Kalahating oras na siyang naghihintay sa labas at walang kahit isang taxi ang dumadaan. Sinulyapan niya ang oras sa kan'yang cellphone at saka niya lang napagtantong mag-mamadaling araw na pala. Maya-maya'y may bumusinang kotse sa likod niya at nang lingunin niya ito ay muli na namang siyang nakaramdam ng kirot sa puso.
"Get inside!" sigaw ni Marcus.
Ibinalik niya ang tingin sa kalsada at umaktong hindi narinig ang pagtawag nito.
"I said get inside the car!" halata sa boses nito ang pagkairita.
Tinigasan niya ang damdamin niya kahit pa'y mistulang nanginginig na ang tuhod niya nang marinig ang galit na boses nito.
Nagpang-abot ang kilay ni Marcus nang 'di man lang siya nilingon nito. Kaagad siyang lumabas ng kotse at padabog na isinarado ang pinto.
"Sumakay ka na, it will be hard for you to grab a taxi this midnight. Wala na masyadong dumadaang taxi ngayon."
"Hindi na sir, kaya ko namang maghintay."
Nagtangis ang bagang ni Marcus dahil sa pagmamatigas ng dalaga. Diretso niyang hinila ang mga kamay nito papunta sa kan'yang kotse pero pilit itong nagpupumiglas.
"Bitawan niyo 'ko! Ayoko nga kasing sumakay," sigaw nito sabay bawi ng kamay niya sa binata.
Marcus gave him a keen gaze that stunned her.
"Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ka makakasak--"
"Kaya ko 'yong sarili ko! 'Di ko kailangan ng tulong niyo," matapang na sabi niya.
Bumakas sa mukha ni Marcus ang sobrang pagkairita.
"Did you just raise your voice?" nakakunot noong tanong nito.
Napayuko na lamang si Camille nang maisip ang sinabi niya kanina.
"S-sorry sir, 'di ko sina--"
"Who the hell do you think you are, huh? Where did you get your guts para sigawan ako? Did you forget that I'm your boss?"
Camille remained silent. Sa katunayan ay parang mahihimatay na siya sa kaba dahil sa pinapakitang galit ng binata sa kan'ya.
"Okay fine! You wait in vain here."
Tinalikuran siya nito at diretsong sumakay ng kotse.
Naglakad naman si Camille pabalik sa kinatatayuan niya kanina at nakaramdam siya ng kaluwagan nang makita ang taxi sa 'di kalayuan. Gumawa siya ng ilang hakbang at pinara ang taxing papalapit. Akala niya ay hihinto ito pero dire-diretso nitong pinaharurot ang sasakyan patungo sa direksyon niya. Nagmanhid ang mga paa niya nang makitang isang metro na lang ang layo mula sa kan'ya at masasagasaan na siya.
Bago pa siya nahagip ng taxi ay may humila na sa kan'ya. Nasubsob ang mukha niya sa dibdib nito and she smell the manly scent of this guy. She lifted her head and she saw the cold expression of Marcus' face.
Kaagad siyang lumayo sa binata at inag-iwas ng tingin.
"Sumakay ka na."
"Salamat na lang sir, pero maghihin--"
"You almost hit by a taxi! Tapos maghihintay ka pa rin?"
Napalunok si Camille bago bumigkas ng salita.
"Aksidente lang 'yon."
"Stop fooling yourself! Alam ko na alam mong hindi 'yon aksidente. Can you just set aside your pride at sumakay ka na ngayon din."
"Hindi ako sa--"
Nandilat ang mga mata niya sa biglaang pagkakadikit ng kanilang mga labi.Nang nagising ang diwa niya ay kaagad niya itong tinulak kaya napaatras nang bahagya si Marcus. 'Di niya maitatanggi ang pagbilis ng t***k ng puso niya at ang pamumula ng mga pisngi niya. Kaagad niya itong tinalikuran at humakbang papalayo rito.
"That kiss..."
Natigilan siya nang marinig ang sabi ni Marcus.
"I mean it."
Biglang napatalon ang puso niya dahil sa sinabi ng binata.
"As well as the kiss I've done to you in my room."
"B-bakit mo ginawa 'yon?"
Lalong lumalakas ang pintig ng puso niya habang hinihintay ang sagot nito at sa tingin niya ay naririnig na rin iyon ni Marcus.
"I- i just want to."
"Ahh... okay, ngayon alam ko na. Klaro na sa akin lahat," she said with full of disappointment.
Ano pa nga bang aasahan niyang magiging sagot nito.
May humintong taxi sa tapat niya at lumabas si Kyle na nakapang-abot ang kilay. Napansin niya ang pagtapon nito nang matatalim na tingin kay Marcus saka nito ibinaling ang pansin sa kan'ya.
"Kanina ka pa ba? Bakit 'di ka tumawag?" sunod-sunod na tanong ni Kyle.
'Di pa man niya ito nasagot ay muli na naman itong nagsalita.
"Halika na! Sumakay na tayo."
Kaagad nagtungo si Kyle sa taxing naghihintay habang hawak-hawak ang kanang kamay niya. Pinigilan niya ang sariling sulyapan si Marcus hanggang sa nagsimula nang tumakbo ang taxi palayo roon.
"Ginugulo ka ba ng lalaking 'yon?"
She sighed.
"hindi" matipid na sagot niya.
Tiningnan siya ni Kyle na para bang sinisigurado nito kung totoo nga ba ang sagot niya.
"Anong ginagawa niya do'n?"
"Kasama siya sa party."
"Alam ko... Ang ibig kong sabihin anong ginagawa niya do'n sa labas kasama ka?"
"Hindi ko alam," pagsisinungaling niya para makaiwas sa mga tanong nito.
"Camille--"
"Ky please…"
***
Hingal na hingal si Shon nang pumasok ng office. Hawak niya pa ang kan'yang dibdib at naghahabol ng hininga. Halatang galing ito sa pagtakbo.
"Sa'n ka galing?" tanong ni Amy.
"Magugulat kayo sa sasabihin ko," saad nito.
"Sabihin mo na, 'wag kang pa thrill as if interesting," Kate rolled her eyes.
Shon took a deep breath before he uttered a word.
"Heto na nga kasi... Galing ako ng Ai Eatery, ilang metro lang ang layo no'n sa YiTing 'di ba? Eksaktong pagdaan ko do'n… Jusmeyo! nashakera ako. Hulaan niyo sinong nakita ko?"
"Si Pikachu?" Amy said in jest.
"Baliw! Si Chris… ang mokong nakita ko lumabas ng YiTing, may suot-suot na ID."
Napahinto si Camille sa kan'yang ginagawa nang marinig ang sabi nito. Inikot niya ang swivel chair na inuupuan niya upang harapin si Shon.
"Si Chris?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Si Chris nga, klarong-klaro ng dalawang mata ko."
"So ibig mong sabihin, nagtra-trabaho siya ngayon sa YiTing?" tanong ni Amy.
"May tama ka!" sigaw ni Shon sabay turo kay Amy.
"Kaya pala wala siya no'ng party at nitong mga nakaraang araw, kasi nag resign na pala siya," Amy said.
"Imposible namang nag-resign siya nang hindi man lang nagpapaalam sa atin," saad ni Camille na may pagtataka pa rin sa mukha.
"Kung totoo man 'yan, then it would be better. Kasi unti-unti nang nababawasan ng mga toxic sa kompanyang ito. Camille, kung nalulungkot ka sa pag-alis ni Chris, well, you're free to follow him. The door is widely open for your resignation. I'm sure iwi-welcome ka ng YiTing doon. Infact, I heard your closest friend is there too, so magsama-sama na lang kayo doon," sambit ni Kate na may mapang-asar na ngiti sa labi.
Hindi niya na pinansin pa ang sinabi nito. Dahil kung papatulan niya si Kate ay ito na naman ang pagmumulan ng away nila. Ayaw niya nang maulit pa ang nangyaring gulo noon. She would rather keep her mouth shut and swallow every insult thrown by Kate to her.
"Alam niyo napapansin ko rin 'yong pagiging tahimik ni Chris noong mga nakaraang linggo. 'Di ko lang masyadong pinapansin kasi nga baka stress lang o 'di kaya may personal problem. Pero 'di nasagi sa isip ko na magre-resign siya," ani Amy.
"Baka naman pinagalitan ni panot kaya ayon napagisip-isip niyang magpakalayo-layo o 'di kaya, may malaking offer sa kan'ya ang YiTing. Tang*na! Kaya siguro 'di na nagpaalam kasi natatakot siyang malaman natin. Napakap*tang-ina talaga ng mokong na 'yon. Selfish! Hindi man lang inisip 'yong pinagsamahan natin. Mukhang pera ang walang 'ya!" galit na sabi ni Shon.
"Ibahin mo si Chris sa'yo, baka kamo pag ikaw binigyan ng malaking offer ng YiTing kakagat ka agad," pambabara ni Amy.
"Hindi ha! Anong akala mo sa'kin, mukhang pera? At tsaka bakit ba pinagtatanggol mo ang mokong na 'yon? Siya na nga 'tong nang-iwan na wala man lang pasabi eh. Akala mo naman 'di niya sinasaktan si Chris, eh bugbog-sarado nga 'yon sayo eh. Tapos ngayon, kunwaring magbabait-baitan ka porke't wala na dito. Naku! alam na alam ko 'yang mga galawan na 'yan. Kunwari ipagtatanggol tapos--"
Bago pa matapos ni Shon ang kan'yang sinasabi ay nakatanggap na siya ng isang malakas na sapak galing kay Amy. Napasigaw siya sa sakit.
"Aray naman ate eh! Napakasadista mo talaga," nakatakip ng ulong sabi ni Shon.
"Tapos ano ha? Ano? Ituloy mo!" nanggigil na sabi ni Amy habang nakataas ang kanang kamay upang ihanda ito sa ano mang isasagot ng binata.
"Wala!"
"Ayusin mo 'yang sinasabi mo ha! Makakatikim ka talaga sa'king hinayupak ka."
Napahikab si Camille nang makaramdam siya ng antok. Kinusot niya ang kan'yang mata na ngayon ay maluha-luha na dahil sa hapding nararamdaman nito. She glanced at her watch and it reads 5:30pm. Ilang oras na pala siyang nakatitig sa kan'yang computer kaya gano'n na lang ang pagod na iniinda ng kan'yang mga mata.
He stood up and start walking towards the door. She decided to get a coffee of herself to ease the sleepiness she barely felt right now.
Sa 'di kalayuan ay natanaw niya ang isang pamilyar na lalaking nakatayo sa vending machine na animo'y may hinahanap sa itim na pitaka nito. Lumapit siya rito at dumukot ng barya, 'pagkuwan ay iniabot ito sa lalaki. The man looked at her questioning her presence, pero kaagad din namang gumuhit sa labi nito ang isang ngiti.
"Thank you!" the man said.
She just smiled.
Matapos nitong mahulog ang barya ay kaagad nagluwa ang makina ng mainit na kape na kaagad namang kinuha ng lalaki.
"Thank you again!"
Camille slightly bowed her head to give respect to the man in front of her.
"You're welcome, Mr.Alarcon."
Bigla itong bumulalas nang tawa na ipinagtaka niya.
"Are you working here?"
She nodded.
"Siguro ay baguhan ka pa rito."
"Almost 8 months na po akong nagtatrabaho rito," tugon niya.
"Really? But you should've known me, if you're working here for long months. Siguro ay 'di lang nila ako ipinakikila sa'yo," nakangiting sabi nito.
Camille panicked when she heard what the man said.
"N-no, sir! Kilala ko po kayo. You're the former president of MADeal. Ikaw 'yong daddy ni sir Marcus," she explained.
"Yeah, you're right! But we have different last name. Let me introduce to you myself, I'm Gregory Vergara, Marcus Alarcon's father," nakangiting sabi nito.
Camille looked at him confused.
"Well, it's nice to know that you're working here. Thanks for the coins and see you when I see you."
***
Marcus was staring at the piled papers on his table. 'Di niya alam kung paano niya tatapusin basahin ang lahat ng 'yon gayo'ng sumasakit na ang kan'yang ulo. He felt dizzy and sleepy at the same time. Ilang gabi na rin siyang walang tulog dahil sa hectic na schedule niya. He was about to close his eyes and take a quick nap, nang may biglang nagbukas ng pinto.
"How are you?" his dad asked wearing a smile.
Ngumiti lamang siya nang kaunti at inayos ang pagkakaupo niya.
"I'm good."
His dad sat at the visitor's chair across him and handed him a coffee.
"Thanks dad!"
"Did you like your new office?"
He just nodded.
"You look so exhausted. You better go home and take a rest. Don't be too harsh on yourself. Hindi ka robot," nag-aalalang sabi nito.
He gently massaged his temple and then gulped a coffee.
"It's okay, I'm fine. I'll just asked Tanya to bring some medicines"
"Did you just replace your secretary?"
"No…. Should I? Somehow, she's doing well. "
"No! If she's doing well then, there is no need for you to look for another one."
"Bakit mo naitanong, dad?" Marcus asked with his knitted eyebrows.
"Wala naman... I just met a girl kanina and she gave me her coins, dahil nakita niya sigurong naghahanap ako ng barya sa wallet ko to get a coffee from the vending machine."
"then?"
"He called me Mr.Alarcon. Sabi niya she have been working here for almost 8 months, pero hindi man lang niya alam ang apelyido ko."
"I bet it was Camille Cordova."
Biglang gumuhit sa labi ng ama niya ang isang ngiti.
"Oh! You know her."
"Why not? She's working here, talagang makikilala ko siya."
"Bakit? 'Di naman lahat ng staff ng MADeal kilala mo. But that girl… Camille Cordova is one of those staff you know. I'm sure you're close to each other."
Marcus smirked.
"What are you talking about, dad? We're not close. We don't even talk."
"You don't talk, but you were looking at each other's eyes while enjoying the music in the party."
Sandaling natahimik si Marcus.
"You like her," nakangiting sabi ng daddy niya na tila ba siguradong-sigurado ito.
"No," he said without hesitation.
"Naisip ko lang... Kung hindi mo magustuhan si Valerie, maybe Camille Cordova is the type of girl you like."
"As I said, I don't like her, dad."
His father looked directly in his eyes then began to laugh.
"You don't like her now, but maybe you'll like her sooner. Look Marcus, she's nice, pretty and I'm sure she has a good personality."
Marcus sighed deeply.
"Dad, you can't see it by her looks even the way she acts. It can be fake."
"Yeah I know but… Marcus, you should start to look for a girl. Don't stay focus in MADeal. Have fun, enjoy your life and be in love. You're not getting any younger. Sooner you'll realize that you need someone to be at your side. Someone who will love you for the rest of your life. Don't you want to experience the feeling of being a father? The feeling when your child holds your hand? Ayaw mo bang maranasan 'yon? Marcus, 'wag mong gawing bato 'yong puso mo. Learn to love."
Marcus gulped a little bit of coffee to unclog his throat.
"Yeah! But this is not the right time for me to--"
His father cut him with his playful laugh.
"Okay! I'll wait for that right time. I'm looking forward to our grandchildren. Gusto na naming makita ng mama mo..."
He stopped when he realized what he just said.
"I mean… Gusto namin makita ni Lucia ang magiging anak mo."
Marcus smiled bitterly.
Biglang namuo sa kanila ang katahimikan nang mga ilang minuto, pero kaagad naman itong binasag ni Marcus.
"Dad, don't get too close to her as much as possible," sambit niya na may pag-aalala sa boses.
Biglang sumilay sa mukha ng ama niya ang pagtataka.
"Are you talking about Lucia?"
Marcus shook his head.
"No, I mean the girl you just met, Camille Cordova."
Tiningnan siya nang nakakaloko ng kan'yang ama at 'pagkuwan ay tumawa ito nang malakas.
Marcus puckered his brows.
"What's with that laugh, dad? I'm serious."
"Yeah! yeah! I know. Are you jealous? It doesn't make sense, because I'm your father. Don't be so over protective and possessive. See? I'm too old for her. She might not even take a glance at me," natatawang sabi nito.
Bumakas sa mukha ni Marcus ang pagkairita, but he tried to hide it and calmed himself.
"Dad, I'm not being jealous. The hell I care about her. It's just that I... I don't want you to get close to her because… because..."
"Because what?"
Marcus gulped.
"Just don't, please."
Ngumiti lamang ito at 'pagkuwan ay tumayo at tinapik ang balikat niya.
"I have to go. I'll tell your secretary to bring you some medicine."
Marcus nodded.
***
Nang makabalik si Camille sa office ay kaagad siyang nagtungo sa katabing mesa ni Amy na ngayon ay bakante na.
"Ate Amy..." mahinang tawag niya.
"Ano 'yon Camille?" tanong nito na 'di man lang inaalis ang mga mata sa computer.
"Bakit hindi Vergara ang dala-dalang apelyido ni sir Marcus?"
"Eh kasi si Sir Marcus, anak lamang siya sa labas ni sir Greg. 'Yong apelyidong dala-dala ni sir Marcus ay apelyido ng totoong mama niya."
"A-anak lamang siya sa labas?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Oo, 'yong totoong anak kasi ni sir Greg namatay. 'Di ko alam kung bakit, basta ang sabi-sabi may sakit daw. Kaya ayon, si sir Marcus ang nakakuha nitong MADeal. Suwerte niya rin 'no? Kadalasan kasi 'yong mga anak sa labas 'di na kinikilala ng mga ama o ina nila. Pero alam mo, hindi maganda ang relasyon nila Marcus at ang totoong asawa ni sir Greg."
"Kaya ba 'di siya nakatira kina sir Greg at mas pinili niyang mapag-isa?"
"Pa'no mo nalamang 'di siya nakatira do'n?" sabad ni Shon na kanina pa pala nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Ha? Hmm.. N-narinig ko lang din sa iba," pagsisinungaling niya rito.
"Ewan ko, siguro!" Amy shrugged.
"Siguro napakalungkot niya," sambit ni Camille nang may pag-aalala sa boses.
"Pa'no magiging malungkot 'yon, eh nasa kanya na nga lahat. 'Yong perfect na physical appearance, 'yong talino, pera, yaman. Lahat kaya niyang bilhin, kotse, bahay, mamahaling damit, lahat ng mga bagay na kailangan pa nating pag-ipunan nang ilang taon ay mabibili niya ura mismo. Puwede nga niyang bilhin ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa eh, walang sinomang babae ang aayaw sa kan'ya. Kaya niyang gawin lahat-lahat kahit anong gusto niya," sambit ni Shon nang may paghanga.
Nagpakawala ng isang buntong hininga si Camille at 'pagkuwan ay tumayo at diretsong naglakad patungo sa kan'yang puwesto.
"Nagagawa niya nga lahat, pati ang paghalik sa kahit na sino dahil sa gusto niya lang," bulong niya sa hangin.
"Anong sabi mo, Camille?" nakakunot-noong tanong ni Shon.
"Ha? W-wala, wala akong sinabi," she lied again.
"Hindi eh, may sinabi ka narinig ko. Parang may nabanggit kang halik."
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sabi ni Shon. 'Di niya inakalang kahit gano'n kahina ang boses niya ay maririnig pa rin nito ang kan'yang sinabi.
"W-wala ha, wala akong s-sinabing gano'n. Ang sabi ko… ang sabi ko ay ano.. Hmm.. ano.. h-habulin siya… si sir Marcus ng babae. Dahil nga ano… n-nasa kan'ya na lahat," she said convincingly.
***
Marcus leaned on his swivel chair with his eyes close. He endured the severe pain he felt on his head. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya at para bang mababasag ang ulo niya sa sobrang sakit nito.Marahan niyang minasahe ang kan'yang sentido upang maibsan ang pananakit nito.
Maya-maya lang ay narinig niya ang sunod-sunod na katok galing sa labas. Huminga siya nang malalim bago nagpakawala ng salita.
"Come in!" he said with a low voice.
He heard some footsteps way going to him, but he did not bother to open his eyes to know who's there.
"Sir, nandito na 'yong gamot niyo saka 'yong tubig."
Nang marinig niya ang boses na 'yon ay alam na niya agad na secretary niya ang naroroon.
"Just leave it there," mahinang sabi niya.
"Okay lang po ba kayo, sir? Gusto niyo po bang tumawag na ako ng--"
"I'm fine! You may leave now."
"Okay sir, just call me if you need something."
Nang marinig niya ang papalayong mga yabag nito ay saka lamang niya iminulat ang kan'yang mga mata. Naabutan pa niya ng mga tingin ang tuluyang paglabas nito. Nang masigurado niyang siya na lang ang nasa loob ay saka niya kinuha ang nakapatong na gamot at tubig sa ibabaw ng mesa at diretso itong ininom.
He stayed 30 minutes in his office before he decided to go home. He fixed everything inside his suitcase and then took his phone on the table. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay nakaramdam na siya ng pagkahilo. Ipinikit niya ang kan'yang mga mata at huminto muna nang saglit bago tuluyang lumabas ng kan'yang opisina.
He was driving his car as fast as he could. Tila hinahabol niya ang pagtakbo ng oras dahil sa bilis nang pagmamaneho niya. Sa katunayan ay gustong-gusto niya lang madaliin ang pagpapatakbo nito, dahil para bang lalong bumibigat na ang talukap ng mga mata niya at ilang minuto lang ay pipikit na ito. Nawawalan na rin ng lakas ang kan'yang katawan at animoy binalot siya ng yelo dahil sa sobrang lamig na nararamdaman niya.
Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse, pero 'di niya inaasahan ang biglaang pagtawid ng isang lalaki at kaagad siyang napapreno.
"What the f**k!" malakas na sigaw niya.
He was paled in shock nang makita niyang walang tao sa daan. Kaagad siyang lumabas ng kotse at tiningnan kung anong nangyari sa lalaking nasagasaan niya.
The guy was sprawling across the street. Pilit itong bumangon habang bakas sa mukha nito ang hapding iniinda dahil sa mga natamo nitong galos sa katawan. Kaagad niya itong nilapitan at tinulungang tumayo.
"Are you okay? Sumakay kana, I'll bring you to the nearest hospital."
Habang tumatagal ang pagtitig niya rito ay mas lalong nagiging pamilyar ang mukha ng lalaki.
"O-okay lang ako sir, 'di na kailangan," kaagad itong nag-iwas ng tingin.
"No, you have injury. Kailangan 'yang gamutin."
"Kaunti lang naman to sir, galos lang. Okay lang talaga ako," iwinaksi nito ang mga braso niya na nakaalalay dito at paika-ikang naglakad.
Biglang nag-init ang ulo ni Marcus dahil sa pagmamatigas nito. Kaya, imbis na makipagtalo siya upang mapilit itong dalhin sa doctor ay hinayaan niya na lang itong umalis. Hindi niya ugaling magsumamo sa kahit na sino.
He glanced at his watch and it reads 6:00pm. Akmang babalik na sana siya sa loob ng kotse nang mahagip ng mata niya ang isang ID. Kaagad niya itong pinulot at nagpang-abot ang kilay niya sa nakita.
Nagmadali siya bumalik ng kotse at hinagilap ang cellphone sa loob saka tinawagan si Lex, pero nakailang tawag na siya ay wala pa ring sumasagot.
"Pick up the phone! F*ck!" nanggigigil na sigaw niya.
***
Ibinagsak ni Lex ang sarili sa swivel chair. Kagagaling niya lang sa conference room at halos magtatatlong oras ang inubos ng meeting nila. Niluwagan niya ang pagkakatali ng kan'yang necktie at 'pagkuwan ay dinukot ang cellphone sa kan'yang bulsa. Hindi niya pa man nabubuksan ito ay nakarinig na siya ng tatlong sunod-sunod na katok.
"Damn!" bulong niya.
Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa kan'ya ang nakangiting si Kate.
"Ms.Falcon!" he faked a smile.
Naglakad ito papunta sa direksyon niya at nang makalapit ay imbis na sa katapat na upuan ito pumuwesto ay umupo ito sa kan'yang mesa. Lantad na lantad ang maputing hita nito dahil sa nakaangat nitong miniskirt. It caught his eyes pero kaagad niya namang iniwas ang tingin dito at itinuon sa mukha ng dalaga.
"What can I do for you?" he said with a sweet smile.
"Hmm… I'm just checking you, if nakauwi ka na, sir," she said, wearing the most flirtatious smile she has.
"Oh I see! But why? Do you want to have a ride with me?"
"Can I?"
"Ahm...Y-yeah, sure! Why not? But, 'yon ay kung hindi ka nagmamadali. You know, I have a lot of things to do here before I go home, Ms.Falcon. Matatagalan pa bago kita maihatid."
"No, it's okay. I can wait naman, sir."
"Pero baka mainip ka. Anyway, I can ask anyone here to give you a ride, since 'di pa naman nakakauwi ang iba sa kanila," he lied.
"But I saw them left a while ago," sambit ni Kate na may nakakalokong ngiti na para bang sinasabi nitong wala siyang takas.
Lex faked a laugh.
"Ahh... gano'n ba? Oh well, then would you wait for me?"
"Yeah, I will, mas gusto ko'ng ikaw 'yong magdrive."
Lex smirked.
"You want to see me driving?"
"Oo naman!"
Inayos niya ang maluwag na pagkakatali ni Lex sa kan'yang kurbata at 'pagkuwan ay hinila ang ito papalapit sa kan'ya. She bent down to meet Lex's lips, pero bago pa niya magawa ay nagsalita ito
"There is CCTV here," he said to warn Kate.
"I don't care, unless you want to go somewhere else right now."
Lex smiled mischievously.
Susunggaban na sana niya ng halik ang binata nang biglang kumalampag ang pinto. They were both shock.
"Why the hell weren't you picking up your phone?"
Agad napatalon si Kate nang marinig ang galit na boses ni Marcus.
"M-marcus!" gulat na sabi ni Lex.
Marcus landed his eyes to Kate and gave her a keen gaze.
"Get out!" he said in his cold baritone voice.
Nagmadaling lumabas si Kate na 'di man lang tumitingin kay Marcus.
"Why weren't you answering my call?" tanong niya na halata sa boses ang pagkayamot.
"I'm sorry, I turned off my phone 'cause we had a long meeting. I didn't mean to ignore your call," he explained convincingly.
Marcus sat on the visitor's chair across Lex.
"I thought you left early. Sabi kasi ng secretary mo you're not feeling well."
Marcus took a deep breath.
"May nag-resign ba sa Marketing Department?" he asked, ignoring what Lex said.
"Yeah! Why?" nagtatakang tanong nito.
"Who?"
Biglang natahimik si Lex at inaalala kung sino nga ba ang taong iyon.
"Was it Chris Delfin?"
"Yes! Siya nga, why? Is there any problem?"
Napatiim-bagang si Marcus.
"He's working now in YiTing."
Nanlaki ang mata ni Lex sa narinig.
"Seriously? Kakaresign lang niya last friday, if I'm not mistaken. But Mr.Lopez said, panay daw ang absent no'n."
Marcus stood up and turned his back.
"Sa'n ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Lex.
"I want to check the CCTV footage."
"For what?"
He faced Lex with his determined look.
"Sa tingin ko may kinalaman siya sa pagnakaw ng YiTing sa mga clients recently."
"But they already found it in Camille's hand, right?"
Marcus nodded.
"But I just want to know the truth. Kailangan kong makita ang footage, to look for evidence, to verify my assumptions."
"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga cctv footage na 'yan kasi it can be fabricated," panunukso nito.
Hindi niya na pinansin ang sinabi ng kaibigan at tinalikuran na ito.
"Marcus!" tawag ni Lex.
Napahinto siya at nilingon ang kaibigan.
"I think, may kinalaman din si Valerie sa nangyari. Before it happened, she approached me and asked for help. Actually she wasn't asking, she was ordering me to do something para mapaalis si Camille dito sa MADeal. But I refused, sabi ko wala akong magagawa kasi whatever happens you'll still find a way to make Camille stay in MADeal. You know, I don't want to accuse her, but, siya lang 'yong alam kong kayang mag frame-up kay Camille in that situation. We both know how obsessed Valerie is. Gagawin niya lahat, whatever it takes just to keep you from her."
Naninigas ang mga kamay ni Marcus na lumabas ng opisina. Bakit nga ba 'di niya naisip na si Valerie lang ang may kakayahang gumawa no'n. He was dying all his life just to bring back MADeal on its place. Dugo't pawis ang inalay niya dito. Halos isugal niya na ang buong buhay niya para lang sa MADeal, tapos gano'n na lang ang gagawin ng babaeng 'yon.
Paano kung hindi niya nagawan ng paraan ang lahat? Paano kung wala man lang siyang nagawa? He will lose MADeal. He will surely lose everything.
Buong lakas niyang binuksan ang pinto ng control room na ikinagulat ng mga empleyadong nasa loob. Sumilay sa mga mukha nito ang takot nang makita ang galit na galit na mukha ni Marcus.
"S-sir, m-may kailangan po ba k-kayo?" pautal-utal na tanong ng isang matabang lalaki na isa sa mga control operator.
"Show me the cctv footage. Now!" maawtoridad na sabi niya.
"Alin po do'n?" tanong nito na 'di maikubli ang takot sa boses.
"Stop asking! Just show me everything."
"Y-yes Sir!"
Kaagad itong nagtungo sa isang unit na may napakalaking monitor at nanginginig na ipinakita kay Marcus ang mga nakuhang kaganapan sa loob ng MADeal.
"Show me the earliest footage this month," he said coldly.
"O-opo, ito po."
Magkakalahating oras nang nakatutok si Marcus sa footage na pinapakita ng control operator, pero wala siyang nakikitang kaduda-duda sa ikinikilos ni Valerie. Maging ang pagpasok nito sa loob ng conference room kung saan ginanap ang huling meeting nila. Ang paglabas-masok nito sa opisina niya, pati na rin ang paglalakad nito sa hallway palabas ng MADeal ay pulido at malinis.
Walang kahit isang beses man lang na nagkasalubong si Chris at Valerie sa loob. This was perfectly fabricated. Kahit hindi man eksperto si Marcus sa pagmamanipula ng mga ganiting ng bagay ay alam niya sa sarili niya at ramdam niyang may pinutol sa mga bahagi ng kuhang iyon. Hinding-hindi siya maloloko nito.
"Ipakita mo sa akin ang kuha last Friday," he said coldly.
"Ito po."
Itinuon ni Marcus ang mga mata niya sa bahagi na kung saan nasa loob si Chris sa HR Department.
Pormal itong nakikipag-usap sa isa sa mga HR at iniabot nito ang isang nakatuping papel na sa palagay niya ay iyon ay resignation letter ng binata. Ilang minuto lang ay lumabas na ito at nagtungo pabalik sa Marketing Department. Nang makapasok ito ay walang ni kahit isa mang tao sa loob.
Tiningnan ni Marcus ang eksaktong oras sa kuhang 'yon at alas-dose imedya ang nakamarka. It was lunch break kaya walang tao sa loob. Siguro lumabas ang mga kasamahan nito upang kumain.
Naglagi si Chris ng labinlimang minuto sa loob upang ligpitin ang mga gamit nito hanggang sa tanging computer na lang at keyboard ang natira sa ibabaw ng mesa. Maya-maya lang ay pasimple nitong dinukot ang nakatuping papel sa bulsa at inilibot ang tingin sa paligid na tila ba sinisigurado nitong walang ibang tao sa loob. 'Pagkuwan ay inipit ito sa ilalim ng keyboard at diretsong lumabas ng opisina.
Nang makita ni Marcus ang ginawa ni Chris sa cctv footage ay kaagad siyang lumabas ng control office at patakbong sumakay ng elevator. Sinulyapan niya ang relo sa kan'yang palapulsohan at nakita niyang 7:45 na ng gabi. Malamang ay wala nang masyadong tao sa loob.
When he finally reached Marketing's Office, he slued the doorknob gently to avoid making a noise. Nakaramdam siya nang kaginhawaan nang makitang wala ng tao sa loob. Kaagad niyang tinungo ang mesa ni Chris na kung saan nakatago ang papel. Inangat niya ang keyboard at nakita niyang nandito nga ang mismong papel na itinago ni Chris.
Binuklat niya ang itol at akmang babasahin niya nang biglang bumukas ang pinto.