CHAPTER 24

4457 Words
"S-sir?" "You left the door open, that's why I came in," Marcus said. Inilibot niya ang tingin sa loob ng kuwarto ng dalaga at napako ang tingin niya sa basag na salamin. "What happened?" "Hindi ko po alam, pagdating ko dito ito na iyong nadatnan ko." Marcus took a step towards the broken mirror. He wiped off the blood stain using his pointed finger and then smelled it. "It's really blood." Ibinaling niya ang tingin sa nagkalat na bubog sa sahig at nahagip ng mata niya ang isang kulay itim na wallet. Pasimple niya itong pinatid patungo sa ilalim ng kama at kaagad binalik ang tingin sa dalaga. He then cleared his throat before he utter a word. "You call the cops.," he said with full authority. Camille nodded. Ilang minuto lang ay may narinig na silang katok galing sa baba. Kaagad sumilip si Marcus sa bintana at natanaw niya sa labas ang mga patrol car na nakaparada sa labas. "Nandito na sila." Nang patakbong nagtungo si Camille sa baba upang papasukin ang mga pulis ay saka lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na kunin ang wallet sa ilalim ng kama. Kaagad niya itong binuksan at dinukot ang ID sa loob. Nagtangis ang bagang niya nang mawari niya kung sino ang nagmamay-ari nito. Enston Auronkell "Damn that jerk!" bulong niya sa isip. Nang may marinig siyang mga yabag ay kaagad niyang itinago ang wallet sa kan'yang coat at tumayo. "Good evening, sir!" bati ng isa sa mga pulis. He just nodded. Isang oras ding ginalugad ng mga pulis ang loob ng apartment ni Camille pero wala silang nakuhang kahit anong ibidensyang magbibigay palatandaan kung sino ang gumawa no'n. "Sigurado po ba kayong walang nawawalang gamit sa inyo, ma'am?" "Opo, sigurado po akong wala." "Sa tingin ko po ma'am panloloob lang talaga ang sadya ng may gawa nito kaya nagawa nitong halungkatin ang lahat ng gamit niyo. Ang suwerte niyo po at dala-dala niyo 'yong pera nyo." "Really? If the intention was just to rob, why didn't he get those things na mapapakinabangan niya? Bakit walang nawawalang gamit? How will you explain the blood stain on the mirror?" nagbigay si Marcus ng kwestiyonableng tingin dito. Napalunok ang pulis bago nagsalita. "Iyon nga 'yong pinag-aaralan namin sa--" "You should do your job well! Assumptions are useless," Marcus interrupted. Napansin ni Camille ang pagkairita sa mukha ng dalawang pulis nang marinig ang sabi ng binata. Bago pa ito umabot sa gulo ay kaagad niya nang binasag ang tensyon na namumuo sa loob. "Ah-- s-salamat po, balitaan niyo na lang po ako 'pag may nakuha na kayong impormasyon." "Sige!" maikling sambit ng isa sa mga pulis habang 'di inaalis ang matalim na tingin kay Marcus. "Ihahatid ko na po kayo sa labas," she offered. "Boyfriend niyo po ba 'yon Ma'am?" mausisang tanong ng pulis. Napahinto siya at nilingon ang pulis na nakasunod sa kan'ya habang tinatahak ang hagdan pababa. "Hindi po," magalang na sagot niya saka nagpatuloy sa paglalakad. "Gano'n ba? Bakit mukha yatang siya pa 'yong nag--" Natahimik ito nang sikuhin ng kasama nitong pulis. "Sige po ma'am, alis na kami. Tumawag po kayo kaagad 'pag may napansin kayong umaaligid sa bahay niyo," sambit nito bago pinaandar ang makina ng kotse. Camille smiled with full of gratitude. "Salamat po uli." Nang makabalik si Camille sa kan'yang kuwarto ay naabutan niya si Marcus na nakatingin sa kawalan na tila ba may malalim itong iniisip "Sir!" mahinang tawag niya. "You were absent," diretsong sabi nito nang 'di man lang tinitignan ang dalaga. "Sorry po, umuwi po kasi ako sa amin." She started to pick up the pieces of paper on the floor at isinilid ito sa isang brown envelope. Kapagkuwan ay maingat niyang pinulot ang nagkalat na basag na baso at pinggan sa sahig. Marcus watched every move she make hanggang sa malinis nito ang loob ng kuwarto. Kumuha ito ng basahan at kapagkuwan ay maingat na pinunasan ang nabasag na salamin na may mantsa pa ng dugo. "Do you think it was just a plunder?" Natigilan si Camille nang marinig ang tanong nito. She turned her back to face Marcus and their eyes met. She simply nodded. "Bakit po? Sa tingin niyo po ba ako ang sadya ng--" "No, I was just asking for your point of view. Anyway, kung ano man 'yon, plunder man o hindi it's none of my concern," he interrupted. Tila nabingi si Camille sa narinig nito at yumuko na lamang siya. "I gotta go. You lock the door." Bago pa ito makalabas ng pinto ay kaagad niya itong tinawag. "Sir!" Napalingon si Marcus. "Gusto ko lang pong malaman kung anong ginagawa niyo dito." Marcus gave her a cold gaze that made her heart leap. "I-ibig ko pong sabihin kung m-may kailangan po ba kayo s-sakin," she stutered. It took seconds before he gave her an answer. "I just came here to tell you that--" "na?" "There are a lot of piled up works waiting for you there, baka nakalimutan mo. Mr.Lopez needs your presence." Napakurap-kurap siya nang marinig ang sagot nito. "Ah-- yes sir! Tatapusin ko po 'yon bukas." "Dapat lang." "Ingat" Camille whispered as Marcus closed the door and left. She was about to go to her bed when a loud thunder smashed her eardrums. She screamed in fear. Napatakbo siyang tumungo sa bintana nang sumagi sa isip niya si Marcus. Pasimple siyang sumilip at natatanaw niya sa labas ng gate ang nakaparadang kotse nito. Kaagad niyang hinablot ang payong na nakasabit sa dingding at patakbong lumabas ng kan'yang kwarto. Nang makababa siya'y nadatnan niya si Marcus na nakatayo sa may pintuan ng apartment niya habang pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan. She stood beside him and hemmed softly but Marcus didn't bother to look at her. Tila ba hindi siya narinig nito at hindi man lang naramdaman ang presensya niya. "Umuulan..." she said. "Yeah! I know," Marcus said coldly. Lumipas pa ang ilang segundo bago nasundan muli ang tanong nito. "What are you doing here?" "Naisip ko po kasing baka 'di pa kayo nakaalis dahil sa lakas ng ulan kaya nagdala na ako ng payong." "I don't use an umbrella, the rain will cease sooner, I won't need that." "Ah.. Gano'n ba? Pero parang di naman 'to titila agad. Ihahatid ko na lang kayo hanggang sa labas ng gate." "I'm not in a hurry. I can wait 'til it ceases." "Hanggang umaga?" Marcus gave him an incisive gaze that cowed her. "Don't talk to me casually. Will you?" Natinag siya sinabi nito at yumuko na lamang. "Sorry po..." "Go back to your room." "Hihintayin ko po munang tumila ang ulan," she smiled. Marcus sighed with annoyance. They stood there for almost one hour pero hanggang ngayon ay 'di pa rin tumitila ang ulan. Habang tumatagal ay mas lalo itong lumalakas. Marcus glanced at his watch and it's almost 1 am. Ilang ulit na niyang narinig humikab ang dalaga at alam niyang kanina pa ito inaantok. "Hand me your umbrella," napipilitang sabi niya. Nakaramdam si Camille ng kaluwagan nang marinig ang sabi ng binata. Kanina pa siya nakakaramdam ng antok at parang nawawalan na ng lakas ang mga tuhod niyang tumayo pa nang matagal. Sa katunayan ay gustong-gusto na niyang bumalik sa kan'yang kuwarto pero pinipigilan lamang siya ng kan'yang sarili. Hindi niya alam kung anong dahilan at bakit ayaw ng binatang gamitin na lang ang payong upang makauwi na ito. Mas pipiliin pa nitong maghintay magdamag. She readily unclasped the umbrella and smiled at Marcus. "Halika na sir, ihahatid kita sa kotse mo." Binigyan siya ng malamig na tingin ng binata bago ito sumukob sa payong niya. Ramdam niya ang pintig ng kan'yang puso sa bawat pagdikit ng mga balikat nila habang pinagsasalohan ang isang payong. Tila bagang bumabagal ang ikot ng mundo at dumidistansya ang kotse nito papalayo sa apartment niya. She enjoyed every drops of the rain thats runs on her arms. The mud that sticks on her slippers at ang pagtalsik nito sa maputi niyang binti ay 'di niya alintana. She wished that somehow Marcus felt the same way right now. Kahit ngayon lang. A sudden strong cold breeze slapped them that made her let loose of the umbrella. Inilipad nito ang hawak-hawak niyang payong palabas ng gate dahilan para mabasa silang pareho. Tiningnan niya ang binata na ngayon ay basang-basa na rin at bumakas sa mukha nito ang pagkairita habang nakatingin sa kan'ya. "S-sorry sir," tanging nasabi niya. Walang lumabas na salita galing sa bibig ng binata, binigyan lamang siya nito ng iritableng tingin kapagkuwan ay mabilis na naglakad patungo sa kotse nito. Napakamot si Camille sa kan'yang ulo dahil sa kapalpakang nagawa niya. Kahit wala siyang natanggap na sumbat ay alam niya sa sarili niyang galit ito. Bago pa nito magawang paandarin ang kotse ay mabilis siyang tumakbo patungo sa direksyon nito, but accidentally she slipped on the ground. "Ah!" napasigaw siya dahil sa malakas na pagkakabagsak ng puwet niya sa lupa. Pinilit niyang tumayo pero iniinda niya pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Suddenly, she felt a strong arms lifting her up. Nandilat ang mata niya nang makita ang malamig na expression ng mukha ng binata. Nagsimula itong maglakad pabalik ng apartment niya habang buhat-buhat siya nito. She felt a loud beating of bongo drums, a shaking tambourine inside her heart and a group of butterflies dancing samba in her stomach. Pinagmasdan niya ang mukha ng binata, hanggang sa dumako ang mga mata niya sa namumutla nitong labi. Alam niyang nilalamig na ito. Ilang beses niya nang napagmasdan sa malapitan ang mukha ni Marcus but it seems like it was still her first time. Something flashed in his mind that made her face turned red. Then, an awkward atmosphere solidified her. "Sir, ibaba mo ako, maglalakad ako," pagpupumilit niya. "You can't able to walk," sambit nito habang patuloy pa rin sa paglalakad. "Kaya ko na po." Pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakabuhat nito sa kan'ya pero mas lalong hinigpitan ni Marcus ang pagkakahawak sa kan'yang hita. "Huwag kang malikot madudulas ako," naiinis na sabi nito na nagbigay takot sa kan'ya. Nang makapasok sila sa loob ng kuwarto ay dahan-dahan siyang ibinaba ni Marcus sa kama. "Salamat sir," naiilang na sabi niya. Marcus didn't give a response, instead he grabbed the stool and seated comfortably. Namuo ang katahimikan sa loob, ni isa sa kanila ay walang nagsasalita. Pinapakiramdaman lang nila ang galaw ng isat-isat at ang kaunting ingay na nalilikha sa bawat pagsinghap nila ng parehong hangin sa loob ng kuwarto. Matiim lamang na pinagmamasdan ni Camille ang binatang nakatalikod sa kan'ya. Basang-basa ito at punong-puno ng putik ang sapatos nito. Maging ang suot nitong fitted black slacks ay puno ng talsik. Kahit iniinda niya pa ang sakit ng puwetanan niya dahil sa pagkakadulas kanina ay pilit siyang tumayo. She took steps at napangiwi siyang bigla dahil sa sakit, gayunpaman ay paika-ika pa rin siyang kumuha ng malinis na tuwalya. Dahan-dahan siyang lumapit kay Marcus at kapagkuwan ay iniabot ito sa binata. Marcus looked at her before he took the towel on her hand. "Gusto niyo po ba ng ka--" "You dry and clean-up yourself first. Don't mind me, aalis na rin ako maya-maya," Marcus said coldly. She just simply nodded and grabbed some clothes then walked uncomfortably towards the comfort room. She cleaned up her body with the cold flowing water. Napapikit siya dahil sa lamig na dinudulot nito sa buong katawan niya. She felt like freezing. Kaagad niyang pinatay ang daloy ng tubig dahil parang 'di niya na matagalan ang lamig nito. She wiped off her face down to her thighs, then suddenly something flashed in her mind that made her feel hot. Marcus hands were supposed to be cold, pero bakit nang dumikit ito sa mga hita niya kanina habang buhat-buhat siya nito ay para bagang nanunuot sa kaibuturan ng buto niya ang init na naidudulot nito. Inalog-alog niya ang ulo niya at pilit na iniwaglit sa isipan ang nangyari kanina. Nang nakapagbihis na siya ay saka lamang siya lumabas ng cr habang patuloy paring tinutuyo ang buhok niya gamit ang tuwalya. Nakakailang hakbang pa lang siya nang matanaw niya si Marcus na walang suot na damit pantaas at tanging tuwalya lang ang nagsisilbi nitong pantanggal lamig na ginawang pantakip sa malapad nitong likod. Kaagad niyang iniwas ang kan'yang mga mata sa hubad na katawan ng binata. Paika-ika siyang nagtungo sa maleta niya at kumuha ng isa sa maluluwang niyang damit. Kulay dilaw ito na may nakasulat na "HUGS" sa harapan. Alam niyang hindi ito nagsusuot ng ganitong klaseng damit lalo pa't nasisigurado niyang masikip ito ng kaunti sa binata, pero wala na siyang mai-aalok na iba pang damit dahil iyon lang ang tanging maluwang na damit na meron siya. Kahit nagdadalawang isip ay pilit niyang iniabot sa binata ito. "Suotin mo sir, ito lang 'yong damit na sa tingin ko ay kasya sa inyo." Marcus looked at the shirt she's holding and his brows puckered. "I'm okay with this, hindi ko kailangan 'yan." "Pero sir, lalamig--" "I said ayoko!" matigas nitong sabi. Camille sighed. Nagtungo siya sa kan'yang kama at hinablot ang comforter na nakapatong dito saka walang paga-alinlangang ibinalot ito sa katawan ng binata. Bumakas naman sa mukha ni Marcus ang pagkagulat habang nakatingin sa kan'ya. "What do you think you're doing?" nakakunot-noong tanong ni Marcus. "Maninigas po kayo sa lamig sir 'pag wala kayong suot." "I said I'm fine, aalis na rin ako maya-maya and I don't need help from you." Akmang tatanggalin na sana ni Marcus ang comforter na nakabalot sa katawan nito pero biglang pinigilan ni Camille ang mga kamay ng binata. "Tinulungan mo ako kanina kahit 'di ko hiningi ang tulong mo. Sinabi kung 'wag mo 'kong buhatin pero 'di ka nakinig. So, this time hayaan niyo akong tulungan kayo, dahil kahit ayaw niyo man 'di ako makikinig sir," she then gave a sweet smile. "I'm not helping you nor caring for you. I'm not being concerned about you 'cause I don't give a damn. You know why I'm doing this? It's because you are in my company. You are my employee. I'm not being helpful like what you are thinking right now. Responsibilidad ko ang lahat ng mga taong parte ng kompanya ko. Being responsible is a way too far from being helpful. You should know that Ms.Cordoza. Don't expect something from me, because I will never be the good person that everybody admires." Iwinaksi niya ang kamay ng dalagang nakahawak sa palapulsohan niya kasabay ng pagwaksi niya sa comforter na bumabalot sa kan'yang katawan. Kaagad niyang isinuot ang basa niyang damit at 'di na nagawa pang suotin ang kan'yang coat. Mabilis siyang lumabas sa kwarto ng dalaga na wala man lang paalam. Naiwan si Camille na nakatingin sa kawalan. She felt something heavy inside her heart. Parang isang martilyo ang mga katagang binitawan ng binata na paulit-ulit na pinupukpok sa kan'yang ulo. Pero ang sakit ay nanalaytay patungo sa kan'yang puso. Ang puso niya ang nawawasak. Ang puso niya ang nagdurugo. Ang puso niya ang nasasaktan. A painful tears fell from her eyes na kaagad niya namang pinunasan. Ibinagsak niya ang sarili niya sa kama at 'di na napigilan pa ang pagbuhos ng kan'yang mga luha. She released all the pain she felt. Hindi niya p'wedeng kimkimin iyon. She needs to cry. She needs to loosen up, dahil kung hindi baka kusa na lang siyang sasabog sa sakit nang nadarama niya. *** Napamulat si Camille nang marinig ang paulit-ulit na busina ng sasakyan. Kahit inaantok pa ay pilit siyang bumangon at sinilip sa bintana ang kanina pang bumubusinang sasakyan sa labas. Kinusot-kusot niya ang mga mata niya nang matanaw sa labas ng gate ang isang 'di pamilyar na van na nakaparada. Kaagad siyang bumababa upang malaman ang pakay nito. Sabay sa pagbukas niya ng gate ay ang paglabas ng dalawang lalaking nakasumbrero at nakasuot ng kulay berdeng damit. "Good morning, ma'am!" "Good morning po, may kailangan po ba kayo?" nagtatakang tanong niya. "Ipapasok lang po sana namin ang mga pakete sa loob. Maari po ba kaming pumasok?" "Ha? A-anong pakete?" Binuksan ng matabang lalaki ang trunk ng van kapagkuwan ay binuhat ang isang malaking kahon. "Ano po 'yan? 'Di po sa'kin 'yan. Baka po nagkakamali kayo. 'Di po ako nag order niyan." "Gano'n po ba? Pero ito po kasi 'yong eksaktong address na nakalagay sa mga package. Nakasulat po dito ma'am, ang pangalang Camille Cordova. Kayo po ba to?" the tall man said. Napakurap-kurap si Camille sa sinabi ng lalaki. "O-oo, ako nga po 'yan." "Maaari na po ba naming ipasok 'to sa loob?" nakangiting tanong ng matabang lalaki. "Ha? Ah-- teka lang po. K-kanino daw po 'to galing?" "Hindi po nakalagay ma'am eh." "Gano'n ba? S-sige p'wede niyo nang ipasok," nag-aalangang sabi niya. Matapos maipasok ng dalawang lalaki ang mga pakete ay nagpaalam na ito. Nagmistulang bodega ang apartment ni Camille dahil sa pinagpatong-patong na karton sa loob. Paulit-ulit niyang iniisip kung sino ba'ng posibleng nagpadala nito sa kan'ya. Kung bakit ayaw nitong magpakilala? Kung bakit kailangan siyang padalhan nito ng mga bagay na ito. Nahinto siya at napaisip kung ano nga ba'ng laman ng mga karton na ito. Kumuha siya ng matalim na gunting mula sa kaniyang drawer at kapagkuwan ay sinimulang buksan ang isang malaking kahon na nasa 4ft ang taas. Ilang dangkal pa lang ang nagugupit niya nang muli siyang natigilan dahil nakaramdam siya ng kaba at takot. 'Di kaya bomba ang laman nito? Pa'no kung ikakapahamak niya ito? Pa'no kung patibong ito? Pa'no kung konektado ito sa nangyari kagabi? "Ay hindi! Magtigil ka Camille, 'wag kang paranoid, okay?" sambit niya sa sarili. Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa mesa at kaagad dinial ang number ni Kyle. Ilang segundo lang ay may sumagot na sa kabilang linya. "Milmil, bakit?" "Ahm… Kyle, may inorder ka ba? I-i mean may ipinadala ka ba sa'kin?" "Ha? 'Di kita maintindihan, Camille. Ano'ng ibig mong sabihin?" "Ah-- W-wala, sige na Ky, ibababa ko na." Nasapo niya ang noo niya matapos niyang tawagan ang binata. Ano bang iniisip niya? Bakit naman siya padadalhan ni Kyle ng ganito karaming mga pakete. Kung si Kyle man 'yon sigurado siyang ipapaalam naman nito sa kan'ya. Ipinikit niya ang mga mata niya at huminga ng malalim saka muling kinuha ang gunting at nagsimulang buksan ang isang kahon. Nang mabuksan niya ito ng tuluyan ay nalaglag ang panga niya sa nakita. It's a very cute and fancy wardrobe. Hindi ito gaano kalaki but it really looks so expensive. Kulay peach ito at may malaking salamin. She looked at herself in the mirror at parang nagkaroon siya ng ideya kung sino ang nagpadala nito. She opened the other boxes at ang mga laman nito ay mga mamahaling pinggan, a cute mug na may mukha ng panda at mga kubyertos. May heater, rice cooker isang 'di kalakihang microwave at mini refrigerator at iba pang mga kagamitan sa bahay. Tila alam ng nagpadala ang mga nasira niyang gamit kagabi. Alam na alam nito ang mga appliances na wala sa apartment niya. Dalawang tao lang naman ang pinaghihinalaan niyang nagpadala nito. Una ay iyong nanloob sa apartment niya kagabi, which is very impossible