The venue is really pompous. It is one of the best and most famous hotels in Manila. There are 5 chandeliers that give a glamorous light inside and the crystal tables that look so precious. The ambience inside creates relaxing and good feelings. The aroma of tasty wine permeated the air and a slow and sweet music could penetrate the soul. It's very crowded inside but it did not fill up the vasty hall.
"Dapat lang naman talagang magresign siya, for almost 4 years wala man lang siyang nagawa sa MADeal. His responsibilities as a president was carried alone by his son."
"You know it's very hard for a father to lose a son. Perhaps, he's still blaming himself until now about his son's death."
"Oh come on! It's been 4 years. Hanggang ngayon ba hindi pa rin niya na--"
Natigilan ang dalawang matandang lalaki sa pag-uusap nang marinig ang pagtikhim ng isang binata sa likod nila. Nang lingonin nila ito ay pareho silang nanlamig.
"Lex Aguilar and Mr.Alarcon, it's nice to see the both of you. Kanina pa ba kayo?" hilaw na sabi nito.
"Hindi naman masyado sir, sakto lang upang marinig ang pinag-uusapan niyo," nakangiting sabi ni Lex.
The two guys smiled bitterly.
"Oh! I see… Well, congrats in advance Mr.Alarcon. You really suit that position."
Nilagok ni Marcus ang natitirang wine sa goblet bago nagsalita.
"Oh really? That's what I'm thinking too and I'm really glad that my father chose me rather anyone else," sambit niya na may diin sa boses
Inilibot niya ang tingin sa loob at natanaw niya sa 'di kalayuan ang grupo nila Amy na nag-uusap. He walked towards their direction at pasimpleng pumuwesto sa likuran nila upang hindi siya mapansin nito.
"Saan na daw si Camille?" tanong ni Amy.
"Hindi ko alam, nang tawagan ko siya kanina, lalaki 'yong sumagot tapos binabaan pa ako," sambit ni Shon.
Nagpanting ang tenga niya nang marinig iyon. Sinulyapan niya ang relo sa kan'yang palapulsohan at ilang minuto na lang pala ay magsisimula na ang party. He grabbed his phone in his pocket at kaagad na tinawagan si Camille pero unattended ito. Kailangan niyang puntahan ngayon ito dahil parang may pakiramdam siya na may nangyaring masama rito.
"Marcus!"
Natigilan siya at napalingon nang marinig ang malakas na pagtawag na iyon. When he turned around, he saw Valerie wearing a red fancy spaghetti dress that has a long revealing slit from his right thigh down to his feet. Labas na labas ang mahaba, maputi at makinis nitong hita at binti. It also shows her cleavage that allures everyone eyes. Her lips are as red as her dress at nakalugay ang mahaba at kulot nitong buhok.
Nakangiti itong lumapit sa kan'ya at walang pag-aalangang hinawakan ang kan'yang batok sabay halik sa kan'yang labi. Kahit 'di niya tingnan ay ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanila ngayon.
"You look so handsome as always," pagpuri nito sa kan'ya.
"Marcus!" a familiar voice called him.
Nabaling ang tingin niya nang marinig iyon. He saw Valerie's father walking towards their direction. Tinapik nito ang kan'yang balikat at ngumiti.
"Congrats! I'm happy for you."
Nagbigay lamang siya ng isang pilit na ngiti.
"How are you?"
"I'm good and you?"
"I'm doing well."
"I'm glad to know that."
"I was wondering kung paano mo na convince si Mrs.Auronkell na mag-invest sa MADeal which infact, she's supposed to be YiTing's investor," natatawang sabi nito.
"Just a--"
"Camille, nandito kami!" sigaw ni Amy na kaagad nagpatigil kay Marcus sa pagsasalita.
Nang lumingon siya'y natanaw niya ang dalaga na kakapasok lang. She's wearing a black glistening backless dress. Lantad na lantad ang kabuuan ng maputing likod nito hanggang sa may baywang. She looks so glorious while walking, wearing her prettiest smile. She's not the simple Camille tonight na wala man lang kahit anong make-up sa mukha. The dark shadows on her eyelids gives emphasis to her round eyes. Her cherry lips looks so luscious and sweet. Her short hair drawn and tied back stylishly, emphasizing the perfect features of her face.
He's captivated.
"Hey Marcus!"
Nagising ang diwa niya nang marinig ang pagtawag ni Valerie sa kan'ya.
"Yes?"
"Dad is talking to you."
"Ah-- about that--"
Hindi niya na nagawang tapusin ang sinasabi nang biglang namatay ang ilaw at kasabay no'n ay ang pagbukas ng isang spotlight sa stage. There he saw his father standing firmly in front of the crowd wearing a prosperous smile.
"Good evening ladies and gentlemen! It's been years since we had a victory celebration, that's why I prepared a celebration for all of you who worked hard to attain the triumph of MADeal. This is my way of acknowledging all your efforts, all your sacrifices, your overtime, and exhaustion just to give life and strength again to MADeal."
Inilibot ni Marcus ang kan'yang tingin sa loob at hindi niya na masyadong naaaninag ang mga tao sa paligid. Pasimple niyang sinulyapan ang direksyon nila Amy at sa 'di niya inaasahan ay iyon naman ang eksaktong paglingon ni Camille sa direksyon niya.
Nagtama ang mga mata nila at walang sinuman sa kanilang dalawa ang umiwas ng tingin. He waited for her to give a genuine smile pero walang gumuhit sa labi nito. Siguro ay napagisip-isip nito ang huli niyang sinabi no'ng gabing nasa apartment siya nang dalaga. Siguro ay nasaktan ito. Siguro ay disappointed ito.
He felt hands coiling around her right arm. Ibinaling niya ang tingin sa mga kamay na nakapulupot sa bisig niya and she saw Valerie smiling at her. Isinandal nito ang ulo sa kan'yang balikat at ipinikit ang mga mata.
"I'm sleepy. It's comfortable sleeping on your shoulder and sniffing your scent."
Kahit naaasiwa siya sa pakikipag-pda nito ay wala siyang nagawa kundi hayaan ang dalaga.
Ibinalik niya ang tingin sa direksyon ni Camille at nakita niya ang malungkot na mga mata nitong nakatitig sa mga kamay ni Valerie na nakapulupot sa bisig niya. Bumakas sa mukha nito ang selos. When there eyes met again, kusa na itong umiwas ng tingin sa kan'ya at itunuon ang pansin sa stage.
"I've been an irresponsible president na wala ng ibang ginawa matapos mamatayan ng anak kundi ang magmukmok, maglasing at sisihin ang sarili araw-araw. Yeah, I know you see me as a coward and vulnerable president of MADeal. I couldn't handle the responsibilities and duties of being a president and a failured father. I'm too weak, I supposed to protect the company that I built. I supposed to protect my son with my own hands..."
A painful tear fell from his eyes.
"Pero hindi ko nagawa. I'm not saying this in front of you to gain sympathy. I am saying this because I want you to at least… understand why I left MADeal on my son's hand. Why I hid behind his back just to raise MADeal. I want you to at least understand those things before I resign as the president of MADeal Corporation. Ang anak ko ang bumangon ng MADeal galing sa pagkakadapa. At his very young age nagawa niyang ibalik ang MADeal sa dati nitong posisyon. MADeal is always at the top and that's because of my very own son. He may be stubborn and dominant inside MADeal, but that's because he knows what's best for the company. He knows his actions, his decisions and every word that comes from his mouth, maging ang paghinga niya'y inaral niya na 'yon lahat. So, you have to deal with him because you don't have a choice," he said in jest that made everyone laugh. Maging si Marcus ay napangiti na rin.
"Marcus..."
Napalingon si Marcus nang marinig ang mahinang pagtawag ni Lex.
"What?"
"Hindi raw siya makaka-attend."
"I'm expecting that to happen."
"Don't you want to know the reason why?" maintrigang tanong ni Lex.
"Why?"
"Because his husband died. Enston Auronkell died," pabulong na sabi ni Lex.
"When?"
"Last night… They said it was a suicide. Natagpuan 'yong katawan niya sa loob ng kotse. May tama raw ng baril sa ulo."
"Well, it has nothing to do with the contract that Mrs.Auronkell had signed. Whether her husband was killed or not, she still needs to invest a big amount of money in MADeal."
Binigyan siya ng makahulugang tingin ni Lex.
"By any chance… Are you the one who did this to her husband?" tanong nito.
Marcus gave him a keen gaze.
"Ladies and gentlemen, let me introduce to you our new president of MADeal Corporation, Mr. Marcus Alarcon."
Pagkarinig niya sa sinabi ng kan'yang ama ay inayos niya ang pagkakapuwesto ng kurbata niya habang 'di inaalis ang mga mata sa kaibigan.
"You think so?" sambit niya bago tinalikuran ang kaibigan.
Nakailang hakbang pa lang siya nang hawakan ni Lex ang mga bisig niya. Napalingon siya rito at binigyan niya ng malamig na tingin ang binata.
"Ikaw ba?"
Iwinaksi ni Marcus ang mga kamay nitong nakahawak sa kan'ya at diretsong naglakad paakyat ng stage.
Nagpalakpakan ang mga tao nang makaakyat siya. His father gave him a smile saka nito iniabot ang mikropono sa kan'ya. Bago ito bumaba ay tinapik muna nito ang likod niya at bumulong.
"I trust you, I know you can carry out the responsibilities as a president."
"Thank you Dad!" he smiled with full of gratitude.
Tumango lamang ang daddy niya bilang tugon sa kan'yang pasasalamat saka ito bumaba.
He's in front of the crowd now. Lahat ng tingin ng mga tao ay nasa kan'ya. Sa katunayan ay nababasa niya ang bawat impresyon ng mga taong nakatingin sa kan'ya ngayon base lamang sa mga tingin nitong ipinupukol. He could say that few of them are unfavor of his father's decision.
Hindi kalayuan sa intablado ay natatanaw niya ang babaeng isa sa mga rason kung bakit nagdadalawang isip siyang tanggapin ang alok ng kan'yang ama. Nakataas ang kilay nito at 'di maitatanggi sa mukha ang pagkasuklam habang pinapasadahan siya ng tingin. Iniwas niya ang mga mata rito at tumikhim bago nagsimulang magsalita.
"Good evening everyone! First and for most, I'd like to thank all of you who attend the most special celebration that was planned and prepared by my father. I know some of you are not in favor of this sudden inauguration but have nothing to do, kundi ang sumang-ayon na lang. I'm not here to humble myself, to be hypocrite and act like the good one. I need to be veracious in everything I say because this will probably enlighten your minds. So, let's go straight to the point. If I'm not inducted as a president of MADeal, who else would? Who has the capacity of you there to be the president of MADeal? Dahil kung meron man, I'll give you the floor to enumerate all of the things that you've done and contributed to MADeal, and if it won't surpass my sacrifices and all the money that I brought to MADeal then you don't have the right to give me a mortifying look nor questioning my father's decision."
Napangiti ang ama ni Marcus dahil sa mga sinabi nito. He may sound so braggart and prideful pero lahat ng lumalabas sa bibig nito ay makabuluhan at totoo.
"Look how excessively conceive your bastard is. Masyadong lumalaki ang ulo," his wife said.
"I don't think he is. He's just stating the truth Lucia, and I'm sure anyone sensible would agree."
He gave her wife a smile.
"Sino ang bumangon sa MADeal? It was me. Who took the risk to spent billions of money just to stabilized MADeal's standing in the market? It was also me. Sinong nagsalba sa MADeal when we were facing a sudden crisis? It was still me. Ako din ang gumawa ng paraan nang nakawin ng YiTing ang lahat ng clients and investors natin recently. Which in fact, marami ang kumontra sa ginawa kung desisyon. But now? Look at the outcome of all my decisions. Ngayon niyo sabihin sa aking mali ang naging desisyon ko. Lahat ng ginagawa kong ito are for the sake of MADeal. I'm telling you this to illuminate your close and dim minds. Only I, can uphold and sustain MADeal until the end.
