Halos lumugwa ang mata ni Camille nang mabasa niya ang message nito.
From: +63905*******
Are you kidding? You better sleep now Ms.Cordova, coz i guess you still have alot of things to do tomorrow, right?"
Base sa paraan ng pagtext nito, parang alam niya na kung sino ang taong ito. Napakagat labi siya dahil sa kahihiyan.
To: +639*********
Sir Marcus, kayo po ba ito?
Ilang segundo lang ay nagreply na ito.
From:+6905********
yes
Nagpagulong-gulong siya sa kama dahil sa kahihiyan. Bakit ba kasi 'di niya naisip agad na si Marcus pala ito, kung ano-ano pa ang pinagsasabi niya.
To: Sir Marcus
Sorry po… Hindi ko po alam na kayo po pala 'yan. Sorry po talaga sir.
From: Sir Marcus
Ok
Kahit wala namang nakakakilig ay 'di niya pa rin maiwasang mapangiti habang binabasa ang maikli at walang buhay na reply nito. Nai-imagine niya kasi ang mukha ng binata na para bang nasa harap niya ngayon ito at kausap. Sa sandaling 'yon ay gusto niya nang wag tapusin ang pakikipagtext nito kay Marcus pero alam naman niyang wala itong interest makipagtext sa kan'ya. Tanging siya lamang ang nasasabik at nasisiyahan sa bawat pagtunog ng kan'yang cellphone.
To: Sir Marcus
Thank you pala sa flowers at cellphone sir. Sobra-sobra po ito, nakakahiya naman.
Akala niya ay 'di na ito magrereply at pero lumapad ang ngiti niya nang tumunog muli ang kan'yang cellphone.
From: Sir Marcus
Kapalit 'yan ng cellphone mong natapakan ko kagabi.
From: Sir Marcus
And the flowers? It's just nothing.
Kumirot ang puso niya nang mabasa ang huling message nito. Oo nga naman, wala lang naman talaga 'yon. Kung baga freebie lang ang bulaklak na 'yon at hindi niya dapat bigyan ito ng ibang kahulugan.
To: Sir Marcus
Okay, sir.
She closed her eyes while waiting for her phone to ring. Tatlong minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang natatanggap na mensahe muli sa binata. Hindi na niya kakayaning maghintay ng ilan pang minuto kaya minabuti niyang itext ito ulit, nagbabakasakaling sa pagkakataong ito'y magreply na si Marcus.
To: Sir Marcus
Goodnight sir!
"YOU ALWAYS look pretty."
Nagulat si Camille nang marinig ang boses na nanggagaling sa likod niya. Huminto siya sa paglalakad upang tiningnan kung kaninong boses iyon at agad siyang napangiti nang makita si Lex.
"Sir, magandang umaga po," pagbati niya
"Mas maganda ka pa sa umaga," he said with a smile.
Magkasabay silang sumakay ng elevator at tanging silang dalawa lang ang nandoon. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita at 'di na rin siya nag-abala pang mag-isip ng pag-uusapan nila dahil para bang naiilang siyang kasama ito.
"You're quiet. Did you feel uncomfortable with me? Dapat siguro ay 'di na lang ako sumabay sayo."
Akala niya'y nagbibiro lang si Lex pero nang tingnan niya ito'y mukhang seryoso ito sa sinabi. He's wearing a pokerface and didn't even glance at her.
"Hindi, sir! Ano kasi.. may ano… may sinasaulo lang akong ano..." pautal-utal na sabi niya na halata ang pagsisinungaling.
Tiningnan siya nito at ngumiti nang mapakla sabay tapik ng kan'yang ulo.
"You're not good in lying."
Napakagat-labi na lamang siya nang mabuking ang kan'yang pagsisinungaling. Ang totoo kasi ay nahihiya siya ditong makipag-usap. Hindi niya alam kung bakit pero ramdam niya ang pagkailang niya kasama ito. Siguro ay dahil masyado itong mabait sa kan'ya at parang tinuturing na siyang kaibigan nito at hindi bilang isang empleyado kahit nasa loob man ng kompanya. Ito rin ang dahilan kung bakit pinag-iinitan siya ni Kate dahil napapansin nito ang special treatment sa kan'ya ni Lex.
"You should learn the effective way of lying Camille. Marami ka pang dapat matutunan."
Biglang tumunog ang elevator hudyat na magbubukas na ito.
"See you around Camille," sambit nito at dire-diretsong naglakad nang hindi man lang siya nilingon.
Nang makarating siya sa office ay naroon na silang lahat maliban na lang kay Mr.Lopez. Lahat ay abala sa kani-kanilang trabaho at 'di man lang napansin nito ang pagbukas niya ng pinto.
"Good Morning!" malakas niyang bati upang makakuha ng atensiyon nila.
"Good Morning baby!" bati naman ni Chris sabay kindat sa kan'ya.
Nginitian siya ni Amy bilang pagbati at si Kate naman ay tinaasan lamang siya ng kilay, habang si Shon ay abala pa rin sa ginagawa nito at hindi man lang nito nagawang sulyapan siya. Kaagad niyang tinungo ang kan'yang p'westo at inilapag doon ang kan'yang bag saka umupo. Napako ang tingin niya sa isang kulay peach na card na nakapatong sa kan'yang mesa. Sa 'di malamang kadahilanan ay nakaramdam siya ng kiliti sa puso. Siguro ay naisip niyang galing ito sa lalaking inaasahan niyang magbigay nito sa kan'ya.
"Invitation letter 'yan," sambit ni Chris nang makitang titig na titig siya sa card.
Napalingon siya sa binata at nasagi ng mata niya ang card na nasa mesa nito na katulad na katulad sa card na hawak niya ngayon. Inilipat niya ang tingin sa table ni Amy kasunod ay kay Shon at kay Kate at nakaramdam siya ng pagkadismaya nang makitang lahat sila ay merong gano'ng card. Ano ba kasing iniisip niya? Nag e-expect ba siyang bibigyan siya ng letter ni Marcus pagkatapos ng flowers at cellphone na binigay nito sa kan'ya? Binuksan niya ito at nang mabasa ang laman ay para bang biglang gumuho ang mundo niya. Napahigpit ang hawak niya sa card at 'di niya maalis ang mga mata dito.
You are invited
to
Marcus and Valerie's Wedding
Parang pinipiga ang puso niya dahil sa nalaman. 'Di na niya nagawang basahin pa ang ilang nakasulat sa card at kaagad niya itong ibinalik sa kinalalagyan nito. Pilit niyang pinipigilan ang luhang gusto nang bumagsak. Ang sakit sakit na naman ng nararamdaman niya nang dahil lang kay Marcus. Kahit anong gawin niyang pagpigil sa nararamdaman niya para sa binata ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para rito. Patuloy siyang umaasa na may salitang "puwede" sa kanila, pero ngayon ay klaro na sa kan'yang wala talaga at kailangan niya nang wakasan ang kan'yang kahibangan.
NAPASUNTOK SI Marcus sa glass window dahil sa panggagalaiti. Hindi niya alintana ang hapdi ng kamao niyang nabalot sa dugo dahil sa sugat niyang natamo. Nagkalat pa ang mga bubog sa sahig at ang mga card na nilakumos niya kanina. Nag-aapoy ang mga mata niya at tila bagang isa siyang liyon na gusto ng lumapa ng tao.
ALAS-SIYETE imedya na nang makalabas si Camille sa opisina. Napagdesisyunan niyang maglakad na lang pauwi dahil maaga pa naman. Halos bilangin niya na ang kan'yang mga hakbang dahil sa bagal niyang maglakad. Inaaliw niya ang sarili sa kakatingin ng mga nadadaanang establisyemento at nang makita niya ang convenience store sa tapat ay agad siyang natigilan at napatingin dito. Muling bumalik sa kan'yang alaala ang mga sandaling kasama niya si Marcus habang sinasamsam ang init ng kape sa loob ng convenience store. Nagpakawala siya ng buntong hininga saka pinagpatuloy ang paglalakad. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay napatingala na siya nang maramdaman ang pag-ambon.
"Umuulan din no'n," bulong niya sa isipan.
Nabaling ang kan'yang tingin nang mapansin ang paghinto ng isang kotse sa tapat niya mismo. Parang tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makita ang mukha ng binatang sumakop ng isip niya kanina pa. Kaagad siyang umiwas ng tingin at binilisan ang paglalakad.
Ito ang dapat niyang gawin, ang umiwas sa binata. Pero paano nga ba niya ito magagawa kung iisang kompanya lang ang pinapasukan nila. Napansin niya ang pagsunod ng kotse ni Marcus sa kan'ya, kaya mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad na halos takbuhin niya na ito upang makaiwas lang kay Marcus.
"Get inside," maawtoridad na utos nito na klaro sa boses ang pagkairita.
"Hindi na sir, maglalakad na lang ako malapit na rin naman ang apartment ko," pagtanggi niya rito.
"Umaambon na!" sigaw nito.
"Hindi naman sir, okay lang talaga."
"I said get inside! Ano pa bang pinag-iinarte mo?" galit na sabi nito.
Ang sinabi nito ang nagpahinto sa kan'ya. Humugot siya nang malalim na hininga at hinarap ang binata.
"Sir, okay lang ako di--"
"Camille!"
Naputol ang pagsasalita niya nang marinig ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. Para siyang natanggalan ng tinik nang makita si Kyle na papalapit sa direksyon nila at nakapang-abot ang kilay. Buti na lang at dumating ito at makakatakas na rin siya kay Marcus. Binigyan niya ito nang napakatamis na ngiti sabay kaway sa kaibigan.
"Uuwi ka na? Tara! umangkas kana baka may masasamang loob pang nagmamanman sa 'yo," sarkastikong sabi ni Kyle na ang tinutukoy ay si Marcus.
Hindi na siya nagsayang ng oras at kaagad na siyang umangkas sa motorsiklo ni Kyle. Bago umalis ay sandali niya munang sinulyapan si Marcus upang makapagpaalam.
"Hmm… Sir--"
'Di niya na natuloy ang sinasabi nang bigla na lang pinaharurot ni Kyle ang motor dahilan upang masubsob ang dibdib niya sa likod ng binata. Napakapit siya ng mahigpit sa tiyan nito dahil sa takot na mahulog.
"Ano ba Kyle! Dahan-dahan naman, 'di pa nga ako nakakapagpaalam eh," naiinis na sabi niya.
'Di na pinansin ni Kyle ang sinabi ng dalaga at patuloy lang siya sa pagmamaneho. Nag-init ang ulo niya kanina nang makita si Marcus na sinusundan si Camille at pilit na pinapasakay si Camille sa magarang kotse nito.
"Bw*set! Hindi sa nagseselos ako pero hindi ko talaga gusto ang presensya ng lalaking 'yon. Mukhang 'di siya mapagkakatiwalaan," galit na sabi niya sa isip.
Natigilan siya sa kan'yang iniisip nang maramdaman ang paghigpit ng yakap ni Camille sa kan'ya. Isinubsob nito ang mukha sa kan'yang balikat at unti-unti niyang nararamdaman ang pagkabasa ng damit niya. Pinapakiramdaman niya lang ang dalaga at maya-maya'y narinig niya na ang mahinang paghikbi nito. Para bang pinipiga ang puso niya nang makompirmang umiiyak nga ito.
"Camille, okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong.
Mas lalo pang lumakas ang hikbi nito.
"Anong problema? Sabihin mo sa akin."
"Ikakasal na siya Kyle. Ang sakit... ang sakit-sakit," humahagulgol na sagot nito.
DIRETSONG NILAGOK ni Marcus ang panlimang baso ng tequila kapagkuwan ay minasahe ang kan'yang sentido. Napahigpit ang pagkahawak niya sa baso nang sumagi sa isip niya ang eksenang nangyari kanina sa daan.
"Kyle… Kyle Bernardo," sambit niya habang nagsasalin ng alak sa baso.
"Damn! You're messing with the wrong person," nagtatangis ang mga bagang na usal niya.
NAKAHIGA SI Camille sa kama at pilit na iniwawaglit sa isip ang mukha ni Marcus. Mag tatatlong oras na mula nang mahatid siya ni Kyle kanina rito sa apartment niya at 'di pa rin niya magawang matulog. Okupado pa rin ni Marcus ang utak niya hanggang ngayon.
"Tama na, Camille!" sigaw niya sa sarili.
Ano nga bang gagawin niya? Siguro tama nga si Kyle, dapat na nga sigurong mag-resign siya para tuluyan na siyang makaiwas at makalimot kay Marcus. Dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo 'di talaga sila p'wede. Ito lang ang pinakamabisang paraan para makalimutan niya ang feelings niya para kay Marcus, para sa boss niya.
Ipinikit niya ang kan'yang mga mata nang bigla na lang kumalam ang sikmura niya. 'Di pa pala siya nakakapaghapunan. Wala na siyang oras magluto dahil gutom na gutom na siya, mabuti na lang at ipinagpilitan ni Kyle kanina ang bitbit nitong lumpiang shanghai, barbeque at may kasama pang burger. Sa katunayan ay wala talaga siyang ganang kainin 'yon kanina at napilitan lamang siyang tanggapin iyon, pero ngayon ay tiyan niya na ang nangangailangan ng pagkain.
Kaagad siyang bumangon at nilantakan ang pagkain sa mesa. Sa kalagitnaan ng kan'yang pagkain ay nadisturbo siya nang marinig ang pagtunog ng kan'yang cellphone. Tumayo siya at dumako sa kama niya kung saan ito nakalagay habang hawak-hawak niya parin ang burger sa kanang kamay.
From: Sir Marcus
Nakauwi kana?
Napapikit siya nang mariin nang mabasa ang message. Nagtatalo ang puso't isip niya kung ri-replyan ba niya ito o hindi. Wala naman sigurong mali kung re-replayan niya ito. Pero bakit pa niya re-replyan? Para ano? Para mapahaba ang conversation nila? pagkatapos ano? Aasa na naman siya?
"Hindi! Hindi kita rereplyan," sambit niya na may paninindigan.
***
Napakunot ang noo ni Marcus nang lumipas ang dalawampung minuto pero wala pa rin siyang natatanggap na reply galing kay Camille. Tulog na kaya ito? Walang load o sinadya nitong 'wag siyang replyan? Bakit? Kanina ay iniiwasan na naman siya nito at 'di man lang sumakay sa kotse niya nang ayain niya ito.
"What the hell are you thinking, Camille?"
'Di kaya nakakahalata na ito? Posible rin na ini-impluwensyahan ito ni Kyle.
"That f*cking as*hole!"
Hindi siya papayag na masira ang plano niya dahil sa Kyle na iyon. Gagawin niya lahat kahit ano man mangyari. Kinuha niya ulit ang cellphone at muling itinext si Camille.
To: Camille
I have something to discuss with you now, about some important matter.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang natanggap na reply. Sinubukan niyang tawagan ang dalaga pero ngayon ay hindi niya na ito ma-contact. Ibinalik niya sa mesa ang cellphone at nagsalin ng beer sa baso saka niya nilagok ito ng diretso. Nanggagalaiti siya at kating-kati na siyang puntahan ito ngayon. Nabaling ang pansin niya nang marinig ang 'di pamilyar na tunog ng cellphone, cellphone iyon ni Camille na itinago niya. Kinapa niya ito sa bulsa ng suot niyang coat at binasa ang text na natanggap.
From: Kyle
Okay kana ba Milmil? Kinain mo ba 'yong bigay ko o ginutom mo na naman sarili mo?
Napangisi siya nang mabasa ang mensahe mula kay Kyle.