba magmamana? Sa akin 'di ba?" pabirong sabi ng kuya niya.
"Ang kapal mo!" sabay tapon niya ng unan sa mukha ng kan'yang kapatid.
"Ky, isa pa..."
Nangungusap ang mga mata ni Camille habang nakatingin sa binata.
"Huwag na, mahal ang talent fee ko at saka anong oras na oh, gagabihin na tayo."
"Hindi mo ba hihintayin si mama na umuwi dong? Alam mo namang miss na miss kana no'n," tanong nito.
"Hindi na ya, uuwi naman ako rito 'pag rest day ko. Pakisabi na lang na guwapo pa rin 'yong bunso niya. Huwag siyang mag-alala, aalagaan ko 'yong mukha ko," he said facetiously.
"Oh sige! Ihahatid ko na lang kayo sa terminal ng bus."
Alas-otso na ng gabi nang makabalik sila ng Manila. Ilang beses ding nakatulog si Camille sa biyahe dahil sa pagod ng kan'yang katawan. Sa katunayan ay inaantok na nga siya at gusto niya nang magpahinga. Hindi na nila nagawang huminto pa at kumain kanina kahit parehong kumakalam na ang kanilang mga sikmura.
"Pasok ka muna Ky, magluluto ako alam kong gutom kana," pagyaya niya nang eksaktong makarating sila sa kan'yang apartment.
"Hindi na, inaantok na ako kailangan ko nang umuwi."
"Dito ka na lang matulog," walang pag-aalangang sabi niya.
Napakurap-kurap ito nang marinig ang kan'yang sabi.
"Ha? Ah-- Eh, 'wag na uuwi naman na ako."
"Gano'n ba? Oh sige! Mag ingat ka," nakangiting sabi nito.
Ginantihan siya ng ngiti nito saka ginulo-gulo ang buhok niya.
"Sige na, pasok kana sa loob."
"Bye Kyle!"
Camille waved her hand and gave her sweetest smile before she opened the gate. Kinapa niya ang cellphone sa kan'yang bulsa at kaagad ini-on ang flashlight nito upang magkailaw sa loob. Habang tinatahak niya ang hagdan paakyat ay napansin niya ang mga yapak ng maputik na sapatos patungo sa kan'yang kwarto.
Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng kaba sa kan'yang dibdib. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kan'yang cellphone at parang gusto ng mga paa niyang bumalik na lang. She calmed herself and took a deep breath bago niya pinihit ang doorknob.
Nanginginig na kinapa niya ang switch sa dingding at nang bumukas ang ilaw ay tumambad sa kan'ya ang mga gamit niyang nagkalat sa loob. Nandilat ang kan'yang mga mata sa nakita.
Ang lahat ng damit niya ay nagkalat sa sahig pati na rin ang mga baso at pinggan ay puro basag. Bukas lahat ng drawer niya at maging ang mga importanteng bagay na nakasilid dito ay nagkalat.
Kung titingnan ay masasabi mo talagang pinagnakawan ito pero ang tanging pinagtataka niya ay ang bahid ng dugo sa nabasag na salamin. Nanginginig siyang tumungo dito at pinahid ang dugong dumikit sa salamin. Napatitig siya sa kan'yang palad at sa 'di maipaliwanag na dahilan ay bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata.
Pinahid niya ang kan'yang mga luha at muling ikinalma ang sarili. Pagkalingon niya ay ganoon na lamang ang kan'yang pagkagulat nang makita ang isang lalaking nakatayo sa pintuan.