Chapter 62

1901 Words

Mabuti na ang kalagayan ko pero hindi pa rin ako pinapasok sa opisina nina Mommy. Baka raw kasi maka-trigger pa ng sakit ng ulo ang stress sa trabaho. Bored na bored tuloy ako sa bahay kaya napagdiskitahan ko ang mga halaman niya sa likod ng bahay. Iyong mga bagong deliver na mga halaman at bulaklak nilipat ko sa magagandang paso. Iyong iba naman itinanim ko na lang sa lupa. 2 PM na kaya medyo mainit sa balat ang sikat ng araw pero hindi ko ininda dahil matagal din akong nakulong sa ospital at hindi nasinagan ng araw. Pinunasan ko ang tagaktak na pawis sa noo ko gamit ang likod ng braso ko. Nadungisan na din ang puting sando na suot ko. "Hija, anak. May bisita ka." Nilingon ko si Manang. "Sino po?" Ngumiti ito nang matamis. "Iyong manliligaw mo kamo." Nataranta ako pagkarinig niyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD