"What is this, honey?" Napaawang ang mga labi ko nang makita kong hawak-hawak ni Nick ang note na ibinigay sa akin ng hindi ko kilalang tao noong nakaraang araw. Dali-dali ko itong inagawa sa kamay ni Nick at itinago sa aking likuran. "Where did you get it?" I asked him. "Who gave it to you?" he answered me with a question. "Hindi ko alam," nakayuko kong sabi. "Why didn't you tell me about that matter? Kinikilala mo ba akong asawa mo?" Agad akong napaangat ng tingin sa aking narinig. Nilapitan ko si Nick saka hinawakan sa kanyang braso. "Don't get me wrong. Ayaw ko lang kasing mag-aalala la sa akin. Isa pa, alam kong walang magawa sa buhay ang nagpadala sa akin nu'n kaya niya nagawa 'yun." Pilit kong sinusuyo si Nick dahil alam kong masama ang kalooban niya sa nalaman. "Next time