Everyone gave a round of applause for Marcus.
"Alam mo 'di ko alam kung invited ba talaga tayo dito o pinapunta lang tayo para pagalitan," sambit ni Shon habang sinusubo ang malaking piraso ng chicken fillet.
"Dada ka nang dada, kanina ka pa nga diyan lumalamon," Amy said.
"Natural! Dapat lang naman talagang kumain ako. Bakit nakakabusog ba 'yong mga pinagsasabi niya? Siya lang naman 'yong nabusog. All credits to himself. Kaya nga diba victory party because it's for all. Hindi lang siya, hindi lang 'yong sarili niya at 'yong kaluluwa niya, kundi para sa lahat ng bumubuo ng MADeal. Hindi ba niya p'wedeng pasalamatan man lang tayo? Kahit guards man lang ng MADeal o 'di kaya 'yong mga surot at daga na lang sa basement. Kahit 'yon lang, mahirap ba gawin 'yon? Eh, puro lang siya "it was me" "it was also me" "ako lang" "ako rin". Edi siya na lahat! Siya na 'yong magaling. Siya na 'yong may gawa ng tuwid na daan, nagbigay ng tsinelas sa mga bata, namigay ng condoms, nagpalugaw sa mga nasalanta ng bagyo. Siya na rin 'yong tumae sa cr nang hindi man lang flinash. Siya na 'yon lahat, total, credited naman sa kan'ya lahat 'di ba? Ba't 'di niya pa 'yon isama sa mga nagawa niya."
"Bakit nga ba?"
Napasulyap ni Shon sa kan'yang gilid nang marinig ang nagsalita, kapagkuwan ay sumubo ulit ng pagkain.
"Ewan ko ba diyan! Parang--"
Muli niyang tinignan ang lalaking nasa tabi niya at muntik na siyang mabulunan dahil sa gulat nang mapagtantong si Lex pala iyon.
"Parang ano?" tanong ni Lex.
"Parang… parang natatae ako. Excuse me sir," sambit nito saka patakbong umalis upang makatakas lang.
Bahagyang napatawa si Lex.
"Pasensya kana do'n sir, minsan kasi parang may saltik 'yon. Tinotopak minsan," sambit ni Amy sabay lagok ng kaunting wine.
"No! It's okay, he's funny. Mukhang nakainom na," nakangiting sabi ni Lex.
"Kayo lang ni Mr.Gurdon? Where's--"
"Looking for me, sir?"
Napalingon si Lex nang marinig ang boses na nagmumula sa likod niya.
"Oh! Ms.Falcon you look stunning," papuri niya dito na ikinatuwa naman ng dalaga.
She sitted next to him.
"Thank you, sir! You look perfectly handsome tonight. Actually, I'm also searching for you since I came here at dito lang pala kita makikita. Kung alam ko lang na hinahanap mo 'ko, edi sana nagpakita ako nang mas maaga," Kate laugh playfully.
Napangiti si Lex nang makita ang pasimpleng pag-ismid ni Amy.
"You're funny Ms.Falcon, ang suwerte ng magiging boyfriend mo. Bukod sa maganda kana at sexy you have a sense of humour too."
"Oh! So you mean you're lucky?" she asked with her ravishing eyes.
Lex laughed hard.
"Oh! That's also funny. You're really a bluffer, Ms.Falcon."
Kate gave a fake smile.
"Yeah! It's funny. My joke is really funny. It really is," sarkastikong sabi niya sabay irap.
***
Tiningnan ni Camille ang mukha niya sa salamin at aminado siyang ibang-iba ang hitsura niya ngayon. She's very uncomfortable wearing heavy make-up, para bang pakiramdam niya'y namamaga ang mukha niya dahil sa kapal nito. She grabbed a tissue and was about to wipe off her lipstick pero natigilan siya.
"Camille ngayon lang 'to okay? Tiisin mo na lang," bulong niya sa isip.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago lumabas ng restroom. Nang pabalik na siya'y napansin niya ang isang grupo ng mga kalalakihang nakatingin sa kan'ya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang lalo pa't tila ba hinuhubaran na siya sa mga malalagkit na tingin nito. Binilisan niya ang paglalakad pero sa 'di inaasahan ay bigla na lang nawalan ng ilaw sa loob. It's totally dim inside wala siyang nakikitang kahit ano. Tumunog ang isang malamyos na musiko kasunod no'n ay ang pag-labas ng makukulay na ilaw. Nagkaroon ng kaunting liwanag sa loob pero nangingibabaw pa rin ang dilim. She was so amaze how the music matches the ambience right now. It was perfectly romantic. It made her heart fall deeply in love.
Inilibot niya ang tingin sa paligid at napansin niyang nagsisimula nang magsayaw ang mga tao sa loob. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang maisip na isa si Marcus sa mga nakikisayaw habang ninanamnam ang bawat haplos ng musiko.
Nagsimula na siyang maglakad at tinahak ang daan pabalik sa kanilang table, pero bigla siyang natigilan nang makita niya si Marcus. Dalawang metro lang ang pagitan nilang dalawa pero tila ba isang pulgada lang iyon para sa kan'ya dahil naaaninag niya nang klarong-klaro ang bawat sulok at hulma ng mukha nito. Pati na ang mga mata nitong tila may sinasabi na 'di niya mawari kung ano. Unti-unti niyang naramdaman ang pabilis na pabilis na pintig ng kan'yang puso.
Nakatitig lang si Marcus sa kan'ya nang matiim na para bang binabasa nito kung ano ang nasa kan'yang utak. Hindi niya alam ang gagawin niya. Gusto niyang humakbang papalapit dito, but it seems that there's someone who stops her to take a step closer to Marcus. Para siyang naistatuwa sa kinatatayuan niya at habul-habul niya ang kan'yang hininga dahil sa 'di mapigilang pagtambol ng kan'yang nagwawalang puso. Anong gagawin niya? He may look fool standing in front of him na wala man lang ginagawa. She can't even smile, maging ang labi niya ay ayaw gumalaw at magpakawala ng ngiti.
Is she mad?
Galit nga ba siya?
nagtatampo?
disappointed?
nagseselos?
Bakit?
Dahil ba sa sinabi ni Marcus sa kan'ya noong nakaraan?
Dahil ba sa nakita niyang paglalambingan nila Valerie kanina?
Does she have the right to get mad? to be jealous?
Of course wala!
But why is she acting like a jealous and grouchy girlfriend?
Hindi naman sinabi ni Marcus na umasa siya 'di ba? Sa simula pa lang ay sinabi na ni Marcus na wala siyang pakialam sa nararamdaman nito para sa kan'ya.
Pero bakit? Bakit parang may nakakapa siyang pag-asa sa dilim? Bakit parang iba ang nararamdaman niya sa mga titig nito, sa mga kilos na ipinapakita nito?
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang maramdaman ang paghawak ng isang kamay sa kan'yang braso. Napalingon siya at kaagad sumalubong sa kan'ya ang nakangiting mukha ni Lex. He looked so handsome with his gray toxido.
"Finally, I found you! Kanina pa kita hinahanap," sambit nito.
"Sir Lex..."
"Since nahanap na kita, I won't call this night a victory party if I can't dance with you," nakangiting sabi ni Lex sabay kindat.
Napakurap-kurap si Camille sa sinabi nito.
"So, shall we dance?"
Inilahad nito ang kanang kamay sa kan'ya sabay pakawala ng isang napakatamis na ngiti na kahit na sino ay 'di makakatanggi.
Bago niya iniabot ang kamay dito ay nilingon muna niya si Marcus. Gano'n na lang ang pagkadismaya niya nang makita itong sumasayaw kasama si Valerie. Parang pinipiga ang puso niya habang nakikita itong nakahawak nang mahigpit sa baywang ni Valerie. There bodies were so closed to each other and they were dancing like they have their own world.
Hinawakan ni Lex ang baba ni Camille at bahagya itong iniharap sa kan'ya. Tinitigan niya ang dalaga at sumilay dito ang kirot sa mga mata.
"Camille look at me. Kalimutan mo 'yong iniisip mo at sa'kin ka lang tumingin. Enjoy this night, okay?" sabi nito sa malambing na boses.
Camille gave a fake smile and simply nodded.
Marahang iniangat ni Lex ang mga kamay ng dalaga at ipinulupot ito sa kan'yang leeg.
"Can I hold your waist?" nag-aalangang tanong nito.
A sudden smile drew on Lex lips when she saw Camille nodded.
Kaagad niyang idinapo ang mga kamay niya sa baywang ng dalaga at sinimulang sundan ang lamyos ng musiko.
He kept his eyes on Camille's face. He was really mesmerize by her beauty. Ang mga kolorite sa mukha nito ay lalong nakakadagdag sa gandang taglay ng dalaga.
"You really look so gorgeous tonight, Camille."
"Thank you, sir," she smiled.
"You are so pleasing to my eyes. Kahit siguro magdamag kitang tingnan ay 'di ako magsasawa. I'm sure many of them now are very envious because I'm dancing the most lovely woman tonight."
Biglang nakaramdam si Camille ng pag-iinit sa kan'yang pisngi. Iniwas niya ang kan'yang tingin sa binata na kanina pa matiim na nakatitig sa kan'ya. Nakaramdam na naman siya ng pagkailang dito dahil sa mga mabulaklak nitong mga sinasabi.
"Do you love the music?" Lex asked.
She nodded.
"Would you like to ask me if I love the music too?" natatawang sabi nito.
"Ah-- G-gusto mo ba 'yong--"
"Yeah! Pero parang mas maganda pag perfect yong pinatugtog nila. Do you know that song?" pagputol nito sa kan'yang sinabi.
"Iyong kay Ed Sheeran po ba?" tanong niya habang direktang nakatingin sa mata ng binata.
Lex smiled sweetly.
"Yeah! Para kasing mas magandang pakinggan 'yon while I'm directly looking at you sabay sabing darling you look perfect tonight."
Gumuhit sa labi ni Camille ang ngiti dahil sa sinabi ng binata.
"Thank you, sir."
Napakunot-noo si Lex.
"for what?"
"Sa mga compliment mo po."
"You don't have to thank me. Kahit sino naman siguro ay papaliguan ka ng compliment 'pag nakita ka nila ngayon."
She took a glance at Marcus and she saw how happy Valerie is while dancing the man he loves. They were staring at each others eye with full of delight. Hindi maalis-alis sa labi ni Valerie ang matamis na ngiti. She looks so happy. Very happy. At siya naman itong miserable habang pinapanood sila.
Parang pinagpira-piraso ang puso niya. It felt like a torture to her watching Marcus dancing with other woman, holding her tightly and caressing her.
Ipinikit ni Valerie ang kan'yang mga mata habang unti-unting inilapit ang mga labi niya sa labi ng binata. Marcus did not even move. Pinagmamasdan lang nito ang bawat kilos ng dalaga at tila hinihintay lamang nito ang pagdidikit ng kanilang mga labi.
"Do I have the right to feel jealous dahil ang babaeng kasayaw ko ay nakatingin naman sa iba?"
Napatingin si Camille kay Lex nang marinig ang sinabi nito.
"S-sorry sir..."
Lex gave him a smile. Ngiting iba sa mga ngiti nito kanina.
"Sa'kin ka tumingin Camille. Keep your eyes on me."
She nodded politely.
"They look good together, right?"
Nagulat si Camille sa biglaang tanong nito.
"S-sino po?"
"The couple you kept on eyeing."
She blinked her eyes.
"sobra"
Nakaramdam siya ng pagkirot sa puso nang bigkasin iyon.
"really?"
She nodded.
"Your eyes speak louder."
Nakakunot ang noo niyang tiningnan ang binata.
"Ha?"
"wala!" he smiled.
Napansin ni Camille ang unti-unting pagluwag ng mga kamay ni Lex na nakahawak sa baywang niya. Napatitig siya sa mga mata ng binata nang may pagtataka. Binigyan lamang siya nito ng isang simpleng ngiti habang dahan-dahang tinatanggal ang magkabila niyang kamay na nakapulupot sa leeg nito. Napatigil siya sa pagsasayaw nang mapansin niya ang paghinto ni Lex. Lex held her right hand at pasimple nitong inangat na tila ba binibigyan siya ng pagkakataon nito para umikot.
"Turn around," sambit ni Lex na 'di inaalis ang mga ngiti sa labi.
She smiled back and slowly turned around while holding Lex hand. Sa pag-ikot niya ay naramdaman niya ang pagbitiw ni Lex sa mga kamay niya, kasunod nito ay ang muling pagdilim ng paligid at ang paghinto ng musika. Nakarinig sila ng malakas na putok sa loob. Everyone shouted in shock. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot. She couldn't see anything para siyang nalulunod sa dilim.
"S-sir?"
She waited for a response pero wala siyang narinig.
"What's happening?" sigaw ng isang boses babae sa likod niya.
"Everyone stay calm! Baka may technical problems lang."
"Ano 'yong pumutok? Is it a gun?"
"No this can't be! Ano ba'ng nangyayari?"
"Walang aalis, walang tatakbo, okay? Don't panic."
"Could anyone tell me anong nangyari? Natatakot na kami rito."
A very loud blast stunned them. Everyone is panicking. Marami na ang humihiyaw sa takot. Camille felt nervous. Parang nararamdaman niyang anytime may maliligaw na bala sa kan'ya. She wanted to get out of here, pero hindi makagalaw ang mga paa niya tila nawawalan ito ng lakas.
Napaatras siya nang may biglaang bumangga sa kan'ya. Her back fell on a sturdy muscular thing. Nandilat ang mata niya. Alam niyang tao ang nasa likod niya ngayon. She waited for it to talk pero wala siyang narinig na kahit ano mang reklamo galing dito.
A superb instant effect of pancy light, gleamed beautifully. Napatingin si Camille sa paligid at gumuhit sa labi niya ang ngiti nang makita ito. Everyone was amaze. It was a surprise. Bulong niya sa isip.
A sweet melodic song enclosed the hall. Nilingon ni Camille ang nabangga niya kanina and there he saw a groomed man standing firmly. Nakatingin ito ng diretso sa kan'ya. Ang mga tingin nitong nagpapatalon sa puso niya.
Marcus took a step closer to her.
Naghuhumiyaw ang puso niya. 'Di niya mapigilan ang malakas na pagtambol nito habang pinagmamasdan ang mukha ng binata.
He felt Marcus hands caressing her back down to his hips. She felt a soft heat on Marcus palm. Bawat pagtakbo ng mga kamay nito sa likod niya ay tila ba nagbabaga.
She couldn't take her eyes on Marcus face. Para bang nang-aakit ang mga mata ng binata at 'pag nagawa mong tignan ito ay mahihirapan ka nang umiwas at kumawala sa mga titig nito.
Tila ba may sariling buhay ang mga kamay niya at awtomatiko itong pumulupot sa leeg ni Marcus. Kaagad naman siyang hinapit ni Marcus papalapit. There bodies were sticking together at ramdam na ramdam niya ang katigasan ng dibdib nito. There faces were so close to each other at tatlong pulgada lang ang pagitan nito sa isat-isa. Damang-dama nila ang bawat paglabas-masok ng hangin sa kani-kanilang ilong. Her heart screamed with so much happiness. Parang ayaw niyang matapos ang gabing 'to. Parang gusto niya na lang manatili sa ganitong posisyon.
Nagsimulang gumalaw ang mga paa nila kasabay ng paghagod ng lamyos ng musika sa kaniyang puso.
Parang hinahaplos ang puso ni Camille sa bawat titig na pinupukol ng binata sa kan'ya. There lips are both sealed but their eyes are silently talking. Marcus is really handsome. Hindi niya maikubli ang malakas na pagtibok ng puso niya habang tinitingnan ang kabuuan ng mukha ni Marcus.
Ang mga mata nitong may makahulugang mga titig. Ang matangos nitong ilong na nagpapakawala ng hangin na kumikiliti sa kan'yang puso. Ang mapula at malambot nitong labi na nagpatigil ng mundo niya noong pinagsaluhan nila ang masamyong halik sa loob ng kuwarto nito. That memory was deeply inscribed on his mind. Bawat galaw ng mga labi nito, ang lasa ng laway nito ay natatandaan niya pa hanggang ngayon. It gave a big impact not just on her mind but her whole heart.
"S-sir?"
"What?"
Naamoy niya ang mabangong hininga nitong nanunuot sa kan'yang ilong.
"P'wede ba akong mag tanong?"
Marcus nodded.
"Kayo ba 'yong nagpadala ng mga gamit sa apartment ko?"
"No! Wala akong pinadalang kahit ano," he said with his cold voice.
Napabuntong hinga si Camille.
"W-wala kasi akong maisip na ibang nagpadala sa'kin ng mga bagay na 'yon. Ikaw lang 'yong may alam na nilooban ang apartment ko."
"I don't mind others' business. I thought it was clear to you last time. Why should I give you those things? I already told you, don't expect something from me."
Parang sinabuyan siya ng mainit na tubig dahil sa narinig niya. Hindi naman bago sa kan'ya ang mga masasakit na salitang binibitawan nito pero parang sinasampal pa rin siya ng paulit-ulit sa katotohan.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago nagsalita.
"Oo alam ko 'yon. Naiintindihan ko 'yon. Nakatatak na sa utak ko 'yon."
She smiled bitterly.
"pero..."
Naramdaman niya na ang pagbabadya ng mga luha niyang gusto nang bumagsak.
"Not now, not now Camille. Hindi ka puwedeng umiyak sa harap niya. You will look pitiful" sigaw niya sa isip.
"Pero sana… sana 'wag niyong iparamdam sa'king mahalaga ako. 'Wag niyong ipakitang nag-aalala kayo, na may pakialam kayo. Alam mong gusto kita. Alam kong hindi mo 'ko gusto at hindi mo 'ko magugustuhan. 'Di ba dapat lumayo kayo sa'kin? 'Di ba dapat magkunwari kayong hindi niyo ko nakikita, na wala kayong pakialam, na hindi ako nag-eexist."
Naninikip ang dibdib niya na parang sasabog ito sa sobrang sakit.
"Pero, bakit? Bakit salungat 'yong pinaparamdam niyo sa mga sinabi niyo? 'Yong… 'yong halik mo, wala lang ba 'yon? Gusto kong malaman."
Marcus gave him a cold look.
"Ms.Cordo--"
"Hindi! Hindi… hindi niyo na kailangang sabihin. Alam ko… parte 'din 'yon ng responsibilidad mo sa mga empleyado mo. 'Di ba? Responsibilidad mong halikan ang mga empleyado mo?" Camille said sarcastically.
Tinanggal niya ang mga kamay ni Marcus na nakahawak sa baywang niya at bago pa tuluyang bumagsak ang luha niya ay diretso siyang naglakad. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay nahawakan na ni Marcus ang palapulsohan niya. Tinignan niya ang mga kamay ng binatang nakahawak sa kan'ya at 'pagkuwan ay binaling ang tingin sa mukha ng binata.
"Puwede po bang mag request, sir? Kung puwede sanang idistansya niyo ang sarili niyo kasi gano'n din ang gagawin ko."
Iwinaksi niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kan'ya at mabilis na naglakad palabas ng hotel.
Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay sumasabay ang mga luha niya sa pagpatak. Ngayon lang niya nagawang ilabas ang nararamdaman niya sa harap nito. Alam niyang pagkatapos ng gabing 'to ay haharapin niya ang hiya at pagkailang sa binata. Hindi niya lubos maisip na sa gabing ito niya sasabihin ang totoong nararamdamam niya, ang hinanakit niya sa binata. Kailangan niyang tuldokan ang katangahan niya. Kailangan niyang harapin ang katotohanan na hindi talaga sila puwede, na imposibleng magustuhan siya ng binata.