KAHIT DAMA NILA ang matinding pagod nang gabing iyon ay hindi nakaramdam ng antok si Goldee. Pinili niyang pumanhik sa itaas ng bahay kung saan napapalibutan ng kakahuyan at puno ang lugar. Mukhang walang bahay doon kung tatanawin mula sa labas.
Ang akala niya ay malalagutan na siya ng hininga kanina nang tinatanggal ang kwintas nila. Habang nag-aagaw buhay siya ay marami siyang mga pinagsisihan sa buhay. Nagsisisi siyang hindi niya nasabi ang mga nais sambitin sa mga taong importante sa kanya noong mga panahong may pagkakataon siya.
Maraming nasayang na panahon na hindi niya nakasama ang kanyang pamilya. Ang mga ito na lang ang mayroon siya ngunit pinili niya pang lumayo at mang-iwan upang hanapin ang sarili.
"It's been a long time, Gold," bungad ni Diezel.
Hindi niya napansin ang pagdating nito. Napailing siya. Napakalalim nga yata masyado ng iniisip niya.
"Yes. But, a long time isn't enough to heal all those wounds, Diezel."
Tumabi ito sa kanyang inuupuan. Inihilig niya ang ulo sa kaibigan katulad ng dati niyang ginagawa.
"Wala ako sa masasaya at malulungkot na parte ng buhay niyo. Naroon ako sa lugar na madilim at nakikipaglaban para sa buhay ko."
"But I am your substitute, Gold," alam niyang nakangiti ito habang tila inaabot ang kalangitan. "We can create good memories again. You see? This is not the end of everything. As long as there is tomorrow, we can live for another hope. We can correct our mistakes and be the best version of ourselves."
Umalis siya sa pagkakahilig sa kaibigan. Lumingon-lingon siya sa likurang bahagi na parang may hinahanap.
"Nasaan si Diezel? Ilabas niyo! Hindi ganito ang kaibigang naiwan ko!" eksaherada niyang wika. Muli siyang naging seryoso habang nakatingin sa tumatawang kaibigan. "Salamat sa pagiging mabuting kaibigan mo kay Blaze Diezel. Hindi mo siya iniwan sa panahong kailangan niya ng iintindi sa kanya."
Napangiti ito. "Ako ang dapat na magpasalamat dahil ipinakilala mo siya sa akin. Parang nagkaroon ako ng panibagong kapatid ulit."
Muli siyang tumingin sa kalangitan. Napakalayo na naman ng tingin niya. Ang kalangitan ang isa sa mga ipinagkait sa kanya nang nasa loob siya ng kulungan kaya naman ngayon ay hindi niya tuloy maalis ang tingin dito.
"Ngayong nandito na ang bituin na hinihintay ko, saka naman ako nahihirapang kausapin siya. Lagi na lang nasa maling pagkakataon at panahon," mahina niyang bulong.
"Hindi ako naniniwala sa maling pagkakataon at panahon, Gold. Mas naniniwala ako sa tadhana. Kung nakalaan na pagtagpuin kayong muli, ang ibig sabihin niyon ay panahon na upang itama niyo ang nasimulang mali sa una niyong pagkikita."
"Do you think so?" tinitigan niya ang kaibigan habang binabasa ang ekspresyon nito.
Tumango ito nang nakangiti. "Nandoon siya, naghihintay. Puntahan mo. Kahit ang sa inyo man lang ay maayos mo," sabi ni Diezel matapos na tumayo sa kinauupuan. Pinagpag nitol ang pwetan ng pantalon at tumalikod na upang umalis.
Ganoon na lamang ang kaba ni Goldee nang mga sandaling iyon. Tila gusto niya na lang na humarap sa gulo imbes na puntahan ang binata.
Wala bang time first sa mga ganitong pagkakataon? O kaya pause lang nang sandali upang makahinga ako? Hindi niya maiwasang itanong sa sarili.
Naramdaman niya ang pagsakit ng sugat niya sa bandang tiyan. Tila nagdadahilan na rin ang kanyang katawan dahil sa kabang nararamdaman.
"It's now or never, Goldee," paalala niya sa kanyang sarili. Humugot pa siya nang malalim na paghinga bago nagsimulang maglakad.
Nang makita niya ang likuran ng binata ay tila gusto ng bumigay ng tuhod ni Goldee. Mabuti na lamang at naroon ang isang upuan na kanyang nakapitan.
"Blaze..." mahina niyang pagtawag dito.
Kaagad naman na lumingon ang binata nang tawagin niya ang pangalan nito. Nakatulala ito noong una. Ngunit nang tumayo ay tila may mga butil ng luha na gustong lumabas sa mga mata nito.
"It's you..." lumapit ito nang dahan-dahan habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nang makalapit, hinawakan nito ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay. "It's really you, Goldee..."
Naninibago siya. Hindi ganitong Blaze ang iniwan niya. Malayong-malayo sa lalaking kilala niya.
"Matagal kong pinangarap ang pagkakataong ito. I… I can't believe that this is happening," nakita niya ang pagtulo ng mga luha nito bago siya yakapin nang napakahigpit.
"I'm sorry..." ang tanging salitang kanyang nasambit. “Maniwala ka, hindi ganito ang gusto kong mangyari nang sabihin kong gusto kong hanapin ang sarili ko. Hindi ko rin akalain na noong magdesisyon akong umalis ay lalo ko pang maiwawala ang sarili ko.”
"Shh..." mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng binata sa kanya sa loob ng ilang segundo bago ito kumalas. "Don't leave me again, baka hindi ko na kayanin," nakangiti ito ngunit may mga butil ng luha na patuloy na pumapatak sa pisngi.
Umiiyak siyang tumango dito at muli itong niyakap.
What did I do to deserve this man? God, he's waiting for me...
"I'm sorry..." mahina niyang wika sa binata.
"You don't have to, Goldee. I should be the one who says sorry. When you disappear, all the things that you have said make sense to me. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nawala sa ‘yo ang isang tao. Lahat ng sinasabi niya biglang nagkakaroon ng halaga. Pero sa huli, ang tangi mo lang magagawa ay magsisi,” tuloy-tuloy na wika ni Blaze habang lumuluha.
Nakatingin lamang siya sa mga mata ng binata. Bawat sinasabi nito ay itinatatak niya sa kanyang isipan, ngunit bakit sa puso niya iyon tumatagos?
“Yes, everything and anything that I see is just temporary. Living in the dark corner of this world is not favorable, but I can't help it. Because you're gone, Goldee. Nang mawala ka, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung anong pagkakasalang nagawa ko kaya paulit-ulit akong sinusubok nang ganito. Ako ba ang mali o ito lang talaga ang plano para sa akin?”
"Blaze..." nagtatanong ang mga mata niyang nakasalubong sa mga mata nito.
"My life without you looks like a sea without fish. A forest without animals. A sky without its sunshine. Do you see? I am nothing without you, Goldee. I didn’t know that you’d become part of my system. You’ve become my light in the darkest moment of my life. That time, I asked myself. Who is the one that I want to blame; chance, coincidence, or fate? I answered no one. This is all up to me. I should be the one chasing all of them so that I can have you."
"Blaze..." umiling-iling siya. Hindi niya maapuhap ang sasabihin sa binata. Masyado siyang nalulunod sa binibitawang salita nito ngunit natatakot siyang umahon.
“Pasensya na kung naintindihan ko ang nararamdaman ko kung kailan nawala ka. Hindi pa naman ako huli?” hinawakan nito ang kanyang magkabilaang pisngi. Kinulong nito doon ang maliit niyang mukha.
"Pero nandito pa ako, Blaze."
“When you fall in love, the scariest thing is you need to feel the pain. There's no such love if one person doesn't go through with it. Kailangan ba talagang gano’n? Hindi ba pwedeng magmahal lang ako?”
Tumulo ang luha ni Goldee habang nakatingin sa binatang naguguluhan. God… Blaze is vulnerable. He is tough on the outside, but he is the easiest one to get hurt. Ano’ng gagawin ko sa lalaking ‘to?
Pinunasan ni Goldee ang kanyang luha bago seryong tumitig sa binata.
"If that was your definition of love then, I don't want you to fall in love with me, Blaze. I don't want to see you in pain just because me." Sumimangot siya. "Hindi ako naghirap na lumaban sa buhay ko para lang makita kang masaktan."
Blangko ang unang ekspresyon ni Blaze ngunit natawa ito noong huli dahil sa hindi malamang kadahilanan. "Crackhead," isang mahinang kotong ang ibinigay nito sa kanya. "Akala ko nagbago ka na, shunga ka pa rin pala," lalong lumakas ang tawa nito.
Nanlaki ang mga mata ni Goldee habang hinihimas ang ulong kinutungan ni Blaze. Seryoso siya sa sinabi. Bakit ito tumatawa?
"Aba't!"
Itinaas niya ang kamay at balak sanang hampasin ang binata ngunit ibinaba din nang huli saka sumabay sa pagtawa nito. Sabay nilang pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Ipinagpapasalamat niyang sa kabila ng mga problema ay may magandang nangyayari pa rin sa kanila.
Ganoon ang naging ayos nila sa loob ng ilang minuto.
"Blaze?" nilingon niya ito nang nakangiti.
"Hmm?" tanong nito nang humarap sa kanya.
"Hindi ko alam kung tamang sabihin ko ito dahil hindi naman ako sigurado sa nakita ko pero... parang nakita ko si Pebby. Anong nangyayari Blaze? Bakit kayo nangdito? Paano niyo nalamang nandito ako? May nangyari ba?"
Ang kaninang maaliwalas nitong mukha ay napalitan ng pagkabalisa na labas niyang ipinagtataka. Anong nangyari nang mawala siya? May problema bang pinagdadaanan ngayon ang kanilang pamilya?