at pangalawa ay si Marcus, which is also impossible. "Ay ewan! Imposible naman talagang si Marcus eh. Sabi pa nga niya kagabie, hindi siya helpful, walang siyang pakialam sa'kin. Hindi rin siya concern, isa lang talaga ako sa responsibilidad niya kasi empleyado niya lang ako. Okay? Empleyado ka lang niya Camille," sigaw niya sa isip. *** Natigilan si Marcus sa kan'yang ginagawa nang biglang bumukas ang pinto ng kan'yang opisina. Kasunod nito ay ang pagpasok ni Lex na may suot-suot na ngiti sa labi. Umupo ito sa visitor's chair na katapat niya at ipinatong ang kanang kamay sa mesa. Ibinalik niya ang atensiyon niya sa dokumentong kanina niya pa binabasa, kapagkuwan ay lumagok siya ng kape. "What are you doing here?" seryosong tanong niya sa kaibigan habang 'di pa rin iniaalis ang mga mata sa binabasa. "I'm here to congratulate you. I heard that you had successfully convince Mrs. Auronkell yesterday. She finally signed the contract. Good job Marcus! You are always doing excellent. Kakaiba ka talaga. Paano ba maging ikaw?" Lex said in jest. Napangiti lamang ng payak si Marcus dahil sa sinabi ng kaibigan. Noon pa lang ay ito na ang pinakaunang taong bumabati sa kan'ya sa tuwing may nagagawa siyang maganda sa kompanya. Sanay na siyang tanungin nito ng paulit-ulit ng mga katagang "Paano ba maging ikaw?" Sa katunayan ay alam niya na ang sadya nito sa pagpasok ng maaga sa MADeal. Inaasahan niya na ang pagbati nito at pagbigay ng mga papuri sa kan'ya. Lex is really a great friend to him. "I'm very proud of you, Mr.President." "Anong pingsasabi mo?" "Hindi mo alam?" Muling siyang natigilan sa kan'yang ginagawa nang marinig ang sinabi nito. "Alam ang ano?" Napakamot si Lex sa noo, na tila ba may nasabi itong mali. "Oh! Hindi mo nga talaga alam. Sana 'di ko na lang sinimulang sabihin. F*ck up my big chatty mouth," sambit nito sabay tampal sa bibig. "What do you mean?" kunot-noong tanong ni Marcus. "My mouth is hurting, I can't talk," pagbibiro nito. "I'm serious." Lex sighed audibly. "Yeah I know, you are always serious. Kailan ka ba nagbiro. Marcus, If I tell you this I might ruined your father's surprise." "Okay! I knew it. Is he planning to demit?" "No, he's not retiring. He's resigning and he is also planning to induct you as a president of MADeal. Well, you deserve it. You really do. I know everyone will agree about your dad's plan. You did all your best to grow this falling company before. You placed it at the top. Ikaw ang bumangon nito. You can do more than this 'pag ikaw na ang naging president ng MADeal. I know your dad thinks the same way too. So, I hope you won't refuse your dad's offer." Marcus sighed silently. "I don't know, I still need to think about it." "I hope you'll make a right decision. He smiled genuinely. I need to go. See you around." He was about to slued the doorknob when he remembered something. "Oh! before I forgot, your father prepared a victory party tonight. You should be there." *** Eksaktong alas-otso nang makarating si Camille ng MADeal. "Good Morning, Camille!" bati ni Amy. "Good morning, ate Amy!" she greeted back with a smile on her face. Tinapunan niya ng tingin si Chris na seryosong nakatingin sa computer. Nang makalapit siya'y tinapik niya ang balikat nito upang makakuha ng atens'yon. "Hi Chris! Busy mo ha." Chris smiled bitterly. "Oo eh," malamig na sabi nito. She sat on the swivel chair next to Chris at ini-on ang computer. Sinimulan niyang basahin ang mga email na ipinadala sa kan'ya and something caught her eyes. She immediately read the email from the management. "victory party?" mahinang sabi niya matapos mabasa ang mensahe. "Yup! victory party," sabad ng isang pamilyar na boses na nagmumula sa likod niya Camille lifted her face to see whose talking. "Sir!" Lex smiled sweetly. "You should be there, okay? Kayo lahat kailangan niyong umattend. Don't miss this party. It's very special." "Of course Sir! I'll be there," Kate said with a flirtatious smile. "Good! See you later." Bahagya itong yumuko at inilapit ang labi sa bandang tenga niya na nagbigay ng kaunting kilabot sa kan'ya. "I expect you to be there, Camille." Tumango lamang siya bilang sagot. "Naku! naku! May pabulong-bulong pa si Sir," panunukso ni Amy nang makalabas si Lex ng office. "Ano ba 'yong binulong niya sayo Camille?" Shon asked curiously. "Ha? W-wala naman," pagsisinungaling niya para makaiwas sa panunukso nito. "Wala raw? Sinungaling!" "Ano bang pakialam mo sa kanila Shon? Kung ano man 'yong binulong ni Sir, labas kana do'n," bulyaw ni Amy. "Edi wala! Eh ba't ka ba nagagalit? Inaano ba kita ha? May nagawa ba akong mali sa'yo? Nasaktan ba kita? May nasabi ba akong ikinasakit ng damdamin mo? Natapakan ko ba ang dignidad mo? 'Yong reputasyon mo? Nasira ko ba'ng pamilya mo? Na-agrabyado ba kita? Niloko? Binalewala? Pinaasa? Pinagmukhang tanga?" pagdadrama nito na may kasama pang luha sa mata. "Wala! Tumigil ka kung gusto mo pang maka-attend ng party mamaya bw*sit! "Ate Amy ba--" Magsasalita pa sana si Shon nang biglang bumukas ang pinto. Kasunod nito ang pagpasok ni Mr.Lopez. Nakasuot ito ng puting toxido at ayos na ayos. "Wow! Gwapo natin Sir ha. Sa'n ang lakad?" pabirong tanong ni Shon habang nagpipigil sa pagtawa. Napalingon naman ang lahat kay Mr.Lopez nang marinig nila ang sinabi ni Shon. "Well, may party lang naman akong dadaluhan. Sorry to tell you, pero pili lamang ang invited. Mga VIP kung baga. Mga taong may malaking naiambag sa success ng MADeal," mayabang na sabi nito. "Talaga, sir? Kaya pala pati kami invited. Well, walang duda malaki rin naman ang naiambag natin sa success ng MADeal. Right guys?" sambit nito na may panunukso. "Yeah right!" nakataas kilay na pagsang-ayon ni Kate. Biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Mr.Lopez. "K-kayo rin?" tanong nito nang may pagtataka. "Exactly!" Shon said. They were all holding their laugh. "Sa katunayan pa nga po sir, lahat ng staff ng MADeal ay invited," magalang na sabi ni Amy. Mr.Lopez cleared his throat. Halata sa mukha nito ang kahihiyang nadarama. "Well then, congrats! Kahit 'di niyo deserve," mataray na sabi nito sabay hakbang palayo. Bago pa ito makalabas ay nagsalita muli si Shon. "Sa'n ka pupunta sir? Aattend na po ba kayo? May prize po ba ang early bird?" sarkastikong tanong nito habang humahagikhik. Bumakas sa mukha ni Mr.Lopez ang pagkayamot. Napakuyom ang mga kamay nito at tila umakyat sa mukha nito ang lahat ng dugo sa katawan. "Pinagkakatuwaan niyo ba ako?" nanggigigil na tanong nito. Lahat sila ay nag-iwas ng tingin at kunwaring may ginagawa. "Pinagkakatuwaan niyo ba ako?" galit na sigaw nito. "Sir no, sir, n-no sir," Shon stuttered. Mr. Lopez took steps towards Shon. "Hindi ba, Mr.Gurdon?" "Yes Sir! I i-i mean hindi po, sir." "Really?" Bawat hakbang nito papalapit sa kan'ya ay napapaatras naman siya. "Yes sir..." "Sinungaling! 'Wag mo 'kong pinagloloko Mr.Gurdon dahil baka sa--" "Kangkongan ako pupulutin," dugtong niya sa sinabi nito. "Buti alam mo!" "Sinabi niyo na po 'yan 3 times Ay! hindi... 8 times na pala." Napahagikhik si Camille habang nakikinig. "Get out! Mr.Gurdon! Out!" sigaw nito. "Okay sir..." Akmang lalabas na si Shon nang magsalita ito muli. "Stay here! Ako ang lalabas. 'Wag na 'wag ko lang makikita ang mukha mo sa party mamaya Mr Gurdon, dahil baka isupalpal ko 'to sayo ang sapatos ko," panggagalaiti nito. Nang makalabas ito ay saka lamang sila nagpakawala ng malakas na tawa. Halos pumutok na sila sa sakit ng tiyan dahil sa pagpipigil nila kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD