CHAPTER 27

4157 Words
Camille looked at him questioning his presence inside the office. "What are you doing here? I mean, bakit nandito ka pa? It's not working time," he asked to break the silence. "May kukunin lang po ako," Camille said coldly while looking at the paper on Marcus hand. "What?" tanong niya. Camille took steps towards his direction at bawat hakbang nito papalapit sa kan'ya ay mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa papel. "Ito..." sambit ni Camille sabay dampot ng susi sa dulong bahagi ng mesa. Nakahinga si Marcus nang malalim. "Naiwan ko po 'yong susi ng apartment ko," mahinang sabi ni Camille. Marcus felt how cold she was to him. Ibang-iba sa pakikitungo nito dati sa kan'ya. "Mauna na po ako," Camille bowed her head to gave respect to him and immediately walked out the door. Kaagad isinilid ni Marcus ang papel sa suot-suot niyang suit at mabilis na lumabas ng opisina. "Camille!" sigaw ni Marcus. Napahinto si Camille sa paglalakad at tila hinaplos ang puso niya nang marinig nitong tinawag ang kan'yang pangalan. Maybe this was the first time Marcus called him Camille and not Ms.Cordova. Narinig niya ang papalapit na mga yabag nito at tila ba nagtatalon sa galak at kaba ang puso niya. She sudden felt a warm hand holding hers. Nakaramdam siya ng pagkatunaw nang makita niya ang kamay ni Marcus na mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Para bang ayaw siya nitong bitawan. "I'll drive you home." Nandilat ang mata ni Camille sa sinabi ng binata. "S-sa bahay mo?" she surprisingly asked while staring at Marcus emotionless face. Marcus gave him a gaze. "Gusto mo sa bahay ko?" Napakurap-kurap si Camille pero kaagad din naman niyang iniwas ang tingin sa binata. "H-hindi," pagtanggi niya. "Let's go!" They held hands until they reached the basement where Marcus parked his car. Kapwa silang nagulat nang makita nila si Lex na nakasandal sa sariling kotse nito. Nang mapansin naman ni Lex ang pagdating nila ay kaagad nitong tinapunan ng tingin ang magkahawak nilang mga kamay. Marcus immediately dropped Camille's hand. "Oh! You're together. Are you going to accompany her, Marcus?" Lex asked, wearing a simple smile. "What are you doing here?" pag-iiba niya sa usapan. "Actually, I'm waiting for you. Gusto kitang makausap. I want to know if you've already checked the cct--" "Tapos na," Marcus cut him. "I see... So, we'll just see each other tomorrow then." Hinintay ni Marcus ang tuluyang pag-alis ng sasakyan ni Lex bago niya binuksan ang pinto ng kan'yang kotse. "Get inside." Napatingin si Camille sa ginawa nito. She wasn't expecting for this. Bakit para yatang iba ang kinikilos nito ngayon? Hindi ito 'yong Marcus na alam niya. Hindi ito 'yong tipo ng lalaking pagbubuksan ka ng pinto. Pero anong ginagawa nito ngayon? It's very unusual. "I said get inside!" naiiritang sabi nito. She hurriedly got inside the car and sat next to the driver's seat. Ilang segundo lang ay pumasok na rin si Marcus. "Fasten your seatbelt," Marcus said coldly. *** Halos mag tatatlumpong minuto na silang nanatili sa kalsada at tila 'di pa rin umuusad ang kahabaan ng trapiko. Nanatiling kalmado ang mukha ni Marcus, 'di makikitaan ng kahit kunting pagkairita. Parehong nakatuon ang mga mata nila sa kalsada at ni isa sa kanila ay walang kumikibo. Maya-maya lang ay nabasag ang katahimikang namumuo sa kanila nang may tatlong katok silang narinig. Kaagad na ibinaba ni Camille ang bintana ng kotse nang makita ang mukha ng isang lalaking nasa kuwarenta anyos. "Balot ma'am, sir?" alok nito sabay taas ng bitbit nitong basket. "Magkano po kuya?" tanong ni Camille. "Bente pesos po ang piraso, ma'am." "Pabili po ng anim," nakangiting sabi ni Camille sabay abot ng pera rito. "Ito po, ma'am." "Salamat kuya!" Camille smiled genuinely. "Salamat din po, ma'am." The man began to walk away carrying the basket on his right hand. Lumingon pa ito ng huling beses bago tuluyang umalis. Labing limang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin nakausad ang trapiko. Sinulyapan ni Camille si Marcus na nakapang-abot kilay na nakatitig sa kalsada. Halatang nagsisimula nang mag init ang ulo nito. Dumukot siya ng balot sa supot saka ito iniabot kay Marcus. "Sir, gusto mo?" alok niya rito. "Ayoko!" "Ahh... okay po." Hindi niya na pinilit pa ang binata dahil baka lalo lamang mag init ang ulo nito at siya pa ang mapagbuntunan ng galit. Sa hitsura naman nito ay halatang 'di ito kumakain ng mga ganoong pagkain. Sinimulan itong balatan ni Camille at agad na umalingasaw ang nakakatakam na amoy nito sa loob ng kotse. "It stinks inside," Marcus complained. Kahit pa takam na takam na siya ay kaagad niyang ibinalik sa supot ang balot na kakainin niya na sana. Dalawang minuto pa ang lumipas ay naramdaman niya na ang pagkalam ng kan'yang sikmura. Pinikit niya nang mahigpit ang kan'yang mga mata at hiniling na sana'y wag lumikha ng ingay ang kan'yang tiyan, dahil kung hindi ay mapapahiya talaga siya. But her intestines betrayed her mischievously. Lumikha ito ng malakas na ingay na agad nakatawag pansin kay Marcus. Marcus was now staring at her. Tila pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa kahihiyan. Parang napakababoy niya sa mga sandaling iyon. She didn't even dare to look at Marcus. Wala siyang mukhang ihaharap dito. "Kainin mo na 'yan. Just open the window," Marcus said. Kahit nahihiya siya ay binuksan pa rin ni Camille ang bintana ng kotse at dahan-dahan nagbalat ulit ng balot. Wala na sa isip niya ang magpakipot pa, dahil bukod sa gutom na gutom na talaga siya ay alam niyang gagawa na naman ng ingay ang tiyan niya at ipapahiya siya nito muli kung hindi pa siya kakain. Tahimik lang si Marcus habang pasulyap-sulyap sa dalagang enjoy na enjoy sa kinakain nito. She seems like an innocent kid eating her favorite food. The smell of the palatable spicy vinegar whiffed on his nasal passages. It reminds him of something. "Ayoko nga kasing kumain niyan." "Sige na! Kahit isang kagat lang. Ang arte nito, parang bakla." "Bakla na kung bakla, basta ayokong kainin 'yan." "Masarap 'yan promise! Oh, ayan lagyan mo ng suka para mas lasap mo 'yong linamnam. 'Wag mo lang kasing isiping balot 'yan. Kahit wag mo nang tignan, isubo mo diretso. Sige na!" "Isang kagat lang, ha. 'Pag ako nasuka rito ikaw paglilinisin ko ng mga sinukahan ko." "Ang baboy mo kuya! Oh, sige! Pero pag nasarapan ka susuportahan mo na ako sa babaeng gusto ko at tutulungan mo akong magustuhan niya bilang isang lalaki." "Oh? Ba't dalawa yong consequences? Dapat isa lang, isa lang 'yong akin eh. Ang daya nito!" "Para 'yon lang eh. Oh siya sige! Dagdagan natin 'yong sa'yo. Ako ang magpa-flush ng pupu mo. Ano game?" "Game!" "In 1......2......3.....go!" "Oh, ba't 'di ka makapagsalita diyan? Nasarapan ka 'no? Sabi ko nga ba eh!" "Pwe! Kadiri 'yong lasa. Para akong kumain ng sinigang na daga." "Sus! Kunyari ka pa, nilunok mo nga eh. 'Di ka naman nasuka ha." "Eh bakit ba? Kahit 'di ako nasuka, 'di ko pa rin gusto 'yong lasa. Hindi ako nasarapan kaya maghintay ka diyan magbabawas lang ako at ikaw na magpa-flush." "Kadiri! Alis na ako. Manigas ka diyan, 'di ko gagawin 'yon." "Sorry if I lied. Hindi totoong hindi ko nagustuhan ang balot. She was not the right girl for you before and she will never be the right girl for you never ever. I hope you'll understand kung bakit ako nagsinungaling," bulong niya sa isipan. Ipinikit ni Marcus ang kan'yang mga mata upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. His brother's death was still painful for him. It always tearing at his seams. Hindi pa rin maalis sa puso niya ang paghihinayang na kung buhay lang si Jaydon ay hindi magiging miserable ang buhay niya, ang buhay ng Daddy niya. 'Di sana'y kasama niya pa ito, nakakausap, nakakakulitan. Masaya sana sila at hindi nagdurusa sa pagkawala niya. If it was not because of the hypocrite, gold digger Camille. Napatigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang malamig na kamay na nakapatong sa kan'yang hita. Nilingon niya ito at nakita niya ang namumutla at walang lakas na mukha ni Camille. Her sweat was dripping on her face and neck. Nakatingin ito sa mga mata niya habang hawak-hawak ang dibdib nito. "S-sir… h-hindi… 'di ako m-makahinga, a-ang init..." nanghihinang sabi nito. Tinitigan ni Marcus ang mga mata nitong nagsusumamo. Ang kaunting hanging lumalabas sa bibig ng dalaga ay puno ng sakit at paghihirap. Naghahabol ito ng hininga at ang kamay nitong nakapatong sa hita niya ay lalong nawawalan ng lakas. Her red lips turned pale. Mas lalong dumadami ang butil ng pawis na inilalabas ng kan'yang katawan. She's really in pain. She's suffering. Does it matched to what Jaydon felt? Masakit ba? Mas masakit ba? He wanted her to beg for help. He wanted her to crawl in pain. Gusto niyang maisip nito kung gaano kasakit ang ginawa nito kay Jaydon. Gusto niyang pagsisihan nito sa harap niya mismo ang ginawa nitong kahayupan kay Jaydon. Death must be paid with death. *** Madilm ang buong paligid at tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa labas. Dinig na dinig ni Camille ang tunog ng mga kulisap at ang pagaspas na nililikha ng mga ibon. Ang bawat buhos ng ulan sa madilim na gabi ay mas lalong nagbibigay ng lamig sa kan'yang buong katawan. Unti-unti niya nang nararamdaman ang paghapdi ng kan'yang likod dahil sa matagal na pagkakasandal sa matigas at magalasgas na puno. Inilibot niya ang kan'yang mga mata sa paligid at natuon ang kan'yang pansin sa repleksyon ng isang lalaking natatamaan ng sinag ng buwan. Hindi niya maaninag ang hitsura ng lalaki pero pamilyar sa kan'ya ang pigura nito. Her heart started to pound excessively. She was now shivering in fear. Pilit siyang tumayo upang makalayo sa lalaki but her legs were to weak. Her tears started to fall down. Then a loud gunshot horrified her terribly. She was now crying helplessly. She managed to grovel on the ground just to escape from there, but it was too late. She looked up to the guy pointing the gun directly to her forehead. Maybe it was the end of her life. She closed her eyes, waited for him to pull the trigger and prepared herself to die. Isang malakas na putok ang umalingawngaw at kasunod no'n ay ang pagbagsak niya sa lupa. Napaliguan siya ng sarili niyang dugo pero wala siyang nararamdamang kahit anong sakit sa kan'yang katawan. She felt numb. She couldn't even feel her heart beating. Dahan-dahan niyang iminulat ang kan'yang mga mata at parang nabubulag siya sa liwanag. She was surrounded with white walls. Inilibot niya ang kan'yang mga mata sa buong paligid at nakita niya si Marcus na nakaupo sa kanang bahagi habang nakapikit ang mga mata. She lifted her hand to touch Marcus' face. He was in his deep sleep. He looked so stress and weary. Hindi pa man niya naibababa ang kamay niya ay kaagad na itong nahawakan ng binata. Gulat na gulat siya nang magtama ang kanilang mga mata. Marcus looked at her solemnly. Her lips and mind were locked. Ayaw bumukas ng mga labi niya at ayaw ding gumana ng utak niya. Wala siyang masabi. Walang lumalabas na salita sa kan'yang bibig. She only felt her pounding heart and Marcus' warm hand that circulates on her nerves. Marcus dropped off her hand that awakened her mind. "Kumusta pakiramdam mo?" Marcus asked with cold look. "O-okay na po ako, sir. Anong nangyari?" naguguluhang tanong niya. "The doctor said you were poisoned. I'm sure it's because of the food you ate lately. You should be careful." Camille nodded. "Pasensya na po sir sa pang-aabala. Puwede niyo na po akong iwan dito, kaya ko na po mag-isa, salamat." Sinulyapan ni Marcus ang relong nakasabit sa kan'yang palapulsohan kapagkuwan ay kinuha ang isang mangkok ng sopas na nakapatong sa mesang katabi ng kamang hinihigaan ni Camille. "You eat this. This is good for your stomach," Marcus handed it to her. Ikinuyom ni Camille ang kan'yang palad upang puwersahin ang lakas niya pero bigla siyang nagdalawang-isip na abutin ito nang mapansin niya ang nanghihina pa rin niyang mga kamay. "Get this!" Marcus said, raising his voice slightly. Nang marinig ni Camille ang pagtaas ng boses ng binata ay napilitan siyang kunin ito. Pero wala talagang lakas ang mga kamay niya upang humawak kaya muntikan ng mabuhosan si Marcus sa hita. Buti na lang ay kaagad itong nasalo ng binata. "Damn! Be careful," he exclaimed. "Sorry… sorry, sir. 'Di ko sinasadya." "Do you feel feckless?" Tumango lamang si Camille bilang pagtugon sa tanong nito. "You'll regain your energy later, but for now, you need to eat this." Nagulat si Camille nang bigla siya nitong subuan. Sa mga sandaling iyon ay naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Hindi niya inaasahang gagawin ito ng binata. She opened her mouth awkwardly. Para bagang nalulusaw siya sa mga titig na pinupukol ni Marcus sa kan'ya. They're like a real couple. Gumuhit sa labi niya ang ngiti nang maisip ang bagay na 'yon. "Why are you smiling?" tanong ni Marcus na nakapang-abot kilay. "Ah-- w-wala po, sir," pagsisinungaling niya rito. Inirapan lamang siya ni Marcus at ipinagpatuloy ang pagsubo sa kan'ya. Nang nangangalahati na ang kan'yang kinakain ay nakaramdam na siya ng pagkabusog. Kahit ayaw nang tanggapin ng tiyan niya ang pagkaing isinusubo ni Marcus ay pilit niya parin itong nilulunok, sapagkat ayaw niyang matapos ang sandaling iyon. She seems like a fool, pero hahayaan niya ang sariling maging tanga ngayong gabi. Kahit ngayon lang. "Camille!" Napatingin si Camille sa kapapasok lang na lalaki. Patakbo itong lumapit sa kan'ya at walang pag-aalinlangang niyakap siya. His body was trembling at damang-dama niya ang pag-aalala sa yakap na iginawad nito sa kan'ya. "Okay ka lang ba? Pinag-alala mo ko nang sobra," sambit ni Kyle habang hinahaplos ang buhok ng dalaga. "Okay na ako, Ky," nakangiting sagot ni Camille. Narinig ni Camille ang malakas na pagtikhim ni Marcus kaya agad siyang kumalas sa pagkakayakap ni Kyle. "I have to go," malamig na sabi ni Marcus. Bago pa siya tuluyang makalabas ay narininig niya ang malakas na pagtawag ni Camille sa kan'ya kaya agad siyang napahinto. "Sir!" He didn't bother to take a glance at her. "Hindi ko alam kung paano mo ako nagawang isugod dito ng buhay. H-hindi na rin ako magtatanong kung paano, dahil alam kong hindi mo gugustohin ang magpaliwanag. Pero, gusto kong magpasalamat sayo ng sobra. Thank you sir! Thank you so much!" Nang marinig ni Marcus ang sinabi nito ay diretso na siyang lumabas at hinayaang maiwan ang dalawa sa loob. "Aray!" Napangiwi si Camille nang maramdaman ang malakas na pagpitik ni Kyle sa noo niya. "Ano ba Ky! Masakit ha. Para sa'n 'yon?" reklamo niya habang marahang hinihimas ang noo. "Wala, trip ko lang," natatawang sabi nito. Camille rolled her eyes na kaagad namang napansin ni Kyle. Bakas sa mukha nito ang pagkairita dahil sa ginawa niya. Sinulyapan niya ang noo nitong mamula-mula dahil sa pagkakapitik niya at kaagad siyang nakaramdam ng inis sa sarili dahil sa kan'yang ginawa. "Sorry!" he said, full of regrets. Tumango lamang si Camille. Bahagya niyang hinila ang kamay nito papalapit sa kan'ya at 'pagkuwan ay idinapo ang labi niya sa namumulang noo ng dalaga. "I'm sorry! 'Di ko na ulit gagawin 'yon. Sorry Milmil," paulit-ulit na sabi niya. Camilled looked directly in his eyes and smiled genuinely that made his heart melt. "Paano mo nalamang nandito ako?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Tinawagan kita, tapos 'yong boss mo ang sumagot. Sabi niya nandito ka raw kaya ayon nagmadali akong puntahan ka dahil sa pag-aalala." "Gano'n ba?" "Next time mag-ingat ka sa mga kinakain mo. Pinag-aalala mo ako parati eh." "Sir yes, sir!" pabirong sabi nito. *** Nilamukos ni Marcus ang piraso ng papel matapos niya itong basahin ng makailang beses. Hindi niya lubos maisip na kagagawan pala ni Valerie ang ang nangyari sa MADeal noong mga nakaraang linggo. Lahat pala ng kabulokang nangyari sa loob ay planado at pawang palabas lang ng dalaga upang mapaalis lang si Camille. She risked their money. She risked MADeal. She risked everything just to get rid of Camille, para mawala ito sa landas nila. She was such a desperate psycho b*tch. All she ever wanted was to satisfy herself. All her selfish ways, her childish and fruitless actions are her priorities. Nagawa pa nitong manggamit ng ibang tao at manipulahin si Chris para pagtagumpayan lang plano nito. Well, she failed it. There is no secret he'll never know. Lahat malalaman niya. Lahat matutuklasan niya. Walang dudang ito rin ang may gawa sa lahat nang nangyari kay Camille. She's intervening his way. Siya lang ang dapat gumawa no'n kay Camille. Siya lang ang puwedeng manakit dito. Siya lang. She'll die on his hand. She will. Kung hindi niya naunahan si Camille na makarating sa opisina kanina ay tiyak siyang malalaman nito ang totoong nangyari. Malalaman nitong si Chris ang nag frame-up dito at ito rin ang kasabwat ni Valerie. Sigurado siyang kung nangyari 'yon ay hindi na ito muling magpapakita sa MADeal at bantay sarado na ang kaibigan nito. Mahihirapan na siyang pabalikin at suyuin ito muli, lalo pa't pilit itong lumalayo sa kan'ya. It will surely ruined his plan. Mabilis na pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa bahay nila Valerie. He needs to talk with her. Kailangan niyang pakiusapan ito. No! He will never pled. Hinding-hindi siya makikiusap dito. Pleading was never in his vocabulary. Kung dapat ay idaan niya ito sa santong paspasan ay gagawin niya. Pero ang makiusap sa harap ng dalaga ay hinding-hindi mangyayari. He's ego is more important than that. Marcus never beg. He won't. Ilang minuto lang ang dumaan ay nakarating na siya sa mismong bahay ng dalaga. Her house was grandiose, wide and impressive in style. May malaking swimming pool sa harap na kung saan naglalabas ito ng makukulay na ilaw mula sa ilalim na nagbibigay buhay sa tubig. Sa 'di kalayuan ay natatanaw niya ang dalagang kakaahon lang mula sa pool. Nakasuot ito ng kulay itim na two-piece bikini at tumatagaktak pa ang mga butil ng tubig sa nakakaakit na katawan nito. Nang mapansin siya nitong papalapit ay kaagad gumuhit sa mukha nito ang pagkasabik. Patakbo itong lumapit sa kan'ya at ginawaran siya ng yakap na kaagad niya namang pinigilan. "You're wet," saway niya. Napaatras naman agad si Valerie nang hawakan nito ang magkabilang balikat niya upang pigilan ang pagdikit ng kanilang katawan. She laughed playfully. "Oh! I'm sorry." "You dress up. I have to discuss something with you." Valerie smiled flirtatiously. "Why should I? Do you feel awkward? You already saw me naked, Marcus. Ano pa ba'ng dapat kong itago sa'yo? Wala naman siguro 'di ba." "Just dress up," nagpipigil sa inis na sabi niya. Valerie took a step closer and coiled her arms on his neck. "Oh! my dear Marcus, you look sexier when you're shy." She tiptoed to reach Marcus' lips, then gave him a sweet peck. "I miss you… Let's get wet together," she said sweetly. Hinawakan ni Marcus ang magkabilang balikat ng dalaga at marahan itong itinulak palayo sa kan'ya. "I'm here to talk to you and there's nothing else." She sighed with annoyance. "So, what do you want to talk about? I have a lot of things to do. Kailangan ko pang mag beauty rest." "Ikaw ba ang nagbigay ng kopya sa mga dokumentong 'yon sa Yi Ting?" Bumakas sa mukha ni Valerie ang pagkagulat na kaagad niya naman itong binawi ng isang pekeng ngiti. "Of course not! Why would I do that? I'm not insane." "Really?" "Y-yes! Marcus, will you stop accusing me. Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ko iri-risk ang pera ni daddy. That's ridiculous!" pagmamaangan nito. "You have a lot of reasons to do it. Stop denying! I already knew you Val. Wala kang maitatago sa'kin." "Okay fine! I admit it. Ako ang may gawa no'n. So what? I didn't do it on purpose. I didn't do it to give you a hard time. To bring down MADeal. I just… I just want to get rid of that bullsh*t Camille. Gusto kong sila na mismo ang magpaalis sa babaeng 'yan. But she's like a f**k*ng leech in MADeal, in my life, in our lives. Bakit hindi na lang siya mawala? Bakit 'di na lang siya mamatay?" galit na sabi nito. "You stop it! Stop your bullsh*t deeds. Hindi siya aalis ng MADeal and you have nothing to do about it." "I can do whatever I want. Hindi ko siya titigilan hanggang hindi siya umaalis ng MADeal. Hanggang hindi siya mawawala sa buhay natin. You do your best to protect her 'cause I'll do my very best to get rid of her. Hanggang hindi siya lalayo, ipapatikim ko sa kan'ya ang mabuhay mag-isa sa impyerno. It's either she stay or she go." "Don't you dare me Valerie Gomez. This time papalagpasin ko ang ginawa mo, but once you do things that will affect MADeal and my plans as well, I will be the one to detach you and your dad in MADeal. No one can stop me. I'm warning you." Valerie smiled devilishly that triggered him. "I - dont - care!" mapang-asar na sabi nito. "Let's see!" *** Alas-dos na ng madaling araw pero gising pa rin si Camille. Hindi niya alam kung dahil ba sa gamot na pinainom sa kan'ya kanina kung kaya't hindi siya dinadalaw ng antok. Nakatutok lang ang mga mata niya sa kisame habang si Kyle ay mahimbing na natutulog sa couch. Bumabalik sa kan'yang isipan ang mga nangyari kanina maging na ang sandaling kasama niya si Marcus. It tickled her heart. If only she could stop the ticking of the clock and the wheeling of the world. She could surely enjoy the moment they had a while go. Natigil siya sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha sa ibabaw ng side table at tiningnan kung sino ang nagtext sa kan'ya ng ganitong oras. Muntik na siyang mapasigaw sa tuwa nang makita kung kanino galing ang mensaheng iyon. From: Sir Marcus Still up? How do you feel right now? It took her 5 minutes bago niya napag-isipan ang irereply niya sa tanong nito. To: Sir Marcus Okay na po ako. Thank you! :) She waited 15 minutes before she received a reply. From: Sir Marcus Did you regain your energy or you're still feckless? A sweet smile drawn on Camille's lips. To: Sir Marcus Okay na po ako Sir. :) This time she received a message not more than a minute. From: Sir Marcus Are you still dizzy? Sa bawat pagtunog ng cellphone niya ay punong-puno siya ng pananabik at galak sa puso. Tila nagrarambulan ang loob ng puso niya dahil sa tuwang nadarama. Hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwing nababasa niya ang mga mensahe nito. Lalo pa't nararamdaman niya ang pag-alala nito sa kan'ya. To: Sir Marcus 'Di na po Sir. From: Sir Marcus I'm glad to know that. You should rest now. Napakagat labi si Camille dahil sa pagpipigil niyang hindi makalikha ng ingay sa loob kahit sobrang naghuhumiyaw na ang kan'yang puso. To: Sir Marcus Okay po! Good night sir :) Kung puwede lang sanang 'wag matapos ang gabing ito. She was not expecting for a reply anymore dahil sa tingin niya ay nagpapahinga na ito. Pero ilang segundo lang ang lumipas ay tumunog muli ang cellphone niya. From: Sir Marcus Don't take any medicine na ibibigay nila. You're now fine. Hindi mo na kailangan ng gamot. Don't let them inject you something kahit ano pa 'yan. Is it clear? Kahit naguguluhan siya sa mga bilin nito ay mas pinili niya nang sumang-ayon sa mga sinabi ng binata. To: Sir Marcus Yes, doc! Pabirong reply niya baka sakaling humaba pa ang usapan nila. From: Sir Marcus Sleep now. You still have work tomorrow. I'll fetch you at exactly 8am there. Don't make me wait. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Camille nang mabasa ang mensahe nito sa kan'ya. To: Sir Marcus Okay po. Goodnight! :) She was about to close her eyes when her phone ding again. From: Sir Marcus Goodnight! See you tomorrow. Napatakip si Camille ng unan sa mukha dahil sa kilig na nadarama. Hindi niya inaaasahan ang huling mensahe nito sa kan'ya. "Nag-goodnight ba talaga siya?" dii makapaniwalang tanong niya sa sarili. Muli niyang binasa ang huling mensahe nito at napasigaw siya nang mahina dahil tama nga at nag goodnight ito sa kan'ya sa kauna-unahang pagkakataon. Kyle felt a sudden pain when he saw how Camille reacted on the messages she had read. Kahit 'di niya nababasa ang mga mensahe ay alam niyang galing iyon kay Marcus. Wala namang ibang makakapag-pakilig sa kaibigan niya kundi ang lalaking 'yon. Hindi siya. Kundi si Marcus. Wala nang iba. He closed his eyes and persistently enduring the pain in his heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD