KABANATA 15

445 Words

SA MGA sumunod na araw ay gaya ng inasahan ko, dinumog ako ng lahat ng mga kapitbahay at amiga ni Nanay na nakakita ng pagbaba ko mula sa mamahaling sasakyan ng Senyorito noong nakaraan. Lahat sila pati ang mga kaibigan ko ay panay ang tanong kung ano na ba ang mayroon at parang palagi ako nitong isinasama sa mga espesyal na lakad, may paghatid pa sa bahay namin. Siyempre itinatanggi ko lang ang mga haka-haka nilang lahat. Nakakahiya naman kung umabot kay Senyorito na tingin ng lahat dito ay may gusto siya sa akin... paano kung wala naman? Noong mga lumipas na araw kasi magmula noong magpunta kami sa lupain nila ay nagsunud-sunod din ang pagsama niya sa akin doon. Sinasabi lang sa 'kin ng Senyorito na escape niya raw iyon mula sa iritasyon niya sa pagdikit sa kaniya noong si Maurice.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD