CHAPTER 28

4799 Words
"Good Morning," sigaw ni Camille sabay unat. Dahan-dahan niyang iminulat ang kan'yang mga mata at sinalubong ang umaga na may ngiti sa labi. She felt the great atmosphere inside the room that gave joy to her heart. It seems like this will be a very wonderful day to her. Bakit nga ba? Nang maalala niyang dadating pala si Marcus ngayong umaga upang sunduin siya ay bigla siyang napabalikwas sa pagkakahiga at kaagad tumalon sa kama. But she accidentally lost her balance and fell on the floor badly. Napangiwi siya nang maramdaman ang pagkirot ng kan'yang tuhod. "Are you okay?" Biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napatingin siya sa couch and there she saw the man she always wanted to see. Marcus gave him a trenchant look that made her heart melt. Kaagad siyang tumayo kahit iniinda niya pa ang kirot sa kan'yang tuhod dahil sa malakas na pagkakabagsak niya sa sahig. Pasimple niyang inayos ang gulo-gulo niyang buhok at tumikhim bago sinimulang magsalita. "O-okay lang ako sir," nahihiyang sabi niya Tiningnan siya ng binata direkta sa kan'yang mata na tila ba sinusuri nito kung totoo nga ba ang sinasabi niya. His eyes ran down to her legs that made her feel so awkward. Tanging lab gown lamang ang suot niya at para bagang tumatagos ang mga mata ng binata dahil sa talim ng tingin nito. "Maliligo lang po muna ako." Patakbo siyang nagtungo sa cr pero agad din siyang natigilan nang maalalang wala nga pala siyang susuotin. Wala siyang pampaligo at wala siyang dalang undies. She took a deep breath, swallowed her shame and faced Marcus awkwardly. "S-sir..." "What?" "Wala kasi akong pamalit. Wala akong susuotin sa trabaho. P-puwede po bang… ano… ihatid niyo na lang ako sa apartment.. Ay! hindi, 'wag na lang po. Puwedeng ano na lang… umabsent na lang ako kahit ngayong uma--" Kinuha ni Marcus ang dalawang paper bag sa tabi nito at ini-abot sa kan'ya. "Get these." "Para sa'n po ito?" nagtatakang tanong niya. "Use it. Bilisan mo maligo. Don't make me wait for so long," he said coldly. Nang makapasok si Camille ng banyo ay kaagad niyang tinignan kung ano ang laman ng dalawang bag na bigay ni Marcus. She saw bath supplies, damit, sapatos at undergarments naman ang laman ng isa pang bag. She curiously looked for the size of the bra and she suddenly felt the heat on her cheeks when it reads 32B. That was exactly the size of her bra. TATLUMPUNG MINUTO na ang lumipas at hindi pa rin lumalabas si Camille sa banyo. Ilang minuto na lang at mag alas-siyete imedya na. Inip na inip na siya dahil kanina pa siya pinaghihintay nito. He didn't even eat his breakfast dahil marami pa siyang dinaanan at ayaw niyang malate sa trabaho. Pero mukha yatang do'n din ang punta niya. Biglang bumukas ang pinto at nagtama ang mata nila ng lalaking kakapasok lang. "Anong ginagawa mo dito? Saan si Camille?" nakakunot-noong tanong ni Kyle. "She's in the bathroom," Marcus said coldly. Inilapag ni Kyle sa mesa ang pagkaing bitbit niya saka ibinagsak ang sarili sa dulong bahagi ng couch. Isang metro ang pagitan nila ni Marcus pero tila naririnig niya ang bawat paghinga nito na nagpapakulo ng dugo niya. They're now surrounded with the flaming silence inside. Nagpapakiramdaman lang sila pareho at ni isa sa kanila ay walang kumukibo. Tila ba hinihintay lang nila kung sino ang unang kumulo. Biglang nabasag ang katahimikan nang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa si Camille. Napatingin sila pareho sa direksyon ng dalaga. Camille wore a fleamsy, white long sleeve and a pink pencil cut skirt which is shorter than her usual skirt. She also wore a pink stiletto with 4 inches high that match up her skirt. Marcus looked how it perfectly suits her from head to toe. The color, the textile, the size, bagay na bagay sa dalaga Nagpang-abot ang kilay ni Kyle nang mapansin ang matalim na tingin na iginawad ni Marcus kay Camille. "Ano ba 'yang suot mo? Palitan mo yan!" he said as he walked towards Camille's direction. "Ha? Eh, Ky wala na akong pamalit." "Tingnan mo nga 'yan, eh halos kita na 'yang panloob mo ha, tapos 'yan ang susuotin mo? Palitan mo yan, Milmil, suotin mo na lang ulit 'yong damit mo kagabi," saway nito. "Ky..." Akmang tatanggi na sana si Camille nang magsalita si Marcus. "Does it fits on you?" seryosong tanong ni Marcus habang naglalakad papunta sa direksyon nila. "Ha?" nagtatakang tanong ni Camille. "If it fits on you then there's no need for you to change that." Biglang umakyat ang dugo ni Kyle nang marinig ang sabi nito. Hinarap niya ang binata at tiningnan ng direkta sa mata. "Ikaw ba ang bumili niyan?" Binigyan siya ng naghahamun na tingin ni Marcus na lalong nagpainit ng ulo niya. "Ako nga. May problema ka?" The tension between the two was blazing intensely. Their eyes were burning fiercely like they were about to rip off each other's face and throw it in hell. "Ky.. tama na," saway ni Camille sabay hatak sa kaibigan palayo kay Marcus pero nagmatigas pa rin ito. "Binayaran mo 'yong hospital bill, tama? Binili mo siya ng isusuot. Tapos ihahatid mo siya papuntang trabaho. Isinugod mo siya sa hospital kagabi at tinulungan mo siya kaya nagpapasalamat ako sa'yo do'n. Pero hindi pa ba sapat 'yong tulong mo? 'Yong tulong mo kagabi? Bakit hanggang ngayon nandito ka pa rin? Bakit inaako mo lahat ng responsibilidad na hindi naman sa'yo? Ano bang intensyon mo? Nanliligaw ka ba? Sa pagkakaalam ko may girlfriend kana. So, ano 'tong pinapakita mo?" "The hell you care? I don't need to explain anything to you. That's a waste of time. Kung gusto mong malaman then it's for you to find out." Nagpakawala si Kyle ng isang mapaklang ngiti habang naninigas ang kan'yang kaliwang kamao. Pinipigilan niya ang sariling 'wag pumutok sa galit at baka masuntok niya ito nang wala sa oras. Masyadong presko ang mga salitang inilalabas ng bibig ni Marcus na nag-uudyok sa kan'yang patikimin ito ng kamao. "Let's go, Ms.Cordova!" maawtoridad na sabi ni Marcus sabay talikud sa binatang kausap. Camille looked at him feeling sorry, pero bago pa ito makahakbang ay kaagad niya nang nahawakan ang kamay nito. "Hindi! Umupo ka do'n at kumain. Hindi ka aalis na gan'yan ang suot kasama siya. Hindi ka papasok ngayon." Natigilan si Marcus nang marinig ang sabi nito. Nag-igting ang kan'yang panga sa narinig at parang gusto niya nang sugurin ngayon ito sa kinatatayuan at kwelyohan. Hinarap niya ang binata at napako ang mata niya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay ng dalaga. "Ky..." saway ni Camille sa mahinang boses. "What do you think are you doing?" "Hindi siya papasok ngayon, kagagaling niya lang kaya mabuti pang umalis ka na," sambit ni Kyle na may diin sa tono ng boses. "She can able to walk. Her body is in a good condition. She's totally fine now. So, what's your problem? Let her go. Why don't you just mind your own business? Ano bang pakialam mo?" "Kaibigan niya ako at sa--" "That's my point! Kaibigan ka lang niya, kaya you should limit yourself. Ilugar mo 'yong sarili mo. Don't act like a possessive boyfriend, because you're not," Marcus said with a smirk. Tila nabulunan si Kyle sa sinabi ng binata sa kan'ya. Para bagang hinampas siya ng kaliwat-kanan sa katotohanang kaibigan nga lang pala siya. Tama! Ano ba'ng karapatan niya? He's just a friend and it broke his heart. "At sa tingin mo may karapatan ka nang utosan si Camille at pasunurin sa lahat ng gusto mo? Baka nakakalimutan mong boss ka lang niya. Hindi mo siya kontrolado. Hindi mo kontrolado ang buong buhay niya." A devilish smirk drew on his face. "Right! I'm his boss. Neither I, can't control her nor her life, but when it comes to work, kapag sinabi kung magtatrabaho siya ngayon, magtatrabaho siya. No one can stop me, even you. So now, let her go." Mas lalong hinigpitan ni Kyle ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga. Maybe he's too selfish to keep Camille on his side, but he will never let Marcus be with her. Wala siyang tiwala sa lalaking 'yon. Malakas ang kutob niyang mapapahamak lang si Camille kapag kasama niya si Marcus. Sa pagkakataong ito ay gulong-gulo ang isip ni Camille. Natatakot siyang 'wag sundin si Marcus pero ayaw niya namang iwan ang kaibigan niya. It's like she's choosing Marcus over his bestfriend. "Ms.Cordova, let's go!" sambit ni Marcus habang direktang nakatingin sa mga mata niya. Ibinaling niya ang tingin sa kaibigang nakatingin din sa kan'ya na parang sumisigaw ang mga mata nitong 'wag umalis. She gave a genuine smile to him to let him know how she truly wanted to stay. "I said let's go!" this time tumaas na ang tono ng boses ni Marcus na nagbigay takot kay Camille. Hinawakan niya ang kamay ni Kyle na mahigpit na nakahawak sa kamay niya at tinitigan niya ito sa mga mata. "Ky..." tanging sambit niya sa binata. Hindi siya sigurado pero parang bakas sa mukha ng kaibigan niya ang sakit. May mga luha itong gustong kumawala sa maamo nitong mata pero pilit na kumakapit at nanatiling matatag. Bigla siyang nasaktan nang maramdaman niya ang unti-unting pagbitiw ni Kyle sa kan'yang kamay. Kyle touched his cheek and smiled bitterly. "Mag ingat ka," he whispered as he kissed Camille's forehead in front of Marcus. INILAPAG NI Amy ang isang box ng donut at mainit na kape sa harapan ni Camille. Gulat namang napatingin ito sa kan'ya. "Sabi ng secretary ni sir Marcus ibigay ko raw sa'yo," nakangiting sabi nito na may halo pang panunukso. "S-sa'kin? Bakit daw?" nagtatakang tanong ng dalaga. Nagtungo si Amy sa puwesto nito saka sinimulang halungkatin ang mga nagpatong-patong na papeles sa mesa na tila ba may kung anong hinahanap. "Ewan ko, malay natin nagpaparamdam na," mapanuksong sabi nito. Camille smiled secretly. "Aba!aba! Kinikilig oh," natatawang sabi ni Amy. "Hindi ha!" pagsisinungaling niya. "Ikaw ha! Umamin ka nga ano bang status niyo?" maintrigang tanong nito. "W-wala, empleyado at boss. Gano'n lang." "Sus! wala raw. May nakakita sa inyo, madalas ka daw hinahatid-sundo ni sir. Sabihin mo nga Camille, nililigawan ka ba ni sir Marcus?" "H-hindi..." "Eh, ano 'yan? Bakit may pakape at donut sa'yo? Hindi naman siya gan'yan sa mga empleyado niya." Sa halip na sagutin niya ang tanong ni Amy ay lumagok na lamang siya ng kape saka muling itinuon ang mata sa computer. Ayaw niyang bigyan pa ng ibang kahulugan ang kabutihang ipinapakita ni Marcus sa kan'ya dahil sa huli ay siya lang din ang aasa at masasaktan. Marcus was kind to her because she's part of MADeal. 'Yon lang, wala nang iba. Tanggap niya na 'yon at wala nang dahilan para umasa pa siya. "Hala ano 'to? May sulat pa lang iniwan si Chris sa'kin. Naku, ngayon ko lang napansin to ha." Napatingin si Camille sa direksyon ni Amy nang marinig ang sabi nito. She saw a white folded paper on Amy's hand. "Ano daw sabi ate?" "Nagsorry lang, 'tsaka thank you. Ang drama-drama ng batang 'to," nakangiting sabi ni Amy na may tinatagong luha sa mga mata. The door opened and Shon entered the room with a big smile on his face. "Good Morning!" malakas na sigaw nito. "Kung maka-good morning parang 'di ka late ha," pambabara ni Amy sa kadadating lang na kaibigan. "On leave si panot kaya okay lang malate kasi walang hinayupak na magbubulyaw sa akin at saka may importante akong pinuntahan kaya understood 'yon." "Importante raw? Ang sabihin mo galing kana naman sa baliw na fortune teller na 'yon. Nagpapaniwala ka na naman sa mga pinagsasabi no'n. Sus naku! 'Di na ako magtataka kung pati ikaw mabaliw na rin." "Alam mo ate Amy, minsan sa buhay natin kailangan nating maniwala sa mga bagay na imposibleng mangyari. Tulad na lang nang may nagpadala sayo ng sulat galing sa isang manliligaw. Akalain mo 'yon, sa edad mong 'yan may nanligaw pa," natatawang sabi ni Shon. Amy looked at him with a killer look saying like. "Eh, kung hambalusin kaya kita ng upuan? Baliw ka ba? Hindi 'to sulat ng manliligaw, galing 'to kay Chris." "Ikaw naman! Binibiro lang eh. Alam kong kay Chris 'yan. Nag-iwan din kasi siya ng sulat sa'kin at kay Kate, last friday ko pa napansin." Bumakas sa mukha ni Camille ang pagtataka nang marinig ang sabi ni Shon. "Binigyan niya kayong tatlo? B-bakit wala akong natanggap?" "Baka naman may sama siya ng loob sa'yo," Shon said. "Hoy shunga! 'Nong pinagsasabi mo? Hay naku Camille, 'wag kang makinig diyan. Mabuti pa'y icheck mo diyan sa mga piled documents mo baka kamo naipit lang. Imposible namang hindi ka niya bigyan ng sulat." Kaagad na hinalungkat ni Camille ang mga pinagpatong-patong na papeles sa kan'yang table. Maging ang mga papel na nasa basurahan sa ilalim ng mesa niya ay inisa-isa niyang tignan baka sakaling naitapon niya lang. Pero bigo pa rin siyang makita ito. "Ano, meron ba?" tanong ni Shon habang nakatingin sa kan'yang ginagawa. "Wala eh," she answered with disappointment. "Hala! Baka naman ikaw ang dahilan ng pag-alis ni Chris dito." "Ikaw ungas ka, last ka na sa'kin ha. Sige, magsalita ka pa, hahambalusin na talaga kitang bw*sit ka," naiinis na sabi ni Amy. "Tama si Shon, baka nga ako 'yong dahilan. Napansin ko rin kasi 'yong pag-iba ng pakikitungo niya sa'kin," saad ni Camille. "Eh, kung tawagan mo kaya," Amy suggested. "Sus! 'Wag na. Magsasayang ka lang ng oras. Nagpalit na siya ng number. Tatawagan ko nga sana siya no'ng nalaman kong nag-resign na siya, eh hindi naman macontact 'yong dalawang number niyang meron ako," sambit ni Shon habang nakatutok sa computer. Camille immediately took the phone on her table and dialed Chris' number. Pero hindi na nga niya talaga ito macontact. "Oh, 'di ba? Sabi ko sa'yo eh, nagpalit na kasi siya ng number. Paniguradong sinadya niya 'yon para wala nang makacontact sa kan'ya kahit isa sa atin," saad ni Shon. "Hindi ba sabi mo nasa YiTing siya?" Camille asked. "Oo, bakit? 'Wag mong sabihing pupuntahan mo siya do'n?" "Kailangan ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung bakit bigla siyang nag resign, kung may problema ba siya sa'kin o may galit," determinadong sagot niya. "Mabuti pa nga Camille, nang malaman mo ang tunay na dahilan. Hindi 'yong nagpapaniwala ka sa mga pinagsasabi ng mokong na 'yan. Bini-brainwash ka lang niyan. If I know, may galit lang 'yan kay Chris kaya naninira," Amy said. "Wow ha! Kung makapagsalita ka naman ate. Hindi ko bini-brainwash si Camille at lalong hindi ko sinisiraan si Chris. Ang mga sinabi ko ay pawang katotohanan." Amy rolled her eyes. "Ewan ko sayo!" NANG MASULYAPAN ni Camille sa cellphone niya ang eksaktong pagtungtong ng 5:30pm ay nagmadali siyang nagligpit ng mga gamit niya at nagpaalam kina Amy. Kaagad siyang sumakay ng elevator at sa bawat pagbaba nito ay hinihiling niya na sana'y di niya makasalubong sa ground floor si Mr.Lopez, dahil natitiyak niyang hindi siya papayagang umuwi nito ng maaga. Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na siya ay napakapit siya ng mahigpit sa kan'yang bag. Sa pagbukas nito ay nagtama ang mata nila ng isang lalaking nasa 5'7 ft ang ang height at hindi gaanong kalakihan ang katawan. His skin is pale and flawless, halatang maalaga ito sa katawan. Maganda ang hugis ng mga kilay nito at hindi masyadong makapal. He has a pointed and sharp nose. It is not the usual type of nose that some Filipino men have, animo'y may lahing foreigner ito o 'di kaya ay pinaretoke. His lips are kissable at malalim ang mga mata nitong nagtataglay ng mahaba at makapal na pilikmata. In other words, he is handsome but not that manlike in appearance. The man smiled at him that made his dimples visible. She then smiled back and walked out in the elevator. Kahit malayo-layo pa ang lalakarin niya ay mas pinili niya na lang dumaan sa kabilang exit door ng building at hindi doon sa may basement dahil baka makasalubong niya pa si Mr.Lopez. The guard gave her a questioning look. "Ma'am, ba't dito kayo dumaan? Ang layo pa ng iikutin niyo." "Ahm… M-may dinaanan kasi ako sa storeroom kuya kaya dito na lang ako dumaan," pagsisinungaling niya. "Mukhang maaga yata ang labas niyo ma'am, may lakad ba kayo?" pag-uusisa nito. "Oo, meron kuya importanteng-importante. Sige, alis na ako," sambit niya. "Oh, sige ma'am mag ingat kayo." Ngumiti siya at nagsimulang maglakad palabas. "Where are you going?" Kaagad siyang natigilan nang marinig ang boses na 'yon. She then turned around to face where the voice came from and there she saw Marcus' with his puckered eyebrows. Her heart begun to pound hastily. "Uuwi na po s-sana ako." Marcus started to walk towards her direction. "It's not yet time to go home. You're undertime. Alam ba ni Mr.Lopez ito?" Napakagat labi na lamang siya nang wala siyang maisagot sa binata. "I'm sure hindi niya alam because he's not here yet. That's why you chose to take the door here dahil ayaw mo siyang makasalubong sa basement. Am I right?" Napansin ni Camille ang mga mata ng guard na nakatingin sa kanila habang pasimpleng nakikinig sa kanilang usapan. "H-hindi po, galing po ako sa storeroom," pagsisinungaling niyang muli. Total ay nasimulan niya namang magsinungaling na galing siya sa storeroom, paninindigan niya na lang ito. "I've been there. Wala ka do'n." Napakurap-kurap siya at inisip kung anong ipapalusot. "Ah-- ano kasi… nag… nag ano..." "Cut the crap, hindi mo ako maloloko." She sighed audibly. "Eh, kasi sir may pupuntahan sana ako." "Where?" Napaisip bigla si Camille kung sasabihin niya ba ang totoo na pupunta siya sa YiTing, pero baka isipin nitong spy nga talaga siya. "Ahm... i-importante po." "Stop beating around the bush and tell me where the hell you're going." Halata sa boses ni Marcus ang pagkairita na lalong nagpakaba sa kaniya. "S-sa….sa YiTing po," kabadong sagot niya. "Anong gagawin mo do'n?" "Kakausapin ko lang po sana si Chris. May kailangan lang po akong itanong, pero wala po akong ibang sadya do'n, sir. Kung… kung a-ano man 'yong iniisip niyo, na isa akong spy, hindi po toto--" "I'll take you there, you wait here." Pagkasabi ni Marcus ay kaagad itong pumasok sa building at naiwan naman siya na nakatulala. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na si Marcus sakay ng kotse nito. Camille got inside the car and sat next to him at habang tumatakbo ang kotse ay patingin-tingin lamang si Camille sa binata na tahimik na nagmamaneho. Ramdam niya ang bagal nang pagtakbo ng kotse na ikinabahala niya baka hindi niya na maabutan pa si Chris sa YiTing, dahil ilang minuto na lang ay mag aalas-sais na. Kung sumakay na lang sana siya ng taxi ay sigurado siyang nakarating na siya do'n. Gusto sana niya itong pakiusapan na kahit kaunti ay bilisan naman ang pagpapatakbo but she's afraid that she might sound rude and disrespectful. Baka anong isipin nito at masigawan pa siya nang 'di oras. Nang makarating sila ng YiTing ay eksaktong alas-sais na ng gabi. Natanaw ni Camille ang pagsilabasan ng mga empleyado sa loob. "Sir salamat," maikling sabi niya at kaagad binuksan ang pinto ng kotse. Bago pa siya makalabas ay laking gulat niya nang hatakin siya pabalik ni Marcus at muli nitong isinarado ang pinto. Marcus was now close to her. He was staring at her lips down to her neck and to her chest. Her heart was pounding excessively and she felt breathless. Kaagad siyang napatakip sa kan'yang dibdib nang maalala niyang manipis pala ang suot niyang damit. His eyes ran back to his lips and she saw how Marcus gulped like a thirsty Camel. She felt the urge to suffuse this man with water hanggang sa mawala ang pagkauhaw nito, but her mind stopped her from doing this. Bahagya niya itong tinulak but she failed to do it. Mas lalo lang nitong inilapit ang mukha sa kan'ya hanggang sa maramdaman niya na ang mainit na hininga nito. Her heart was too weak. Tila ba nawalan ng control ang kan'yang isip at kusa itong nagparaya. Dahan-dahan niyang pinikit ang kan'yang mga mata at ang mga kamay niyang tumutulak kay Marcus palayo ay unti-unting nawawalan ng lakas. Marcus stared at Camille's innocent face. A smirk drew on his lips. Sinulyapan niya ang parking lot ng building kung saan nakatayo si Chris kanina at nang masigurado niyang wala na ito ay saka lamang siya lumayo sa dalaga. Nakita niya ang unti-unting pagbukas ng mga mata ni Camille at nang makita siya nitong nakatingin sa kan'ya ay bumakas sa mukha nito ang hiyang nadarama. Kaagad itong lumabas ng kotse at tumawid papasok ng YiTing. The building is bigger than what she expected. Sa katunayan ay magara at kakaiba ang loob nito na kung titingnan ay parang nasa isang mansyon ka lang. The ambiance inside gave her a feeling of relaxation. Napapatingin sa kan'ya ang mga taong nakakasalubong niya na para bang isa siyang batang naliligaw sa loob. She hurriedly went to the information desk and approached the skinny woman with a pleasing aura, smiling at her. "Good evening, ma'am! How may I help you?" nakangiting tanong nito. "Saan ba rito 'yong Marketing Department?" "Nasa 6th floor po, ma'am. Sino po'ng hinahanap niyo?" "Hinahanap ko si Chris." Biglang napakunot ang noo ng babae nang marinig ang sabi niya. "Chris?" She nodded. "Oo, Chris Delfin, 'yong newly hired dito. 'Yong maputi tapos singkit, blond yong buhok at hindi masyadong matangkad." Biglang itong napangiti. "Ahh… Si Ris po ba?" "Ris?" nagtatakang tanong niya. "Ris po kasi tawag namin sa kan'ya rito, ma'am. 'Yon 'yong gusto niyang ipatawag." "Ahh... gano'n ba." "Naku, ma'am! nakauwi na po kasi siya. 'Di niyo po ba siya nakasalubong sa labas?" Bumakas sa mukha ni Camille ang pagkadismaya. "Hindi eh. Puwede bang makuha 'yong number niya?" "Confidential po kasi ang information ng mga employees dito. Hindi kami basta-basta nagbibigay lalo pa't sa MADeal kayo nagtatrabaho. Pasensya na po talaga," sambit nito sabay tingin sa suot-suot niyang ID. "Hindi, okay lang. Sige salamat," nakangiting sabi niya. Nagsimula nang maglakad si Camille pabalik pero bigla siyang tinawag ng babae. "Ma'am, kilala niyo po ba si Kyle Bernardo?" sigaw nito. She faced the girl and smile. "Oo, bestfriend ko siya. Bakit?" tanong niya na may pagtataka. "Madalas na kasi ang pag absent niya tapos hindi pa siya pumasok kanina. Madami siyang naiwang trabaho, nagrereklamo na nga raw ang manager nila. Nag-aalala lang ako baka kasi matanggal siya," the lady said with a sincerity in her eyes. "Hindi siya pumasok?" nakakunot ang noong tanong niya. "Hindi po, ma'am. Sinubukan ko rin po siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Kung sakali pong makausap niyo siya, pakisabi na lang na hinahanap siya ni Mr.Lustre." "Sige, makakarating." Habang palabas si Camille ay patuloy naman ang pagcontact niya kay Kyle, nagbabakasakaling may sumagot sa kabilang linya. To: Kyky Ky saan ka? 'Di ka daw pumasok kanina? Pupuntahan kita diyan sa apartment mo. Hintayin mo ako. When she had successfully sent the message kaagad siyang pumwesto sa gilid ng daan upang pumara ng taxi. Pero nagulat siya nang biglang may bumusina sa likod niya kaya agad siyang napaalis sa kan'yang kinatatayuan at binigyang daan ang isang itim na kotseng pamilyar sa kan'ya. The window opened and she saw Marcus looking at her. Biglang bumalik sa kan'yang isip ang pangyayari kanina na nagpainit ng kan'yang pisngi. Para bang gusto niyang tumakbo at sumigaw ng napakalakas hanggang mapagod siya at mawalan ng boses. Gusto niyang isigaw kung gaano siya katanga, kung gaano siya kagalit sa kan'yang sarili, kay Marcus at sa buong mundo. But here she is responding to Marcus gaze. Hindi niya maalis ang tingin niya sa nga mata nito. Wondering what is he thinking right now. Tumitibok din ba kaya ang puso nito sa tuwing magkakadikit sila? Does he see her as a woman and not just an employee. Does he find her beautiful? sexy? attractive? interesting? Does he think she's girlfriend material or just a toy? "Sumakay kana," anyaya nito. "Hindi na, sir. Magtataxi na lang ako, salamat." "Sumakay ka na at ihahatid kita sa inyo." "Dadaan pa kasi ako sa apartment ni Kyle, sir. Magtatagal pa ako ng ilang oras do'n o 'di kaya do'n na lang ako matutulog. Maaabala ko lang kayo." Nagpang-abot ang kilay ng binata na kaagad namang napansin ng dalaga. "I'll take you there." "Sir, 'wag na po mag--" "Get inside!" malakas na sabi nito na nagpasindak sa kaniya. Kahit labag sa loob ay pilit siyang sumakay ng kotse. Hindi pa man napapaandar ni Marcus ang makina ay biglang tumunog ang cellphone nito. Tinapunan naman ng tingin ni Camille ang cellphone ng binatang nakapatong sa stereo at gano'n na lang ang kirot na naramdaman niya nang makita kung sino ang tumatawag. It was Valerie. Dagling kinuha ni Marcus ang cellphone nang mapansin niya ang mga mata ng dalagang nakatitig dito. "What do you want?" "Where are you? Can you fetch me at MADeal? Day off ng driver ko at hindi ako masusundo ni daddy. I'm afraid if what might happen to me if I take a cab. Please, Marcus… please.. kahit ngayon lang. I promise, I will not cling on you. Just fetch me. " "I'm busy. I'll call you later." Hindi niya hinintay pa ang sagot nito at kaagad niya nang pinatay ang tawag. "Mag ta-taxi na lang ako sir, kaya ko nang sarili ko," pagkasabi niya'y kaagad siyang lumabas ng kotse upang hindi na siya mapigilan pa ni Marcus. She expected him to stop her but he never heard any words from Marcus until a taxi stopped right in front of her. Kaagad siyang sumakay at hindi niya na ginawa pang lingunin ang binata. Her heart was tearing apart. Nararamdaman niya na naman ulit ang sakit. Paulit-ulit na lang, tila hindi pa ito nasasanay. Iginaya niya ang tingin sa labas ng kotse at pinagmasdan ang nadadaanang building. Parang nararamdaman niya na ang paghaplos ng antok sa kan'ya at ang mga mata niya ay unti-unti nang bumibigat. "Saan po kayo bababa, ma'am?" Tila nagising siya sa malalim na pag-iisip nang marinig niya ang tanong ng driver. Saan nga ba siya bababa? Hindi pa nga pala siya nakakapunta sa apartment ni Kyle. Hindi niya rin alam ang address nito. Napabuntong hininga na lang siya ng malalim. "Ibalik niyo na lang po ako sa Trenzo St.Fairview DC kuya. Saan na po ba tayo?" "Naku! Ma'am ang layo na po natin kung babalik tayo ng Trenzo sigurado akong matatrafic tayo sa daan mas lalo tayong matatagalan malaki ang babayaran niyo. Isa pa kailangan ko na rin kasing umuwi ng maaga kasi birthday ng anak ko." "Gano'n po ba? Sige kuya, dito na lang ako." Nang sinulyapan siya ng driver ay saka lamang niya nakita ang mukha nito. Nasa kuwarenta anyos na ang edad nito pero matikas pa ang pangangatawan. "Mahihirapan kayong sumakay dito ma'am. Kita niyo, wala na masyadong dumadaan na taxi. Kung dito kayo maghahanap ng sasakyan pabalik ng Trenzo ay tiyak akong uumagahin kayo. Ganito na lang, do'n na lang tayo dadaan sa may Salde Village total do'n din naman ang uwi ko. Tapos sumakay kayo ng tricycle hanggang sa kanto tapos do'n kayo sumakay ng taxi pabalik ng Trenzo." Camille nodded. "Sa'n po pala sana ang punta niyo, ma'am?" "Sa apartment ng kaibigan ko, kaso nakalimutan kong itanong 'yong address eh." The driver laughed hard that caught Camille's attention. "Ang bata niyo pa po, makakalimutin na kayo masyado." Camille faked a smile. "Ilang taon na ba kayo, ma'am?" "23 na po." "Oy! bata pa. Mga ganiyang edad bihira na lang ang inosente. Kadalasan may karanasan na o 'di kaya eksperto na." Biglang nangilabot si Camille sa mga pinagsasabi nito pero pilit niyang kinalma ang sarili. "May boyfriend na po ba kayo?" "W-wala..." "Talaga ma'am? Sa ganda niyong 'yan?" She felt his eyes roaming on his body. She distanced herself from the driver and huddled on the car's door. "Ang puti niyo pala kahit sa gabi, ma'am. Paano pa kaya pag sa umaga, 'yong klarong-klaro ang balat niyo," nakangiting sabi nito. Hindi niya na pinansin pa ang sinabi nito at ituon niya na lang ang mga mata sa daan. Dumaan sila sa isang makipot, tahimik at walang katao-taong lugar na tanging damuhan lang at malalaking puno ang maaaninag mo. Nagsimula nang makaramdam si Camille ng masama. Halos iisat-kalahating oras nang tumatakbo ang kotse pero di pa rin sila nakakarating sa sinasabi nitong Salde Village. "Malayo pa ba tayo?" kinakabahang tanong niya. "Bakit nagmamadali ka? Sige, bibilisan natin," the driver said as he looked at her devilishly. Binilisan nito ang pagpapatakbo na para bang mawawalan na ito ng preno dahil sa bilis. Camille screamed in so much fear
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD