NGAYONG ARAW ay hiniram muna ako ni Manang Felia mula sa opisina dahil sa sobrang daming kailangan tapusin na trabaho. May araw din talaga na ganito sa farm, hindi mabilang ang dapat trabahuhin sa mga perlas lalo na kung harvest time, kahit na sobrang dami ng empleyado sa farm. "Angeline, mukhang siniseryoso mo na ang pag-angat mula sa putik ah?" Biro sa 'kin ng mga taga-Station 2 pagka-upo ko ’di kalayuan sa kanila. Naiilang na tipid na nakitawa lamang ako nang mag-angat ng atensyon sa kanila saka nagbalik ulit sa trabaho. "Nakakasundo lang ho siguro ako ng Senyorito pero walang malisya." Ani ko. "Talaga ba?" Tumango ako at nagkaniya-kaniya sila ng biro sa akin, lahat sila na naririto. Hindi lang yata limang atensyon ang nasa akin ngayon, parang buong Station 2 ay ako ang pinag-u

