KABANATA 13 “SANDALI, Senyorito, saan po ba tayo pupunta?” Sa wakas na asik ko nang makarating kami sa garahe at makabawi ako sa bigla-biglang pag-aaya ng Senyorito sa ‘kin mismo. Kanina kasi ay dumaan pa kami sa mismong dining area para lang ipaalam niya sa lahat ng naroon, kasama na ang Senyora Melida at ang pamilya mismo ni Maurice, na aalis siya at ako lang ang isasama niya. Siyempre nagulat ang lahat. Nagtaka. Ako rin ay ganoon pero hindi na siya nagbitaw ng paliwanag sa kanila. Tipikal na ugali ng Senyorito sa lahat ng nasa mansyon mula pa noon, kung ano ang gusto niya ay ‘yon ang masusunod, at walang makakapigil noon. Hindi ko lang nagustuhan ang tingin sa ‘kin ni Maurice, parang namukhaan niya yata ako o ano. Sigurado akong natatandaan niya ‘ko. “Pasensya na po sa pagkukuwestyo

