GANOON NA LAMANG ang pagtataka nila nang mamatay ang mga ilaw. Ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ni Blaze ay mas lalo pang bumibilis ngayon. Butil-butil na ang kanyang pawis dahil sa kaba. Dumagdag pa ang kadiliman na lumukob sa buong lugar. Anumang oras hindi malabo na sumugod ang mga halang ang bituka na nakapaligid sa kanila.
Hinanap kaagad ni Blaze ang kamay ni Goldee mula sa dilim. Hindi niya man ito makita ay nasisigurado niyang sa dalaga iyon nang mahawakan niya. Hindi niya makakalimutan ang pakiramdam kapag hinahawakan ito kahit na ilang taon na ang nakalipas.
"I cannot help but to think of the worst scenario on how we are going to die. We met at the wrong time and the wrong place again, Blaze."
Malungkot siyang ngumiti mula sa dilim. Pansin niyang maraming nagbago dito sa mga panahong nasa masalimuot na lugar na ito si Goldee. Sasaglit na minuto pa lamang na magkasama sila ngunit napansin niya na iyon. Ngayon, gusto niyang tanungin kung anong nangyari dito ngunit alam niyang hindi ito ang oras na iyon.
Habang bakas ang pagtataka sa mga tao ng Wardron dahil sa biglaang pagkawala ng kuryente, ganoon na lamang ang gulat ni Blaze nang isa-isang may humaltak sa kanila.
Bago pa man sila pumalag at manlaban ay nagsalita na ang pamilyar na boses.
"Ako ito,” boses iyon ni Alluka. “Huwag muna kayong gagalaw."
Tumalima naman sila rito.
Pansin ni Blaze na habang lumalayo ang kanilang paglalakad lalong lumalalim ang paghinga ni Goldee at Quest.
Katagalan, hindi mapakali si Blaze kaya hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ng dalaga. Hindi ito nagrereklamo ngunit alam niyang may dinadamdam ito. Hindi niya na ito binitawan pa magsimula nang mawalan ng ilaw. Natatakot na siyang muli itong mawala sa kanya.
Binuhat na nila ang dalawang dalaga nang mapansin na mas bumagal pa ang paglalakad ng mga ito. Kailangang mas mapabilis ang kanilang pag-alis sa lugar bago pa mapansin ang pagkawala ng dalawa.
"Are you okay?" hindi niya na mapigilang huwag magtanong noong huli. Mas humihigpit kase ang pagkakahawak ni Goldee sa manggas ng kanyang damit habang karga ito.
Nagpunta sila sa likod ng arena kung saan sa kabilang bahagi ay kagubatan. Nang makarating sila sa isang sasakyan ay hinubad ni Alluka at ng kasama nito ang night vision goggles na suot. Isa itong imbensyon na ginagamit upang makakita sa dilim.
"May ikinabit sa kanilang device. One hundred meters away from their bosses they can die. That's why they cannot leave this miserable place," sabi ni Alluka.
“Unnie…” tawag ni Goldee kay Alluka.
Pasimple lamang na ngumiti si Alluka kay Goldee. Kung may taong higit na makakaintindi kay Goldee, si Alluka iyon. Nakulong din kase ito ng walang kasalanan katulad ni Goldee.
"What are we gonna do?" tanong ni Diezel nang nag-aalala. Hindi nito malaman ang gagawin upang mabawasan ang nararamdamang sakit ng dalawang dalaga.
Si Blaze naman ay matindi ang pagkakahawak sa kamay ni Goldee habang nanonood sa ginagawa ni Alluka at Zina. Hindi niya alam kung paano nagkakilala ang dalawa ngunit hindi iyon ang importante sa kanya ngayon. Ang kaligtasan ng dalawa ang kailangan niyang unahin sa ngayon.
Katulad ni Quest ay kung saan-saan ibinabaling ni Goldee ang katawan. Pinagsama na ang pawis at luha sa mukha ng dalawa. Indikasyon na labis ang paghihirap ng dalawa kahit hindi nagsasalita ang mga ito at tinitiis lamang ang sakit na nararamdaman.
Mas humigpit ang pagkakahawak ni Blaze sa kamay ng dalaga habang ipinaparating dito na malalagpasan ng mga ito ang lahat ng pagsubok.
Tinanggal nila ang suot na balabal ng dalawa nang mas tumagaktak pa ang pawis ni Quest at Goldee.
"Bigyan niyo sila ng hangin habang tinatanggal namin ang tracker nila,” nagmamadaling utos ni Alluka habang may tinatanggal na kung ano sa bag na dala kanina. “Kailangang magsalubong ang paglabas at pagpasok ng hangin upang hindi ma-detect ng mga bumihag sa kanila na sinusubukan naming tanggalin ang tracker. Habang tinatanggal namin ito ay lalo silang mahihirapan sa paghinga. Mayroon lamang kaming limang minuto ni Zina sa pagtatanggal. Pagkatapos niyon ay malalaman na nilang nawawala ang dalawang ito. Konektado sa isa’t isa ang tracker nilang dalawa kaya kailangang sabay itong matanggal."
"Seryoso ba?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Diezel.
"They will feel the excessive pain while we are taking away this device. But we can't help it. We don't have any pain reliever," pahayag naman ni Zina at kung anu-ano ang inilalabas sa bag. "Hindi ko alam na ganito kalalang sitwasyon ang maaabutan ko. Wala akong nadalang oxygen mask kaya tumulong kayo."
"Do it now," kahit pilitin ni Blaze na kumalma ay nahihimigan pa rin ang pag-aalala sa boses ng binata.
"May password ang tracker!" nanggagalaiting sigaw ni Zina matapos usisain ang nakalagay sa leeg ng mga ito. Isang uri ng lock na kailangang pasakan ng maliit na pin o kahit anong magkakasya roon para mapihit ang gitnang bahagi.
"Wala na ba kayong ibang magagawa?" tanong ni Diezel. "Do something, please..."
"Did you know the feeling of trying so hard but everything was not enough? Damn! I was doing my best here, Diezel! Please, be quiet," naiiritang pahayag ni Zina.
“Kilala mo ako?” gulat na tanong ni Diezel.
“Kilala ko kayong lahat,” saad naman ni Zina.
Pinili na lamang manahimik ni Diezel kahit marami itong gusto na ibatong tanong. Katulad niya mas prayoridad nila ngayon ang mailigtas ang dalawa.
"Kung makakausap lang natin ang dalawang ito." Sinuklay ni Alluka ang buhok gamit ang kamay dala ng matinding prustrasyon. Ngayon lamang ito naging problemado ng ganoon katindi.
"Maaaring pangalan ng grupo nila," suwestyon ni Zina.
Muling bumalik si Alluka sa pagkakaupo at nag-isip ng paraan.
"Two minutes na lang," paalala ni Zina. "Pasensya na pero, mapipilitan tayong ibalik sila sa loob ng arena kung hindi tayo magtatagumpay ngayon."
Katulad ng nasabi nila Alluka kanina ay nakaramdam ang dalawa ng hindi maipaliwanag na sakit. Sinubukan nilang mag-decode ng unang posibleng password ngunit hindi ito gumana. Hindi sila maaaring manghula nang mahula lalo pa’t may posibilidad na lalong mailerto ang mga kalaban nila at mas manganib ang buhay ng dalawa.
"Wala bang ibang paraan para mapabilis ang pagtatanggal?" nalilitong tanong ni Blaze habang nakatingin kay Goldee.
Si Diezel naman ay hindi na gumagalaw at nakatulala na lamang. Ang butil ng mga luha nito ay gusto ng kumawala sa mga mata dahil sa matinding awa na nararamdaman ngunit pinipigilan ang sarili. Pilit itong nagpapakatatag.
“Ano ito?” tanong ni Blaze nang mapansin ang tattoo ni Goldee na dati namang wala.
"Ang tattoo nila sa kamay. Maaaring may kinalaman iyon dito!" wikang bigla ni Diezel.
Sinubukang titigan ni Blaze nang mabuti ang tattoo ng dalawa na nasa pulso. Parehas ang mga iyon. Sigurado siya na nakita niya na dati ang simbolo na parang isang maze. Hindi niya lamang matandaan kung saan.
“Diezel, pamilyar ang maze na ito—” sabi ni Blaze sa kaibigan nang may maalala.
Doon naman bumaba ang tingin ni Diezel at mabilis din na itinuloy ang balak na sabihin ni Blaze. “Ang labyrinth ng Minotaur! Representasyon siya ng kamatayan at takot. Simbolo ng pagiging arogante!”
“Hindi iyan ang kailangan ko ngayon, Diezel!” galit na turan ni Blaze. “Ano ang birth name ng Minotaur—”
“Asterion!” sagot kaagad ni Diezel.
"Iyan ang password!" sigaw ni Blaze kay Zina at Alluka.
“Sigurado ka?” tanong ni Zina.
“Just do it!” sagot kaagad ni Blaze. Tumatakbo ang oras nila. Hindi iyon oras ng pagdadalawang-isip.
Kaagad namang bumalik ang dalawa sa pagkakaupo at sinimulang pasakan ng pin ang butas ng kwintas na nasa leeg ng dalawa. Para iyong square maze na maliit na version kaya sa ganoong paraan nila pinapadaan nang sabay ang pin na hawak. Pinapagalaw nila sa bawat linya ng lock sa paraang mabubuo ang pangalan na Asterion.
Habang ginagawa naman iyon nila Alluka, patuloy naman ang pagbibigay ni Blaze at Diezel ng hangin sa dalawa. Magkapanabay din ang kanilang ginagawang CPR nang sa gayon ay hindi sila mahuli.
Hindi kalaunan ay umilaw ng kulay pula ang masikip na kwintas ng mga ito.
Tinitigan nila ang oras. Mayroon na lang silang segundo na kailangang habulin.
"Sasabog tayo!" may kasamang pagtili pa ang naging sigaw ni Zina.
Kaagad namang inagaw ng dalawang binata ang kwintas ng mga ito at dali-daling bumaba ng sasakyan. Sabay ring itinapon ng mga ito ang kwintas sa mapunong bahagi ng kagubatan.
Mayamaya pa ay nakita na nila ang magkakasunod na missiles na patungo sa pinagbatuhan ng kwintas na suot ng mga ito. Lumikha iyon ng matinding pagsabog.
"Hayaan mong si Blaze ang mag-drive, Zina," wika ni Alluka na humabol pa ng hininga na nakalimutan yatang gawin kanina.
Sumunod naman ito at sumakay sa likod na bahagi ng sasakyan.
Halos paliparin ni Blaze ang sinasakyan nila ng bumalik ang ilaw sa buong paligid ng Wardron. Hindi siya kinakabahan para sa kanyang buhay. Mas nag-aalala siya para sa mga kasama.
"Saan tayo dadaan?" tanong niya.
"We will take the secret road!" sigaw ni Zina mula sa bintana ng sasakyan.
Nasa locator naman iyon ng sasakyan kaya naman hindi na ito itinuro pa ni Zina.
NAKARATING SILA SA Seldron nang matiwasay pagkatapos na makipagkarerahan ni Blaze sa daan. Sumalampak lang nang basta si Zina sa sofa na parang walang ibang tao sa bahay niya. Ito ang unang beses na sumabak siya sa ganoong katinding pangyayari. Kailangan niya na yatang sanayin ang sarili lalo pa’t nagdesisyon siyang simulan ang ganitong pagbabago sa buhay niya.
"So, tell me, who are you?" panimula ni Goldee.
Napalunok si Zina. Hindi niya napansing nakatingin na pala sa kanya ito kanina magsimula nang pumasok sila ng bahay.
Iminulat ni Zina ang mga mata at umayos ng upo. Mukhang mahaba-habang paliwanagan ito bago niya makumbinsing hindi siya masamang tao.
"Matagal kong pinaghandaan ang araw na ito, pero hindi ko inakala na sasabak ako sa ganito kaaksyong pagkakataon," panimula niya.
"Don't go to many stopovers. We want an ally not an enemy," makahulugang pahayag naman ni Quest. "Just spill it clear."
"She's part of the Naraja clan, like me." Sabat ni Alluka.
"Ang pamilya ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng Naraja clan sa paggawa ng mga bagong teknolohiya. Magkababata kami ni Alluka. Isa ako sa mga naroon nang ma-kidnap siya," ngumiti si Zina nang mapait. "But I was too young that time, I can't do anything to protect her."
Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa utak niya ang mga kaganapan bago magkaroon ng kaso si Alluka at makulong.
"Kaya mo ba ako tinulungan at pinatulog dito sa bahay mo?" tanong ni Blaze.
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Zina ang pagtaas ng kilay ni Goldee. Someone's jealous. I know the tea…
"I have access all over this place," tumayo si Zina at pinasunod ang mga ito sa kanya patungo sa kwartong pinagdalhan niya kanina kay Blaze. "I can easily see everything using this."
"Mas mataas ang ranggo sa amin ng Naraja Clan. We are the intelligence task force. We have the same mission, we need to protect the king, but we failed."
"Si Taigo, bakit hindi siya sumama rito kasama ang pamilya niya?" tanong muli ni Blaze.
"Labas si Kuya Taigo sa bagay na ito. Ako na lang ang natitirang orihinal na nasa task force. Luckily, nabuo ang lugar na ito bago mapatay ang mga magulang ko. Malas ko lang, hindi ko namana ang talino nila."
"Let's talk about this tomorrow. My brain is drained. I cannot handle too much information," nakasimangot na pahayag ni Alluka bago tumayo sa kinauupuan kanina. “If you want me to spill some tea, let me sleep for a while. I don’t have any sleep when we go to this place. I have too many things to do.”
"Goldee, we need to talk—"
"Kailangan nating mag-usap, Quest—"
Nagkatinginan ang dalawang binata at sabay na napangisi. Pareho sila ng iniisip
"At magkasundo na pala kayong dalawa?" nakangiting tanong ni Goldee kay Diezel.
Katulad ni Quest ay nanghihina pa rin ito.
"Namiss kita, Ginto." Nakangusong pahayag ni Diezel.
"Hug nga kita!" natatawag pahayag ni Diezel.
Lalapit pa lang sana si Diezel nang humarang naman kaagad si Blaze.
"Touch her, and you're dead," pagbabanta ni Blaze.
Napalunok nang awtomatiko si Diezel. "Papatayin mo ako, par! Talo-talo na ba?" eksaheradong wika ni Diezel. “Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin, ganoon na lang iyon? Iiwan mo ako sa ere kase nakita mo na ang babaeng nagpapatibok—”
“Shut up, Diezel,” mahinang bulong ni Blaze matapos na takpan ang bibig ni Diezel.
"Love quadrangles are all over this place. I am leaving now because I can't take this anymore!" nakangiwing pahayag ni Zina. "Too much sugar can cause me diabetes."
Nagpapadyak siyang umalis doon ngunit hindi niya maiwasang huwag mapangiti nang makatalikod. Nasisigurado niyang magbabago na ang takbo ng Reiffton City sa pagdating ng mga ito…