WALA akong ideya kung anong lugar ang pinagdalhan sa akin ng Senyorito pero base sa nakikita ko ay sakop at parte pa rin ito ng lupain na pag-aari nila. Iyon nga lang ay tagong-tago ang hitsura. Hindi kagaya ng kaninang bumungad sa 'min, ngayon ay puno ng hilera ng mga bahay na gawa sa kahoy ang lugar, hindi gaano karami at simpleng-simple lang ang hitsura ng paligid. Mukha silang matiwasay na namumuhay rito sa lugar. "Hindi ko po alam na may ganito palang lugar pa rito," panimula ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng Senyorito. "Maybe because no one really knows that they're living here." Nagtataka ang ekspresyon na nilingon ko ito at magtatanong pa sana sa ibig niyang sabihin nang biglang may mga lumapit na bata sa 'min, lalo na sa kaniya at sabik na yumakap sa mga binti nito. "I

