bc

The man behind his mask (DARK SECRET SERIES)

book_age18+
126
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
family
HE
age gap
opposites attract
powerful
heir/heiress
bxg
loser
detective
like
intro-logo
Blurb

Mask bar. . .

Lugar kung saan naranasan ni Danna-ann ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang p********e ng hindi namamalayan.

Magtatagumpay kaya siya na muli itong makita at tuluyang makilala kung tanging maskara lamang na suot nito sa mukha ang kaniyang palatandaan?

Ano ang hiwagang mayroon sa likod ng suot nitong maskara na gigimbal sa kaniya sa isang katotohanan. . .?

chap-preview
Free preview
ONE
INIABOT ng magkaibigang Danna-ann at Shenna ang passes card nila sa babaeng nakapwesto malapit sa entrance. Sinuri muna nito iyong mabuti. Tiningnan sa harap at likod ang card. “Hi, mga kaibigan kami ni Skite Del Rio at sa kaniya galing ang mga passes card na iyan,” saad ni Shenna. Nang matapos na ang babae sa ginagawa nitong pagsusuri sa card ay may inabot sa kanilang dalawang kulay red na folder. Nagkatinginan silang biglang magkaibigan sa isat-isa ng may pagtataka pero inabot pa rin naman nila pareho ang red Folder. “Para saan ang mga ito?” tanong ni Danna-ann sa babae. “Kailangan ninyo pong unawain at basahin muna ang nilalaman nang ngayon ay folder na hawak ninyo sapagkat isa po iyang kasunduan.” “Kasunduan?!” magkasabay na wikang patanong pa nilang dalawa ni Shenna. “Marahil ay hindi kayo na-inform ni Mr. Del Rio about policy and rule. Kaya mainam na basahin ninyo muna ng mabuti. Kapag sumasang-ayon kayo sa mga nilalaman niyan ay maaari ninyo na pong pirmahan ngunit kung hindi at may pag-aalinlangan na po kayo mga Ma’am puwedi na po kayong umalis,” magalang na anito sa kanilang magkaibigan. Walang kahit na anong kakaiba para kay Danna-ann ang mga nabasa niya roon. Ang tanging ipinagtaka lang niya at naging isang malaking katanungan sa isipan niya kung bakit kasama sa mga nakasaad roon na dapat mong tuparin sa oras na lumabas ka na at lisanin ang bar. Siniko siya ng kaibigang si Shenna at mahinang bumulong sa kaniya. “Ano sa tingin mo? Tuloy pa ba tayo?” Kuryusidad kung ano ang mayroon sa loob ang nangibabaw kay Danna-ann. “Mukhang exciting sa loob kaya siguro may ganiyan silang patakaran. Isa pa, hindi naman tayo bibigyan ng passes ni Skite kung mapapahamak tayo riyan,” pabulong na sagot niya sa kaibigan. “Kung sa bagay tama ka naman riyan. Isa pa, sinabi rin pala ni Skite sa atin na para maiba naman daw ang ambience ng bar na madalas nating pinupuntahan.” “Exactly!" aniya. “Kaya lang parang kinakabahan ako. Huwag na lang kaya tayong tumuloy, sissy.” “Hindi mo ako malilinlang sa ganiyan style mo.” Sabay tawa niya ng mahina na ikinatawa rin nito. Kaya naman nagpasiya na silang pirmahan iyon at pagkatapos ay pareho nilang iniabot sa babae ang red folder. “Thank you and welcome to The Mask bar. The place of dream you never forget.” Nang makapasok sila ng tuluyan sa loob, muling nagtaka si Danna-ann. Hindi maingay sa loob gaya ng ibang mga night bar. Tulad niya ay nagpapalinga-linga rin si Shenna habang naglalakad sila pero ito naman para maghanap ng magiging puwesto nila. Hanggang may lumapit sa kanila na isang lalaki para i-guide sila na makahanap ng puwesto. Isa sa service staff marahil. ‘Bar ba talaga ito. Bakit sa tingin ko ay tila nasa isang party kami?’ Sa isip ni Danna-ann. Humantong sila sa pinaka sulok na bahagi, palibhasa ay sulok na sulok at medyo malayo sa karamihang naroroon ay walang nakapwesto kaya roon sila dinala ng staff at pagkatapos iniwan na rin sila. Isa iyong kulay pulang red sofa na kumikinang-kinang pa kapag tinatamaan ng patay sinding ilaw. Naupo sila pareho. Ipagpapatuloy na niya sana ang paggala ng paningin para mas lalo pang bistahin ang paligid ngunit tinawag siya ng kaibigang si Shenna kaya nilingon niya ito. “Sissy! Ayos lang ba kung maiwan na muna kita rito. Pupunta ako ng washroom tsaka para tawagan na rin pala si Skite.” “Sige lang, pero bumalik ka rin kaagad ha,” aniya kay Shenna. “Sure, sissy.” turan naman nito, sabay alis na rin. Ang naudlot na paggala ng mga mata niya kanina ay itinuloy na niya ngayon. Sinanay ni Danna-ann ang sariling mga mata sa makulimlim na mga ilaw na sumalubong sa kanila kanina sa kanilang pagpasok pa lang sa loob ng bar na pinuntahan nila ng kaibigang matalik na si Shenna. May mga ilaw rin na patay sindi. Muling iginala niya ang paningin sa ibang bahagi. At bawat sulok na maaabot ng kaniyang mga mata ay masusi niyang tinitingnan na tila pinag-aaralan ang mga kilos ng mga ito. Mga kumpulan ng mga tao na abala sa pagkukwentuhan at mga nagtatawanan din ito minsan. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang iilang naroon na kababaihan at kalalakihan na naka suot ng maskara na may mga kausap na hindi naman naka maskara. Napakunot siya ng noo dahil sa mga nakitang iyon. Napatanong pa siya bigla sa kaniyang isipan. Tama ba sila ng napasukan na night bar ni Shenna talaga? Kakaiba kasi ito kung ikukumpara niya sa mga naunang night bar na pinag-gigimikan nila ng kaibigan. Marahil kaya The mask bar ang pangalan nito dahil sa mga nakamaskara. Naalala niya bigla ang isa sa nakasulat sa loob ng red folder. Sa oras na kapag ikaw ay lumabas na rito ay hindi mo maaaring sabihin sa iba ang mayroon sa loob at ang tungkol dito. Ang lahat ng makikita mo ay mananatiling confidential matter. Bakit magiging confidential matter nga pala? Tila wala naman kakaiba dito, maliban nga lang sa mga weird na nakamaskara. Hindi rin maingay na tugtugin ang maririnig na karaniwan nagmumula sa sound system or disk jockey, kung hindi isang tugtugin na nagmumula sa dalawang instrumento. Piano at Saxophone na tinutugtog ng dalawang tao. Kay sarap sa tainga pakinggan tila siya dinuduyan kaya napapikiit siya upang mas damahin iyon. Maya-maya ay muli siyang dumilat. Ang weird lang talaga sa kaniya na ganoon na nga ang tugtugin may mga naka maskara pa na iilan. Pero masasabi niyang class na night bar ito kung ganoon, pero para saan kaya iyong mga naka maskara kaya hindi na niya talaga napigilan ang matawa siya bigla sa naisip. “Parang gusto kong malaman ang tumatakbo sa iyong isipan sa likod ng mahihinang tawa na iyan, little girl dahil nag-iisa ka lang naman.” Nilingon ni Danna-ann ang boses lalaki na nagsalita na iyon sa kaniyang tabi. Halos hindi niya naramdaman ang paglapit nito sa kaniya at hindi lang iyon basta nakalapit pala kung hindi nakaupo na rin sa kaniyang tabi. Ngunit hindi ang pagtabi nito sa kaniya ang labis na tumawag sa kaniyang atensiyon kung hindi ang suot na maskara nito katulad ng iba na tanging bibig lamang ang nakalitaw ng buo. Masusi niya iyong pinagmasdan ang kabuuang ng maskara. Umangat na rin ang kaniyang kanang kamay upang baybayin ng sariling daliri ang maskarang nakasuot rito. Hanggang napunta sa mga mata nito ang kaniyang paningin. Maganda ang mga mata nito kulay Hazel brown. Pinakakatitigan pa niya iyon at bahagyang inilapit pa ang mukha. Tila sandaling tumigil ang lahat sa kaniyang paligid. Ang mga mata nitong tila nangungusap. “Stop staring at me like that, little girl. Because you wont like what I will do if you continuously glaring at my mask,” anas nito. Napalunok siyang bigla. Kay sarap sa tainga ang baritono nitong boses na buong-buo. Lalaking-lalaki. Iyon bang kahit boses lang naririnig mo katulad ng mga radio announcer, ay iisipin mong sobrang gwapo marahil ng mga ito sa personal. Pero dagli rin nawala ang paghangang iyon sa kaniya nang maalala kung paano siyang tinawag nito. “Stop calling me, little girl because I'm not little. I'm twenty three for your information tsaka may kasama ako may pinuntahan lang!” Kasabay ng pag-ismid niya sa lalaki. Pero nanatiling hinihimas ang maskara nito. “Oh, realy? You look younger than twenty three? Paano nakapasok rito ang fifteen year old na kagaya mo? Aloud ang lugar na ito sa mga desi-otso pataas alam mo ba iyon?” Agad tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Siya, fifteen year old lang sa paningin nito? Alam niyang baby face siya pero malala naman ang mata ng lalaking ito. “Excuse me lang ha, Kasasabi ko lng diba na twenty three na ako o baka kailangan tanggalin ko itong maskara mo para mabistahan mo ng mabuti ang itsura ko!” Nang akmang hihilahin na ni Danna-ann ang maskara ng lalaki ay mabilis nitong pinigilan ang kaniyang kamay at mariin na hinawakan ang kaniyang palapulsuhan. “Huwag!” anito nang pabigla. “Bakit?" nagtataka niyang tanong. Bakit ba kasi ang ilan sa inyo may maskara? Para saan ba iyan? Kami nga walang maskara, tapos kayo mayroon. Ah. . . siguro kapag mga pangit kailangan magmaskara noh?" Sinabayan niya pa iyon ng matunog na pagtawa. “Ofcourse not so, stop laughing, little girl. Kasama sa mga patakaran ng bar na ito na hindi puweding mag-alis ng maskara ang kahit na sino mang official member. Lahat ng may maskarang suot mapababae man o lalaki na nakikita mo rito ngayon, lahat iyan mga official member at kayong mga bisita lang kasama ng lahat ng staff rito na nakikita mong nagtatrabaho ay hindi aloud na may maskara katulad namin.” Namilog ang mga mata ni Danna-ann sa narinig. Kaya siguro kasama sa nabasa nila roon sa red folder na ang anuman na makikita at malalaman nila mula rito sa loob ay dapat manatiling confidential. Dahil sa oras na makapasok na sila sa loob at pumirma at magkaroon ng leak of information mula sa loob ay may kaukulang parusa sa mga katulad nilang bisita lamang. “Oh, I see. Anaway, my name is Danna-ann, so stop calling me little girl. May I know your name, too.” “I'm sorry but I can't tell because it’s a private information too.” Binitawan na nito ang palapulsuhan ni Danna-ann at muling umayos ng upo at nagpatuloy sa pagsasalita. “Kung itinatago nga namin ang mukha namin behind this mask, naturalmente na kasama roon ang identity. Call me whatever you want to call me but don’t forget to add my code number zero incase of.” Sumenyas ang lalaki para tumawag ng waiter na agad namang may lumapit. “Dalhan mo kami ng maiinom.” “Rigth away, sir.” Hindi rin nagtagal ay muling nagbalik ang waiter na may dala ng isang bote ng alak. May kasama na rin iyong baso. Agad nitong sinalinan ang basong dala at kulay red ang laman kaya sa tingin ni danna-ann ay red wine ang inumin na iyon. Inabot ng nakamaskara sa kaniya ang baso. “Tutal sabi mo twenty three ka na, Its time to drink.” Agad naman iyon ininom ni Danna-ann, ni hindi nagpatumpik-tumpik. “Masarap ang wine na ito kakaiba ang lasa.” Kaya muling ininom pa ang natitira. Muli namang sinalinan iyon ng lalaki. Kakaiba ang hatid na hagod niyon sa kaniyang lalamunan. Tila ito isang masarap na pagkaing nakahain na hindi mo titigilan hanggat hindi mo nauubos. “Oh, I want more, Mr mask man.” Ilang saglit lang ay uminit ang pakiramdam ni Danna-ann. Tila siya bigla rin lumutang. Kakaiba ang init na nadarama niya at hindi iyon basta init lang sanghi ng kalasingan. Imposibleng lasing na agad siya. Bigla siyang nalito sa naramdaman. Tiningnan niya ang lalaking nakamaskara sa namumungay na niyang mga mata. Napahawak din siya bigla sa balikat nito nang mahigpit at nanulas ang mga katagang iyon. “Mr. Mask man, please help me. Oh holy god I need someone to help me.” Sa narinig na tinuran ni Danna-ann ay awtomatikong naglanding ang paningin ng lalaking nakamaskara sa inuming alak na iyon. “f**k!” nanulas sa kaniyang labi. Gusto niyang batukan ang sarili kung bakit hindi niya iyon agad napansin. May suot naman siyang contact lens dahil hindi puwedi kung naka eye glasses siya tapos nakamaskara pa. Kung bakit nakalimutan din naman niyang sabihan ang waiter na iyon na huwag iyong wine na iyon ang dalhin sa kaniya. Special drinks nila iyon na may halong gamot na kung sino man ang makakainom ay tiyak na tataas ang libido sa katawan. Hindi iyon mawawala hanggat hindi mairaraos ng nakainom ang kakaibang init na aatake sa buong katawan nito. At tanging sila lang mga official member ng Mask bar na ito ang may karapatan kung kanino nila nais ipainom iyon. And s**t of all s**t! Wala siyang plano na ipainom iyon sa batang ito lalo na at ang totoo ay kilala naman niya itong talaga. Nilapitan niya ito kanina dahil inakala niyang niyang nag-iisa nga lang at para alamin na rin kung sino ang access nito kung paano itong nakapasok rito pero hindi na nga niya naitanong pa. Mas lalong wala na siyang makukuhang sagot rito ng matino lalo at nasa espirito na ng katawan nito ang epekto ng alak na iyon. Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng makitang halos hindi na mapakali si Danna-ann sa kinauupuan. Para na itong bulati na inasinan. Nag-uumpisa nang tumagaktak ang pawis nito at hindi rin nakaligtas sa kaniya ang ilang beses na paglunok nito. Paglunok na ginawa nitong may kakaibang hatid sa kaniya namang sariling katawan. Nag-uumpisa na rin itong hawakan ang sariling dibdib at ang mga ungol nitong kumawala sa bibig. He has no choice. Kailangan niyang gawin ang tanging paraan para mawala ang ganoong pakiramdam sa dalaga. At pagkatapos tsaka na niya iisipin ang sunod na hakbang pagkatapos ng gabing ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
50.7K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
59.6K
bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
212.3K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.5K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
25.5K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
94.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook