Chapter 26

2176 Words

"Ma?" mahina kong tawag kay Mama Sandra na nasa tabi ko nakaupo habang ang ulo niya ay nakayukyok sa gilid ng hinihigaan ko. Nasa hospital ako at naka-dextrose pa. Nang marinigi niya ang pagtawag ko ay agad siyang nagmulat ng mga mata at tuwa ang aking nasilayan mula roon. "Nak, kumusta ka na? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala niyang tanong habang kinapa-kapa niya ang noo ko. "Okay lang po ako, Ma. Si...si Nick po?" Kahit pa, hindi pa masyadong okay ang kalagayan ko, si Nick pa rin ang nasa isipan ko. "Ah, si Nick? Ano kasi....teka, ipapaalam ko lang muna sa doktor na gising ka na, huh?" Tumangu-tango ako bilang pagsang-ayon. Agad ding lumabas si Mama. Napatingin ako sa phone ko na nakapatong sa isang maliit na mesa. Dahan-dahan ko itong sapilitang inabot pero napatigil rin ako bigla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD