Chapter 13: Wardron

1582 Words
NAKATINGIN LAMANG SI Goldee sa toro na patuloy pa rin pagwawala dahil sa suot niyang balabal at sa mga mantsa ng dugo sa damit ni Diezel. Iniisip niya pa rin kung saan ang kahinaan nito nang sa gayon ay tuluyan na nilang mapabagsak. Hindi naman siya maaaring maghubad ng balabal sapagkat kailangan nilang itago ang kanilang pagkakakilanlan lalo na kung ang plano nila ay tumakas. Hindi niya inaasahang sa ikatlong beses na paglabas nila sa rehas ay makikita niya si Blaze—ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin siyang lumalaban hanggang ngayon. Marami siyang tanong na gustong mabigyan ng kasagutan ngunit hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan muna nilang matalo ang kanilang kalaban bago niya magawa ang nais. Kinulong sila nang mahabang panahon upang hasain sa pakikipaglaban. Dati, noong baguhan pa lamang si Goldee sa kulungan, ang akala niya’y may nagawa siyang pagkakasala kaya siya nasa piitan. Nang tumagal, naisip niyang hindi na tama ang ipinapagawa sa kanila. Hindi kailanman itinuro sa kulungan na saktan at patayin ang kahit na sinong kasama mo sa selda. Kalaunan, naintindihan niya na ang dahilan—para sa pera. Ang bawat panalo nila ay may kapalit na malaking halaga. Inaabot ng milyon ang kada pusta sa kanila ni Quest dahil babae sila. Kahit na makabagong panahon na ngayon ay tingin pa rin sa mga katulad nila ay mahihina. Kaya naman nang magsunod-sunod ang kanilang pagkapanalo ay mas nagiging malaki ang pusta sa kanila. Para silang mga manok na pinangsasabong ngunit wala silang nahihita kun 'di sakit at sugat sa katawan. Bilanggo sila ng sistema. Kung nais nilang mabuhay nang mas matagal, kailangan nilang sumunod. Hindi rin sila maaaring magpatalo sapagkat iyon na ang huling araw nila sa mundo. Hindi kaaawaan ng kahit sino ang talunan. Iyon ang batas ng taga-Wardron. Gusto man nilang kumawala sa mga taong halang ang bituka ngunit katulad noong nasa isla sila ay may mga tracker din na nakalagay sa kanilang katawan. Hindi sila basta-basta makakatakas. Pakiramdam niya’y kamatayan na lang ang tanging paraan kung ipagpipilitan nila. Muli siyang lumabas sa kulungan habang nagpapaikot-ikot ng tingin sa paligid si Blaze. Si Diezel ang hinahabol ngayon ng toro. Kapag malapit na itong maabutan ay sinasadya nitong idikit ang sarili sa pader kaya naman bumabangga roon ang toro. Hindi naman ganoon kabilis tumakbo ang toro sapagkat may pabigat itong metal sa paa kaya nagagawang takasan ng kaibigan niya. Nakasunod naman sa likuran ni Diezel si Quest. Kung hindi siya nagkakamali ay balak nitong sumampa sa likurang bahagi ng toro. "Sa taas, Blaze!" sigaw ni Goldee. Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin kaya naman dali-daling umakyat ang binata sa pinagkulungan ng toro kanina. "Diezel!" may kalakasang pagtawag ni Blaze. Muling sinilo ni Quest ang paa ng toro gamit ang kadena. Pinigilan nito iyon sa abot ng makakaya ngunit kaagad din nitong binitawan nang huli sapagkat natatangay na ito. Sapat naman ang oras na ibinigay ni Quest para makapasok nang dali-dali si Diezel sa kulungan at maisarado ang pinto nang patalikod. Ang galit na galit na toro ay muling pinagdiskitahan ang kulungan. Paulit-ulit nito iyong binabangga gamit ang mga sungay nito. Naghiyawan ang mga manonood sa nakikitang nakakakabang mga eksena at tagpo. Nagsilbi pa silang pampalipas oras ng mga ito. Nang makakuha ng tamang bwelo sa pagtalon si Blaze ay tinalunan kaagad nito ang likuran na bahagi ng toro. Napangiwi si Goldee sa nakita. Paniguradong nakakahilo ang pagsakay doon habang patuloy ang pagkakakapit nito. Nahirapan pa nang pagkuha sa unang susi si Blaze sa ulunan ng toro dahil mahigpit ang pagkakatali niyon. Ibinato kaagad ni Blaze kay Quest ang susi nang makuha. Magtatangka pa lamang itong kunin ang pangalawang susi nang hindi inaasahan ni Blaze na itataas ng toro ang katawan at biglaang tatalon nang mataas. Tumalsik si Blaze! Dahan-dahan itong tumayo nang nakangiwi habang hawak ang balakang. "Balyahin niyo ang tagiliran niya!" sigaw ni Goldee habang tumatakbo patungong kulungan. Dali-dali namang binuksan ni Diezel ang kulungan nang makalapit si Goldee. Isinarado rin nito iyong muli nang mapansin ang pagsugod na naman ng toro sa kulungan. Parehas na may pula ang suot nila ni Diezel kaya ngayon sila ang pinag-iinitan. Kumilos naman si Quest at Blaze nang pagdiskitahan ng toro ang kulungan. Katulad nang sinabi niya sa dalawa, sabay na pinuntirya ng mga ito ang tagiliran ng toro. Pansin nilang lalo itong nagalit! Mas naging agresibo ang toro. Tumalikod si Goldee at Diezel bago dali-daling sinimulang susian ang posas ng kaibigan. Nang matanggal ang posas nito ay naghintay si Diezel ng pagkakataon sa muling pagbalya ng toro. Hinawakan ni Diezel ang magkabilaang sungay ng toro nang makalapit upang mapigilan ito nang panandalian. Dahil sa ginawa ni Diezel, nakakuha naman ng pagkakataon si Blaze na muling puntiryahin ang tagiliran ng toro habang sinisilo naman ni Quest ang ibabang bahagi ng sungay nito. Nang muling makalapit ang toro, ginamit ni Goldee ang pagkakataong iyon upang sipain ang isang mata ng toro! Umatungal ito sa sakit na nararamdaman. Sumalpok ang kamay at braso ni Diezel sa kulungan matapos na pigilang muli ang toro. Ngunit sapat na ang oras na iyon upang mahigpit na maitali ni Quest sa kulungan ang toro. Muling pinagdiskitahan ni Blaze at Quest ang tigiliran nito. Lahat ng suntok, sipa at iba pang pag-atake ay ginamit ng dalawa. Habang nangyayari iyon, tila umaalog naman ang mundo nila Goldee at Diezel habang nasa loob ng kulungan dahil sa panlalaban ng toro. Isang malakas na pagpuntirya pa ang ibinigay ni Blaze bago tuluyang manghina ang toro at unti-unting bumagsak sa lapag. Habol nila ang malalim na paghinga matapos ang labanang iyon. Naghiyawan muli ang mga nanonood na kanina ay pigil-hininga sa panonood. Matapos ang ilang minuto na pagkakasalampak sa lapag, tumayo na si Diezel at inabot sa awang ng kulungan ang isang susi upang mabuksan ang posas ni Quest. Nang matanggal ng tuluyan ang posas nito, pinagtulungan ni Blaze at Quest ang pagtatanggal sa nakaharang na toro na bagsak na ngayon. NAGULAT SI BLAZE nang makatikim siya ng isang malakas na sampal kay Goldee. Hindi niya inaasahang iyon ang pagbating matatanggap sa dalaga nang makalapit ito. Napakasakit niyon at tila umikot ang buong mundo niya. Ngayon, gising na gising na talaga ang buo niyang sistema. Pakiramdam niya rin ay bumakat ang sampal nito sa kanyang pisngi. Tila naroon pa rin ang palad ng dalaga sa kanyang mukha. Awtomatikong hinawakan niya ang pisngi habang nagtatakang nakatingin sa dalaga. "Ano bang naisip mo at tumulong ka pa?" tanong ng dalaga sa kanya. "Damn!" ang unang salitang kanyang naibulalas. "Masakit iyon, Ginto! Kayo na nga ang tinulungan, ikaw pa ang galit. I don't really understand women!" "Kailangan pa pala naming magpasalamat sa iyo?" galit na tanong ni Goldee. "You should," nakangising pahayag niya. Huminga na lamang nang malalim si Goldee. Pinagmasdan nito ang mga taong nagsisimulang bumaba mula sa mataas na bahagi ng hagdan. Ang mga nasa ibaba naman ay nagsisimulang tumawid ng berindelya. Doon nabaling ang tingin ni Blaze matapos makita ang pag-aalala sa dalawang babae. Hindi si Goldee ang uri ng tao na mananakit ng walang dahilan. May kailangan ba siyang paghandaan? "The dog and the cat met again," bumubulong-bulong si Diezel saka sumipol noong huli. "You too. Kailangan nating mag-usap," seryoso nitong baling kay Quest. "Wala tayong pag-uusapan," mariin sagot ni Quest sa kaibigan niya. Lalong nadagdagan ang pagtataka ni Blaze nang inihanda ni Quest ang kadena gayong tapos na ang labanan. "Now we should face the act of your chivalry," malamig na wika ni Goldee habang nakatingin sa mga taong patuloy ang pagbababaan. "Blaze, ang naiisip ko ay naiisip mo rin ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Diezel nang maintindihan din ang nangyayari. "Kung naiisip mong pagtutulungan tayo. Tama ka. Kung naiisip mong kapag may tumulong sa labanan ay pagtutulungan ng lahat- tama ka pa rin! Kung naiisip mong pwede tayong mamatay dahil hindi natin kakayanin ang ganyan karaming tao—mas lalong tama ka!" tuloy-tuloy na wika ni Goldee at halos hindi na huminga. "Anong klaseng batas iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Diezel. "Iyon ang isa sa mga batas na sinusunod ng mga taga-Wardron. Hindi pwedeng tumulong dahil ang tingin ng mga ito ay mahina ang taong tinulungan nila. Ang kahinaan sa lugar na ito ay kasalanan." Pareho silang natahimik ni Diezel dahil sa narinig. Kasalanan ba talaga ang maging mahina? “You need to find a weapon,” sabi ni Quest sa kanila. Doon bumalik sa kasalukuyan si Blaze. Umikot kaagad ang tingin niya sa paligid upang maghanap ng gagamiting pangprotekta sa sarili. "This is gonna be deadly," naiiling na komento ni Goldee. "This is gonna be fun," sarkastikong pahayag naman ni Quest. Habang umuurong sa gitnang bahagi, papunta sa direksyon nila. Naging hudyat ang pagsigaw mula sa kabilang bahagi ng arena sa pagsisimula ng rayot at pananambang sa kanilang apat. Sa dami ng taong naroon ay masasabi nilang hindi nila kakayanin ang pakikipaglaban. Tagilid sila sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi na rin maganda ang kundisyon ng katawan nila dahil sa pakikipaglaban sa toro. Pinagbabalya ni Blaze ang ibang lumalapit sa kanya upang makapag-ipon ng lakas. Iyon lang pwede niyang gawin sa ngayon habang hindi pa nakakapag-isip ng plano. "Nalintikan na!" singhal ni Goldee sa kabilang panig. Dalawang lalaking matatangkad at malalaking katawan ang lumalapit dito. Himala na lamang kung mabubuhay sila sa pakikipaglaban ngayon. Sigurado si Blaze na hangga’t nakapaglalakad sila ay hindi sila titigilan ng mga nasa loob ng arena. Sapat na ang kwento ni Zina upang masabi niya kung gaano kahalang ang bituka ng mga narito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD