“ANO ka ba naman, Angeline! Napaka kontrabida talaga nito sa mga kasiyahan ko sa buhay!" Ngumiwi ako nang balikan ko ng tingin si Nanay, ang sakit pa ng pagkakatulak sa balikat ko. Kahapon nang malaman ko mula sa mga katrabaho namin dito sa farm na kapitbahay din namin, na lumalapit nga si Nanay doon sa bumbay na nagpapautang para magshopping ng mga bagay na hindi naman namin ganoon ka-kailangan, sinita ko na siya at nagtatalo kami hanggang ngayong mga sumunod na araw. "Ano hong kontrabida, wala naman talaga tayong pambayad diyan, Nay!" Mahina ngunit mariin kong singhal sa kaniya. Narito na kami ngayon sa farm, maaga na ulit at balik trabaho na ulit. "Alam na ho ba iyan ni Tatay? Baka mayari tayo pareho dahil po sa kauutang mo!" "Eh naniniwala naman akong ito na ang umpisa ng pag-angat

